Nakasandal ako sa weyting shed isang umaga,naghihintay ng byahe paluwas ng maynila. Nakadalawang stick ng ko ng marlboro pero wala pa ding nadaan na byahe. Alas nueve y biente ang oras sa aking relo. Higit kalahating oras na din pala ako dito. Sa di kalayuan may pumukaw ng aking pansin, isang taong grasa na nagkakalkal ng pagkain sa isang basurahan.
Tatlong estudyante ang patawid sa kalsada, nakitawid din ang taong iyon kasunod ng tatlong babaeng palapit sa shed na kinatatayuan ko. Bulong ng bulong ang pulubi, patingin tingin sa kung saan saan. Kasabay pagbulong na iyon ay ang hagikihikan at ang paglaladian ng talong babae, pawang kinikilig sa kanilang kwentuhan. Hindi alintana ang pulubing sa kanila ay unti unting lumpalapit.
"Ikaw Luz, diba ikaw iyan, at ang kapatid mong si vilma, aha at ikaw, ikaw nga si minda.." sigaw ng babae sa tatlong etudyante na pawang nagulat.. Nagtakip ng ilong sabay alisan sa pwesto. Kita sa reaksyon nila ang pandidiri sa pulibi.. oo nga naman, baka madumihan ang mga puti nilang damit.
"ewwww, yuck, shit, so kadiri" ang mga katagang lumabas sa bibig ng talong babae. Walang nangahas na sagutin ang tanong ng pulubi. Nagtakip ng panyo sa ilong. Imiikot ang mata sa inis.
"Ang aarte nyo, samantalang kayo ay ako din.. teka, kayo ang mga pinalad no? kayo ang huwad na pagkataong pilit nyong ibinidikit sa akin. Kayong tatlo, hindi nyo matangap na kagaya ko kayo, tinitago nyo ang katotothanan.. Bakit? dahil ang suot nyo ay puti? ang wika nyo ay ingles? Aha, alam ko na, hindi nyo kayang tanggapin na ganito ako no? Kayo ang huwad at ako ang totoo. Kayo ang panlabas at ako ang panloob" Matalinghagang sabi ng pulubi. Tila may pinagdaanan. Baka gutom siguro kaya kung ano ano ang sinasabi.
"Excuse me, Halllerrrr.. I'm not luz.. iwww... lets go girls.. so yucky" sambit ng isa sa tatlo habang palayo, sa kanilang pagalis narinig ko pa ang kanilang hagikgikan.
Napatingin sakin ang pulubi, nanlilisik ang matang lumapit sa akin. Ni hindi ako nakaramdam ng kaba.
"Ikaw, sino ka, di mo din ba ako kinikilala? matapos nyong saiirin ang kagandahan ko" ang tanong sakin ng pulubi sabay tingin mula ulo hanggang paa.
"Kilala kita, at tama ka, silang tatlo at ikaw ay iisa." Humithit ako ng isa pa sabay pitik ng upos sa malayo.
"Ikaw ang bansa ko, at ang tatlong babaeng iyon ay ang bumubuo sayo, ikaw ang katotothanan alam ko, at alam ko bakit ka nagkaganyan." Sagot ko sabay kuha ng isa pang stick na marlboro.
"Sino ka, anong pakialam mo sa buhay ko, sagutin mo ako?"
"Hindi mo ba alam, nandito ka sa blog ko, topic kita ngayon, baka sakaling makita at maintindihan ng magbabasa nangyayari sayo. Ako si Banjo, sumusulat ng kwento mo."
May padaan na bus at aking pinara.
"Hanggang sa muli nating pagtatagpo dito. Sana'y maayos na ang pamumuhay mo sa mga susunod kong kwento"
Madalas na tagpo sa pang araw-araw ito kapatid.
TumugonBurahinMABUTI PA ANG PULUBI MAY NALALAMAN SAMANTALANG ANG MGA NAGPAPANGGAP NA HUWARAN AY WALANG IBANG GINAWA KUNDI ANG MAGTSISMISAN AT PANDIDIRI SA KATOTOHANAN
hahaha parang naloko ako dun..w ahehe ero ganda.. may isang matalinhaggang dulot sa akin..wa heheh
TumugonBurahin@Joey - parekoy tama, salamats.. syanga pala.. wala kasi chatbox sa blog mo kaya hindi ko masabi na hindi ako makacomment sa comment box mo.. lagi sinasabi na hindi ako member.. ewan ko ba.. kaya hindi maka comment sa mang entry mo parekoy.. check mo ung settings...
TumugonBurahin@Kiko - maraming salamats hehehe.. matalinghaga nga yata masyado.. :)
hahaha! natawa ako, salamat sa pulubi dahil sa kanya nakagawa ulit ng kwento c banjo.. galing!!!
TumugonBurahindeym, you amazed me again banjo...clap-clap-clap..matinghaga kaibigan..punong puno ng aral..
TumugonBurahinang lalim na naman... si LuzViMinda - short for luzon, vizayas at mindanao...
TumugonBurahinnice post parekoy... sana sa muli nyung pagkikita ng pulubi ay isa na syang ganap na malinis at mabuti ang loob.
TumugonBurahinhey ask lang... di ko siya naintindihan.... ano nais mong ipahiwatig... lol.. me kinalaman ba to kay noynoy? lol....
TumugonBurahinbaka naman nababaliw na yung pulubi... sana nihatid mo siya sa kinauukulan upang matulungan... ehehehe :)
Kung tutuusin dapat naman talaga pandirihan ang pulubi kasi napili niya ang landas na iyon.
TumugonBurahinsa kalagayan ng Pilipinas, madami ang gustong tumulong dito. pero kagaya ng mga taong handang tumulong at halos binigay na ang lahat, napapagod din ito kasi yung mismong tinutulungan, ayaw tulungan yung sarili. naka depende ito ay habambuhay na naka-asa.
hindi natin masisisi yung mga babae. nasa pulubi nakasalalay ang pagbabago. :)
@Mami - salamat may nakita ako na pulubi.. ayun nagawan ko ng wento hehehe..
TumugonBurahin@Akoni - salamat ng many parekoy... platerd naman ako hehehe. maraming salamats...
@Leonrap - tama.. ung tatlong babae sila un.. nagpapanggap lang.. sila din naman ang pulubi hehehe
@Archiviner - salamat parekoy.. sana magagandang kwnto at puno ng kaunlaran ang susunod.. pasensya na at puro mali ang nakikita ng tambay hhehehe
@Egg- wala naman kinalaman parekoy.. gusto ko lang ipakita ang nangyayari sa pilipinas ngayon.. madami na tayong nalilimuta, miski na ung paggamit nating na sariling wika sa sariling bansa.. tsk tsk.. ganyan.. tingnan mo ang japan, ang china.. hindi natin sila maintindihan.. pero mauunlad na bansa yan ha.. at sariling wika ang gamit nila.. :)
Mr. Chan - Korek sir, walang ibang tutulong sa atin kundi atin mismong sarili.. nais ko lang po ipakita ng naayon sa aking opinyon, sa panlabas na anyo, tayo ay maunlad. yan ang bida ng ating mga ekonomista.. sa pamamagitan ng mga foreign investors. subalit iyan ay sa panlabas lamang.. sa panloob.. namumulubi tayo.. umaasa sa tulong ng ibang bansa.. sa kabilang banda lang naman.. :)
TumugonBurahinMakabayang banjo. ikaw na.
TumugonBurahiniba ka talaga idol! galing
TumugonBurahin@Bulakbulero - ako na sir hehehe.. salamat po :)
TumugonBurahin@The Psalmist - maraming salamat sir sa inyong pagdaan... magandang araw po. :)
Ikaw na ang makabayan! Bravo, Banjo! :D
TumugonBurahinKapatid patawad pero yung mumunti kong bahay pansamantala kong ginawang pribado ang mga puna nitong nakaraang linggo may nangyari kasi na hindi kanais-nais. Pero ok na s'ya sa ngayon.
TumugonBurahinMaganda itong lathala mong ito kapatid, makabayan.
Kongratyulesyshens nga pala ulit doon sa pagiging Mapagmahal award.Mabuhay ka kapatid!
lupit ng taong yun ah! bida na siya sa blog mo tol banjo! galing!
TumugonBurahin@Empi - makabayan masyado ang post ko hehehe. lapit ng ang EDSA anniv eh.. :)
TumugonBurahin@Joey - ganon ba parekoy.. sana ok na :)
@jedpogi - oo parekoy, ilang beses na din nagin bida sya sa post ko.. salamt parekoy.. :)
wow!! palakpak-palakpak! henyo ka talaga! mapakatalinghaga mo tsong, di kita mareach.
TumugonBurahinoo nga, naalala ko tuloy yung kanta na sinong dakila sino ang tunay na baliw.....kanta mode
@Iya khin - oo nga no.. bagay yung kanta.. sino ang tunay na baliw. hehehe.. magandang araw sayo.. aba kakadaan ko lang sa inyo ah.. :)
TumugonBurahintru-to-layp b etoh parekoy..
TumugonBurahini jus wonder...wat if kung
d p dmting ung bus..wud u talk
wid him/her more?!
la leng...
ang lalem n namn ng post u...di ko maabot...jejeje
nyahaha.. naaalala ko ang pulubi malapit sa LRT at humahampas sa ilong ko ang Hmmm..kay sarap na anghit niya.. pero hindi ko pinapahalata... kase la lang.. inaaply ko lang mga natutunan ko sa skwela.. lol. hahaha
TumugonBurahinvery nice, :)
TumugonBurahinyan din ang kulang cguro satin, kulang ng pagmamahal sa sariling atin ska disiplina..
TumugonBurahinnice :)
TumugonBurahinmahusay ka talga ser.. sa aking pagkakaintindi, dalawa ang yong nais ipakahulugan..
TumugonBurahinako naniniwla kong may pagasa pa..hindi pa huli ang lahat.. dadating at dadating ang araw na maitatama rin ang mga mali sa bayan natin..
mahusay ka ser..
idol na tlga kita..
clap clap clap
TumugonBurahinang galing mo talaga :-)
ang galing ah. may mga naengkwentro di naman ako'ng pulubi na matatalino. ang dami nila. ayang nga at di sila makapagaral
TumugonBurahingeleng geleng nemen.. hanlalim ng hinukay mo haha! my nanawagan dto s amin, c Crispin at Basilio baka napadaan dw nanay nila dto s blog mo hehe! pikihatid nlng.. jk :D
TumugonBurahinbilib na ako sayo!
TumugonBurahinhi istambay, very nice post! ang galing....may 'kurot' sa dibdib. :-)
TumugonBurahinnationalistic at informative. malalim at may aral.
TumugonBurahinfave part ko yung: "Ikaw, sino ka, di mo din ba ako kinikilala? matapos nyong saiirin ang kagandahan ko"... very true... :(
ang galing naman...
TumugonBurahinclap clap!!!
kayo luzviminda magbagao na kayo!:)
magandang umaga parekoy!
@Lhuloy - kathang isip lang yan marekoy hehehe... kung wala pang dumaan na bus.. malamang nakipagpalitan pa din ako ng salita sa matandang pulubi. eh ako ang sumulat kaya may pinadaan na ko ng bus hehehe
TumugonBurahin@Kamil - tama, hanggat maari eh wag tayong magpapakita ng kagaspangan ng ugali sa mga taong ganon. HIndi magandang tingnan.. :) salamat marekoy
@Adang - salamat parekoy.. :)
@Keatondrunk - kulang talaga ng disiplina.. dalawang klase meron tayo ngayon sa ating bansa eh.. ang pagpapanggap at ang katotohanan..
@carmie - salamat po.. :)
TumugonBurahin@neneng - nais ko lang ipakita ang tunay na anyo (ito ay sa aking lamang ha) ng ating bansa nagpapanggap tayong maunlad na bansa, pero sa likod ng sinasabi nilang ito ay ang talamak na korapsyon sa pamahalaan. Ang hindi maawat na pagtaas ng kahirapan at kasabay ng pagkyat ng antas ng ibat ibang krimen.. walang ngipin ang ating batas..
@Kriz - salamat naman marekoy.. :)
@Bino - Kung magkakaron ng pagkakataon ang mga pulubi na makapagaral, malamang sila ang pinakamatalino sa klase.. :)
@Nene - naku, hayaan mo't susulpot din si crispin at basilio sa aking kwento.. :) salamat nene.. :)
@Uno - maraming salamat parekoy :)
TumugonBurahin@Animus - salamat po ma'am/sir? Kinurot po ba kayo hehehe. :)
@Khantotantra - salamat sir, tama.. matapos nating ubusin ang ganda niya? ano ang ating ipinalit? magandang araw po
@jay rulez - salamat parekoy.. magandang araw sayo.. :)
wow! grabeeeh ang deep--di ko ma comprehend...lol pero ang nasa isip ko talaga eh flag of the philippines lol...but deeper thaN THAT ^_^
TumugonBurahinisa na namang malalim na pala-isipan! bravo!!!
@Riza - ayun nakita rin kita.. napalalim ba? eheheh.. magandang araw sayo. :)
TumugonBurahinang lalim. abangan ko na alng ang susunod nosebleed pa ako eh hehehe
TumugonBurahinNICE PAREKOY.
TumugonBurahinINIISIP KO KUNG PAANO KA NAG-COME UP SA REACTION NG MGA BABAE NANG LAPITAN SILA NG PULUBI. NAIMAGINE KO IKAW NAGSASALITA. HEHE.
STORIES ABOUT LOVE OF COUNTRY ALWAYS AMAZE ME.
THIS IS ONE GOOD POST ;) MORE!
@superjaid - salamat ng madami atekoy.. :)
TumugonBurahinDemigod - salamat sir sa pagdaan.. magandang araw po. :)
Luzon, Visayas at Mindanao.
TumugonBurahinAno kaya kung iisang pulo ang Pilipinas? Maayos kaya ang ating bansa?
Napahanga na naman ako sa iyong isinulat Sir Banjo.
:)
magaling manggulat ang pulubi..
TumugonBurahinpero hindi magugulat ng pulubi na iyan ang mga corrupt na politiko mula luzon, visayas, at mindanao..kahit pa ilang pulubi ang manggulat..
TumugonBurahinhahaha talagang makabayan ka parekoy. boboto kita talaga.ahahaha
TumugonBurahin@Jkul - maraming salamat sir sa inyong pagbisita.. kung sakaling iisang pulo nga lang ang pilipinas.. meron nga kayang pagkakaisa? alamin natin sa susunod :)
TumugonBurahin@Arvin - may taong sadyang makapal ang mukha.. kahit anong sampal ang tanggapin eh ok lang at parang walang naramdaman.. ganyan ang iba sa atin... maraming salamat
@Kyle - sa susunod na elekyon iboykot mo ko hehehe. hindi ako sasali jan kahit kelan... maraming salamat sir kyle
@ais - maraming salamat po sa inyong pagbisita dito.. sana muli po kayong magbalik :)
inspiring to. pwede ka nang presidente!
TumugonBurahinHehehe, tinamaan ako dun ah, lalo nung itinapon mo ang upos ng yosi, tayo rin pala ang gumagawa ng bagay na nagiging dahilan ng pagiging gusgusin ng isang pulubi...
TumugonBurahinsa sunod, diretso ko na sa basurahan :)
Ayos yung pulubing yun ah, tumatalinhaga.
TumugonBurahinSa kabilang banda, kahit sabihin pang sobrang hirap ng pilipinas, lahat naman ng tao kayang umunlad basta may pagsisikap.