Martes, Pebrero 08, 2011

SULAT MULA SA NALIMUTAN NA

Busy masyado ang istambay ngayon dahil sa monthend reporting namin. Kaya para maiupdate lang ang bahay, naghalungkat na lang ako ng mga dati ko ng nasulat. Nalalapit na ang araw ng mga puso kaya maki puso na din ako. :)

-------


Dear Aking Mahal

Natatandaan ko pa noong tayo'y laging magkasama, ang pinaka masayang araw sa aking buhay, mga panahong kapiling kita. Mahal na mahal mo ako noon, walang pagsidlan ng iyong kaligayahan. Lagi mo kong kasama san ka man magpunta, ipinagmalaki mo ko sa mga kaibigan mo. Magkayakap tayo  sating pagtulog. Sobrang saya natin noong maging magkapiling tayo. Pinasaya kita sa lahat ng pagkakataon, ako ang karamay mo sa sandaling may problema ka, inaawitan kita. Minsang nagagalit ka sa iba, ako ang pinagbabalingan mo.. pero ok lang, masaya ako, ako pa din ang karamay at katulong mo.. sakin ka nagsasabi ng lahat ng hinanaing mo sa buhay. San man tayo naroron, napakalaking kasiyahan ang nararamdaman ko. sa pamamagitan ko, nagagawa mong ngumiti kahit na malungkot ka. Sa pamamagitan ko, marami kang natutunan. Yan ang pinakamasayang sandali saking buhay, ang kapiling ka aking mahal.

Pero sa kabila ng lahat, alam kong magiging panandalian lang ito.. kasi alam ko, hindi ka pa kuntento sakin, kahit na gawin ko lahat ng kaya kong gawin, hindi ka pa din makukuntento sakin. At dumating nga ang pagkakataon na yun, isang araw sating pamamasyal, may pumukaw ng atensyon mo, isang mas bata sakin, pogi, nabighani ka sa kanyang kakisigan. Wala ako nagawa kundi tumahimik na lang. Nagselos selos, umiyak ng hindi mo nararamdaman, at hindi nga ko nagkamali, lahat ng pinagsamahan natin, biglang naglaho, ipinagpalit mo na ko sa kanya. Walang alinlangan, isinasantabi mo na ko, wala na kong pakinabang sayo. Di nagtagal, ipinamigay mo na ko.. ang sakit. Sana man lang, binigyan mo pa ko ng importansya, binigyang halaga mo ang ating pinagsamahan. nakakalungkot naman. Pinaghirapan mo ko nakuha noon, ngayon isang pikit mata, binalewala mo ko.

Alam ko sa mga panahong ito, sa tuwing maiisip mo ko,o kung pumapasok pa ba ko sa isip mo,  pinagtatawanan mo na lang ako. Pero ok lang wapakels na din ako sa yo, ngayon pa na hindi ko na alam kung san ako naroroon, ngayon pa na alam kong hindi ka din naging masaya sa ipinalit mo sakin. Ngayon pa.. ngayon pa.. ngayon pa.. na karamihan ay huwad ang kalooban ng nagugustuhan mo.

Paalam na sayo mahal ko..











Nagmamahal,
Nokia 5110i

P.S. Ayos lang sakin ang nangyari dahil alam kong sasapitin din nila ang sinapit ko sa'yo..


(walang wenta lang ito hehehe, pero salamat)




 
      

27 komento:

  1. wakekeke sabi ko na nga ba, ang nagsulat ng liham ay isang bagay XD

    TumugonBurahin
  2. ang galing naman ng tagalog ng blog mo.

    ako latest follower mo. sana pakibisita/follow din ang bagong blog ko kung ok lang.

    http://momdaughterreviews.blogspot.com/

    TumugonBurahin
  3. Busy ka pala Sir.

    Umaarte din pala ang 5110, kala ko Friendster lamang.

    Ako, mapagmahal ako sa gamit, kahit suko na ang mga gamit, 'di ko pa rin tinatantanan basta pwede pa.

    Salamat sa suporta sa ating adbokasiya.

    :)

    TumugonBurahin
  4. hahaha.. langya! nokia 5110i pala... naalala ko... gumawa rin ako ng tula tungkol sa cp ko. hahaha

    TumugonBurahin
  5. kagago!!!! akala ko mismong ikaw... yun pala celphone... bali ba naman dalang dala ako sa mensahe lol...

    lintek na yan... grabe lang...

    TumugonBurahin
  6. arh-arh-arh...for a moment napangiti ako...kasi balak ko n ding palitan ang cp ko eh..at dhil sa post na toh' parang nkokoncnxa na kong palitan pa sya...bka bgla din nya kong sulatan...jajaja...

    TumugonBurahin
  7. heheheh 5110 din ang pers selpon ko heheheh

    TumugonBurahin
  8. ahahaha si 5110 ko yung dinukot na ibinalik nasa akin pa rin collector's item na ito sa ngayon kaya nakaframe na s'ya at nakasabit sa pader. Ang daming pinagsamahan kaya kahit di ko na ginagamit ay di magawang kalimutan dahil sa naiambag n'ya sa aking pagkatao.

    TumugonBurahin
  9. E SERIES DIN PALA YANG NOKIA 5110i.
    NOKIA EMO SERIES. HAHA.
    OK NA SANA, NATAWA LANG AKO SA wapakels NA WORD.
    BUTI HINDI JEJEMON ANG NOKIA, SABAGAY HINDI PA USO ANG JEJEJE NOON.AT SAKA, HINDI PA WORST ANG PAGPAPAIKLI NG TEXT MESSAGES.

    TumugonBurahin
  10. hahaha nakuu mga blogger talaga oh..

    TumugonBurahin
  11. hahaha naalala ko pa ito noong kamahalan niya kapag binili mo.LOL

    TumugonBurahin
  12. Hahaha! Di ko inexpect yung twist na yun!

    TumugonBurahin
  13. naloko ako cellphone pla!

    >>ahahaha! nice one!

    >>emoterang 5110i

    TumugonBurahin
  14. yung mga Jurasic na cellphone ko itinatago ko pa, hehehe

    TumugonBurahin
  15. nice one bro ang ganda ganda hehehe... what a twist

    TumugonBurahin
  16. hahaha... wow an ode to my 5110i..w ahehhe

    TumugonBurahin
  17. binasa ko mula simula hanggang sa napagtanto ko na cellphone pala ! wahahahaha

    TumugonBurahin
  18. sineryoso ko. niaiiyak na ko pero ayun nauwi sa ngiti. hahaha! kala ko naman sino nananakit sayo.

    TumugonBurahin
  19. may 5110 ako... wifi!
    ahahaha.....

    TumugonBurahin
  20. grabe naman yan! celepono lang pala! hmpf! :P

    TumugonBurahin
  21. weeeh mobile daw!! eh bakit parang may pinag huhugutan ng malalim?? ahahaha

    hapi puso day Banjo!!!

    TumugonBurahin
  22. napatawa naman ako pagkatapos ko basahin hehehe...

    akala ko sulat mo sa gf mo hehehe..

    naisahan mo ko dun parekoy!:)

    nyapi balentayns adbans!!!

    :))

    TumugonBurahin
  23. maraming salamat po sa lahat.. naku hindi ko na po isa isahin at tinamad na ang tambay.. kakatapos lang ng reporting namin...

    muli po maraming salamat sa inyong mga komento...


    cchheeerzzz para sa atin.. :)

    TumugonBurahin
  24. maraming mas tapat kaysa don.... hanap k ng iba.. hehe!

    wait!!! hahaha! walang wenta pala un.. ibig sabihin, hindi totoo.. kw tlaga.. nadala ako don ah.. hmp..

    TumugonBurahin