(entry para sa Mapagmahal ng ating kaibigan na si Kamilla. )
---
klang... klang..... klang.....
Hudyat na tapos na ang misa, lumabas ako ng simbahan upang bumati sa mga kakilala. Sa makalabas ng simabahan, naabutan ko ang isang lalaking may bitbit na bulaklak at nakatingin sa akin. May konting pagkagulat sa aking mukha dahil ilang taon na din ang nakalipas ng huli ko sya makita at makausap.. habang papalapit ang lalaki, bumalik sa aking alaala ang nakaraan, ang paguusap namin bago kami maghiwalay.
-----------------------------------------
Sa labas din ng simbahang iyon.. sa ganito ding araw at oras
"Abner, humihingi ako sayo ng kapatawaran"
"Anong sinasabi mo aking mahal? anong patawad?"
"Matagal ng bumabagabag ang damdaming ito sa akin, patawad Abner, pero may iba akong mahal. Sa kanya ko natagpuan ang kaligayahang matagal ko ng hinahanap"
"Hindi totoo yan, sabihin mong nagbibiro ka lang sakin, cathy mahal na mahal kita. Totoo akong umiibig sayo"
"Hindi ako karapatdapat sa pagibig mo, may iba akong mahal, nasa kanya ang aking kasiyahan. Patawad kung nagamit kita sa pagtimbang ng tunay kong nararamdaman, mahal din kita abner, pero naghuhumiyaw ang aking pagibig sa Kanya, siya ang aking kaligayahan. Siya lang ang minahal ko ng ganito"
"Hindi yan totoo... Sino cathy, sabihin mong sino ang karibal ko?.. Hindi, hindi totoo ito. Ang sakit. Sobrang sakit cathy." Hinagpis ni abner habang umiiyak..
"Humihingi ako sayo ng tawad, bukas na bukas din, handa ko ng ipagkaloob ang sarili ko sa kanya, wag mong isipin na hindi kita minahal. Subalit ito ang aking kagustuhan, Siya ang gusto kong paglingkuran habang buhay ko, nasa kanya ang aking kasihayan."
"Sino sya Cathy, sino ang mapalad na lalaking yan?"
"Hindi na Abner, hindi mo na kailangan malaman pa. Sana mapatawad mo ko?"
"Masyadong masakit itong ginawa mo sakin, mula ngayon hinding hindi mo na ko makikita pa, iginagalang ko ang pasya mo, sana pagdating ng araw na magkita tayong muli, walang pagsisisi sayo"
Tumalikod si Abner, lumayong nakayuko ang ulo na parang pinagbagsakan ng langit at lupa. Masakit din sa akin ang nangyari, ang makita ko syang nasasaktan. Sa dulo ng aking matang luhaan, napansin ko ang kumpol na bulaklak sa lupa, hawak nya ito kanina lang, akin itong pinulot at binasa ang nakakabit na sulat.
"Happy Valentine's Day mahal ko"
Napatingin ako kay Abner pagkatapos kong mabasa.
"Patawad, hangad ko ang tunay na kaligayahan para sayo, sana matagpuan mo din ang babaeng magbabalik ng kaparis ng pagmamahal mo, patawad muli Abner, hindi kita malilimutan"
--------------------------------------------------
klang... klang..... klang.....
klang... klang..... klang.....
Nagblik ang aking kamalayan dahil sa kalembang na iyon at ang paglapit ng lalaking matagal ko na ding hindi nakikita sa loob ng mahabang panahong lumipas.
"Hi, kilala mo pa ba ako?"
"Abner, ikaw nga, kumusta ka na?"
"Ok naman, masaya na din sa piling ng aking pamilya, so.. Siya pala ang karibal ko noon?"
"Abner, patawad, hindi ko na sinabi sayo dahil ayaw kong magalit ka sa kanya"
"Ako ang dapat humingi ng tawad sayo, sa kakitiran ng isip ko noon. Hindi ko akalain na Siya din pala ang tutulong sakin. hmmm syanga pala nagpunta ko dito para sa binyag ng baby ko, iniimbitahan ko kayo at pati na ang mga bata"
"Salamat Abner, maligayang maligaya ako para sayo, hayaan mo makakarating kami doon"
"Salamat din at happy valentine's nga pala, ang bulaklak na ito, para sa kagandahan ng iyong loob, marami salamat muli sayo. Dahil sayo, nakilala ko Siya at binigay nya sakin ang tunay na kaligayahan."
Nakangiti kong tinanggap ang bulaklak, ilalagay ko ito sa altar ng aming bahay. Inihatid ko sya ng tanaw hanggang sa makasakay sa kanyang kotse, kasama pala ang kanyang pamilya. Kumaway sakin ang mag-anak bago lumisan. Hindi ko maiwasang mangiti dahil sa kasiyahang nadarama, kasiyahang hinangad ko para kanya.
"Good morning sister"
"Magandang umaga po sister"
Ang bati sakin ng bawat taong nagdaraan sa harap ko.
"Magandang umaga din po" aking tugon na may ngiti at paggalang sa aking labi.
Naramdaman ko na lang na may kumapit sa laylayan ng aking puting kasuotan. Isang Anghel na nakatira sa bahay na aming sinimulan, bahay para sa mga batang walang kanlungan.
"Sister Cathy, tayo na po, tapos na po ako magpray kay papa Jesus, hinihintay na po tayo ni Mother Luz."
Nakangiti kong ginusot ang ulo ng bata.. nakangiting tumingin sa altar at nagpasalamat para sa pangaraw araw na kaligtasan ng aking kapwa, para sa kasiyahan na nararamdaman ng bawat isa, at para sa pag-ibig ng Dakilang lumikha.
***
Tunay na walang kapantay ang pagibig ng maykapal sa mga nilalang na kanyang nilikha, sa kabila ng lahat ng pait na ating pinagdadaanan, nasa likod nito ang katotohanang ito ay daan lamang para sa ating tunay na kasiyahan.
Happy Valentine's Day to all
Happy Valentine's Day to all
WOW. ISANG MASTERPIECE!
TumugonBurahinnice one! galing-galing talga...
TumugonBurahinmy mkukuha kng award from Kamila dhil jan...jejeje
hahaha sige nga... sino pa ba sa inyo ang lalaban dito.. wahehhe... sana chong manalo ka.. wahehhe
TumugonBurahinnice entry
TumugonBurahinikaw na panalo, talo na yjng entry ko...hahaha ganda nito tol...
TumugonBurahinang pag-ibig ay hindi lamang umiikot sa mga magkasintahan o magasawa..
TumugonBurahinsang ayon ako sa mga sinabi mo ser.. mahusay ka tlaga :)
Buwiset ka dre... nalinlang ako ng entry mo!!!! Hahahahaha salamat dre sa pag-participate!! Malaking bagay yan sa akin..
TumugonBurahinnaguluhan ako kung sino ang karibal.... yon naman pala, nagmadre si cathy. Hehehe
TumugonBurahinHusay!
TumugonBurahin@DEMIGOD - salamat parekoy.. photoshop lang yan hehehe
TumugonBurahin@Lhuloy - uy salamat at naku ang daming magandang entry..
@kiko - ahahaha.. naman parekoy.. aba ikaw din meron.. astig yan siguraso
@Archie - salamat parekoy
TumugonBurahin@MOKS - e sir, ang galing ng entry mo ha.. hiya much tuloy ako hahaha..
@Neneng - Ang bulalo, ey salamats... tumpak ang sinabi mo..apir :)
@Kamil - Nalinlang ba? hahaha, ang hirap makipaglaban pag ang karibal eh SIYA diba.. salamat marekoy
TumugonBurahin@Empi - Sinadya ko guluhin hehehe, para pag dating sa huli.. dun nila magets.. salamat parekoy.. :)
@Joey - mustasa parekoy? salamat...
napadaan lang po! suggest ni Kamil aang blog mo kaya eto, todo basa at SALUDO ako! ang galing ng twist, napaiyak mo ko at napatawa sa ending. galing mo parekoy.
TumugonBurahinmabigat karibal si Bro,...hehehe
TumugonBurahinMASTERPIECE PO YUNG PLOT.
TumugonBurahinI WASNT REFERRING TO THE PIC ;)
@Billy - salamat parekoy.. balik ka ulit.. kakagaling ko lang sa bahay mo... :)
TumugonBurahin@Adang - tama parekoy.. kailangan talaga malawak ang pangunawa ng taong nagmamahal.. maari kasi ang nakikita lang natin eh ang atin lang sarili.. salamat parekoy
@Demigod - ah ganun ba.. hehehe.. salamat parekoy kabayan..
ikaw na!!!! ikaw na!!! ahahaha
TumugonBurahinkeep it up! may pinaghuhugutan ang bawat katagang inilalagay mo sa kwento.
TumugonBurahinmabuhay!
hmmm parang may pinag huhugutan?? peace Banjo!! hihihi
TumugonBurahinganda ganda...ang galing ng kwento!
hahaha.... tinatawg na ba ko ng blogpost na to? hhehe...galing!
TumugonBurahinhaha..napanood ko na to eh!!:))ako kaya magmadre nalang din...hmmmm
TumugonBurahinMahusay. Bato bato sa langit. oooooooooopsss. di ako tinamaan. hehehe
TumugonBurahinwow banjo. ang galeeeeng.
TumugonBurahinang ganda ng kwento. happy ending.
TumugonBurahinreligious heheheh
TumugonBurahinsabi na e. may naramdaman akong kakaiba.LOL yung word na Siya, hint para sa akin yun kasi capital yung "s" at sa huli di nga ako nagkamali.hehehe
TumugonBurahinnice parekoy. kakaiba itong starting post mo for valentine month and napakaganda nito. :)
teka nabasa ko yung badges mo, birthday mo?hehehe advance/belated happy birthday parekoy. :D
ang galing ah, unique to kumpara sa ibang nabasa ko. dahil diyan di na ko sasali hehehe
TumugonBurahinBilib at inggit ako sa inyo, ang husay nyu managalog (as usual) hanga ako sa liksi ng isipan mo parekoy... pasensya na Laking Probinsya kc ako hirap ang dila ko sa tagalog Bisaya kasi hahaha
TumugonBurahin@adang - ako na heheh.. salamat parekoy
TumugonBurahin@ate bhing - salamat po.. maraming salamat sa inyong pagdaan
@poks - salamat ha.. musta ka na? ok na sana ang lahat.. :)
@jheng - ay salamat kabayan...
@cheenee - pede pede pede hehehe.. salamat marekoy
TumugonBurahin@houseboy - ayun.. tinamaan pero nakailag ahehehe
@Diamon - salamat parekoy.. cchheerrsss
@jobologist - epekto yata ng pagsimba hehehe
@kyle - salamat parekoy, nga pala ituloy mo ang kwento ha.. naks, naeexcite ako sa susunod eh hehehe.. galing.. birthday ko nung january 25.. slamat sa pagbati parekoy
TumugonBurahin@bino - naku, hugot ko lang sa kukote ahehehe.. sali ka.. salamat parekoy
@Roy - sir, salamat ng madami.. ngapala.. laro tayo ng golf sa bukid ahehehe.. salamat po..:)
@sean - salamat parekoy.. apir tayo...
TumugonBurahinagree ako diyan!!wala ni sinuman ang makakahigit ng pag ibig niya sa atin
TumugonBurahinSa unang basa ko pa lamang, nabanaagan ko na na nais ni Cathy na maglingkod ng buo sa Panginoon.
TumugonBurahinCalling din 'yan, bihira lamang ang tinatawag pero may madre ako alam na marunong ding magmura dahil sila ay TAO din. Hehehe.
Kamusta?
Tunay na walang kapantay ang pagibig ng maykapal sa mga nilalang na kanyang nilikha, sa kabila ng lahat ng pait na ating pinagdadaanan, nasa likod nito ang katotohanang ito ay daan lamang para sa ating tunay na kasiyahan.
TumugonBurahin---- SO TRUE!! :)
hindi nagmimintis sa pangaral ah, galing :)
TumugonBurahingood luck sa entry mong ito..mapuntahan nga si Kamilla..
TumugonBurahinwow! galing mo talaga parekoy...keep it up...^_^
TumugonBurahinepic !! napabisita ako kuya hehe. c bro ang tunay na pag-ibig ni ateh. mejo nagets ko din nung umpisa sa madre c ateh. pero binasa ko tlga xa :D
TumugonBurahinang galin galing mo tlga magsulat...
TumugonBurahinnakikigulo sa pulong...kakatouch naman...
TumugonBurahinSa tuwing nakababasa ako ng isang sulatin na lalaki ang sumulat, napapangiti ako. Siguro, dahil sa mga writing workshop na nadaluhan ko, karaniwang mga babae ang nakakasama ko at pailan-ilan lang ang kalalakihan. At karaniwan din sa mga kaibigan kong manunulat ay mga babae. Nakatutuwang basahin ang perspective ng isang lalaki sa ilang mga tema.
TumugonBurahinIpagpatuloy ang pagsusulat at pagbibigay-aral :)
Nagbloghop ako galing sa bahay ni Ms. Bhing. At dahil walang puwang sa comment field mo ang paglalagyan ng URL ng mga may dotcom na bisita mo ay minarapat kong dito na lang mismo sa comment na ito ilagay ang aking URL. Hope you won't mind heheh :) http://nortehanon.com
@Emmanuelito - oo parekoy.. walang maaring ihambing.. salamat po
TumugonBurahin@Jkulisap - sir alam ko na, eh sa talas ba naman ng inyong isip hehe.. maraming salamat sir jkul... kakagaling ko lang sa bahay mo
@imAPV - Daming salamat parekoy..musta ang exams?
@LordCM - thanks sir.. nagsimba kasi ahehehe
@Arvin - salamt parekoy, hindi ko naman ineexpect na manalo.. ang babangis ng entry ng iba hehehe manalo matalo. panalo pa din..
TumugonBurahin@Riza - ei marekoy, san ka na.. magbalik ka ulit.. itayin ko ha.. apir
@bhenipot - salamat atekoy.. balik ka ulit ha.. chheerrzzz
@Uno - salamat parekoy.. bumisita ko sa bahay mo..
@Iya Khin - natuwa ko sa name mo ahehehe.. salamat atekoy.. balik ka sana ulit.. ^__^
TumugonBurahin@Nortehaton - sir, maraming salamat sa pagbisita.. iniadd po kita sa list ko.. siguro po kanya lang ng tema, nagsusulat lang ako sir base sa kapaligiran, karanasan at naiisip. pero di naman po ako writer hehe.. salamat sir, sana po magbalik kayo.. :)
ang ganda ng kwento... wa ako ma-say hehehehe
TumugonBurahin@Klet - salamats ateng.. ... ayan speechless din ako hahaha.. apir..
TumugonBurahinfirst off, great guest post kamilla, extend my regards to her. I have tried to think that God really is present when time comes that we need him. I entered the seminary to really discern for the right vocation but hadn't found. Now, I really think I need to save myself. God knows when will I get to discern more.
TumugonBurahinhappy monday folk.
http://arandomshit.blogspot.com/