Krruuuukkk, krukkkk....
Narinig kong sigaw ni nanay, nanonood ako ng Voltez V nung mga oras na un. kakadating ko lang galing eskwela. nalimutan ko, ako nga pala ang nakatoka na magpatuka ng manok kada hapon..tsk tsk. Bye Steve, bye little john, bye Big Bert.. Jamie bukas ulit, at Mark wag masyadong mafeeling. Paalam ko sa tropa sabay patay ng TV.
Nakatutuwang magpatuka ng manok na tagalog namin (native chicken) ang dami kasi, ang iba maiilap, ang iba mababait.. naglalapitan at tinutuka ang paa ko. Kada alas 5 ng hapon, nagitipun tipon sila sa likod bahay namin, oras na ng hapunan. Hawak ko ang palanggana ng kinukod na nyog na pagkain nila, yan ang alternative namin pag wala kami pambili ng mais.
Kruukkkk.. krukkk...
Ibinudbod ko ang kinudkod na niyog sa kawayang binyak na nakahilera na akala mo terminal ng bus ang pagkakaparada. Napansin ko ang isang inahin na may akay na mga sisiw na hindi bababa sa 18. Walang makalapit, pinoprotektahan ang sisiw habang sila ay kumakain.
Sabi ng akin ni Nanay, kita mo Banjo, paglaki ng mga sisiw na yan, iiwanan din nila ang kanilang ina. Hindi ko na inisip kung anong ibig nyang sabihin sa akin.
Matagal na panahon na din ang nakalipas. Bigla ko lang naalala. Tinanong ko ang aking ina.. Nasaan na ina ung inahin natin dati na may akay na maraming sisiw?
Nagkwento ang aking ina...
Anak, diba't iniwan na sya ng kanyang mga sisiw? Lam mo anak, sobrang bait ng ating inahin sa kanyang mga anak. Walang makalapit na kaaway, ano mang hayop ang lumapit sa kanila, aso, pusa, daga, kambing, hinarap nya ng buong tapang. Ayaw nyang may mawalay o may mapahamak na isa mang sisiw nya. Tinuruan nya ang kanyang mga anak na lumipad, tumalon sa puno, iwagayway ang pakpak. ano mang uod na makita ng ina, binibigay nya sa kanyang mga anak. Pero tulad ng sabi ko sayo, iniwan din ang ating inahin ng kanyang mga anak....
Nasaan ang ating inahin Ina.?... Ang aking ulit na tanong kay Ina
Yan anak nasa harapan mo na.. may sakit, lugmok sa kahirapan, hindi makabangon, nakaratay sa kanyang pugad. Anak nabanggit ko ba sayong nagbalikan ang kanyang mga sisiw noon pagkatapos ng mahabang panahon. Malalaking tandang at dumalaga na, may tikas at yabang. At alam mo ba kung saan sila galing, galing sila sa ibang pugad. Doon nila ginamit ang lahat ng kanilang natutunan. At nang magbalik, hindi na nila kilala ang kanilang tunay na Ina. Nalimot na nila lahat ang kabutihang ginawa ng ating inahin para sa kanila. Wala tayong magagawa anak, hindi naman sistema pero yan ang kadalasang nangyayari sa kanila.
Tumahimik ako sandali.. Tiningnan ang aking ina, ngumiti sa akin..
Anak, alam mo bang may pangalan ang ating inahin?
PILIPINAS ang ngalan nya...