Lunes, Disyembre 20, 2010

Ako sa akin mismong bakuran

Ang sabi ng mga kapit bahay ko, maganda daw ako
malaki ang income ko, marami akong natutulungan.
lalo na saking mga anak...totoo naman, un ang dahilan
kaya ako nandito, gusto kong tulungan ang mga anak
ko. Mahirap ang buhay kaya naman ginagawa ko ang
lahat para sa mga anak ko, para sa kanilang kinabukasan.
Maganda talaga ako, isa ako sa nakakatulong upang
maging maunlad ang lugar ko..daig ko nga ang mga
kapit bahay ko sa pagaaakyat ng yaman para sa bayan ko,
mayaman kasi ang mga pinagmulan kong pamilya.
nasa iba't ibang bansa sila at matatag na din ang kanilang
kabuhayan, dati nasa japan ang magulang ko pero ngayon
nasa germany na sila at patuloy na nagpapayaman..
Bonggang bonga ko no?

Subalit sa kabila ng lahat ng ginagawa ko para sa
mga anak ko, bakit ganoon ang nangyayari sa kanila?
Sila sila hindi magkasundo, ang iba nag-aaway away, ang
iba nananamantala. hindi ba nila alam ang hirap na ginawa
ko para sa kanila? Hindi ba nila alam ang sakit na
nararamdaman ko sa tuwing sila ay nagkakagulo?
Sa kabila ng parangal na natatanggap ko, ng mga pag bati
ng mga kapit bahay ko sakin, ng kanilang pag tingala at
paggalang sakin, ganito ang nararamdaman ko.. nasasaktan
ako sa sinasabi nila, dahil sa loob mismo ng aking bakuran
hindi ako mahalaga. Wala akong achievements na nakuha,
dahil ang mismong mga anak ko ang nananamantala sakin.

Minsan, dumating ang balitang kukunin  na ko ng magulang
ko upang dun na manirahan sa ibang bansa, gustuhin
ko mang isama ang mga anak ko pero hindi pupwede.
Kaya nanatili ako dito para sa kanila.. dahil mahal ko
ang mga anak ko..

Inakala ko na magbabago sila dahil sa paninindigan kong
manatili dito pero nagkamali ako, dahil walang pagbabago
ganon pa din ang mga anak ko, naghihilahan pababa,
nag aaway, nagkakainggitan, nagsasamantala sa kabaitan ko.
Silang mga anak ko ang yumuyurak saking pagkatao..
Silang mga anak ko ang gumagago sakin...

Sa tuwing tumitingin ako sa salamin, maganda pa din ako
kaya kong itago ng ganda ko ang nangyayaring kabulukan
sa bakuran ko. Marami pa din ang maakit sakin at marami pa
din ang titingala sakin. Hahangaan pa din ako ng mga kapit
bahay ko. Marami pa din ang lumalapit sakin, gusto nilang
mabahaginan sila ng aking biyaya...
Ito ako, hindi na lilipas ang aking ganda, ngayong lalo
pa akong gumaganda dahil sa pinapadala sakin ng magulang ko
at syempre ibinibigay ko sa mga anak ko un.
Pero ang mga anak ko
hindi talaga nagkakasundo. Mapagsamantala, sinasamantala nila
ang kahinaan ng iba.

Hayy, wala akong magawa dahil mahal
ko sila. Siguro, patuloy ko na lang lolokohin ang sarili ko.
Sa mata ng mga kapitbahay ko, maganda ako, kahangahanga,
kapansin pansin, maraming naakit. Hindi nila dapat malaman
ang bulok na nangyayari sa loob mismo ng aking bakuran.
Nakakahiya, nakakasuka, nakakababa ng moralidad..
Hangang kelan ko kaya matitiis ang ganitong sistema sa
bakuran ko, hindi ko mapasunod ang aking mga anak,
wala silang malasakit sakin. Wala silang utang na loob,
patuloy pa din sila sa pagyurak sa pagkatao ko.

hayyy... salamat sa atensyon mo, ikaw na bumasa
ng sulat ko...salamat at nailabas ko sayo ang sama
ng loob ko...

Nalimutan ko... ako nga pala si (insert name of company),

ito nga pala ang panagalan ko..






Lunes, Disyembre 13, 2010

Makina at Kawatan

 Sa Talyer..

"Pre, sure ka ikakarera mo yang kotse mo? bulok na bulok na pre, langya.. sinong pupusta satin nyan?"

"Relax pre, tingnan mo ang makina ko, oo bulok ang katawan nitong kotse ko, pero pinalitan ko ng makina ito pre, kahit ferari di uubra sa bilis nito"

"Taena pre, sure win ito,. tested ba ito? Hayop ang ganda ng makina mo. Astig pre"

"Pre, sinadya kong hindi baguhin ang body ng kotse ko, tatapatan natin ang pusta ng kalaban"

Sa lugar ng karera..

"Pre, ayos na ayos, Owner type jeep lang ang kalaban, 5k lang ang makina pre, nasilip ko kanina.  pakakainin mo lang yan ng alikabok"

"Pre, taena, Owner lang? putsa pre, tapatan mo lahat na pusta nila, dehado tayo sa pustahan pero tapatan mo pre.. sure win ito"

Ready...... Get set... At nag green ang Ilaw

Broommmmm... broommmm..... brooooommmmmmmmmmmmmmmm.....

Ilang oras ang lumipas..

"Putsa pre, anong nangyari.. bakit tayo natalo.. ayos na eh ang laki ng agwat mo sa kanya.. taena naman. 5k lang ang kalaban ng makina mo, tinalo ka.. langya naman oh"

"Putanginang pang-ilalim yan.. nag wiggle ang kotse pre,, namamalag ang katawan, kondisyon naman ito bago isabak eh. muntik pa nga tumalsik ang gulong, nak ng tipaklong oo"

"Syet naman, sa susunod pre, pag nagpalit ka ng makina, isama mo ang katawan ng kotse mo, ang galing nga ng makina mo, bulok naman ang katawan.. wala rin, pipigilan lang nyan ang bilis ng makina mo... nasaan ba ang dating makina nyan?"

"Nandun pre sa kongreso"

"Putang*na.. Bulok na gumagana pa?"




-- ano't ano man ang ganda ng iyong adhikain, kung ang nakapaligid naman sayo ay bulok pa din, wala ka pang tamang landas na tatahakin.

Biyernes, Disyembre 10, 2010

Ang Larong "Sipa"

Habang naglalakad ako galing sa galing sa paghunta sa kapit bahay, may biglang bumagsak sa harap ko. Gulat ako kasi muntik na ko tamaan, maya maya may batang palapit sakin at kinuha ung bumagsak s harap ko.. "Sipa" pala yun o (atchoy kung tawagin namin nung bata pa ko, wag nyo na tanungin kung bakit atchoy kasi nakagisnan ko lang yan).. Sa mga hindi nakakaalam ng "Sipa" ito ung tinga na may butas sa gitna na nilagyan ng mahabang tali o plastic...

             


                                       (ganito nilalaro un kung hindi nyo alam)

Noong elementary pa ko, kalimitan ginagamit ng mga kalaro ko eh siko o kaya ung kanilang notebook, pero ang talagang ginagamit sa "Sipa" eh paa (syempre kaya nga "Sipa" diba?). Sinisipa ang "Sipa" at hindi kailangan bumagsak sa lupa..pananatilihin mo ang "Sipa" sa ere gamit ang paa sa pamamagitan ng pagsipa, bawat sipa ay may bilang. (Tip, mas ok kung nakasapatos ka kasi masakit sa paa ang mag sipa). Meron ding taya dito. Mapaparusahan mo ang kalaro mo kung sa huling bilang ng pag sipa mo ay talagang sisipain mo ng ubod ng lakas ang "Sipa". Pag natumbok mo, habol ang kalaro mo.. pero iiwasan mo ito masalo ng paa nya at maituloy nya ang pag sipa mo sa kaparehang bilang na ginawa mo at ikaw ang magiging taya.

Ang larong sipa bago ko natutunan, talaga namang sumakit ang bukong bukong ko kasi dun natama ang matigas na bagay na tingga, masakit talaga pero walang reklamo kasi gusto ko matutunan eh. Ito ang laro namin noong bata pa ko.

Pinulot ko ang "Sipa" at inaabot ko sa bata. Ngumiti sakin ang bata sabay pasalamat sakin, kita ko pa ang suot nyang sinelas, nakalagay sa bukong bukong nya. Napangiti ako sa sarili ko kasi ito din ang gawain ko noon.

Nakakalungkot isipin na unti unti ng nawawala ang larong ito ngayon, patunay lamang ng paglipas ng panahon. Dahil sa pagsulputan ng iba't ibang klase ng laro, (computer games, internet, gameboy, at kung ano ano pa) halos nawawala na ang kulturang laro na minana pa natin sa ating mga ninuno. Dinadala ng isang bata ang kung anong kultura meron sya hanggang sa kanyang pagtanda. Nagkakaron ito ng epekto sa kanyang pagkatao. Ang computer games at iba pa na karamihan ay puro barilan, hagaran ng kotse o labanan o digmaan, ano ang ugaling maaring ipasok nito sa kaisipan ng isang bata diba? at tulad din ng "Sipa", pisikal na laro na humuhubog sa iyong kaalaman, na maari mong magamit sa hinaharap. Nakakatuwang isipin na dito sa aming lugar, may naglalaro pa din nng "Sipa" tulad ng batang iyon.

Bakit ko naisulat ito? wala lang naman.. naalala ko noong mga ilang linggo lang nakalipas habang ako'y pauwi sa bahay, may dalawang kabataang dayo lang sa amin at ako'y nakursunadahan.. ayun, Sipa sa mukha ang inabot nila sakin. "kung uso na ang computer games na yan noon, kung hindi bugbog sarado eh baka tepok na ko ngayon"..


note:
nakatulong din sakin ang larong prisoner (sikyo), ang bilis ko kayang tumakbo ngayon hahahaha, hindi umabot sakin ng dumating ang iba pa nilang mga kasamahan... at ang larong plever (ewan ko kung tama spelling, laro na binabato ng bolang medyas ang taya sa gitna at kailangan iwasang tumama ang bola alinman sa katwan ng taya)  magaling din ako umilag wahahahaha, puro hangin tinamaan nila..

Huwebes, Disyembre 09, 2010

Nutri Trip

Natatandaan ko pa noong elemtary, public school ang pinasukan ko, hindi pa uso ang nursery at kinder, pero pede salingkit (saling cat) isasama ka sa grade 1 kung 6 yrs old ka lang at at pagkatapos ng school year, grade 1 ka na ulit. 

Madaming bagay na hindi ko maunawaan noon na ngayon ay unti unting nabibigyan ng linaw sakin, hindi naman ito itinuro noong elementary pa ko, nakikita ko lang na  minsan ginagawa namin mag aaral lalo na kung breaktime. Langya, naalala ko ung nutriban, alam nyo ba yon? Alam ko ang iba alam yan, ung mga nag private school, hindi alam yan. Ito ung tinapay na matigas na malaki, na ang palaman ay nahihiyang peanut butter (kadalasan) at mahiyain din na mantikilya na para may kasama eh nilagyan ng asukal. Hindi ko maintindihan kung pre requisite ba ito para sa maging grade 2 ka, grade 3, grade 4  hanggang 6. 

Sa umagang umaga pa lang, wala pang 8 am, darating na sa clasrrom mo ang isang tray ng nutriban, pag dating ng breaktime, bibigyan kayo ng tig iisa,  may bayad yan ha (hindi ko na matandaan kung magkano) hindi ka makatanggi sapagkat si titser ang nagbbigay, nakangiti ha.. ang tamis.. ang siste pa, kung 40 lang kayo magaaral sa loob ng klasrum, 50 piraso ang dadalhin sa inyo, may matitira.. Yan ang ilalako ng kung sino man ang matoka. Hanggang hapon kailangan maubos mo, kaya kadalasan ang nagtitinda, ang naglilista ng maingay sa klase (noisy/Standing),  may multa sa bawat lista. Bili ka nutriban, pede ka na mag ingay... wahahahah.. langya, ngayon ko lang naunawaan, ang peanut butter pala nahihiya. sa laki ng tinapay, kakapiraso ang palaman.. tsk tsk..

Isa pa sa aking napansin at ngayon ko lang din naunawaan, tuwing field trip oh educational trip. Anong subject ang i-rerelate mo sa mall, sa pagawaan ng lapis, sa star city, sa boom na boom, sa enchanted kingdom? Nagbayad ang nanay ko ng mahal para sa educational na fieldtrip na yan, magkano lang ang ticket, wholesale yan kumbaga, may discount pa, sa mall walang entrance fee..  langya.. tsk tsk...

Ito ang palatandaan, di man tuwiran, pero ang subject na yan, sa aking pananaw, (P.E.) POLITICS EDUCATION. Di tuwirang itinuturo sa estudyante pero natututunan. HIndi garapalan sa mga may mangmang na pag iisip.. hmmmm.. oo nga pala, naalala ko din, ung classmate ko nga pala noong grade 1, ngayon Congressman na.. wahahahah... 

Wat d EF.....

Martes, Disyembre 07, 2010

DISMIS!!!

Sa isang silid paaralan

Titser: Ok klas, malapit na ang Fathers Day.. ito ang topic natin ngayon.  Klas, sabihin nyo sakin ngayon kung anong trabaho ng tatay nyo ok?

Titser:Ikaw Jepoy, anong trabaho ng tatay mo?

Jepoy: Ma'am, Seaman po ang tatay ko. Sa barko po sya nakasakay

Titser: Good Jepoy, nakakatulong ang seaman sa pagpapasok ng dolyar sa ating bansa. o ikaw gary

Gary: Driver lang po ang tatay ko..

Titser: Wag mong nila "lang" ang trabaho ng tatay mo Garry, ang driver ay may malaking naitutulong sa ating pamayanan. Sila ang naghahatid ng pasahero sa kanilang paroroonan diba? Garry, dapat nating ipagmalaki ang trabaho ng tatay natin basta marangal at walang inaagrabyadong tao.

Gary: Ma'am, Driver po ang tatay ko

Titser: Good Garry.. o ikaw Banjo

Banjo: Ma'am, karpintero po ang tatay ko, sila ang gumagawa ng bahay ng mayayaman sa amin.

Titser: Tama Banjo, ang karpintero din ang gumawa ng paaralan natin. Malaki ang naitutulong nila sa ating bayan.. Ikaw alex anong trabaho ng tatay mo?

Alex: Ma'am Congressman po ang tatay ko.

Titser: U may take your sit alex.. ikaw Jonel

Jonel: Ma'am mayor po ang tatay ko

Titser: Ikaw Bong

Bong: Ma'am Baranggay captain po tapos tatakbo ng konsehal ng bayan sa susunod na eleksyon.

Titser: Klas.. Dismis!.....

Lunes, Disyembre 06, 2010

INAHING MANOK

Krruuuukkk, krukkkk....

Narinig kong sigaw ni nanay, nanonood yata ako ng Voltez V nung mga panahong un. kakadating ko lang galing eskwela. nalimutan ko, ako nga pala ang nakatoka na magpatuka ng manok kada hapon..tsk tsk. Bye Steve, bye little john, by Big Bert.. jamie bukas ulit, at mark wag masyadong mafeeling. Paalam ko sa tropa sabay patay ng TV.

Nakatutuwang magpatuka ng manok na tagalog namin (native chicken) ang dami kasi, ang iba maiilap, ang iba mababait.. naglalapitan at tinutuka ang paa ko.. kada alas 5 ng hapon, nagitipu tipon sila sa likod bahay namin, oras na ng hapunan. Hawak ko ang palanggana ng kinukod na nyog, yan ang alternative namin pag wala kami pambili ng mais.

Kruukkkk.. krukkk... 

Ibinudbod ko ang kinudkod ng niyog sa kawayang binyak na nakhilera na akala mo reminal ng bus ang magkakaparada. Napansin ko ang isang inahin na may akay na mga sisiw na hindi bababa sa 18. walang makalapit, pinoprotektahan ang sisiw habang sila ay kumakain.

Sabi ng akin nanay, Kita mo Banjo, paglaki ng mga sisiw na yan, iiwanan din nila ang kanilang ina.

Matagal na panahon na din ang nakalipas. Bigla ko lang naalala. Tinanong ko ang aking ina.. Nasaan na ina ung inahin natin dati na may akay na maraming sisiw? 

Nagkwento ang aking ina...
Anak, diba't iniwan na sya ng kanyang mga sisiw? Lam mo anak, sobrang bait ng ating inahin sa kanyang mga anak. Walang makalapit na kaaway, ano mang hayop ang lumapit sa kanila, aso, pusa, daga, kambing, hinarap nya ng buong tapang. Ayaw nyang may mawalay o may mapahamak na isa mang sisiw nya. Tinuruan nya ang kanyang mga anak na lumipad, tumalon sa puno, iwagayway ang pakpak. ano mang uod na makita ng ina, binibigay nya sa kanyang mga anak. Pero tulad ng sabi ko sayo anak, iniwan din ang ating inahin ng kanyang mga anak....

Nasaan ang ating inahin?... yan anak nasa harapan mo na.. may sakit, lugmok sa kahirapan, hindi makabangon anak, nakratay sa kanyang pugad, anak nabanggit ko ba sayong nagbalikan ang kanyang mga anak pagkatapos ng mahabang panahon, at alam mo ba kug saan sila galing, galing sila sa ibang pugad.. at ng magbalik, hindi na kilala ang kanilang tunay na ina, at sila pa mismong mga anak nya ang humalay sa kanya. Yan ang sistema nila anak. wala tayong magagawa.

Tumahimik ako sandali.. Tiningnan ang aking ina, ngumiti sa akin..

Anak, alam mo bang may pangalan ang ating inahin?

PILIPINAS ang ngalan nya...







Biyernes, Disyembre 03, 2010

Zoonvironment (tsk tsk)

Minsan naiisip ko, anong kasalanan ng hayop sa zoo at nakakulong sila dun. Minsan naka pasyal ako, palibahasa bata pa ko noon, tuwang tuwa ako na nakakita ako ng iba't ibang klase ng ibon. Unggoy na talaga namang kakatuwa. May hipopotamus, ang laki eh. May pabo, kambing, pusa, aso.. May nakita din ako na wishing well. nakakita ko ng ale na nag hulog ng coins un, tapos pumikit. tapos ngumit. mukhang tanga. nagtanong ako sa kasama ko ano ginawa ng ale dun... nag wish pala.. gumaya ko hahaha... hulog din ako piso. tapos nag wish din ako. tagal na nga pala nun pero hindi naman natupad. Aking napatunayan na kung hanggang wish ka lang, walang mangyayari sa'yo, gumawa ka ng paraan para matupad ang kahilingan mo.. hindi un instant. hindi ung nakukuha sa piso.

Saming paglilbot ng mga kaklase ko. May lugar kami na kinatakutan, un ang kulungan ng mga ahas.. langya ang takot ko talaga, di ako makalapit. haba ng dila, ang lalaki pa. alis kami dun, napunta kami sa kulungan ng buwaya.. langya, kumakain ng buhay na manok.. tsk tsk. Noon ganon kalaki ang takot ko sa kanila. Ayaw ko na pumasok ulit sa zoo. Ayoko ng maging parte na kalupitan ng tao sa hayop. 

Ngayon, unti unti, nadadagdagan ang kaalaman ko, unti unti lumalawak ang pangunawa ko.. at ngayon ko naunawaan. Ang lugar na ginagalawan ko, mistulang loob ng ZOO. Naglipana ang ibat ibang klase ng hayop, may ibon nagbibigay ng aliw. May mga unggoy na lagi nasa kanto, tsismis dito tsismis don. May ahas, nangaagawa ng asawa at ng karelasyon. may mga kulasisi, may linta, may kuhol, hataw kung makasipsip. ang pinakamatindi at sya pa ring kinatatakutan ko hanggang ngayon, ang nga buwaya, lintik kung makakain, walang kabusugan, pero hindi ng buhay na manok, kundi ng buhay na sistema ng tao. Kaya naglipana na sa langsangan ang iba pang klase ng hayop, dahil sa kasakiman ng buwayang ito.

Minsan kahit masama sa loob ko, bumalik ako sa ZOO na dati kong napuntahan, ganon pa din. una ko gad pinuntahan ang kulungan ng mga buwaya, nagbabakasaling may na kakakulong din dun na tiwaling congressman, na mayor, o kahit ng baranggay kapitan man lang, pero wala, silang mababangis, patuloy pa din nakakalaya.

Ocean Adventure

Namamasyal ang isang mag Ama sa Ocean Park

Anak: wow tatay, ang ganda naman dito..

Tatay
: oo anak, lam mo ba anak ang mga nilalang sa dagat may iba't ibang nasyonalismo din?

Anak: talaga tatay?

Tatay: Tingnan mo anak ang pating, ang lalaki nila, ang tatapang, walang makalaban sa kanila, makapangyarihan kasi sila, yan ang amerikano

Anak: oo nga po, ang puputi pa nila

Tatay: Ang pugita, dati silang pusit hehehe.. nagbubuga ng itim na tinta para sa mga kaaway, at nagagaya nila ang kulay ng kanilang madapuan, ang talino nila anak, yan ang mga hapon..

Anak: opo, ayun oh, hindi sila makita ng pating..

Tatay: ayun pa ang pagong, mabagal sila kumilos pero bawat kilos nila planado, perpekto, at asensado sila ha.. matibay ang kanilang bahay. yan ang mga taga brunie at taga dubai anak..

Anak: hahaha, galing mo naman tatay.. naisip mo pa yun hahaha...

Tatay: nakikita mo ung mga isda doon, ang dami nila anak.. hindi ko lam ang name nila pero alam ko sila ang mga intisik, ang dami nila eh hahaha... ay kuripot mga yan, pag hinuli ng mangingisda, paisa isa lang hahaha

Anak: bilib na talaga ko sayo tatay, idol kita... e tatay, nasan ang mga pinoy jan?

Tatay: Ayun anak o, ayun sa may bato..

Anak: Asan tay, ah bakit po iyon?

Tatay: Ung talangka, kasi kita mo anak may hinahatak siya pababa...

Huwebes, Disyembre 02, 2010

Kwentong Aso (Inuman Session)

Habang nagiinuman kami ng mga kumpare ipinaglihi sa kalokohan.. naisip kong isulat ang kung anong naging tema ng kwentuhang walang kwenta sa session namin hehehe... ASO..

Ipapaliwanag ko base sa karanasan ng aking mga kaibigan at aking pananaw ang ilan sa kung anong ugali meron ang aso, kung bakit nya ginagawa ang ganito o ganon...

Inuulit ko po.. base sa karanasan ng aking mga kaibigan (mabuti na ung malinaw) hehehe

Nagumpisa ang katangahan namin (o nila) sa ugali ng aso ng dumating ang isa namin barkada sakay ng kanyang broom broom. Pagkaparada ng broom broom.. lumpit si aso sabay amoy amoy sa gulong..

Yigs:"Tsun.. hiiiiii.. alis dyan, aamo'y amo'y ka pa ha.."

Sa inuman.

Tsong go: "Pre, bakit inaamoy ng aso ang gulong ng pumaparadang sasakyan?"

Banjo: "Pre hindi natin malalaman kung walang susubok"

Bahaw: "Pre, akong bahala"

Umalis sa pwesto si pareng Bahaw at inamoy amoy din ang gulong, pagkatapos bumalik sa pwesto...

Bahaw: " choooo chooo.. wiwit.." lamapit ang aso, tinanong nya face to face ang aso.. "Bakit mo inaamoy ang gulong ng broom broom ni pare? nawiwiwi ka no?"

Lakas din talaga ng sapak.. kinausap ang aso... tumingin lang ang aso sabay labas ng dila at hinimod ang bibig ni pareng Bahaw

Bahaw: "Taena... badtrip.."

Tawanan ang tropa.. walangyang trip yan..

Banjo: "Ayun pre, sakto..mabaho kasi kaya inaamoy ng aso ang gulong"

Bahaw: Mga ogag kayo.. di ako BADBREATH...

Bakit inaamoy ng aso ang gulong ng bagong dating na broom broom? Kasi mabaho at gustong gusto ng aso ang amoy na mabaho

Humirit ulit ang aking tyuhing mas bata sakin

Tsong go: "eh pre, bakit naman gustong gustong ihian ng aso ang gulong?"

Banjo: "O ikaw naman pre Roost?"

Roost: "Akong bahala jan"

Punta si Roost sa sasakyan, inamo'y din ang gulong...

Roost: Taena.. ang baho nga...

(wala palang tiwala sa tropa hahaha)

Nilabas ang kanyang putotoy at umuhi ng malapitan.. (Langya, umupo pa talaga). After nya umuhi...

Roost: "Taena, ang sarap pala umihi sa mainit init pa.. ramdam ng betlog ko eh"

Hagalpakan sa tawa ang tropa.. nahulog pa ko sa upuan habang hawak sa tyan...

Bakit iniihian ng aso ang gulong ng bagong dating na sasakyan? Kasi mainit init pa. presko sa betlog nya...

Ang aso magaling na bantay ng bahay, tinatahulan nya ang taong hindi nya kilala. Hinahabol din nya ang kung sino mang bata na makita nyang tumatakbo.

Bakit galit ang aso sa taong hindi nya kilala, bakit hinahabol nya ang mga batang natakbo?

Saking pananaw, likas na sa isang aso ang pagiging matapang. Ung tipong parang palaging may banta sa kanyang buhay kaya ganon na lang kalakas ang kanyang pakiramdam. Pero hindi sapat ang katapangan nila para sila mabuhay, kailangan nya ng magaalaga sa kanya, ng magpapakain sa kanya. at yun ang nagiging amo nya, kadalasan kung sino mang taong kausap ng amo nya, nakikilala nya. Kalimitan din hinahabol nya ang taong di nya kilala dahil sa pagaakalang banta ito sa seguridad ng amo at ng sarili nya mismo. Ganon din kung bakit ang galit ang aso sa kapwa aso, kasi nga wala silang isip na gaya ng sa tao, DIYOS nya ang kanyang sarili. Kaya kung sakaling pupunta ka sa bahay namin, siguraduhin mong nakasarado ang gate bago ka mag "tao po" kasi alpas ang aso namin.

Bakit pamapagaypay ang buntot aso sa pag dating ng kanyang amo?

Ahh ganito yan, iwan mong walang pagkain ang aso mo.. mananabik talaga yan sayong pagbabalik dahil sa gutom.. kung busog yan.. hinding hindi yan sasalubong sayo...

Sa inuman ulit..

Yigs: (ang bagong dating na sakay ng broom bromm) "Eh pre.. Bakit pag nag sex ang aso, iisa lang ang style, Dog Style?"

Nakita namin dumaan ang kapitabahay kong mayaman na akala mo laging nagtitipid dahil sa ikli lagi ng damit ay shorts...

Banjo: "Mga pre, ako naman ang sasagot jan"

wahahahahah... sige pre dale....

Banjo: "Mga gago, marine asawa nyan.. madami na napatay"

wahahahahah.....

Banjo: "pre, sagutin ko pa din tanong mo.. kasi pre, aso yan eh kaya dog style, kung iyan ay baboy. eh di pig style yan bwahahaha.. pero pre, taena, the best posisyon na yan, tested pre wahahaha.. sigaw nga asawa mo eh..."

Yigs: "Taena mo, gago ka ha di ko pa asawa yun, at saka di pa namin nasubukan yun"

(hina din pumik up ng kumpare kong ito oo)

Karaniwan na din sa isang mag-asawa, ang lalake ang syang nagloloko sa asawa. Hindi natin masabi kung anong dahilan at nagagawa ng isang lalake sa asawa nya ang ganon. Madami kasi na pede idahilan. Maaring si babae or si lalake or pareho sila ang dahilan. Nasasabi tuloy ng matanda, kung kelan tumanda saka magloloko, natanda ng paurong.. Pero para sakin kahit ano pa iyan.. iisa lang ang napatunayan ko.. "Walang Tuta ang naloloko. palaging aso"

Sa inuman,

Kahit na busy sa kalokohan ang aking mga kumpare, matalas ang utak at ang paningin ko sa bawat kilos nila. At eto ang napansin ko, ang tyuhin kong mas bata saken, palaging sa kanya nagtatagal ang tagay, ang lakas pang mamulutan, nagkataong nasa kanya na ulit ang tagay at talaga naman ako'y inip na sa tagay ko..  Kaya ako naman ang humirit at bumida ng kwento..

Banjo: "Mga pre ako naman ang may kwento sa inyo, tungkol sa aso din.. makinig muna kayo, ito ay seryoso"

Tsong go: " Ay sya banat hehehehe"...

Matamang nakinig ang apat kong kainuman...

Banjo: Tsong ito'y hindi mo alam no, pakinggan mo ito tsong ha. Kwento din ito ni lolo sakin eh kaya  ikukwento ko sa inyo. Noong araw, ang lolo ko ay may alagang aso, napakatalinong aso, napakamasunurin, mahal na mahal ng lolo ko. Lagi nya kasama sa pulo, pag sila'y nangangaso, naku asahan mo itong aso nya, ito ang tagahabol sa mababaril ng lolo ko. Tumatambling pa nga ang aso ni lolo. Marunong maglaro ng Luksong tinik, tumutulay pa nga sa alambre,  sumasayaw pa ng ng makarena.. wahahahaha... naku, kapamilya na ang turing ni lolo sa alaga nyang aso..  Pero lam nyo ba, ipinagbili sya ng lolo ko kahit sya ay mahal na mahal nya. ako'y napaiyak nga sa kwentong yan ng lolo ko.


Tsong go: "hindi ko nga alam ang kwentong yan" titig na titig sa baso na tila ninamnam ang aking kwento..sabay kuha ng pulutan.

Roost: "Pre, baka naman naghirap ang lolo mo kaya napilitan ipagbili"

Bahaw: "Bakit ba pinagbili ng lolo mo?"

Banjo: "pre ganito yon" seryoso effect pa ko (iling ng ulo)

Banjo: "ANG LAKAS KASI KUMAIN EH ANG TAGAL NAMAN UMINOM"

Iniisip ng tropa kung ano ang sinabi ko..saka sila naghagalapakan ng tawa..

Si tsong, sing bilis ng kidlat ininom ang tagay nya, isang lagok lang.. at hindi na namulutan....

Bwahahahahaha.....

Miyerkules, Disyembre 01, 2010

Bitin

Nagkita tayo sa harap ng SM dasma, naka blue ka na blouse, ang ganda mo, ang ngiti mo kaaya, para sakin lang. Anong saya ko, bumaba ako sa aking broom broom, nilapitan kita at ngumit ako sayo, sabi mo "miss na miss na kita mahal ko." Naks, kinilig ako sabay hawak sa kamay, sagot ko naman "hindi kita miss, sobrang miss na miss kita" kilig ka din. Inaya kita sa loob ng SM, pasyal ng konti, window shopping, ayaw mo naman kasi magturo ng kung anong gusto mo. Napagod tayo, inaya kita sa isang restaurant, (Bario Fiesta), umorder ka, nalula ako pero di ko pinahalata sayo, (langya, isang linggong ulam na namin ang presyo ng desert dito, desert pa lang yan ha). Ok lang, kaya ng budget ko, (mayaman si mama) wahahaha....
After natin kumain, lumabas tayo na tayo, sakay ng broom broom ko, hindi ko pa alam kung san tayo pupunta, langya sira yata ang broom broom ko, pag napreno ko nasibad sa kaliwa, kay doon tayo napunta, biglang liko. Napatingin ako sayo, ngumiti ka lang sakin, kumagat sa labi.(may kasabikan ako nakita sayong mga mata).

(Eto na). Pumasok tayo sa kwarto, namumungay ang yong mga mata, nakatitig sakin, puno ng pagmamahal.. Hinalikan kita sa labi, gumanti ka, hanggang sa maging mapusok.. ang ating mga kamay, magkayakap, magkadikit ang ating katawan. Isa isa, natanggal ang ating saplot, hanggang sa pangilalim na lang ang natira. nahiga na tayo sa kama, titig na titig ako sa napakaganda mong katawan. Hahalikan na ulit kita. Yumakap ka sakin. Biglang nag ring ang aking cellphone, di ko pinapansin,  sabi mo sagutin ko na, sabi ko mamaya na istorbo. Pero napilit mo ko. Kinuha ko cell, sinagot ko "hello" wala naman, pagbalik ko sa kama..wala ka na. Anong nangyari? Nasaan ka? Ako'y litong lito. Tumunog muli ang cellphone ko, tinitigan ko lang ang screen, ang nakalagay 5:30 am, may bell na icon, sumasayaw, pablink blink pa.. may biglang kumatok sa kwarto, narinig ko ang sigaw "Banjo, ang cell mo kanina pa nagaalarm, bumangon ka na at baka tanghaliin ka na naman".. Opo nanay, un lang nasabi ko..

Langya.. tsk tsk.. bitin...