Ipinapakita ang mga post na may etiketa na wanti. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Oktubre 12, 2012
NAG-IISA LAMANG AKO, WALANG KASAMA...
Himbing akong natutulog tuwing umiidlip din ang langit. Nakikipaglaro sa mga batang idinuduyan ng mga awitin. Humahagikhik sa kasuluksulukan ng kwaderno kung saan ako ay nakasulat. Itinatago sa mga kalarong humahabol upang hindi makita at mataya sa taguang pung. Hihanahabi ng may akda ang mga ngiting hindi maipinta ng isang pintor. Lumilipad sa ulap, napapalipat lipat sa mga bituin. Ang sanggol na pinadede ng Ina, larawan ng walang kamuwangan sa mundo. Kumukunot ang noo ng nagsusulat. Nakakadama ako ng lungkot, binabalot ng lamig ang kalaliman ng gabi. Bumabagal ang tipa ng mga daliring nangangatal. Nagigising na may luhang umaapaw at natutuyo na sa unan.
Isang larawan lamang tuwing umaga ang aking kinagisnan. Ang mga titig ni Ina habang papalayo si Ama ng hindi nagpapaalam. Ang mga katagang "Ako'y aalis na" at ang tugong "Ingat ka" marahil sa akin ay sasapat na upang hindi mailang ang nararamdaman. Pag gayon kasi ang pagmumulan ng buong maghapon, ang mga ngiti ni Ina ay parang patak ng ulan sa tag-araw. Hindi ako inuutusan ni Ina. Kailangang kusa ang aking paggalaw sa bawat titig na hindi ko kayang salubungin. Bibihira ang pagkakataong magalit sya sa akin, at kung magkagayon, iisa lang ang salita na aking kinatatakutan. "Tumigil ka". Hangga't maari, iiwasan kong makita ang pagkulubot ng kanyang noo, ang panginginig ng kanyang mga labi at ang pagkuyom ng mga kamao. Ang salitang yaon ay batas na kailangang sundin.
Madalas na si Ina ang aking kapiling sa mahabang araw. Ilang gabi na ding siya ang aking kayakap sa higaan. Dinig ang pintig ng puso at malalalim na paghinga. Hindi ko man namamasdan ang mga matang mapanglaw na nakatitig sa kung saan, batid kong ganon ang itsura niyon, patunay lamang ang mga pigil na hikbing sumisingit sa katahimikan. Malalim na sa gabi kadalasan ang pagdating ni Ama sa bahay, magkaminsan naman ay sa oras ng bukang liwayway. May sariling susi upang walang makamalay. Hindi ko nariringgan ang bawat isa ng palitan ng salitang may taas at may sumbat na dahilan ng paglalabasan ng ugat sa leeg o marahil ay sadyang hindi lang sakin ipinamamalay. Magkaganon man, naririndi ako sa katahimikan.
Nag-iisa ako dito sa bahay, umaatungal ang damdamin sa mapanglaw na kawalan. Naghahanap ng makakasama. Ngumingiti mag isa sa mga pumapasok sa isipan. Ang mga kwento in Ama habang ako'y nakasandal sa kanyang mga bisig. Mga kwentong katatakutan tungkol sa mga unang araw. Kwentong may masayang pamilya habang si Ina'y nag buburda ng mga punda ng aming unan o di kaya ay nagsusulsi ng unipormeng syang isusuot ni Ama. Nakangiti sa amin habang kami ay pinagmamasdan. Pero sa halip, ang pag bulungkos ng papel ang aking natutunghayan. Si ama habang tumitipa sa makinilya, magkaminsa'y itinataas ang kamay at pinapatong sa may ulunan, nakatitig sa kisame, babaling sa kung saan saan. Si Ina nama'y nasa silid. Inuubos ang natitirang oras ng maghapon at magdamag sa pagbabasa ng librong hindi ko alam kung may kawawaan. Ako, hawak ang lapis na ako mismo ang nagtasa. Gumuguhit ng larawang ako mismo ay ayaw kong makita.
Isang beses ko lang nasilayan, bumulaga sa aking paggising ang mugtong mata ni ina, ang mga luhang tila mga bubog na bumabakod sa kanyang mga mata, kadenang walang patid na patuloy sa pagdaloy. "Ina" ang akin lang na nasambit. Sumulyap lang sa akin ang nanlalalabong titig. Dagling sumsubsod sa unang saksi sa bawat paghikbi. "Ama" aking utal na tinig, nakaabot sa pandinig ni Ama na tila isang sigaw sa kanyang Tenga. "HINDI KITA ANAK. WALA AKONG KAKAYAHAN MAGKAROON NG ANAK KAYA HINDI KITA ANAK" iyon lamang at tulad ng dati, lumisan si Ama ng walang paalam. Sarado ang pintuan ng bahay kaya naman nakakulong ang mga katagang binitawan ni Ama. Marahil ay sadyang nilakasan ang sigaw upang sa akin ay ipukaw ni Ina ang katotohanan. Dinig iyon ni Ina kahit na nakasubsob sa unan, kung sakaling bulong lamang, tiyak ko ririndi pa din kay Ina sapagkat ganon din sa akin.
Disgrasyada - Iyan si Ina ayon sa kanya. Hindi pa natatali si Ama't si Ina noon. Biktima si Ina ng lipunang siyang humalay sa kanya. Dahil sa trabaho ni Ama bilang manunulat, hindi maiwasan ang mayroong masagasaan. Pulitikong siyang nagpadukot kay Ama at kay Ina upang ipaalam umano kung sino ang binangga. Isang mapait na pangyayari. Isang impyernong buhay na tulad marahil ng aking kinalalagyan ngayon. At pagkatapos ng bangungot, pinatunayan na may magandang panaginip sa hinaharap. Gumuho din ang lipunan. Nagsusumiksik at kahalubilo ang mga taong kanyang kauri sa likod ng malalamig na bakal. Humarap si Ama't si Ina sa dambana at nagpalitan ng mga katagang ninanais ng bawat magsing-irog. Hangad ang pagsasamang pinagtibay ng tali, kandila at ng habong. At pagkatapos kong isilang, ninais ni Ama na ako ay magkaroon ng kapatid. Ilang taon din ang lumipas at hindi iyon nasunod, ang aking kapatid na kanilang inaasam ay hindi nangyari hanggang sa kumonsulta sa espeyalista at nagpatingin na kung sino ang may karamdaman. Nang lumabas ang resulta, bumubuhos na ang ulan na tila bagyong humahagupit sa aking katawan.
"HINDI KITA ANAK. WALA AKONG KAKAYAHAN NA MAGKAROON NG ANAK KAYA HINDI KITA ANAK"
Gusto kong sumulat, ayaw kong gumuhit at tulad ng mga akda ni Ama, gusto kong maging isang kwento. Nakikipaglaro sa mga batang idinuduyan ng mga awitin. Humahagikhik sa kasuluksulukan ng kwaderno kung saan ako ay nakasulat. Itinatago sa mga kalarong humahabol upang hindi makita at mataya sa taguang pung. Hihanahabi ng may akda ang mga ngiting hindi maipinta ng isang pintor. Lumilipad sa ulap, napapalipat lipat sa mga bituin. Ang sanggol na pinadede ng Ina, larawan ng walang kamuwangan sa mundo.
Nag-iisa lamang ako dito sa bahay. Hawak ang lapis na ako mismo ang nagtasa. Gumuguhit ng larawang ako mismo ay ayaw kong makita. Wala akong kasama. Wala si Ina. Wala si Ama. Wala kundi nakaririnding kawalan. Wala akong kasalanan. Wala... wala... wala... Marahil.. siguro nga.. hindi dahil sa ako ang bunga ng kasalanan bagkus ako mismo ang kasalanan.
Sabado, Disyembre 17, 2011
IKAW
Matagal na panahon na din ng ikaw ay isilang. Nabuhay sa isipan ng bawat isa ang iyong kagandahan. Mapang-akit, sariwa, kagandahang hindi nasasaling ng sino man. Noon, nabubuhay kang simple, masagana ang lupa.. maraming ani. Matagal ding panahon ganito ang uri ng iyong pamumuhay, simple at tahimik. Hanggang sa may naligaw at sayo ay gumambala. Likas sa iyo ang pagiging magalang at masayahin, kasiyahan para sa iyo ang may bisitang dumating. Malugod mo siyang tinanggap sa iyong bakuran.
Tinanong nya ang iyong pangalan ngunit wala kang maisagot. Inosente ang iyong dating. Kaya naman sya ang nagbigay ng iyong pangalan. At dito ka muling isinilang. Kasabay ng bago mong pagsilang ay ang pagtanggap sa kultura at sistema ng iyong naging panauhin, at ang pagsilang din sa isipan ng nakararami ng iyong pananampalataya.
Nagkaron ka ng pagbabago, nagkaron ng pagunlad sa iyong nasasakupan. Pero hindi lahat ng iyong nasasakupan ay nadala nito. Hindi tanggap ng iba ang sistemang sayo ay dumating. Nanatili sa sariling paniniwala at simpleng buhay.
Dumating ang panahong nagmamamalabis ang iyong naging panauhin. Ang kanyang naging pagbisita ay naging pagsakop. At ito ay iyong nakikita. Gumawa ka ng paraan upang mapalayas ang naging bisita. Dumanak ang dugo sa iyong nasasakupan. Sa bandang huli, nagtagumpay ka at nagkaron ng kalayaan. Subalit sa matagal na ding panahon pananatili ng dayuhan. Nahirapan kang tanggalin ang kanyang sistema dahil na din sa ito'y iyong nakasanayan.
Mahabang panahon pa ang sa iyo'y lumipas. Maunlad ang iyong kabuhayan, nasasaiyo ang kagandahang kinaiingitan ng iyong mga karatig. Malaya ang ibong lumilipad sa himpapawid. Umaawit.. sumisipol ang hangin. Bagama't may bakas pa ng mga dayuhan sa iyong lupain, mas pinili mo na lang na ito ay payabungin, pagyamanin at diniligan na parang punong ang nais mo ay mamulaklak at humitk ang bunga. Naging matagumpay ang pagsisikap at muli, kuminang na naman ang iyong kagandahan. Nangaakit ng mga matang hindi umaalis ang titig sa angkin mong kagandahan. Hanggang may muling bumisita sa iyong bakuran.
Nakakabigla ang pangyayari sa kadahilanang walang pagiimbot na kalapastanganan. Ang naging panauhin pala ay mga palalo at nagnanais an angkinin ang iyong yaman. Unti unti, nasasakop ang iyong mga lupain ng mga palalong dayuhan. Hindi mo ito pinabayaan, muling dumanak ang dugo sa iyong nasasakupan. Marami na ang nabuwis ng buhay, marami na ang pasakit na iyong pinagdaanan sa pagtatangol sa iyong nasasakupan. Hirap, pagod, luha, dugo ang nadilig sa bawat lupaing pinagaabutan. Nananaig ang mananakop subalit ganunpaman nanantili kang nakatayo upang iyong ipaglaban ang karapatan. Hangang sa dumating ang tulong mula sa ibang bayan. Matagal ang naging laban, umabot sa puso ng sinomang nakasaksi. At sa huli, nanaig ang kabutihan.
Nagsimula kang muling bumangon. Sa tulong na din ng iyong tagapagtanggol, muli mong binuo ang nasirang pangarap ng iyong lupain. Nabuhay ang isang ugnayan sa pagitan ng nagtanggol sa iyo. Ninais nilang sa lupain mo sila ay manatili at iyo itong sinangayunan.
Matagal ng panahon na sila ay nasa iyong poder at nakikita ng marami ang impluwensya ng kanyang sistema. Naging ugat ng hidwaan ng isa't isa. Ang kanilang pananatili ay nagkakaron ng ibang layunin, na tulad din ng naunang dalawa na iyong naging panauhin. Dahil sa iyong naging mapait na karanasan kaya naman ang pagsiklab muli ng panibagong karahasan ay iyong napigilan. Nagkaron ng kasunduan at hindi nagtagal ikaw ay kanilang nilisan.
Kalayaan.. ang matagal ng inaasam. Iyong nakamit sa loob ng mahabang panahon. Marami ang nagbunyi, marami ang nagdiwang. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, iyo muli itong nakamtan.
Matagal ng panahon na ang nakalipas at lahat ng pangyayaring ito sa iyo ay iyong napagtagumpayang lampasan. Madami ang nagbago, iniukit ang lahat ng mga kasaysayan. Kasaysayan na sana ay dapat mong binabalikan. Takot ka bang masanggi muli ang pilat na dulot ng sugat ng nakaraan? Takot ka bang muli itong magdugo at magdulot ng panibagong sakit? Mali kung sakaling oo ang sagot mo, nararapat lang na itoy balikan at kunin ang aral subalit hindi ang pait na dulot nito sayo.
Tila nag iba ang ihip ng hangin sa iyong bakuran. Nawala ang sipol nito. Ang lipad ng mga ibon ay nasa iisang direksyon na lamang. Nagmamadali na tila may tinatakasan. Bakit ganon ang nangyari? Pagkatapos ng lahat ng iyong pakikipaglaban para sa iyong nasasakupan, sa karapatan ng mga itong mabuhay na malaya na matagumpay mong nakamit. Bakit mistula kang nakakulong sa kaguluhan. Nagkaron na hindi pagkakaunawaan sa iyong bakuran. Hindi pantay pantay na trato sa isa't isa ang iyong nasusumpungan. Eto ngayon at lumuluha ka para sa kanila, luha ng kalungkutan, luha ng pasakit, luha ng dalawang matang walang kapagurang nakatanaw sa kanilang kaligtasan.
Marami ang umaalis at silang nagiging dayuhan sa ibang lugar. Namumuhunan ng dugo at pawis para sa iyong kapakinabangan. Dahil hindi na nila makita ang sa'yo ay dapat na masumpungan. Kinakalangan pa bang sa kanilang pagbabalik ay dalhin sa iyo ang pagbabago? Bakit hindi naman subukan mong baguhin ang sarili mo para naman sa kanila.
Nakabibighani pa din ang iyong kagandahan. Hindi nawawaglit sa isipan ng mga dayuhan ang iyong kinang. Subalit ito ay sa kadiliman na lang..
Ikaw pa din ang hinahangaan ko. Hindi magbabago sapagkat ito ang nais ko. Ikaw ang dahilan kaya nandito ako. Sumusulat ako para sayo...

Biyernes, Setyembre 02, 2011
DRAMA LANG
Masaya akong nakikipaghabulan sa aking mga kababata, hawak ang sinelas, nakapikit ang isang mata na nakasipat sa latang nakatayo sa gitna ng kalsada. Unahan sa pag-akyat sa puno ng Mangga ni Mang Teban, sumisiksik sa loob ng isang drum para lamang hindi ma "pung" sa taguan. Nakikipagtagisan sa ilalim ng sikat ng araw, hawak ang pisi ng saranggolang tagpi tagpi na nakikipagsagupaan sa malakas na hangin sa itaas. Naliligo sa ilog kasabay ng paglalabada ni Nanay.
Ang punong matatag, kahit pa sabihing matanda pa ito sa lolo ng aking lolo, ang dahon nito ay unti unti din nanlalaglag. Kaparis ng paglipas ng panahon, ang walang tigil na pagpapalit ng araw, lingo, buwat at taon. Nagbabago ang lahat, pasulong man o paurong, walang makapipigil dito. Naging masalimuot ang pagtahak sa daan. Hindi maiwasan ang unos na nakaharang, ulang may kasamang malakas na hangin, hinahampas ang pagal na katawan na nakakapit sa maliit na posteng kawayan na nakatusok lamang sa lupa. Hindi natitinag, lumalaban ang isip at paniniwalang walang makatitinag sa sidhi ng damdamin at katuparan ng pangarap.
Gusto kong kumawala muna. Gusto ko muling maging bata. Gusto kong maging malaya. At yan ang aking ginawa, binalikan kong muli ang nasa aking alaala. Ang kumusmusang malaya sa lahat ng problema. Nakatingala sa langit. Nakakapit sa bisig ng kaisipang malaya.
At ngayon nga, tapos na ang panaginip, tapos na ang pagkukunwaring ilang buwan ding nanahan sa akin. Muli akong bumabalik, sa kabila ng aking pag-alis ng walang paalam, patawad. Tatahak na kong muli sa daan na walang kasiguruhan.
Martes, Marso 01, 2011
BAWAL UMIHI DITO
(nalaman kong ang tambay ay nagiging busy din pala kaya nagposte ng mabilisan lang muna.)
BAWAL UMIHI DITO
Ang nakasulat sa pader na inihian ni Pedro.. nakatingala pa at nakatitig sa pulang pula na letra. Sa di kalayuan ng pader ay ang bahay ni Ka Ode. Sa loob ng bakuran makikita ang iba't ibang hayop na alaga ni Ka Ode.
Nasa kalagitnaan ng pagtilandoy si Pedro ng may makitang butiki sa itaas ng pader..
"tsk tsk tsk tsk" ang sabi ng butiki
Narinig ng kambing ang taltak ng butiki, ang sabi pa...
"May umeehehehehehehe" ang sigaw ng kambing sabay baling sa baka
"Oo ngaaaaaaa" sang ayon naman ng baka..
Nagulat si Pedro.. pero binalewala lang ang ingay ng hayop. Ng sa di kalayuan, nagingay na din ang pabo na alaga ni Ka Ode..
"Kalake lake lake lake lake lake lake lake" ang sabi ng pabo na nagkakandahaba ang leeg..
"katakutakut.. katakutakut.." ang putak naman ng nagulat na manok.
Dali daling nagtaas ng zipper si Pedro.. ng matapos, natanawan nya si Ka Ode sa may bukana ng tarangkahan.. Agad syang lumapit at bumati.
"Magandang araw po manong, ayos ang mga alaga nyong hayop ah.." ngiting ngiti pa na sabi ni Pedro.
"Teka utoy, ikaw ba ay isa sa mga alaga ko?"
"Aba bakit ho?"
"Mangyari ang alaga ko eh kung saan saan lang umiihi"
***Kung may isip lang ang hayop, baka tao na ang gawing alaga nila.

Martes, Pebrero 08, 2011
SULAT MULA SA NALIMUTAN NA
Busy masyado ang istambay ngayon dahil sa monthend reporting namin. Kaya para maiupdate lang ang bahay, naghalungkat na lang ako ng mga dati ko ng nasulat. Nalalapit na ang araw ng mga puso kaya maki puso na din ako. :)
-------
Dear Aking Mahal
Natatandaan ko pa noong tayo'y laging magkasama, ang pinaka masayang araw sa aking buhay, mga panahong kapiling kita. Mahal na mahal mo ako noon, walang pagsidlan ng iyong kaligayahan. Lagi mo kong kasama san ka man magpunta, ipinagmalaki mo ko sa mga kaibigan mo. Magkayakap tayo sating pagtulog. Sobrang saya natin noong maging magkapiling tayo. Pinasaya kita sa lahat ng pagkakataon, ako ang karamay mo sa sandaling may problema ka, inaawitan kita. Minsang nagagalit ka sa iba, ako ang pinagbabalingan mo.. pero ok lang, masaya ako, ako pa din ang karamay at katulong mo.. sakin ka nagsasabi ng lahat ng hinanaing mo sa buhay. San man tayo naroron, napakalaking kasiyahan ang nararamdaman ko. sa pamamagitan ko, nagagawa mong ngumiti kahit na malungkot ka. Sa pamamagitan ko, marami kang natutunan. Yan ang pinakamasayang sandali saking buhay, ang kapiling ka aking mahal.
Pero sa kabila ng lahat, alam kong magiging panandalian lang ito.. kasi alam ko, hindi ka pa kuntento sakin, kahit na gawin ko lahat ng kaya kong gawin, hindi ka pa din makukuntento sakin. At dumating nga ang pagkakataon na yun, isang araw sating pamamasyal, may pumukaw ng atensyon mo, isang mas bata sakin, pogi, nabighani ka sa kanyang kakisigan. Wala ako nagawa kundi tumahimik na lang. Nagselos selos, umiyak ng hindi mo nararamdaman, at hindi nga ko nagkamali, lahat ng pinagsamahan natin, biglang naglaho, ipinagpalit mo na ko sa kanya. Walang alinlangan, isinasantabi mo na ko, wala na kong pakinabang sayo. Di nagtagal, ipinamigay mo na ko.. ang sakit. Sana man lang, binigyan mo pa ko ng importansya, binigyang halaga mo ang ating pinagsamahan. nakakalungkot naman. Pinaghirapan mo ko nakuha noon, ngayon isang pikit mata, binalewala mo ko.
Alam ko sa mga panahong ito, sa tuwing maiisip mo ko,o kung pumapasok pa ba ko sa isip mo, pinagtatawanan mo na lang ako. Pero ok lang wapakels na din ako sa yo, ngayon pa na hindi ko na alam kung san ako naroroon, ngayon pa na alam kong hindi ka din naging masaya sa ipinalit mo sakin. Ngayon pa.. ngayon pa.. ngayon pa.. na karamihan ay huwad ang kalooban ng nagugustuhan mo.
Paalam na sayo mahal ko..

Nagmamahal,
Nokia 5110i
P.S. Ayos lang sakin ang nangyari dahil alam kong sasapitin din nila ang sinapit ko sa'yo..
(walang wenta lang ito hehehe, pero salamat)
Sabado, Enero 15, 2011
MUCH BETTER
(cellphone ringing)
"Just gonna stand there and watch me burn
Well that’s alright because I like the way it hurts
Just gonna stand there and hear my cry
Well that’s alright because I love the way you lie
Love the way you lie"

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone, 6 miskols, 25 msg, lahat ng message ay galing sayo. then mark all......... deleted mark?....... yes..
10 am na pala, tinanghali ako ng gising, nag-inuman kasi kami ng barkada ko, nagkayayaan lang at pabor naman sakin. Sabado naman ngayon at walang pasok sa opisina.
(cellphone ringing)
"Just gonna stand there and watch me burn
Well that’s alright because I like the way it hurts
"Just gonna stand there and watch me burn
Well that’s alright because I like the way it hurts
Ikaw ulit ang tumatawag, tinitigan ko lang ang screen, ang picture mong nagbiblink pa.
"Just gonna stand there and hear my cry
Well that’s alright because I love the..............

"what?"
"Banjo, sorry"
"Ok lang"
"Banjo naman, alam ko galit ka sakin. Magalit ka at wag puro ok lang"
"Ok then, fuck you"
sabay press ko sa end.. ang diin diin pa para siguradong na end ko na nga.. bitter much. Bumalik ako sa higaan, tinatamad pa ko bumangon at medyo masakit ang ulo ko (sa taas).
(cellphone message tone)
-- may nagtext sayo adik..
-- may nagtext sayo adik..
<It feels better na marinig kong magalit ka sakin, sorry sa lahat ng kasinungalingan ko sayo, nasaktan kita ng sobra. alam kong hindi mo ko mapapatawad, hindi ko na matiis ang lokohin ka kaya inamin ko na sayo ang lahat, im sorry ulit banjo.>
text message nya sakin.. ang then reply ako
<Ok lang naman talaga ang lahat at may aaminin din ako sayo, alam mo ba, alam ko ang kasinungalingan mo noon pa, natatawa ko sa pilit mong pagtatago, sinasakyan lang kita, ginamit mo ko? ikaw din naman nagamit ko. So siguro much better ngayon kung ikaw naman ang magalit sakin... ha ha ha>
<fuck you!!!!>
<wanna fuck? ha ha ha>
<go to hell...shit!!!>
<and also both of you>
-----------------------------
-----------------------------
(cellphone ringing)
"Just gonna stand there and watch me burn
Well that’s alright because I like the way it hurts
Just gonna stand there and hear my cry
Well that’s alright because I love the way you lie
Love the way you lie"
"Just gonna stand there and watch me burn
Well that’s alright because I like the way it hurts
Just gonna stand there and hear my cry
Well that’s alright because I love the way you lie
Love the way you lie"
"bullshit, sobrang sakit ng ginawa mo.. sobrang sakit"
(cellphone ringing)
"Just gonna stand there and watch me burn
Well that’s alright because I like the.......

ang kulit mo pa, ayaw na kita makausap pa. sabay press ng end.. bullshit na ringtone yan..
-------------------------
-------------------------
to many:
<Mga parekoy, punta kayo dito sa bahay mamaya, same time, inuman tayo.. sagot ko lahat>
Nakatitig sa kisame, malalim ang aking pagiisip.. alak lang muna ang katapat para mamanhid saglit ang aking pakiramdam at makalimot ng sakit pansamantala.
-------------------------
-------------------------
(cellphone ringing)
"I'm not afraid to take a stand
Everybody come take my hand
We'll walk this road together, through................

"Hello parekoy"
"Hello Pre, labas ka muna jan sa lungga mo, basketball tayo"
"Ok parekoy, kita kits na lang sa court"
(cellphone ringing)
I'm not afraid to take a stand
Everybody come take my hand
We'll walk this road together, through the storm
Whatever weather, cold or warm
Just let you know that, you're not alone
Holla if you feel that you've been down the same road

nakatingin lang ako sa aking cellphone.. napangiti..
"MUCH BETTER"
*** kulit lamang ng aking kukote
Biyernes, Disyembre 10, 2010
Ang Larong "Sipa"
Habang naglalakad ako galing sa galing sa paghunta sa kapit bahay, may biglang bumagsak sa harap ko. Gulat ako kasi muntik na ko tamaan, maya maya may batang palapit sakin at kinuha ung bumagsak s harap ko.. "Sipa" pala yun o (atchoy kung tawagin namin nung bata pa ko, wag nyo na tanungin kung bakit atchoy kasi nakagisnan ko lang yan).. Sa mga hindi nakakaalam ng "Sipa" ito ung tinga na may butas sa gitna na nilagyan ng mahabang tali o plastic...
(ganito nilalaro un kung hindi nyo alam)
Noong elementary pa ko, kalimitan ginagamit ng mga kalaro ko eh siko o kaya ung kanilang notebook, pero ang talagang ginagamit sa "Sipa" eh paa (syempre kaya nga "Sipa" diba?). Sinisipa ang "Sipa" at hindi kailangan bumagsak sa lupa..pananatilihin mo ang "Sipa" sa ere gamit ang paa sa pamamagitan ng pagsipa, bawat sipa ay may bilang. (Tip, mas ok kung nakasapatos ka kasi masakit sa paa ang mag sipa). Meron ding taya dito. Mapaparusahan mo ang kalaro mo kung sa huling bilang ng pag sipa mo ay talagang sisipain mo ng ubod ng lakas ang "Sipa". Pag natumbok mo, habol ang kalaro mo.. pero iiwasan mo ito masalo ng paa nya at maituloy nya ang pag sipa mo sa kaparehang bilang na ginawa mo at ikaw ang magiging taya.
Ang larong sipa bago ko natutunan, talaga namang sumakit ang bukong bukong ko kasi dun natama ang matigas na bagay na tingga, masakit talaga pero walang reklamo kasi gusto ko matutunan eh. Ito ang laro namin noong bata pa ko.
Pinulot ko ang "Sipa" at inaabot ko sa bata. Ngumiti sakin ang bata sabay pasalamat sakin, kita ko pa ang suot nyang sinelas, nakalagay sa bukong bukong nya. Napangiti ako sa sarili ko kasi ito din ang gawain ko noon.
Nakakalungkot isipin na unti unti ng nawawala ang larong ito ngayon, patunay lamang ng paglipas ng panahon. Dahil sa pagsulputan ng iba't ibang klase ng laro, (computer games, internet, gameboy, at kung ano ano pa) halos nawawala na ang kulturang laro na minana pa natin sa ating mga ninuno. Dinadala ng isang bata ang kung anong kultura meron sya hanggang sa kanyang pagtanda. Nagkakaron ito ng epekto sa kanyang pagkatao. Ang computer games at iba pa na karamihan ay puro barilan, hagaran ng kotse o labanan o digmaan, ano ang ugaling maaring ipasok nito sa kaisipan ng isang bata diba? at tulad din ng "Sipa", pisikal na laro na humuhubog sa iyong kaalaman, na maari mong magamit sa hinaharap. Nakakatuwang isipin na dito sa aming lugar, may naglalaro pa din nng "Sipa" tulad ng batang iyon.
Bakit ko naisulat ito? wala lang naman.. naalala ko noong mga ilang linggo lang nakalipas habang ako'y pauwi sa bahay, may dalawang kabataang dayo lang sa amin at ako'y nakursunadahan.. ayun, Sipa sa mukha ang inabot nila sakin. "kung uso na ang computer games na yan noon, kung hindi bugbog sarado eh baka tepok na ko ngayon"..
note:
nakatulong din sakin ang larong prisoner (sikyo), ang bilis ko kayang tumakbo ngayon hahahaha, hindi umabot sakin ng dumating ang iba pa nilang mga kasamahan... at ang larong plever (ewan ko kung tama spelling, laro na binabato ng bolang medyas ang taya sa gitna at kailangan iwasang tumama ang bola alinman sa katwan ng taya) magaling din ako umilag wahahahaha, puro hangin tinamaan nila..
Huwebes, Disyembre 02, 2010
Kwentong Aso (Inuman Session)
Habang nagiinuman kami ng mga kumpare ipinaglihi sa kalokohan.. naisip kong isulat ang kung anong naging tema ng kwentuhang walang kwenta sa session namin hehehe... ASO..
Ipapaliwanag ko base sa karanasan ng aking mga kaibigan at aking pananaw ang ilan sa kung anong ugali meron ang aso, kung bakit nya ginagawa ang ganito o ganon...
Inuulit ko po.. base sa karanasan ng aking mga kaibigan (mabuti na ung malinaw) hehehe
Nagumpisa ang katangahan namin (o nila) sa ugali ng aso ng dumating ang isa namin barkada sakay ng kanyang broom broom. Pagkaparada ng broom broom.. lumpit si aso sabay amoy amoy sa gulong..
Yigs:"Tsun.. hiiiiii.. alis dyan, aamo'y amo'y ka pa ha.."
Sa inuman.
Tsong go: "Pre, bakit inaamoy ng aso ang gulong ng pumaparadang sasakyan?"
Banjo: "Pre hindi natin malalaman kung walang susubok"
Bahaw: "Pre, akong bahala"
Umalis sa pwesto si pareng Bahaw at inamoy amoy din ang gulong, pagkatapos bumalik sa pwesto...
Bahaw: " choooo chooo.. wiwit.." lamapit ang aso, tinanong nya face to face ang aso.. "Bakit mo inaamoy ang gulong ng broom broom ni pare? nawiwiwi ka no?"
Lakas din talaga ng sapak.. kinausap ang aso... tumingin lang ang aso sabay labas ng dila at hinimod ang bibig ni pareng Bahaw
Bahaw: "Taena... badtrip.."
Tawanan ang tropa.. walangyang trip yan..
Banjo: "Ayun pre, sakto..mabaho kasi kaya inaamoy ng aso ang gulong"
Bahaw: Mga ogag kayo.. di ako BADBREATH...
Bakit inaamoy ng aso ang gulong ng bagong dating na broom broom? Kasi mabaho at gustong gusto ng aso ang amoy na mabaho
Humirit ulit ang aking tyuhing mas bata sakin
Tsong go: "eh pre, bakit naman gustong gustong ihian ng aso ang gulong?"
Banjo: "O ikaw naman pre Roost?"
Roost: "Akong bahala jan"
Punta si Roost sa sasakyan, inamo'y din ang gulong...
Roost: Taena.. ang baho nga...
(wala palang tiwala sa tropa hahaha)
Nilabas ang kanyang putotoy at umuhi ng malapitan.. (Langya, umupo pa talaga). After nya umuhi...
Roost: "Taena, ang sarap pala umihi sa mainit init pa.. ramdam ng betlog ko eh"
Hagalpakan sa tawa ang tropa.. nahulog pa ko sa upuan habang hawak sa tyan...
Bakit iniihian ng aso ang gulong ng bagong dating na sasakyan? Kasi mainit init pa. presko sa betlog nya...
Ang aso magaling na bantay ng bahay, tinatahulan nya ang taong hindi nya kilala. Hinahabol din nya ang kung sino mang bata na makita nyang tumatakbo.
Bakit galit ang aso sa taong hindi nya kilala, bakit hinahabol nya ang mga batang natakbo?
Saking pananaw, likas na sa isang aso ang pagiging matapang. Ung tipong parang palaging may banta sa kanyang buhay kaya ganon na lang kalakas ang kanyang pakiramdam. Pero hindi sapat ang katapangan nila para sila mabuhay, kailangan nya ng magaalaga sa kanya, ng magpapakain sa kanya. at yun ang nagiging amo nya, kadalasan kung sino mang taong kausap ng amo nya, nakikilala nya. Kalimitan din hinahabol nya ang taong di nya kilala dahil sa pagaakalang banta ito sa seguridad ng amo at ng sarili nya mismo. Ganon din kung bakit ang galit ang aso sa kapwa aso, kasi nga wala silang isip na gaya ng sa tao, DIYOS nya ang kanyang sarili. Kaya kung sakaling pupunta ka sa bahay namin, siguraduhin mong nakasarado ang gate bago ka mag "tao po" kasi alpas ang aso namin.
Bakit pamapagaypay ang buntot aso sa pag dating ng kanyang amo?
Ahh ganito yan, iwan mong walang pagkain ang aso mo.. mananabik talaga yan sayong pagbabalik dahil sa gutom.. kung busog yan.. hinding hindi yan sasalubong sayo...
Sa inuman ulit..
Yigs: (ang bagong dating na sakay ng broom bromm) "Eh pre.. Bakit pag nag sex ang aso, iisa lang ang style, Dog Style?"
Nakita namin dumaan ang kapitabahay kong mayaman na akala mo laging nagtitipid dahil sa ikli lagi ng damit ay shorts...
Banjo: "Mga pre, ako naman ang sasagot jan"
wahahahahah... sige pre dale....
Banjo: "Mga gago, marine asawa nyan.. madami na napatay"
wahahahahah.....
Banjo: "pre, sagutin ko pa din tanong mo.. kasi pre, aso yan eh kaya dog style, kung iyan ay baboy. eh di pig style yan bwahahaha.. pero pre, taena, the best posisyon na yan, tested pre wahahaha.. sigaw nga asawa mo eh..."
Yigs: "Taena mo, gago ka ha di ko pa asawa yun, at saka di pa namin nasubukan yun"
(hina din pumik up ng kumpare kong ito oo)
Karaniwan na din sa isang mag-asawa, ang lalake ang syang nagloloko sa asawa. Hindi natin masabi kung anong dahilan at nagagawa ng isang lalake sa asawa nya ang ganon. Madami kasi na pede idahilan. Maaring si babae or si lalake or pareho sila ang dahilan. Nasasabi tuloy ng matanda, kung kelan tumanda saka magloloko, natanda ng paurong.. Pero para sakin kahit ano pa iyan.. iisa lang ang napatunayan ko.. "Walang Tuta ang naloloko. palaging aso"
Sa inuman,
Kahit na busy sa kalokohan ang aking mga kumpare, matalas ang utak at ang paningin ko sa bawat kilos nila. At eto ang napansin ko, ang tyuhin kong mas bata saken, palaging sa kanya nagtatagal ang tagay, ang lakas pang mamulutan, nagkataong nasa kanya na ulit ang tagay at talaga naman ako'y inip na sa tagay ko.. Kaya ako naman ang humirit at bumida ng kwento..
Banjo: "Mga pre ako naman ang may kwento sa inyo, tungkol sa aso din.. makinig muna kayo, ito ay seryoso"
Tsong go: " Ay sya banat hehehehe"...
Matamang nakinig ang apat kong kainuman...
Banjo: Tsong ito'y hindi mo alam no, pakinggan mo ito tsong ha. Kwento din ito ni lolo sakin eh kaya ikukwento ko sa inyo. Noong araw, ang lolo ko ay may alagang aso, napakatalinong aso, napakamasunurin, mahal na mahal ng lolo ko. Lagi nya kasama sa pulo, pag sila'y nangangaso, naku asahan mo itong aso nya, ito ang tagahabol sa mababaril ng lolo ko. Tumatambling pa nga ang aso ni lolo. Marunong maglaro ng Luksong tinik, tumutulay pa nga sa alambre, sumasayaw pa ng ng makarena.. wahahahaha... naku, kapamilya na ang turing ni lolo sa alaga nyang aso.. Pero lam nyo ba, ipinagbili sya ng lolo ko kahit sya ay mahal na mahal nya. ako'y napaiyak nga sa kwentong yan ng lolo ko.
Tsong go: "hindi ko nga alam ang kwentong yan" titig na titig sa baso na tila ninamnam ang aking kwento..sabay kuha ng pulutan.
Roost: "Pre, baka naman naghirap ang lolo mo kaya napilitan ipagbili"
Bahaw: "Bakit ba pinagbili ng lolo mo?"
Banjo: "pre ganito yon" seryoso effect pa ko (iling ng ulo)
Banjo: "ANG LAKAS KASI KUMAIN EH ANG TAGAL NAMAN UMINOM"
Iniisip ng tropa kung ano ang sinabi ko..saka sila naghagalapakan ng tawa..
Si tsong, sing bilis ng kidlat ininom ang tagay nya, isang lagok lang.. at hindi na namulutan....
Bwahahahahaha.....

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)