Biyernes, Pebrero 25, 2011

MUNTING HILING NG MAY KAARAWAN



Akalain ko bang ganito ang pamilya ko? Ano ang nasa isip ko noon? wala... dahil wala pa naman akong muwang sa mundo noong nasa sinapupunan mo ako. Hindi ko alam ang buhay na tatahakin ko na ikaw ang magpapatakbo. Ang tanging nalalaman ko, nabuo ako dahil sa inyong pagniniig, ng init ng damdamin na sa puso nyo ay nananaig. Ng tamis ng pagmamahalan na inyong nararamdaman. Ng inyong pangarap na para din naman sa inyo. Mahabang panahon din sako sa iyong sinapupunan, naghihitay ng tamang panahon para ako ay iluwal at matupad ang inyong pangarap.

Dumating ang araw na ako ay isinilang, nagbunyi kayo aking mga magulang. Napalitan ng tamis at ngiti ang sakit na iyong naramdaman sa pagluluwal sa akin. Ipinakilala nyo ko sa buong sanlibutan. Ako ang inyong anak na magaahon sa inyo sa kahirapan. Ako ang tutupad ng inyong mga pangarap. Ako ang tatapos sa pananamantala ng aking kapatid. Oo, may kapatid pala ako na labis ang inyong pagkasuklam. Pero sa aking pagkakaalam. Noong araw na nasa sinapupunan mo ako, pinlano nyo ang pagkitil sa isa pa ninyong anak. At kasabay ng aking pagsilang, kamatayan naman sa aking kapatid. Aking kapatid na hindi na ipinagbuntis at sapilitang sa inyo ay isinilang. Ang aking kapatid na sa inyo ay nagpahirap. Batid yun ng lahat.

Dumaan ang maraming taon sa aking buhay. Mga taon ng aking buhay  na kayo din naman ang may kagustuhan. Mga taon na naging malungkot sa akin. Dahil sa mga panahong iyon, kontrolado nyo ang aking pagiisip at damdamin.

Ngayon ang aking kaarawan, nalulungkot ako at nahihiya sa aking kapatid na inyong pinaslang. Nahihiya ako dahil sa inyong pagkakaalam, kalupitan at kahirapan ang ibinigay niya sa inyo. Kahihiyan para sa ating lahi. Pero ako, taon taon nyong ipinagdiriwang ang aking kaarawan, ano ba ang nagawa ko para sa inyo? Naghangad kayo ng kaginhawan sa akin noon pero naging masahol pa ang inyong kalagayan ngayon. Ano na lamang ang sasabihin ng aking kapatid sa akin?

Dalawampu't limang taon ang lumipas mula ng akoy isilang. Kung may kahilingan ang may kaarawan, pahihintulutan mo bang ako ay humiling ng aking nais? Hihilingin ko lang sana.. Ibalik nyo ang alab ng inyong damdamin at init ng pagmamahalan na inyong naramdaman noong ako ay binubuo nyo pa lamang. Ibalik nyo ang inyong mga pangarap noong akoy nasa iyong sinapupunan.  Ibalik nyo ang tunay na pagkakaisa at kapit bisig noong ako ay  isilang. At  inyong isapuso at isabuhay  ang lahat ng ito habang ako ay nabubuhay.






55 komento:

  1. ang lalim ha.. 2 beses kung binasa.... tama love love love... happie bday :D

    TumugonBurahin
  2. happy 25th edsa people power anniversary! sana nga matupad natin ang munting hiling na ito.

    nice post! ang galing! :-)

    TumugonBurahin
  3. Maraming nagaganyak sa mga mapanghalinang gawain upang kalimutan ang hinihingi mong alab.
    Maraming damdamin ang nakikipaglaro sa kaisipan ng isang tao. Abala tayo sa paghanap ng sarili nating bukas, ng sarili nating lugar sa mundo.
    Bakit kailangan pa nating idamay ang ating bayan sa ating mga pangarap?
    Hindi naman 'yan nakapagsasalita, hindi naman 'yan nakakalibog, hindi naman 'yan umiiyak o humahalakhak.
    Akala ko lamang, pero ang totoo, siya ang saksi sa lahat ng pagkabigo at tagumpay natin.
    Kung ano ang siyang kasalukuyang kalagayan nito ay siyang dulot ng ating pagwasak at paglimot sa kaniya sa simula pa lamang.

    Nagniningas ang kugon pero dagli ding namamatay ang apoy, ikinintal sa diwang kayumanggi ang ganitong pangyayari. Mabilis tayong lumimot, mabilis tayong magbago, mabilis tayong yumakap sa anyaya ng iba.
    Kadalasa'y kaniya-kaniya tayo ng takbo. Iilan ang nasa iisang direksiyon.

    TumugonBurahin
  4. @axl - salamat ng madami.. pero di ko birthday hehehe.. :)

    TumugonBurahin
  5. @Animus - ngayon nagseselebra tayo ng EDSA people power anniversary.. ngayong bagong bihis na ang pamahalaan.. sana magkaisa tayong lahat.. maraming salamat po.. :)

    TumugonBurahin
  6. Maraming salamat sir jkul sa inyong pagbisita... naoakalalim ng inyong sinabi, nahirapan akong maghukay... (pahid ng ilong) :)

    Tulad ng aking kahilingan, ang alab na namumuhay noon ang syang nagbibigay ng ningas sa ating kagustuhan.. na noong malaon at mag apoy, hndi na ginatungan hanggang sa maging baga na lamang.. ang iba ay naging abo at ang iba naman ay uling.

    ngayon sa pagdiriwang ng ating pagkakaisa.. ng kaarawan ng demokrasya, nawa nga sana.. maibalik ang dating alab na minsan ng nagbigay sa atin ng lakas para sa pagbabago.

    Noong mga panahong iyon, kapitbisig.. lahat pantay pantay.. walang mayaman, walang mahirap na humarap sa tangke ng diktadurya. nandon ang ningas

    pero ng matapos ang apoy, lumayo ang agwat ng mayaman sa mahirap. Tama ka sir, nagkanya kanya na ng takbo.. iilan na lang ang natira sa tamang direksyon.

    HIndi lang sana paggunita ang mamayani ngayong araw. Pag sasapuso at muling pagbuhay sa tunay na diwa ng ating pagkakaisa...

    maraming salamat sir Jkul.. :)

    TumugonBurahin
  7. Edsa day nga pala ngayon :)

    Muling kantahin ang handog ng Pilipino sa mundo :)

    TumugonBurahin
  8. @Adang - oo nga parekoy.. traffic na naman..mabuti at walang pasok.. SILA.. waaaaaaaaaaa... salamats

    TumugonBurahin
  9. Maligayang kaarawan, Istambay! Babatiin kita sa espesyal na araw na ito. Magbatian tayo. LOL

    TumugonBurahin
  10. @Ron - Salamat.. birthday ng EDSA ngayun.. :)

    TumugonBurahin
  11. @Carrie - hindi po ako ang may birthday... ahihihih... salamat na din po..

    TumugonBurahin
  12. akala ko birthday mo. malalim nga :)galing!

    TumugonBurahin
  13. hanep! winner!
    kala ko kung anu
    na...happy people power!

    TumugonBurahin
  14. taon ng edsa din ako pinanganak... hehee... ibang month nga lang.... ^^

    TumugonBurahin
  15. @Nowitzki - salamat parekoy... :)


    @Lhuloy - sana after nitong EDSA anniv eh magkaron na ng tamang daan.. ung tuwid at sementado :)


    @Leonrap - ibig sbihin eh 25 ka na hehehe.. :) salamatzz

    TumugonBurahin
  16. nice. EDSA Baby ka pala.

    hindi pa ko buhay nun e. hehe

    TumugonBurahin
  17. @iamAPv - noong time na yon, laro lang ang alam ko.. hehehe.. wapakels pa ko sa mga pangyayari...
    salamat parekoy.. :)

    TumugonBurahin
  18. Happy holiday folk. wag natin kalimutan ang alaala ng Edsa. Kaarawan ko bukas parekoy. lumampas lang ng isang araw sa b-day mo.


    http://arandomshit.blogspot.com/2011/02/

    TumugonBurahin
  19. @DENASE - ahihihi.. hindi ko birthday.. ang nagsasalita ay si DEMOKRASYA hehe.. happy birthday sayo parekoy.. :)

    TumugonBurahin
  20. hahaha! kala ko kaarawan mo banjo, dalawang beses ko binasa.. patungkol pala ito sa edsa day.. ang lalim..

    hapi EDSA day sau jan..

    TumugonBurahin
  21. @mommy razz - salamat po.. ginawa ko ang nagsulat eh ang ating demokrasya.. hihihi.. nakikiisa lang sa selebrasyon ng EDSA.. :)

    TumugonBurahin
  22. hindi pala birthday.. e anu dapat ang bati d2?
    happy EDSA day?? hehehe

    happy weekends..

    TumugonBurahin
  23. @Ceiboh - sayo ako bumabati ng happy blogversary.. hihihi.. nakataon na birthday din ng ating demokrasya.. :)

    TumugonBurahin
  24. huyy..bakit pinatay ang kapatidddd moooo!!??? As in ano yun? Di ko masyado maarok...

    pero ako... nalinlang ako ng magulang ko na okay sila.. at apat na taon lang ang nakraan, pareho na silang may ibang asawa.. at lahat ng ito nangyayari para DAW sa min.. para sa pera... hay :( napa-emo tuloy ako.

    Ako hindi ko na hinihiling na magkabalikan sila.. dati oo.. pero naiiisip ko ngayon..? galit sa tatay ko.

    TumugonBurahin
  25. @kamil - so sad ang nangyari... yaan mo, ang importante eh nasayo ang pangunawa.. wang mong aalisin yan sa iyo ha..

    ang tinutukoy ko ditong may kaarawan ay ang demokrasya.. ngayon ang kanyang ika 25 na kaarawan.. at ang tinutukoy kong kanyang kapatid na pinatay noong siya ay isilang, ang diktadurya..

    malalim ang entry na ito.. kilala mo ba si Jkul marekoy.. mas malalim pa kung bumanat ng entry yun hahaha...

    salamat marekoy.. kahit ano pa ang nangyari sa atin. Kunin natin ang aral, harapin ang ngayon at gamitin ito sa kinabukasan... basta marekoy... ano mang galit.. mapapawi yan.. :)

    TumugonBurahin
  26. uyyy EDSA REVOLUTION ang topic ah......


    hayyyyy ang lalim mo talaga... pati dun sa salamin ang lalim din....

    kelangan pang paganahin ang mga braincells lol

    TumugonBurahin
  27. @ EgG - nasasanay na ko magpost ng malalim, ung tipong magiisip angmagbabasa ahehehe... maraming salamat sau egg.. :)

    TumugonBurahin
  28. akala ko beerday mo na! sayang reregaluhan pa naman sana kita!! hahaha! off ako ngayon gala mode today!

    TumugonBurahin
  29. happy birhtday EDSA. ang lalim naman parekoy. di ko mahukay.wahahaha

    TumugonBurahin
  30. hehehe, natawa naman ako dun sa dalawang beses na binasa...

    ganun din brod ang nais ko, sana kung ano man ang pinaglaban dati at nakamtam, maramdaman pa rin natin ngayon, kaso parang mas lumalala pa...

    sayang ang pinaglaban ng mga ate, nanay, tatay, kuya ntin nuon...sayang...

    TumugonBurahin
  31. wag sanang malimutan ang tunay na dahilan ng pagdiriwang ng ating unang People Power. :)

    TumugonBurahin
  32. ang depth nito parang marianas trench lang..wa hehehe tama ba ako.. wahehhe happy bday sa edsa... :) kahit pdi pa ako isinilang nun buhay parin ang diwa hanggang ngayon..

    TumugonBurahin
  33. Ang lalim, pero na gets ko rin, hehe.... Hay, sana nga matuto na tayo na magkaisa at isapuso ang totoong diwa ng edsa revolution....

    TumugonBurahin
  34. fictional pa rin ba 'to? o totoo na talaga? ohmaygaaaaaaaaad di ko na naman ma comprehend lol...^_^ anyway happy birthday ng 25th parekoy...sana mas tumagal pa ang 'yong buhay at rumami pa ang iyong kwento...^_^

    TumugonBurahin
  35. Grabe parekoy ang lalim. Nawindang ako kakabasa. Happy bday sa EDSA :)

    TumugonBurahin
  36. naalala ko after ng edsa noon, punung-puno ng pag-asa ang mga tao. ngayon, andito lang tayo.

    TumugonBurahin
  37. Belated Happy 25th EDSA Day par... nice post! ang lalim

    TumugonBurahin
  38. sa bawat salitang binibitawan mo sa iyong mga panulat ay matatagos ang sinseridad at pagiging mapanuri sa mga nangyayari. keep it up!

    TumugonBurahin
  39. Ang galing ng pagkakasulat..ang masabi ko lang ang mga tao na naging lider sa edsa ay may ambisyon pala sa politika.......lalong naghirap ang bansa dahil sa edsa na iyan....unti unti nagmahalan na ang presyo ng mga bilihin..wala ng kontrol ang sumunod na gobyerno kay Marcos para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin..Ang sampung piso noon madami na ang nabibli......pinatalsik nila si Marcos para sila naman ang magkaroon ng puwesto sa gobyerno..nakamit nga ang kalayaan..kalayaan na magnakaw sa kaban ng bayan, kalayaan para pumatay....kung corrupt nga si Marcos ay noon isa lang ang corrupt..pero ng mawala na siya lalo na ngayon napakadami ng corrupt mula luzon, visayas, at mindanao..Ang ten centavo noon ay may halaga pa..

    TumugonBurahin
  40. Ang galing as expected parekoy, pero may naramdaman akong lungkot pagkatapos kong basahin...sana makuha mo ang iyong hiling, tutulong ako humiling sa inyong munting kahilingan.

    TumugonBurahin
  41. galing mo talga magsulat pre. idol kita

    muntik n ko maiyak ^_^

    TumugonBurahin
  42. wow nmn edsang edsa hehehe mas maganda ng entry mo hahaha

    TumugonBurahin
  43. sanay makamit na ang mga hiling na dpa natutupad.
    peace!!

    TumugonBurahin
  44. 25 years of edsa. :D congrats sa freedom

    TumugonBurahin
  45. grabe nose bleed ako sa palitan nyo ng comment ni kuya j.kulisap..anyway.sana matupad ang iyong kahilingan na maibalik ang alab na natupok na ng panahon

    TumugonBurahin
  46. Subrang lalim, kailangan ko halukayin.akala ko ano ang na iyong hihilingin. Iba ang talaga ang makata. saan ba yan nakukuha? ang lupit.belated happy birthday.

    TumugonBurahin
  47. Awwww... really touching... nakakarelate ako kasi gusto ko ring magwish ng ganyan....


    Miracles happen!

    TumugonBurahin
  48. too late na ang comment ko. hehehe

    pansin ko lang, laging makabayan ang mga posts mo Banjo. :)

    Keep it up. KOnti na lang ang tulad mo na hindi nawawalan ng Pag-asa sa ating bansa :)

    TumugonBurahin
  49. @Iya khin - saan na ang regalo.. birthday ko noong january 25 at hindi february 25.. hehehe


    @Kyle - salamat parekoy.. napalalim ng konti ehhehe


    @SuperG - maraming salamat sir..


    @LordCM - salamat sir.. sayang nga talaga.. pagkatapos ng pagkakaisa eh ayun, nagkawatak watak na.. :(


    @Bino - salamt sir.. sana nga.. manatili sa puso ng bawat isa lalo na ng mga pinuno ang kung anong ipinaglaban noon.. :(

    TumugonBurahin
  50. @Kiko - sana nga buhay ang diwa.. pero wala na eh.. ang resulta ng EDSA noon, nandito at tinatamasa natin.. pero ang diwa.. unti unti.. nawawala..

    @Kalokang Pinay - maraming salamat Ma'am sa pagbisita... :)


    @Riza - hindi ko birthday hahaha. fiction lang yan pero may katotohan sa nangyayari ngayon


    @Archievener - salamat parekoy.. napalalim ng konti hehehe

    TumugonBurahin
  51. @Sean - magkakapit bisig bawat isa.. ngayon diring diring hwakan ang iba.. totoo sir.. :(


    @MOKS - salamat sir moks :)

    @Ate bhing.. salamats na madami ateng.. :)


    @Arvin - salamatz.. siguro nagkataon lang noon na hindi pa ganito kahirap ang bansa.. ang pagppalit naman ng presyo ng produkto ay bunga sa pandaigdigang presyo.. tulad ng petrolyo, pag tumaas yan, madami ang nadadamay.. pero maaring tama ka.. kasi noong panahon na yon.,. iisa ang corrupt.. ngayon madami na.. maaring mas masahol pa dito tayo ngayon kung matuloy pa din ang batas na sinisunod at nilalabag ng karamihan noon..

    TumugonBurahin
  52. @Akoni - salamt parekoy.. sana nga magkaron na talaga ng pagbabago sa ating bansa.. :(

    @Kikilabots - salamat sir.. :)

    @Uno - salamat din ng madami sir.. lumalalim lang :)


    @Emmanuel - salamat parekoy.. sana nga.. makamit na NATIN..

    TumugonBurahin
  53. @khanto - salamats po.. malaya nga tayo pero nakakulong naman tayo sa kahirapan at sa malawakang korapsyon.. tsk tsk...


    @superjaid - ang lalim na palitan ng coment no hahaha. malalim kasi si SIr jkul.. :) salamat.. at nakilalim ka na din :)


    @Diamond R - hindi ko birthday sir.. mahilig lang sumilip sa nangyayari at ugali ng tao ngayon :)


    @Glentot - sana nga parekoy.. milagro na lang kaya ang ating kailangan?


    @Mr chan - sabi ni kamila,. its better late than never hehehe.. nakigaya lang ako... sana lahat tayo may pagasa.. kasi kung iyan ang mawawala sa atin.. para na din nating inamin na wala tayong kinabukasan..

    TumugonBurahin
  54. kahit super huli na!!!

    MADAMDMING EDSA DAY SA IYO BANJO!

    :)

    TumugonBurahin