Biyernes, Pebrero 11, 2011

SA ZOO..

Pitong buwan ang lumipas ng huli kong puntahan ang  ZOO  na pinasyalan namin noong ako'y elementary pa lamang at ngayon eto uli ako, nandito na naman, dito dinala ng mga paa kong walang pagod sa paglalakbay. Ayaw ko na sanang bumalik sa lugar na ito dahil sa murang edad ko noon, aking nasaksihan ang kalupitan ng tao sa hayop. Ano ang nagawa nila para sila ay ikulong? Sila ba ay nangreyp? sila ba ay pumatay? sila ba ay nangurakot? Bakit may ganitong lugar, para pag-aralan? para makita pa ang uri nila? o para magkaron sila ng pera?

Unang una ko ulit pinuntahan ang lugar kung saan dun nakakulong ang kinatatakutan ko noon. Ang kulungan ng mga buwaya. Pero hindi na ko nagbabakasakaling may nakakulong doon na congressman, mayor oh kahit branggay tanod man lang. Siguro suntok sa buwan ang isipin kong yun hangga't walang pagbabago pa sa sistema.

Tanda ko pa noon, pitong buwan ang nakakalilipas binilang ko ang dami ng buwayang ito. Marami sila, as in marami pa talaga sila. Ngayon binilang ko ulit, hindi ako makapaniwala, isa pa, binilang ko ulit.  Isa.. dalawa.. tatlo.. hanggang sa panghuling bilang. Kulang talaga ng dalawa. Bigla ako kinabahan ng oras na yon. Sa isip ko, baka nakawala at nasa paligid lang, naghihintay ng kanilang malalamon.

Balisa akong palingon lingon sa paligid, alerto ang bawat galaw. Maya maya pa lumapit sakin ang guard ng lugar na iyon, napansin siguro ang aking pagkabalisa.

"Anong problema sir"

Hindi ako nagpahalata ng aking kaduwagan. Nagkunwaring ayos lang ako.

"Ah wala naman kuyang, may kumagat na langgam kanina, hinahanap ko lang"

"Ganon po ba, sige po at enjoy lang po kayo sa pamamasyal"

"Teka lang kuyang, matanong ko lang, nung huli ako kasi nagpunta dito eh madami ang mga yan, ngayon binilang ko eh kulang naman ng dalawa, nasan na dalawang yun?"

"Ah kulang na nga po yan sir, ung isa.. ung babae na maliit?, opo babae ang buwayang yun. Inilpat na namin ng pwesto, baka kasi mabuntis sir eh manganak pa ng kagaya nya. Lam mo ba sir na yun ang pinuno nila?  Ngayon hindi na, pero may pwesto pa din, hindi ko nga alam kung may lahing tuko yun eh, ang higpit kumapit"
 

"Ayos kuyang sa kwento ah. Kilala ko yan, Eh yung isa nasaan na, dalawa ang nawala eh?"

"Sir, hindi yata kayo nanonood ng TV o nagbabasa ng dyaryo eh, Patay na po!" 

"Ha paano, anong ikinamatay?"

"Magbasa ka kasi ng dyaryo o manood ng TV Sir, laman sya ng balita ngayon. Kaya nga po binabantayn namin ang mga yan, baka gumaya doon"

Naglakad na palayo si kuyang guard ng lugar na yon.. napangiti ako sa aking sarili..sa isip isip ko. Ito na ang umpisa.. :)












***
oooppss maraming salamat po sa lahat ng inyong boto para sa ating pakikiisa sa mga Palaweno.. sa mga hindi pa po na boto.. punta tayo DITO 

34 (na) komento:

  1. hahahaha! yong babaeng buwaya nasa congress na, yong lalaki nagpakamatay dahil according to my son akoni "ang tunay na lalaki hndi pahuhuli ng buhay".. hahaha! nice one..

    TumugonBurahin
  2. si gloria at si angelo reyes. tama tama

    TumugonBurahin
  3. hindi lahat ng hayop ay nasa ZOO, mas marami sa goberno natin. :))

    TumugonBurahin
  4. hehehe... kilala ko sila... ;p
    sana may mga pasyalan na ang mga nakakakulong e yung mga mandarambong at kurakot sa Pinas..hehe
    I'm sure dami mamasyal don..

    "patungo sa matuwd na daan"

    haha!! Tibak na tibak huh??!! lol

    TumugonBurahin
  5. hahaha ako di ako masyadong nanonood ng TV. too bad for me... :(

    pero si reyes ang alam ko ngayon ang laman ng balita.lol

    TumugonBurahin
  6. @Mammy - hehehe, un po ba ang nasa isip nyo.. kung ganon tumpak hehehe salamat po..

    @RICO -aba ikaw nagsabi nyan ha hahaha.. piz.. salamat parekoy.. :)

    @Akoni - oo parekoy, nagkalat talaga.. matsing, kalapati, linta, kuhol at ang malupit eh buwaya..

    @Ronster - salamat parekoy.. ayaw ko bumanggit ng pangalan hahaha... :)

    TumugonBurahin
  7. @KristiaMaldita - magandang pasyalan ng masa diba? ang akala ko endangered na ang mga mababangis na hayop. at need na ipreserve, langya eh nagdadamihan sila eh.. hehehe


    @Kyle - Sinempleng halata ko lang hahaha.. siya nga.. hihi.. nakow sensya na pala parekoy, next time na lang sa EB ako.. sayang.. tsk tsk

    TumugonBurahin
  8. I'm not sure if this is really an animal Zoo or it's just a metaphor. I'm rooting for the later. Something that is related to what's happening to some of the people in the Government. :)

    TumugonBurahin
  9. natatawa ko.

    hmm ngaun ko lang nakita ang profile page mo.. from amadeo ka pala? san sa amadeo? at nasa amadeo ka ngaun? syet syet! hahahaha baka marami tayong common friends.. im from tagaytay :P


    http://twitchylife.wordpress.com

    TumugonBurahin
  10. hahaha. hmmm.. baka igoogle ko pa ung mga buwayang nabanggit. hahaha. aynway kuya koy..nakakamis ang zoo. kaso hindi na ako bagets..ahem. bagets pa pala....mejo?. haha. gandang araw!

    TumugonBurahin
  11. Dylan - kumuha ko ng tissue pamahid ng dugo este sipon pala hehehe.. likha lang ng kukote ng kamote. sadyang inihalintulad sa sitwasyon ngayon :)

    @YANAH - totoo? wow, yup sa amadeo ko nauwi, dun ako nakatira, malimit ako sa tagaytay ah, dun sa Savemore at Puregold. pag naggrocery nga lang.. san ka sa tagaytay.. naku, baka nga kilala pala kita hahaha...


    @Potpot - ay atekoy, ako matagal ko ng nilampasan ang bagets na yan, kasabay ko sina richard bonin (kilala mo ba?) at aga muhlac & friends.. tumiwalag lang ako hahaha.. juk...

    TumugonBurahin
  12. parang alam ko kung sino ang tinutukoy mo dito...

    SUPER NICE METAPHORRRRR!!!!!!!!!!


    sana ung babae eh mawala na din lol.. joke!

    TumugonBurahin
  13. buti pa kayo may zoo.. dito sa davao pili ka lang if gusto mo manood ng eagle o ng buaya.. hahaha... yan lang...

    weee nice din ang metaphor

    TumugonBurahin
  14. bato bato sa langit ang tamaan wag magalit.sana nag bumisita sila at mag basa ng blog mo :)

    TumugonBurahin
  15. whahaha ang kulit ha... parang the who lang to ha... :D

    TumugonBurahin
  16. @EgG- nakuha mo ba? aba bahala ka sa iniisip mo ha hahahaha.. playsafe lang ahehehe


    @Batman - oo nga parekoy.. sa tagaytay meron din.. hehehe

    @Adang - tama parekoy, pag umaray eh guilty hehehe salamats

    @Axl - the hu nga.. aba bahala na sila mag isip hehehe...

    TumugonBurahin
  17. Ayun buwayahan sa ere at sa gobyerno. Sana may labanan ng mga buwaya sa gobyerno, yung patayan tlaga para mabawasan yan isa isa. Ay di pala isa isa baka pwedeng sabay na silang lahat

    TumugonBurahin
  18. wakokok harakiri ung isang buwaya eh. baka yung ibang buwaya susunod na rin lol

    TumugonBurahin
  19. lipulin lahat ng buwaya...

    at ihagis kay banjo hahaha

    juk!!!

    ung isang buwaya...maraming buhay yun,,,:)

    TumugonBurahin
  20. Ang Batasang Pambansa ang pinakamalaking zoo ng mga buwaya sa buong Pilipinas. :)

    Nice one parekoy! :D

    TumugonBurahin
  21. di lang sa zoo matatagpuan ang ahas at mga buwaya hehehehe

    TumugonBurahin
  22. di ko nagets na si gloria pala ang babae.. pero nagets ko na si angelo reyes yung isa... sana nga dre eto na ang umpisa.

    TumugonBurahin
  23. grabe ang mgprocess ng utak ko...di ko talga nagets nung una dhil kala ko pumunta k ng zoo...hayyssssst..di ko gnun kainteresado s pulitiks ihhh...pro ngets ko n at the end...at sana nga eto na ang umpisa...

    TumugonBurahin
  24. haha..buwaya na tao......mga buwaya sila..mga sakim sa kapangyarihan at nananamtala..nariyan pa ang mga buwaya na sina garcia, ligot, at iyong istasyon sa tv ang palayaw..hehe..biro lang..

    TumugonBurahin
  25. nice one kuyakoy! makapunta nga rin ng zoo at yung mga unggoy naman ang bibilangin ko, nabilang na kita dati dun e...hahahya peace!

    TumugonBurahin
  26. langya..Tagal kong nakuha ang mensahe sa post mo. Kinailangan ko pa talagang basahin ang komento ng iba para lang malaman iyon. haha.

    Ang sa akin lang ay sana magsitigil na sa pagkalat ang mga buwayang iyan. Masyado silang dumarami. tsk tsk..

    Salamat pala sa pag-follow back.:)

    TumugonBurahin
  27. marunong daw magbasa ang mga buwaya at balita atang may blog din sila, lagot ka!!! :D

    TumugonBurahin
  28. ayan magbasa kc ng dyaryo hehe, ok to bro!

    TumugonBurahin
  29. ahhhh. yun pala yon. nung una kong binasa di ko magets, nung binasa ko ulit, naintindihan ko na. :)

    TumugonBurahin
  30. haha nagets ko yun ah, hahaha LOL

    nice one!

    ;D

    TumugonBurahin
  31. mmmhhhh...mahina ako umintindi...inde ko ma-gets... ahehehe..

    politics..nakakakaba yan...

    takot ka din nu...baka bigla ka na lng dukutin... ahahaha... ;)

    TumugonBurahin
  32. hahaaha hulaan blues ito hahahah

    na gets ko na gets ko...

    TumugonBurahin