Marami pong salamat sa mga nagbasa, kumoment, natuwa, naiyak, natae nasuka at kung ano ano pang arts sa mga sulating nalimbag po dito. Matagal po itong hindi naupdate, katuyanan ang langaw na nakadapo sa monitor at ang agiw sa keyboard na aking ginagamit :)
Dito po ngayon ako namamalagi.
Mananatili pa din po itong bukas, baka sakaling may manlalakbay na mapasyal at ng mapakapagpahinga naman. :)
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ngayon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ngayon. Ipakita ang lahat ng mga post
Biyernes, Disyembre 14, 2012
Martes, Oktubre 02, 2012
KAPILAS NG AKING SARILI
Paloko ka, tuwing magtatagpo ang ating landas, hindi nawawala ang mga
tanong mong umuukilkil sa aking tenga. Ang kulit. Bakit mo ba ako natawag na
pulubi? Dahil ba sa aking itsura? Dahil ba wala akong pera? Dahil ba sa pagala
gala lang ako sa lansangan? Dahil ba sa kinakausap ko ang aking sarili habang
nakalahad ang kamay sa harap ng nagkakaripasang mga tao? Ha, mali, kinakati
tuloy akong isambulat ang iba't ibang ako. Ilalakbay ko ang diwang bulag o di
kaya ay may piring ng sinumang tumatanghod dito sa mga lugar na hindi pa nila
nararating.
Punta tayo sa kalunsuran, nandoon ako sa tabi ng isang tindahan ng
mamahaling pagkain, umaamot sa kusing na maaring bahagi lamang ng sukli ng
sinumang bumili. Sindikato ang turing sa akin ng iba? Walastik, iisipin ko pa
ba ang sindikatong iyan? Sindikatong kumakalam ang tiyan at umaasa sa baryang
ihuhulog sa lata ng sardinas na aking daladala. Iyon nga siguro ako. Pumupustura
din ako at umaangulo sa isang makipot na upuan na nalalambungan ng kumukutikutitap
na ilaw. Halos ipakita ko na ang aking kaluluwa maakit lamang ang espiritu mo. Titigan
mo ako at masisilayan mo ang ngiting magpapataas ng iyong temparatura. Wala
akong pakialam kung sumabog man ang mura kong ugat sa laki ng kagaguhang
gagawin mo sa akin kung ang kapalit naman nito ay ang pagkaing dadaan sa bibig
ng mga sa akin ay umaasa. Kapit sa patalim ika nga. Itunghay mo ang iyong paningin, nandoon din
kaya ako sa pinakamataas na gusaling iyon, nagtatrabaho. Nakakurbata at bitbit
ang maleta habang nakabuntot at hindi magkanda ugaga sa pagsunod sa bawat
kumpas ng kamay mula sa maputing mataas na lalakeng siyang aking amo. Ang iba
nga ay mestiso o kaya singkit pa. Meron ding sakang. Pero mababait ang mga
iyan, ang nagpapasahod sa talino at hirap na inilalaan ko para sa mas matatag
na pag-aari nila. Astig diba? Pero sana naisip ko na mas astig kung ako ang
pinaglilingkuran nila sa sariling akin.
Doon na nga lang sa probinsya, maayos ang pamumuhay ko doon. Sa tabi
ng ilog at naglalaguang gubat. Simpleng simple lamang. Sipag lamang ang aking
puhunan at meron na akong ihahain sa mesa. Negosyante din ako at likas sa akin
ang kabaitan, kita mo naman dinala ko dito sa probinsya ang aking negosyo. Tinulungan
ko ang ibang kagaya ko na magkaroon ng trabaho. Pabrika, Paultry, Piggery,
Laboratoryo at iba pa. At ang latak ng aking produkto ay sa ilog ang lagakan.
Ayos, sinong magrereklamo kundi iilan lamang. Subukan nilang banggain ako at tiyak
na may kalalagyan sila sa akin. Puputulin ko ang mga puno, yaman ko ito eh kaya
dapat kong pakinabangan. Anong patago o may pailalim na kasunduan? Hindi ah.
Alam ito ng kinauukulan dahil ako din mismo ang kunauukulan.
Nakapaglibot na din ako sa buong mundo. Iba't ibang kadahilanan ang
aking naging paglalakbay sa iba't ibang lupalop ng daigdig. Sikat ako eh.
Walang hindi nakakakilala sa akin. Ipinagmamalaki kong ako'y isang may
kayumangging lahi. Kilala ako sa larangan ng palakasan. Sa dami ng lahing aking
pinaluhod at pinabagsak ng aking kamao. Dangal ako ng aking lahi. Marami
pang dahilan kung bakit kilala ako sa
iba't ibang larangan, mas nangingibabaw ang aking katalinuhan na gusto ko
sanang magamit sa sarili kong bayan pero matindi din ang aking pangangailangan
na hindi naman kayang tugunan ng dapat sana sa akin ay nakikinabang. Mahirap
malayo sa piling ng mga kaanak subalit kailangan kong labanan ang kalungkutang
ito para lamang may maibigay na rangyang hindi ko makita sa sariling akin. Naghuhugas
ako ng puwet ng may puwet. Ipinaghahanda ko ng pagkain ang pamilyang hindi ko
naman kakilala pero sa akin ay kumukupkop. Nakabilad ang aking katawan sa
ilalim ng napakainit na araw, tumatagktak ang pawis at nakikihalubilo sa mga
taong hindi naliligo o naglilinis man lang ng katawan. Minsan pa nga hindi na
ako bumalik sa aking pinagmulan, pinilit kong yakapin ang kulturang hindi naman
taal sa akin. At dumating ang puntong ako'y mistulang dayuhan sa sarili kong
bayan. Marami pang ibang kadahilanan ang aking ginawang paglisan. Sa kabila ng
lahat ng ito, nasilayan mo ba sa akin ang kalungkutan? Likas akong masayahin at
diyan mas kilala ang aking lahi.
Pasyalan mo ako sa palasyo at mararamdaman mong hindi ako pulubi. Walang
amoy ng bulok na basura pero marami kang makikita na plastik. Pasyalan
mo ako sa aking upuan at masisilayan mo ang rangyang aking ipinagkait sa iba.
Iniluklok ako dito ng ating mga sarili kapalit ng mga pangakong aking
binitawan. O kung hindi man ay binago ko ang mga numero ng resulta gamit ang
eskwalang bakal na nakasubo sa bibig ng nagtatangkang sa akin ay pumigil na
makapaglingkod sa aking bayan. Ayaw mong maniwala? Sige na nga, na makapangurakot
sa kaban ng aking bayan. Madali naman akong lapitan kung ikaw ay aking
kamag-anak o di kaya ay aking kaibigan o di kaya kung ako ay mapapakinabangan
mula sa iyo. Pumasok ka sa aking opisina at mag-usap tayo.
Hindi na ako lalayo pa, samahan mo akong galugarin ang aking sarili.
Iyong sarili ko mismo. Oo, mahirap lamang ako na umaasa sa grasya ng aking mga
karatig. Hindi naman dapat ito nangyayari kung may sistema lamang na nasusunod
sa aking kinabibilangan. Mayaman naman talaga ako. Wala lamang ito sa tamang
paggamit ng aking yaman. Ito ay nasa kapakinabangan lamang ng may matatamis na
pananalita na s'yang ating pinagkatiwalaan. Oo, Pulubi ako sa tingin ng iba.
Pero sa kabila niito, meron akong cellphone, meron akong iphone, meron akong Tablet,
meron akong Laptop. Magpapahuli ba ako? Pulubi ba ako? Sa kahit na anong paraan
ay pinilit kong makaroon ako nito, sinong makapagsasabing ako ay isang dukha?
Kung tutuusin, mabubuhay ako ng wala ang mga ganitong aparato sa buhay ko. Pero
Unti unti nitong ginagawang maging parte na ng aking pagkatao na kapag nawala
parang katapusan na ng mundo. Ewan ko ba. Asitg kasi eh. Ayaw kong
magpahuli. Kumalam na ang sikmura pero nakakasabay naman ako sa uso. Baluktot na
katwiran.
Ang aking mga nasambit sa iyo ay kapilas lamang ng aking sarili. Tulad
mo at ng mga nagawa mong tama at mali, sadya man o hindi, ikaw din ay aking
bahagi. Bakit hindi mo subukang lumabas ng bahay habang lumuluha ang langit,
hindi naman bawal ang maligo sa ulan. Buksan mo ang nakapinid mong isipan,
paliparin ang diwang nakakubli sa karangyaan o kahirapan ng iyong buhay. Baka sakaling iyong marating ang aking mga
napuntahan. Hindi ang lugar kundi
ang katotohanan ng mga pangyayari. At doon iyong matagpuan ang kasagutan sa mga
hindi mo naman itinatanong subalit kumakatok sa iyong agam agam. Walang
katapusan ang ating paglalakbay. Hindi
natin natatanaw ang dulo ng daan. Marami pa tayong maaring patunguhan.
__________________________________________________________________________________
***Likhang lahok para sa kategoryang "Maikling Kwento"
![]() | ||||
| SARANGGOLA BLOG AWARDS |
sa pakikipagtulungan ng:
![]() |
Biyernes, Mayo 04, 2012
LURAY LURAY NA GANDA
---> Sino ka? Anong lugar ito? Bakit ako nandito? Anong...? Anong nangyayari?
<-- Oh teka lang. Isa isa lang ang tanong? Mahina ang kalaban. Hinga ka muna ng malalim. Ipahinga mo muna ang iyong isip. Marami kang dapat na maintindihan. Ilibot mo ang iyong paningin sa kapaligiran.
<-- Ano? Maganda diba? May pagkakasundo ang bawat tao. Nagdadamayan sa gawain. Malinis ang paligid. Maaliwalas ang daloy ng tubig sa ilog. Kay sarap maligo. Simpleng simple ang buhay ng tao. Walang mabigat na krimen na nangyayari.Walang cellphone. Walang internet. Walang dayaan ng boto kaya hindi nananakaw ang kaban ng bayan. Walang pork barrel.
---> Nananaginip yata ako. Wag mo muna kong gisingin. Gusto kong namnamin ang sariwang hangin. At oo, ang ganda ng lugar na ito. Kasing ganda ng babaeng kaharap ko. Nakabibighaning ganda mo.
<-- Yan ang gusto ko sa'yo. Ang tamis mong magsalita. Para kang pulitiko. Bulaan.
---> Kung maka pulitiko ka naman.
<-- Tama naman diba?
---> Kung sabagay. Pero hindi naman lahat eh bulaan.
<-- Ha ha ha...
---> Nakakatawa ba ang aking sinabi? Oo nga pala. Nakakatawa nga. Pero nakakaiyamot din naman.
<-- Hahaha...
<-- Naakit ka sa aking ganda, ito ang tunay na ako pero matagal na panahon na iyon. Mabighani ka pa kaya sa akin kung sakaling makita mo ang itsura ko sa kasalukuyan? Sige, ipapakita ko sayo ang aking anyo na iyong pinagsamantalahan.
---> Totoong anyo? Pinagsamatalahan kita? Kasalukuyan? Ibig sabihin nagkukunwari ka lamang? Teka hindi ko maintidihan. Anong sinasabi mo?
<-- Para malinawan ka. Masdan mo ngayon ang iyong paligid. Naghihilahan ang bawat tao pababa. Tambak ang basura sa paligid. Makakaligo ka pa kaya sa mistulang kanal na ilog na iyon? Modernong moderno ang buhay ng tao, pero kahirapan ang iyong makikita. May nagbubuwis ng buhay dahil sa cellphone. Laganap ang korapsyon. Nabubusog ang mga buwaya sa pork barel na yan. May pag-asa pa kaya sa mga batang iyon sa tambakan ng basura?
---> Lahat yan ako ang may gawa? Ako ang nagsamantala?
<-- Walang iba. Sinadya man o hindi. Ngayon humarap ka sa akin.
---> Teka, bakit ganyan ang itsura mo?
<-- Malayong malayo sa nakabibighaning babae na kausap mo kanina. Ang magandang babae at ang lugar na iyong namalas kanina ay iisa lamang. Ito ang aking anyo sa kasalukuyan, luray luray ang damit at larawan ng isang ina na pingasamantalahan ng kanyang mga anak. Kung hindi ka titigil sa kalapastanganan at patuloy mo pa din akong hahalayin, isipin mo nga kung ano pa ang aking magiging anyo sa hinaharap.
---> ......???
<-- Naiintidihan mo ba? Isipin mo nga?
...

Miyerkules, Mayo 11, 2011
INAHING MANOK (repost & edited)
Krruuuukkk, krukkkk....
Narinig kong sigaw ni nanay, nanonood ako ng Voltez V nung mga oras na un. kakadating ko lang galing eskwela. nalimutan ko, ako nga pala ang nakatoka na magpatuka ng manok kada hapon..tsk tsk. Bye Steve, bye little john, bye Big Bert.. Jamie bukas ulit, at Mark wag masyadong mafeeling. Paalam ko sa tropa sabay patay ng TV.
Nakatutuwang magpatuka ng manok na tagalog namin (native chicken) ang dami kasi, ang iba maiilap, ang iba mababait.. naglalapitan at tinutuka ang paa ko. Kada alas 5 ng hapon, nagitipun tipon sila sa likod bahay namin, oras na ng hapunan. Hawak ko ang palanggana ng kinukod na nyog na pagkain nila, yan ang alternative namin pag wala kami pambili ng mais.
Kruukkkk.. krukkk...
Ibinudbod ko ang kinudkod na niyog sa kawayang binyak na nakahilera na akala mo terminal ng bus ang pagkakaparada. Napansin ko ang isang inahin na may akay na mga sisiw na hindi bababa sa 18. Walang makalapit, pinoprotektahan ang sisiw habang sila ay kumakain.
Sabi ng akin ni Nanay, kita mo Banjo, paglaki ng mga sisiw na yan, iiwanan din nila ang kanilang ina. Hindi ko na inisip kung anong ibig nyang sabihin sa akin.
Matagal na panahon na din ang nakalipas. Bigla ko lang naalala. Tinanong ko ang aking ina.. Nasaan na ina ung inahin natin dati na may akay na maraming sisiw?
Nagkwento ang aking ina...
Anak, diba't iniwan na sya ng kanyang mga sisiw? Lam mo anak, sobrang bait ng ating inahin sa kanyang mga anak. Walang makalapit na kaaway, ano mang hayop ang lumapit sa kanila, aso, pusa, daga, kambing, hinarap nya ng buong tapang. Ayaw nyang may mawalay o may mapahamak na isa mang sisiw nya. Tinuruan nya ang kanyang mga anak na lumipad, tumalon sa puno, iwagayway ang pakpak. ano mang uod na makita ng ina, binibigay nya sa kanyang mga anak. Pero tulad ng sabi ko sayo, iniwan din ang ating inahin ng kanyang mga anak....
Nasaan ang ating inahin Ina.?... Ang aking ulit na tanong kay Ina
Yan anak nasa harapan mo na.. may sakit, lugmok sa kahirapan, hindi makabangon, nakaratay sa kanyang pugad. Anak nabanggit ko ba sayong nagbalikan ang kanyang mga sisiw noon pagkatapos ng mahabang panahon. Malalaking tandang at dumalaga na, may tikas at yabang. At alam mo ba kung saan sila galing, galing sila sa ibang pugad. Doon nila ginamit ang lahat ng kanilang natutunan. At nang magbalik, hindi na nila kilala ang kanilang tunay na Ina. Nalimot na nila lahat ang kabutihang ginawa ng ating inahin para sa kanila. Wala tayong magagawa anak, hindi naman sistema pero yan ang kadalasang nangyayari sa kanila.
Tumahimik ako sandali.. Tiningnan ang aking ina, ngumiti sa akin..
Anak, alam mo bang may pangalan ang ating inahin?
PILIPINAS ang ngalan nya...

Miyerkules, Pebrero 09, 2011
BASTOS BA O BASTOS NGA BA?
(paalala: ang susunod na inyong mababasa kung di mo skipread hehehe ay naglalaman ng ilang salita nahindi angkop para sa mga bata. Patnubay ng.... ng..... ng.... ah bahala ka na.. hehehe)
Kagabi lang habang kausap ko ang isang kapitbahay na matanda sa harap ng aming tindahan, Bumili sya ng isang sardinas, 5 piso na suka, isang balot ng miswa, at nang alltime magic sarap, biglang nalalag ang hawak nyang pera, di ko alam kung bakit pero sumigaw sya ng "ay puke ng palakang nahulog at tumalon ayyyyyy... " wahahaha.. sabi ko kay Inang.. "nasaan ho, nasaan? nasaan? wahahahaha.." "dyaskeng bata ka" pero pinulot ko isa isa ang barya na nanlaglag.
Iba't iba ang ekspresyon ng mga matatanda sa nayon o ang lumalabas na salita sa kanilang bibig kapag sila ay nagulat, o sa mga di inaasahang pangyayari na malayo ang kanilang pagiisip. Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa maseselang bahagi ng katawan ng isang tao o ng hayop. Katulad na lang ng "ay titi ng kabayong malaki", "ay uten mo", "ay bayag ng kalabaw", "ay titi ni San Pedro", at iyon nga sabi ni kakang "ay puke ng palaka". Ang bastos ba? siguro nga bastos ito kung ang mag iisip ay isang mangmang. Iniisip ko kung ito ay kabastusan, bakit inimbento pa ang salitang itinitawag nating sa ating maseselang bahagi ng ating katawan. Sa tingin ko naman, kabastusan na ito kung sadyang tinutukoy na may halong malisya sa isip o kamanyakan.
Sa aming baryo may isang matandang magweweteng, iba naman ang estilo kapag nagugulat. Isang beses tumaya ako sa kanya kasama ko ang barkada ko, biglang sumigaw ang barkada ko ng "HINATAW NG PAYONG". at arrraaaaaayyyyyyyy.. hinataw nga ko ni kakang sa mukha, sapol na sapol. Nakatutuwang isipin na may ganong tao pag nagugulat, pero hindi ko naman pinagtatawanan.
Ang ganitong ekspresyon ay hindi lamang sa matatanda natin maririnig. Sa panahon ngayon, maging sa mga kabataan o kahit sa bata pa lamang madidinig na din. Ang kaibahan nga lang, hindi lang sa pagkagulat nila ito binabanggit kundi maging sa kanilang ordinaryong paguusap. "PutangIna pare, ayos ito", "shit, nalumitan ko cell ko". "Tang ina naman, ang ganda, fuck". Yan ang palamuti sa bibig ng karamihan ngayon. Mga salitang kahit sa anong paraan pa natin banggitin. Sa katuwaan, sa kwentuhan, galit, pagdaramdam, sa kahit na anong pangyayari, hinding hindi mababago ang kahulugan.

Siguro nga patunay lamang na lumilipas ang panahon. Kasabay ng pagbabago ng panahon natin ay pagbabago ng paguugali ng tao. At depende na din siguro sa kanilang paligid. Pero hindi naman isa siguro ito dahilan para maging palamuti na ito ng bibig sa araw araw. Hindi naman sana dumating ang panahon na sumalamin na din sa ating pagkatao ang lahat nababanggit nating ganito.
Wala lang, napansin lang ng tambay dahil kay Inang. :)
Martes, Enero 25, 2011
ENERO BENTESINGKO
Isang buwan matapos ang kapaskuhan
Martes ang araw at may pasok sa pagawaan
Ika 25 ng enero ng taong kasalukuyan
Nagpaalam muna na ako ay liliban
Gayun din naman dito sa aking munting tahanan
Ako ay aalis at sa inyo ay nagpapaalam
At dahil sa ito'y Scheduled post ko lamang
Babalik na lamang ako kinabukasan

????
Bakit ba? at ano ba ang meron?
wala lang.. ahahahah :)
cchheeerrzzzzz mga parekoy, marekoy, kuyakoy at atekoy...:)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)