Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post
Biyernes, Oktubre 12, 2012
NAG-IISA LAMANG AKO, WALANG KASAMA...
Himbing akong natutulog tuwing umiidlip din ang langit. Nakikipaglaro sa mga batang idinuduyan ng mga awitin. Humahagikhik sa kasuluksulukan ng kwaderno kung saan ako ay nakasulat. Itinatago sa mga kalarong humahabol upang hindi makita at mataya sa taguang pung. Hihanahabi ng may akda ang mga ngiting hindi maipinta ng isang pintor. Lumilipad sa ulap, napapalipat lipat sa mga bituin. Ang sanggol na pinadede ng Ina, larawan ng walang kamuwangan sa mundo. Kumukunot ang noo ng nagsusulat. Nakakadama ako ng lungkot, binabalot ng lamig ang kalaliman ng gabi. Bumabagal ang tipa ng mga daliring nangangatal. Nagigising na may luhang umaapaw at natutuyo na sa unan.
Isang larawan lamang tuwing umaga ang aking kinagisnan. Ang mga titig ni Ina habang papalayo si Ama ng hindi nagpapaalam. Ang mga katagang "Ako'y aalis na" at ang tugong "Ingat ka" marahil sa akin ay sasapat na upang hindi mailang ang nararamdaman. Pag gayon kasi ang pagmumulan ng buong maghapon, ang mga ngiti ni Ina ay parang patak ng ulan sa tag-araw. Hindi ako inuutusan ni Ina. Kailangang kusa ang aking paggalaw sa bawat titig na hindi ko kayang salubungin. Bibihira ang pagkakataong magalit sya sa akin, at kung magkagayon, iisa lang ang salita na aking kinatatakutan. "Tumigil ka". Hangga't maari, iiwasan kong makita ang pagkulubot ng kanyang noo, ang panginginig ng kanyang mga labi at ang pagkuyom ng mga kamao. Ang salitang yaon ay batas na kailangang sundin.
Madalas na si Ina ang aking kapiling sa mahabang araw. Ilang gabi na ding siya ang aking kayakap sa higaan. Dinig ang pintig ng puso at malalalim na paghinga. Hindi ko man namamasdan ang mga matang mapanglaw na nakatitig sa kung saan, batid kong ganon ang itsura niyon, patunay lamang ang mga pigil na hikbing sumisingit sa katahimikan. Malalim na sa gabi kadalasan ang pagdating ni Ama sa bahay, magkaminsan naman ay sa oras ng bukang liwayway. May sariling susi upang walang makamalay. Hindi ko nariringgan ang bawat isa ng palitan ng salitang may taas at may sumbat na dahilan ng paglalabasan ng ugat sa leeg o marahil ay sadyang hindi lang sakin ipinamamalay. Magkaganon man, naririndi ako sa katahimikan.
Nag-iisa ako dito sa bahay, umaatungal ang damdamin sa mapanglaw na kawalan. Naghahanap ng makakasama. Ngumingiti mag isa sa mga pumapasok sa isipan. Ang mga kwento in Ama habang ako'y nakasandal sa kanyang mga bisig. Mga kwentong katatakutan tungkol sa mga unang araw. Kwentong may masayang pamilya habang si Ina'y nag buburda ng mga punda ng aming unan o di kaya ay nagsusulsi ng unipormeng syang isusuot ni Ama. Nakangiti sa amin habang kami ay pinagmamasdan. Pero sa halip, ang pag bulungkos ng papel ang aking natutunghayan. Si ama habang tumitipa sa makinilya, magkaminsa'y itinataas ang kamay at pinapatong sa may ulunan, nakatitig sa kisame, babaling sa kung saan saan. Si Ina nama'y nasa silid. Inuubos ang natitirang oras ng maghapon at magdamag sa pagbabasa ng librong hindi ko alam kung may kawawaan. Ako, hawak ang lapis na ako mismo ang nagtasa. Gumuguhit ng larawang ako mismo ay ayaw kong makita.
Isang beses ko lang nasilayan, bumulaga sa aking paggising ang mugtong mata ni ina, ang mga luhang tila mga bubog na bumabakod sa kanyang mga mata, kadenang walang patid na patuloy sa pagdaloy. "Ina" ang akin lang na nasambit. Sumulyap lang sa akin ang nanlalalabong titig. Dagling sumsubsod sa unang saksi sa bawat paghikbi. "Ama" aking utal na tinig, nakaabot sa pandinig ni Ama na tila isang sigaw sa kanyang Tenga. "HINDI KITA ANAK. WALA AKONG KAKAYAHAN MAGKAROON NG ANAK KAYA HINDI KITA ANAK" iyon lamang at tulad ng dati, lumisan si Ama ng walang paalam. Sarado ang pintuan ng bahay kaya naman nakakulong ang mga katagang binitawan ni Ama. Marahil ay sadyang nilakasan ang sigaw upang sa akin ay ipukaw ni Ina ang katotohanan. Dinig iyon ni Ina kahit na nakasubsob sa unan, kung sakaling bulong lamang, tiyak ko ririndi pa din kay Ina sapagkat ganon din sa akin.
Disgrasyada - Iyan si Ina ayon sa kanya. Hindi pa natatali si Ama't si Ina noon. Biktima si Ina ng lipunang siyang humalay sa kanya. Dahil sa trabaho ni Ama bilang manunulat, hindi maiwasan ang mayroong masagasaan. Pulitikong siyang nagpadukot kay Ama at kay Ina upang ipaalam umano kung sino ang binangga. Isang mapait na pangyayari. Isang impyernong buhay na tulad marahil ng aking kinalalagyan ngayon. At pagkatapos ng bangungot, pinatunayan na may magandang panaginip sa hinaharap. Gumuho din ang lipunan. Nagsusumiksik at kahalubilo ang mga taong kanyang kauri sa likod ng malalamig na bakal. Humarap si Ama't si Ina sa dambana at nagpalitan ng mga katagang ninanais ng bawat magsing-irog. Hangad ang pagsasamang pinagtibay ng tali, kandila at ng habong. At pagkatapos kong isilang, ninais ni Ama na ako ay magkaroon ng kapatid. Ilang taon din ang lumipas at hindi iyon nasunod, ang aking kapatid na kanilang inaasam ay hindi nangyari hanggang sa kumonsulta sa espeyalista at nagpatingin na kung sino ang may karamdaman. Nang lumabas ang resulta, bumubuhos na ang ulan na tila bagyong humahagupit sa aking katawan.
"HINDI KITA ANAK. WALA AKONG KAKAYAHAN NA MAGKAROON NG ANAK KAYA HINDI KITA ANAK"
Gusto kong sumulat, ayaw kong gumuhit at tulad ng mga akda ni Ama, gusto kong maging isang kwento. Nakikipaglaro sa mga batang idinuduyan ng mga awitin. Humahagikhik sa kasuluksulukan ng kwaderno kung saan ako ay nakasulat. Itinatago sa mga kalarong humahabol upang hindi makita at mataya sa taguang pung. Hihanahabi ng may akda ang mga ngiting hindi maipinta ng isang pintor. Lumilipad sa ulap, napapalipat lipat sa mga bituin. Ang sanggol na pinadede ng Ina, larawan ng walang kamuwangan sa mundo.
Nag-iisa lamang ako dito sa bahay. Hawak ang lapis na ako mismo ang nagtasa. Gumuguhit ng larawang ako mismo ay ayaw kong makita. Wala akong kasama. Wala si Ina. Wala si Ama. Wala kundi nakaririnding kawalan. Wala akong kasalanan. Wala... wala... wala... Marahil.. siguro nga.. hindi dahil sa ako ang bunga ng kasalanan bagkus ako mismo ang kasalanan.
Huwebes, Setyembre 13, 2012
LANGIT
Nakabibingi, nanunuot sa aking katinuan ang pigil na mga hikbi ni Ina sa
kabilang silid. Hindi ako dalawin ng kapayapaan ng isip sa ganitong
pagkakataon. Matagal na din nananahan sa akin ang ganitong damdamin. Walang
pagbabago, tulad ng isang mundong nakapailalim sa kalawakan ng gabi, ang lamig, ang katahimikan, ang dilim
ang bumubuo sa aking kamalayan.
Unti unting sumasabog ang liwanag sa silangan, may bago na namang umaga.
Subalit ang tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Aking kapatid na patpatin,
babangong may tuyo pang laway. Sa kusina si Nanay na palaging may matalim na
titig sa akin. Kasunod nito ang masasakit na salitang almusal ko tuwing umaga.
Patungkol sa walanghiya ko daw na Ama.
Walang malinaw sa aking isipan. Nangangapa ng mga salitang magbibigay ng
liwanag sa akin. Ang damdamin kong ito'y
tila isang tigang lupa na pinagkaitan ng ulan.
Ang sikat ng araw ay nais sumambulat sa paligid, tila pinipigilan naman ng
makapal na ulap, hinaharangan. May nais lamang na ipahiwatig, alam ko. Ibig
makiramay sa kalungkutan ng daigdig, kalungkutang dulot ng mga hikbing iyon.
Lilisan kami ni bunso patungong kakahuyan. Maghahanap ng maaring maitulong sa
aming kabuhayan. Minsan nama’y sa may aplaya. Naghahakot ng mga isdang bibilhin
ng hindi na makabuhat. Isinasabay na sa pagtampisaw sa dagat ang
paglalaro. Maalat subalit pait ang aking
nalalasahan.
Ano nga ba ang ginawa ni Ama dahilan upang ako'y pagkaitan ng ngiting
magmumula sa aking Ina? Sa halip, pananakit ng katawan at matatalim na
pananalita ang pumupunit sa aking kalamnan. Habang ang luha ay kadenang walang patid na
dumadaloy sa aking mga mata, gayun din naman ang luha ni Ina. Si bunso'y
matamang nakatitig sa mga pangyayaring hindi pa dapat niya makita.
Tanda ko pa noon, hindi mawala ang ngiti ni Ina sa akin. Gumigising ako
tuwing umaga na sya ang kapiling. Palaging binabanggit na kahawig ko si Ama.
Masaya si Ina na aking namamasdan. Subalit magmula noong lumisan si Ama sa
hindi ko mawaring dahilan, nagbago ang lahat. Sumasalubong na ang ihip ng hangin.
Palagian kong naririnig kay Ina, katulad ako ng walanghiya kong Ama. Suwail,
iresponsable, walang kaluluwa.
Mapait ang katotohanan sa aking pakiwari. Taglay ni Ina ang galit sa
daigdig. Ang pagkamuhi sa aking Ama na siyang nakadikit sa akin. Ito ang
damdaming umaalipin sa kanya. Unti unti
nabibigyan ng kasagutan ang lahat... sana. Sa bawat araw na lumipas, walang pagbabago.
May tuyong laway si bunso sa pagbangon. Larawan ng isang walang dunong at
walang muwang sa mga pangyayari, subalit ganon pa man, alam kong nakatatak sa
kanyang isipan ang lahat. Nakapangangamba.
Katatapos lamang ng unos na iyon na sumabay sa dalamhating aking
nararamdaman. Kasama ko si bunso na lumisan sa bahay upang gawin ang sa amin ay
nakalaan na tungkulin. Tumingin si bunso sa kaitasan. Pilit umaalpas ang sikat
ng araw sa likod ng mga ulap. Binibigyang kulay ang asul na kalawakan.
"Sana sumikat ang araw upang makita ko ang langit."
Munting tinig
na namutawi sa bibig ni bunso habang nakatitig sa kalawakan. Natanong ko sa
aking sarili. May taong nakarating na kaya sa langit? Alam ko na ang kasagutan.
Ang tinatanaw ni bunso ay hindi langit. Ang kanyang nakikita ay hangganan lang
ng kanyang pananaw. Parang tinig ni bunso, ang langit ay nasa tao , hindi
nakikita, hindi nahahawakan.
Martes, Agosto 21, 2012
SA AKING PANAGINIP
Umiihip ang hangin, humahampas sa makinis mong katawan. Isinasayaw ang mga punong luntian. Inililipad ang mga tuyong dahon patungo sa kung saan. Kay inam pagmasdan, ang babaeng iyon na nakatayo sa gitna ng kaparangan. Ang babaeng aking iniibig. Ang babaeng pumukaw ng aking kamalayan.
Matagal ng panahon ang nakalipas subalit sariwa pa sa aking alaala ang lahat. Ang iyong mga ngiting nagpapaligaya ng aking buong maghapon. Ang maamo mong mukha na hindi nawawaglit sa aking paningin. Paano nga ba tayo nagkakilala? Ahhh.. oo nga pala. Napukaw ang ating interes sa isang kwentong pareho nating sinubaybayan, nagsakasalubong tayo sa lugar ng siyang may akda niyon. Doon tayo nagsimula, hindi inaasahang sisibol ang damdaming alam nating mali subalit hindi natin nagawang pigilan. Marahil noon lamang natin naramdaman ang kakaibang damdaming nagbigay ng kulay sa mundong ating tinatahak. Alam nating walang patutunguhan kundi sakit. Matinding sakit na katumbas ng ating nararamdamang kasiyahan.
Milya ang sa atin ay nakapagitan subalit hindi naging sagabal upang ating pagsaluhan ang tamis ng pag-ibig. Magkasama nating inakyat ang hagdanan patungo sa kaitaasan, sa dulo hawak kamay nating nilipad ang kalawakan, nakapailalim sa atin ang daigdig. Pinagmamasdan ang pag inog nito. Sabay din tayong babalik upang magpaalam sa isa't isa at magbibitiw ng pangakong magkikita muli kinabukasan. Ulila sa magdamag at dinig ang bawat pitik ng orasan. Hindi maiwasan ang pangamba, samu't saring panghihinayang ang sumasagi sa aking isip subalit nanaig ang pananabik na muli kang masilayan.
Paulit ulit, hindi na mabilang ang dahong nalagas ng panahon. At dumating pangyayaring alam naman nating s'yang ating patutunguhan subalit hindi natin inaasahan sa kadahilanang atin na lamang na hinayaan. Masakit. Napakasakit.
Hindi natin magagawang takasan ang riyalidad sa pamamagitan lamang ng ating panaginip. Babalik at babalik tayo sa katotohanang hindi tayo para sa isa't isa. Aking tinanggap ang aking kamalian. Alam nating ito talaga ang nararapat subalit ganon pa man, hindi ko pinagsisihan ang mga pangyayari.
Maraming salamat sa masasayang alaala.
Aakyat muli ako sa hagdanan at pagdating sa dulo lilipad ako sa kalawakan at papailalim muli sa akin ang daigdig. Doon lamang kita masisilayan at makakapiling na muli. Doon lamang... sa aking panaginip.
Sabado, Hunyo 16, 2012
HALIGI
May paparating na
bagyo ayon sa balita na narinig ko sa transistor radio na nakapatong mesa.
Malakas di umano at binabalaan ang lahat na maghanda para sa pananalanta nito.
Paparating ang bagyo dalawang araw mula ngayon. Agad tinapos ni Tatay ang
pag-inom ng kape at lumabas ng aming kubo. Pinagmasdan ko ang ginagawa ni
Tatay. Sinusuri nya ang bawat bahagi ng aming bahay kubo na iyon mula sahig,
haligi, dinging na kawayan, hanggang sa bubong na pawid na pinatungan lang ng
segunda manong yero. Si inay naman ay nagwawalis ng paligid.
Pinagmasdan ko ang
paligid at muli, nakita ko na naman ang naglalakihan at naggagandahang bahay sa
di kalayuan sa amin. Nakatirik kasi ang aming kubo malapit sa isang sabdibisyon
sa aming probinsya. Sa aking sarili, naisip ko na napakaswerte ng mga nakatira
sa ganong bahay. Hindi nangangamba sa unos na dumarating.
"Oh anak, anong
tinutunganga mo diyan? Si tatay pala na hindi ko namalayan na lumapit sa akin.
"Tay, may bagyo
na naman kasi, naisip ko lang na swerte ang mga nakatira sa bahay na yon kasi
hindi na sila mangangamba sa paparating na bagyo."
"Bakit anak?
kinakabahan ka ba na baka magiba ang bahay natin?" may ngiti na tanong ni
Tatay sa akin.
"Tay, malakas
ang bagyo ayon sa balita, kinakabahan po ako"
"Anak, wag kang kabahan
ilang unos na din ang ating pinagdaanan at kelan man hindi bumigay ang ating
bahay, magtiwala ka sa Tatay mo anak" Si Nanay pala na nasa likod na
namin. .
Isang gabi ng biglang
bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin. Ito na ang
bagyong ibinalita sa radyo. Pinagmasdan ko ang kandila sa gitna ng aming mesa
na isinasayaw ng hangin. Sa mumunting liwanag, nakita ko ang aking mga magulang
na nakatingin din sa akin, nakangiti na tila sinasabing wag akong mangamba sa
mangyayari. Ni hindi ko nabanaagan sa kanila ang pagkabahala. Subalit ramdam
kong malapit ng magiba ang aming bahay.
Maaliwalas na ang
panahon ng ako ay magising kinabukasan. Agad akong lumabas ng bahay pinagmasdan
ang paligid. Halos manlumo ako sa aking nakita, malaki ang pinsalang dulot ng
bagyong nagdaan. Maraming bahay ang mga nasira. Maraming puno ang nabuwal.
Maraming pananim ang nasalanta. Si tatay, abala sa pagkukumpuni ng bahagi ng
aming bahay na nasira.
"Pagmasdan mong
mabuti ang iyong Tatay anak. Tulad ng bahay natin, gaano man kalakas ang unos
na dumating, hindi sumusuko, hindi natitinag at bagamat nasisira sa lakas ng
hangin nanatili pa rin itong nakatayo para sa kaligtasan natin. Yan ang tatay
mo anak" Si nanay na hindi ko na naman namalayan na nasa aking tabi na
pala.
Tumingin muli ako sa
aking paligid at natanaw ko na naman ang mga kabahayan sa sabdibisyon na iyon
at napa isip ako ng malalim. Tumingin ako kay nanay na nakamasid sa akin. At si
tatay, papalapit sa amin, pawisan man subalit hindi mababakas sa mukha ang
pagod, nakangiti s’ya na sa amin ay nakatingin.
Miyerkules, Hunyo 06, 2012
KM3: Tinig (Pagniniig, Ningas at Pagsilang)
“Ohhhh mahal ko,sabik
na sabik na ako.”
“Damhin mo ang init ng aking pagmamahal mahal ko.”
“Ohhhh...”
“Ihatid mo ako sa rurok ng kaligayahan”
“ahhhhh…”
Mga pigil na tinig at
matatamis na ungol at daing ang nagpagising sa aking natutulog na isipan noong
gabing yaon. Ang pagniniig na iyon noong gabi, pagkatapos ay katahimikan. Hindi
libog ang aking naramdaman, subalit sabik akong nakinig sa kanilang pagtatalik.
Nararamdaman kong may namumuong mainit na damdamin sa aking katauhan. Ito na
ang simula.
Matagal ding namahay sa akin ang kadiliman ng gabi, sa
pagsapit naman ng araw ay ang pag-ulan. At tulad ng pagbubukang-liwayway, ang
dilim, ang lamig at ang katahimikan ang bumubuo sa aking kamalayan. Nais kong
may makinig sa akin, iyong ako ay mauunawaan. Subalit walang tinig na lumalabas
sa aking bibig. Tanging palahaw lamang at hikbi ang naririnig sa akin sapagkat makapangyarihan ang tinig na syang
nangingibabaw. Tinig na huwad at namumutawi sa bibig ng iisa lamang. Ito ang
tinig na gumagapos ng aking mga kamay at pilit ikinikintal sa aking isipan.
Nabuo ang sanggol sa sinapupunan ng ina. Hindi ko pa masasabing naging tagumpay ang libog ng
pagniniig na iyon. Mahabang panahon pa ng pagbubuntis ang kailangang tiisin at
pangalagaan. Alam ko, magiging piping saksi ako hirap ng pagdadalantao. May mga
panganib na maaring humadlang sa pagsilang ng sanggol na matagal ko ng
hinihintay. Gusto kong masaksihan ang katapusan at kamatayan ng delubyong aking
kalagayan at ang panibagong simula upang ako ay makapagsalita at maunawaan.
Ilang dahon pa ang nalagas sa matandang punong iyon, dahon ng pighati at kasakiman na iinihahampas ng hangin sa aking katauhan.
At sumapit ang araw
ng pagsilang. Marubdob ang damdaming nag-aalab sa simula pa lamang ng
pagniniig. Matinding unos man ang
humadlang at nagtangkang kitilin ang apoy subalit patuloy lamang ito sa
pagningas. Umapaw ang luha ng mga
nakasaksi sa pagluluwal ng pagbabago. Luha ng masidhing kaligayahan ang aking
namalas.
Demokrasya, ito ang aking tinig. Mula sa maalab na pagniniig,
nagningas hanggang sa masalimuot na pagsilang. Tinig na nagbubuklod para sa malayang kamalayan ng bawat isa. Tinig
ng bayan na nasa ating kapakinabangan.
Sabado, Abril 14, 2012
ALAB NG DAMDAMIN
Unti unting dumidilim ang paligid. Ang mga huni ng ibon na kanina lamang ay parang malumanay na himig na iyong naririnig, di naglalaon ay humihina at napapalitan ng huni ng kuliglig. Nanunuot ang kilabot na nararamdaman sa tuwing sasapit ang gabi sa kadahilanang hindi maiwasan ang paglalabasan ng mga MALIGNO na lumalapastangan sa iyong angking kagandahan.
Mapait na karanasang nag-iwan ng pilat na muli’t muling nasasanggi at nanariwa sa iyong kamalayan.
Pumapaimbulog ang kapangyarihan ng bawat titik sa mga salita na nakalimbag sa mayaman mong PANITIKAN. Ito lamang ang pamamaraan upang maipabatid at maihatid sa bawat HINUHA ng mga mangmang ang asal na dapat na siyang nangingibabaw, ang dugong siyang dapat na manalaytay sa ugat ay tunay at hindi mapanlinlang.
Nais mo lamang na wasakin ang LARAWAN na palagiang nagpapasakit sa balintataw mong umaapaw ang luha. Larawang nagdudulot ng pighati at kumikintal sa pagal mong pag-iisip. Nag-aalab ang damdamin sa bawat pagsilay ng liwanag sa dakong silangan. Haharap sa GALUNGGONG na nakahain sa hapag na siyang ibinabagay sa iyo samantalang hindi naman nararapat. Umaasang sa pagsilip ng dapit hapon magakakaron ng pagbabagong magaganap.
Humuhuni ang mga KULISAP sa dako pa roon, nagpapahiwatig lamang na malapit na naman ang sandaling iyong kinakatakutan. Subalit manhid na ang iyong kalooban sa palagiang paglapastangan. Sumisidhi ang iyong pagnanais na katapusan. Katapusan ng pananakop ng mga halimaw ang asal. At ang pagbangon ng katawan mong matagal ng nakahilig at nakayuko sa tuyong damuhan na iyong tinatapakan.
Umaapaw ang kaalaman. Nakarating sa mangmang na pag-iisip ang kapangyarihang nakalimbag. Kaalaman na siyang bumubuhay sa dugong nananalatay sa bawat ugat ng nakamalas. Ang kaalaman na hinding hindi matatagpuan saan mang sulok ng SILID-AKLATAN. Simula na ng pagpapalaya sa damdaming uhaw sa kasarinlan.
Matagal na paghihirap ang pumipigil sa bawat sandali. Maraming dugo ang nadilig sa lupang ipinaglaban. Hindi naglumaon at nanaig ang damdaming nag-aalab. May ngiti sa labing sumasalubong sa bukang liwayway at ganun din sa kanyang pamamaalam. Bumukas ang pinto ng KAGAWARAN na matagal nang nakapinid sa mga itinuturing na mangmang. Ang bawat pananim upang may maihain sa hapag, umaani ng karangalan at ng paggalang. Kaysarap damhin.
At tumitingala na ang mga karatig sa iyo. Isang kahangahangang SARANGGOLA na malayang lumilipad sa kalawakan. Kasama ang mga BAYANI na iyong kinalulugdan. Sumasalubong sa malakas na hangin o bagyo pa man. Hindi tumitiklop, may kisig at yabang habang pinagmamasdan. At payapang muling lalapag sa luntiang DAMUHAN.
*suporta sa "bagsik ng panitik" ng DAMUHAN
Sabado, Disyembre 17, 2011
IKAW
Matagal na panahon na din ng ikaw ay isilang. Nabuhay sa isipan ng bawat isa ang iyong kagandahan. Mapang-akit, sariwa, kagandahang hindi nasasaling ng sino man. Noon, nabubuhay kang simple, masagana ang lupa.. maraming ani. Matagal ding panahon ganito ang uri ng iyong pamumuhay, simple at tahimik. Hanggang sa may naligaw at sayo ay gumambala. Likas sa iyo ang pagiging magalang at masayahin, kasiyahan para sa iyo ang may bisitang dumating. Malugod mo siyang tinanggap sa iyong bakuran.
Tinanong nya ang iyong pangalan ngunit wala kang maisagot. Inosente ang iyong dating. Kaya naman sya ang nagbigay ng iyong pangalan. At dito ka muling isinilang. Kasabay ng bago mong pagsilang ay ang pagtanggap sa kultura at sistema ng iyong naging panauhin, at ang pagsilang din sa isipan ng nakararami ng iyong pananampalataya.
Nagkaron ka ng pagbabago, nagkaron ng pagunlad sa iyong nasasakupan. Pero hindi lahat ng iyong nasasakupan ay nadala nito. Hindi tanggap ng iba ang sistemang sayo ay dumating. Nanatili sa sariling paniniwala at simpleng buhay.
Dumating ang panahong nagmamamalabis ang iyong naging panauhin. Ang kanyang naging pagbisita ay naging pagsakop. At ito ay iyong nakikita. Gumawa ka ng paraan upang mapalayas ang naging bisita. Dumanak ang dugo sa iyong nasasakupan. Sa bandang huli, nagtagumpay ka at nagkaron ng kalayaan. Subalit sa matagal na ding panahon pananatili ng dayuhan. Nahirapan kang tanggalin ang kanyang sistema dahil na din sa ito'y iyong nakasanayan.
Mahabang panahon pa ang sa iyo'y lumipas. Maunlad ang iyong kabuhayan, nasasaiyo ang kagandahang kinaiingitan ng iyong mga karatig. Malaya ang ibong lumilipad sa himpapawid. Umaawit.. sumisipol ang hangin. Bagama't may bakas pa ng mga dayuhan sa iyong lupain, mas pinili mo na lang na ito ay payabungin, pagyamanin at diniligan na parang punong ang nais mo ay mamulaklak at humitk ang bunga. Naging matagumpay ang pagsisikap at muli, kuminang na naman ang iyong kagandahan. Nangaakit ng mga matang hindi umaalis ang titig sa angkin mong kagandahan. Hanggang may muling bumisita sa iyong bakuran.
Nakakabigla ang pangyayari sa kadahilanang walang pagiimbot na kalapastanganan. Ang naging panauhin pala ay mga palalo at nagnanais an angkinin ang iyong yaman. Unti unti, nasasakop ang iyong mga lupain ng mga palalong dayuhan. Hindi mo ito pinabayaan, muling dumanak ang dugo sa iyong nasasakupan. Marami na ang nabuwis ng buhay, marami na ang pasakit na iyong pinagdaanan sa pagtatangol sa iyong nasasakupan. Hirap, pagod, luha, dugo ang nadilig sa bawat lupaing pinagaabutan. Nananaig ang mananakop subalit ganunpaman nanantili kang nakatayo upang iyong ipaglaban ang karapatan. Hangang sa dumating ang tulong mula sa ibang bayan. Matagal ang naging laban, umabot sa puso ng sinomang nakasaksi. At sa huli, nanaig ang kabutihan.
Nagsimula kang muling bumangon. Sa tulong na din ng iyong tagapagtanggol, muli mong binuo ang nasirang pangarap ng iyong lupain. Nabuhay ang isang ugnayan sa pagitan ng nagtanggol sa iyo. Ninais nilang sa lupain mo sila ay manatili at iyo itong sinangayunan.
Matagal ng panahon na sila ay nasa iyong poder at nakikita ng marami ang impluwensya ng kanyang sistema. Naging ugat ng hidwaan ng isa't isa. Ang kanilang pananatili ay nagkakaron ng ibang layunin, na tulad din ng naunang dalawa na iyong naging panauhin. Dahil sa iyong naging mapait na karanasan kaya naman ang pagsiklab muli ng panibagong karahasan ay iyong napigilan. Nagkaron ng kasunduan at hindi nagtagal ikaw ay kanilang nilisan.
Kalayaan.. ang matagal ng inaasam. Iyong nakamit sa loob ng mahabang panahon. Marami ang nagbunyi, marami ang nagdiwang. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, iyo muli itong nakamtan.
Matagal ng panahon na ang nakalipas at lahat ng pangyayaring ito sa iyo ay iyong napagtagumpayang lampasan. Madami ang nagbago, iniukit ang lahat ng mga kasaysayan. Kasaysayan na sana ay dapat mong binabalikan. Takot ka bang masanggi muli ang pilat na dulot ng sugat ng nakaraan? Takot ka bang muli itong magdugo at magdulot ng panibagong sakit? Mali kung sakaling oo ang sagot mo, nararapat lang na itoy balikan at kunin ang aral subalit hindi ang pait na dulot nito sayo.
Tila nag iba ang ihip ng hangin sa iyong bakuran. Nawala ang sipol nito. Ang lipad ng mga ibon ay nasa iisang direksyon na lamang. Nagmamadali na tila may tinatakasan. Bakit ganon ang nangyari? Pagkatapos ng lahat ng iyong pakikipaglaban para sa iyong nasasakupan, sa karapatan ng mga itong mabuhay na malaya na matagumpay mong nakamit. Bakit mistula kang nakakulong sa kaguluhan. Nagkaron na hindi pagkakaunawaan sa iyong bakuran. Hindi pantay pantay na trato sa isa't isa ang iyong nasusumpungan. Eto ngayon at lumuluha ka para sa kanila, luha ng kalungkutan, luha ng pasakit, luha ng dalawang matang walang kapagurang nakatanaw sa kanilang kaligtasan.
Marami ang umaalis at silang nagiging dayuhan sa ibang lugar. Namumuhunan ng dugo at pawis para sa iyong kapakinabangan. Dahil hindi na nila makita ang sa'yo ay dapat na masumpungan. Kinakalangan pa bang sa kanilang pagbabalik ay dalhin sa iyo ang pagbabago? Bakit hindi naman subukan mong baguhin ang sarili mo para naman sa kanila.
Nakabibighani pa din ang iyong kagandahan. Hindi nawawaglit sa isipan ng mga dayuhan ang iyong kinang. Subalit ito ay sa kadiliman na lang..
Ikaw pa din ang hinahangaan ko. Hindi magbabago sapagkat ito ang nais ko. Ikaw ang dahilan kaya nandito ako. Sumusulat ako para sayo...

Huwebes, Oktubre 27, 2011
LUHA
Isang kaharian ang nakatayo sa malayong lupalop ng mundo. Malawak ang lupaing nasasakupan, masagana ang ani ng bawat mamamayan dito. Malakas ang pwersa ng Hari at dahil na din sa kagitingan nito kaya naman marami na din silang nasakop na iba pang kaharian.
Hindi inaasahan, nagkaroon ng karamdaman ang hari. Mahiwaga ang karamdaman ng Hari. Ilang manggamot na din ang sumuri sa kanya subalit ni isa man ay walang makasagot kung ano ba talaga ang sakit ng Hari at ang gamot para dito. Hanggang sa isang albularyo ang dumating at naghatol na ang makakapagpagaling lang sa sakit ng hari ay ang awit ng ibong adarna. Hinuli ang ang albularyo at napagkamalang espiya sa kadahilanang ang awit ng ibong adarna ay ginamit na ng kanilang katunggaling kaharian.
Naratay ang Hari at hindi na makabangon. Isang matandang ermitanyo ang inimbitahan sa kaharian upang sumuri sa kalagayan ng Hari. Isang sumpa ang tinamo ng hari at ang tanging mkakalunas lang dito ay ang Luha mula sa Reyna ng kalaban nilang kaharian. Agad na bumuo ng hukbo ang anak ng hari upang lumusob sa kanilang katunggali at hulihin ang Reyna nito. Dahil sa malakas ang kanilang pwersa, hindi rin nagtagal at nasakop nila ang kaharian ng Reyna. Nagbunyi ang kaharian sapagkat alam nilang malapit na ang paggaling ng Hari.
Ang panganay na anak ng Hari ang unang humarap sa Reyna. Isang patak ng luha lang mula sa mga mata ng Reyna ay sapat na upang muling manumbalik ang kakisigan ng Hari subalit matigas ang Reyna, hindi umiiyak kahit anong gawin sa kanya. Iginapos ang reyna, sinaktan, sinampal para lamang mapaluha ito subalit talagang walang lumalabas na luha mula sa mga mata.
Hindi nagawa ng panganay na prinsipe na mapaluha ang Reyna kaya naman ang pangalawang anak ng Hari naman ang humarap dito. Umisip ng paraan kung paanong gagawin, naiisip nyang malambot ang puso ng Reyna kaya naman sinabi nya ditong papatayin lahat ng kanyang mamamayan at susunugin ang mga kabahayan ng kanyang nasasakupan. At dahil dito tumulo ang luha ng Reyna.
Dali daling ipinainom ang Luha sa hari. Dumilat ang kanyang mga mata, tumayo mula sa higaan at naglakad. Agad na nagbunyi ang kaharian, nagsaya ang mga kawal at ang nasasakupan sa muling paggaling ng Hari. Subalit isang araw lang ang lumipas, muling naratay ang Hari dahil sa pagbalik ng kanyang karamdaman. Dahil sa pangyayari, hinuli ng mga kawal ang ermitanyong sumuri dito at pinatay. Muling nanangis ang Reyna ng kalabang kaharian sa kanyan nalaman. Tunay ngang walang puso ang mga kawal dito.
Malungkot ang buong kaharian dahil sa muling pagkakaratay ng kanilang Hari. Wala na silang magagawa kaya iminungkahi ng lang ng bunsong anak ng Hari na palayaain na lang ang Reyna. Kasabay ng pagpapalaya dito ay ang muling pagbabalik ng lupain na kanilang sinakop. Humingi ng pamumanhin ang bunso sa Reyna na kanilang binihag at kaharian na kanilang sinakop. Nagawa lamang nila iyon dahil sa pagmamahal sa kanilang ama. Pero bago pa palayain ang Reyna, gumawa na ng unang hakbang ang bunsong anak ng hari upang muling manumbalik ang kaayusan at kabuhayan ng kaharian ng Reyna.
Sa loob ng maikling panahon na pagkakabihag ng Reyna, wala na siyang balita sa kanyang kaharian kaya ganon na lang ang kaniyang pag-aalala. Kaya sa araw ng kanyang paglaya, sinamahan siya ng tatlong prinsipe na anak ng hari sa kanyang pagbabalik sa kanyang kaharian. Ganon na lamang ang gulat ng Reyna sapagkat maayos at mistulang walang digmaang naganap sa kanyang kaharian. Bagkus mas lalo pang naging maayos ang mga lupain nito. Tuwang tuwa ang mga tao sa kanyang pagbabalik. Nagbunyi ang lahat ng mamamayan nito. Mainit ang pagtanggap ng mga tao sa pagbabalik ng kanilang Reyna.
Sabik na sabik na niyakap ng Reyna ang mga mamamayan ng kanyang kaharian. Umaapaw ang pagmamahal ng mga tao sa kanilang Reyna at nasaksihan ito ng tatlong prinsipe. Ganon pa man, walang bahid ng galit ang makikita mga mata ng tao para sa mga ito. Ipinangako ng tatlong prinsipe na tutulong ang kanilang kaharian para sa kaayusan at seguridad ng kahariang ito. Sa malayo, nakikita nila na masayang masaya ang Reyna. At nakita din nilang tumutulo ang luha nito. Gustuhin man nilang kunin ang luha subalit hindi na nila ginawa. Umalis na ang tatlong prinsipe upang umuwi na sa kanilang ama.
Malayo pa lamang, naririnig na nila ang ingay sa kanilang palasyo kaya ganon na lang ang kanilang pagmamadaling umuwi. Sa bungad pa lamang nakita nila ang pagsasaya ng mga tao at sa itaas ng palasyo nakita nila ang kanilang ama na nakangiti at kumakaway sa mga ito. Matikas ang Hari at parang hindi dinapuan ng mahiwagang karamdaman. Nagyakap ang magkakapatid at dun nila napatunayan na tama ang hatol ng ermitanyo.
Luha ng Reyna ang makakapagpagaling sa kanilang ama. Hindi luha ng kulungkutan at pighati kundi luha ng pagmamahal at kasiyahan.

Miyerkules, Oktubre 12, 2011
PULUBI: MULING PAGTATAGPO
nauna: PULUBI
Inabot na ako ng dilim sa biyahe galing ng Maynila. Pagod at init ang inabot ko maghapon sa paghaharap ng trabaho. Sakay ng bus na hindi aircon, hindi ko na din namalayan na napaidlip na din ako. Dahil na din sa inip sa nadaanan naming trapik. Tapik sa balikat ang nagpabalik ng aking kamalayan. Malapit na pala akong bumaba at isang kanto na lamang pala ang layo.
Pagbaba ko pa lamang, nagtataka ako kung bakit maraming tao sa may labasan sa amin. Oo nga pala, umpisa na nga pala ng kampanya ng eleksyon para sa magiging mayor ng ng aming bayan. Tumambay muna ko sa may labasan sa amin at nakikain ng isaw sa may tabi ng tindahan ng tinapay. Nakipagbolahan muna sa dalagang nagtitinda na panay ang pa cute sa bawat guwapong nadaan. Nakiusyoso sa mga papeleta ng mga kandidatong konsehal, bise mayor at mayor. Maya maya pa, bumaba din ng isang bus na humimpil sa kantong ito ang tatlong babaeng aking nakita kaninang umaga lang. Ganon pa din, parang hindi magkakasama sa eskwela. Walang puknat ang malalanding usapan tungkol sa kanilang pag ibig.
"Uy friend, may isaw o.. gusto n'yo hihihi" ang sambit ng isa, sabay sabay na napatingin sa akin habang kagat kagat ko ang isaw na nasa sitck pa.
"Iwwwww... excuse me friend, kayo na lang no.. hindi ko carry yan iwww" ang singkaran ng arteng sagot ng isa.
"Look at that guy, he is so cute pa naman hihihi" sabi pa ng isa sabay tilos ng nguso paturo sa akin. Nagtatawanan pa sila habang palayo.
Sa isip isip ko, ang laki talaga ng impluwensya ng ibang lahi sa atin.. maari naman mag-usap sa sariling salita, ano bang meron sa wikang iyon?.. bigla ko naalala ang pulubi kanina na kausap ko. Sinulyapan ko ang waiting shed sa kabilang kalsada. Hindi ako nagkamali, nandoon ang pulubing kanina pa umaga gala ng gala. Tumawid ako ng kalsada papunta sa kanya. Nanlilisik pa din ang tingin sa akin ng pulubi. Kumuha ako ng yosi sabay sindi. Hitit buga sa loob ng shed na malapit sa pulubi.
"Bakit ka nandito?" tanong sa'kin ng pulubi
"Gusto lang kitang kamustahin, ikaw bakit nandito ka pa?"
"Ang sabi mo kanina bago ka umalis, na sana mabubuti na ang pamumuhay ko sa muli nating pagtatagpo, sa tingin mo ba mabuti na ang kalagayan ko?"
"Oo, iyon ang sabi ko, pero di ko matiis na hindi kita kamustahin kahit na ano pa ang kalagayan mo. Gusto kong baguhin ang sinusulat ko ngayon. Habang naguusap tayo, gusto kong magkaron ng pagbabago ng tungkol sa iyo kahit sa panulat lamang."
"Yan ang sabi mo kanina diba? Nandito tayo sa blog mo at ikaw ang gumagawa ng kuwento ko, ngayon magagawa mo bang baguhin ang kwento ko sa ganito kong kalagayan? Nakita mo naman siguro ang grupo ng mga tao sa kabilang kalsada. Naghahanda sila sa eleksyon. Panigurado, matatamis na pangako na naman ang maririnig ko. At kayo naman ang magpapaloko sa kanila. Yan ang hirap, kayo ang gumagawa ng kamalian at ako naman ang nagdurusa"
Natahimik ako sa sinabi ng pulubi, sapul sa aking kalooban ang sinabi. Ramdam ko ang paghihirap ng kanyan kalooban sa nangyayari sa kanya.
"Ang mabuti pa umalis ka na, ayaw kong nandito ka sa tabi ko habang ganito ang aking kalagayan. Paniguradong pulos negatibo ang makikita ng magbabasa ng ginagawa mong kwento ko. Bumalik ka na lamang kapag alam mo na ayos ang pamumuhay ko."
"Mabuti pa nga, pero teka bakit may nakataling tanikala sa iyong paa, sino ang may gawa n'yan sa iyo"?
"Tanga ka ba? akala ko ba kilala mo ako, kung kilala mo ako, alam mo dapat ang nangyayari sa kin diba? alam mo kung sino ang gumapos sa akin ng tanikalang ito at alam mo din kung ano ang tanikalang ito?"
"Ay s'ya, alam ko na. Sige, ingatan mo ang sarili mo"
"Mali ka, ingatan n'yo dapat ako para sa sarili n'yo at sana sa susunod na muling tayo ay magkausap, hindi na sana ako isang pulubi sa paningin mo."
"Teka, hindi ka naman pulubi sa paningin ko, bakit ko naman makikita iyon sa iyo? Nagmimistula ka lang pulubi dahil sa kalagayan mo. Nanlilimos ka ng tulong sa iyong mga kapit bahay gayong kayang kaya mo naman iahon ang sarili mo sa kalagayang iyan"
"Oo kaya ko nga pero hindi ko hawak ang aking sarili. Sige na, umalis ka na at hayaan mo na lang ako dito. Baka sakali na sa muli nating pagkikita eh may pagbabago na kahit papaano... sana"

Sabado, Setyembre 24, 2011
DE SUSI
Isang mag-anak ang umagaw ng aking pansin sa loob ng mall na iyon.Umiiyak ang batang lalaki habang bitbit ang isang plastik na may tatak ng isang sikat na tindahan ng laruan. Pumasok sa loob ng tindahan na iyon at akin namang sinundan. Nang ilabas ng Daddy niya ang nasa loob ng plastik, isang robot pala na sira ang laman ng plastik. Tila yata isosoli o papapalitan sa tindahan na iyon. Nang mapalitan ng bago, pinaandar ng Daddy ang robot, isinusi ang bandang likuran at kusa ng itong gumalaw at naglakad . Tuwang tuwa ang batang lalaki habang pindot ng pindot sa remote ng laruan. Bakas din sa mukha ng mga magulang ang kagalakan. Napangiti ako sa tagpong iyon.
"Escuse me Sir, ano pong hanap nyo, maari ko po kayong matulungan" Yung sales lady nang makalapit sa akin.
"Ah eh Miss, yung robot na katulad ng binili nang bata kanina. Yung mas malaki at mas maganda."
"Dito po Sir, sunod kayo sa akin. May mapagpipilian po dito, may bagong arrival din po kami. Siguradong magugustuah ng inyong pagbibigyan."
"Para sa aking anak yan, sige ikuha mo ko ng isa, pakitest na din ha"
"Ok po Sir, upo muna po kayo, pakihintay na lang po"
Diretso na ako sa Airport matapos kong bumili ng ilang pasalubong sa Mall na iyon. Sa loob ng airport habang naghihintay na tawagin ang aking flight, naisip ko ang tagpong iyon kanina. Sinilip ko ang robot na aking binili at nagbalik sa aking alaala ang nakaraan, minsan na din nagkaroon ako ng susi sa aking likuran.
-----
“Anak pagkatapos mo dyan sa assignment mo, pumunta ka sa kwarto. May ipapagawa ko sayo"
"Eh Daddy maglalaro po sana pagkatapos ko dito, pwede po ba bukas na lang?"
"Hindi pupwede, baka gusto mong itapon ko ang robot mo. Kung ano ang iutos ko, yun ang gagawin mo. Maliwanag?"
"Sige po Daddy, tatapusin ko na po itong assignment ko"
Bata pa lang ako, masunurin na ko sa king mga magulang. Malaki ang takot ko sa aking Daddy. Istrikto kasi kaya hindi ko magawang salungatin ang kanyang kagustuhan. Lahat ng ipagawa ay agad ko naman sinusunod kahit na labag ito sa aking kalooban. Mahal ko kasi ang aking mga magulang at ayaw ko silang magalit sa akin. At saka minsan kasi na hindi ko nasunod ang pinapagawa nya, palo at masasakit na salita ang aking inabot sa kanya kaya ganon na lang ang aking takot. Hanggang sa aking paglaki, wala akong hindi sinunod sa kagustuhan nila.
"Aba kumpadre, binata na pala ang unico hijo mo, malaking bulas din gaya ng Daddy, tiyak na pagkakaguluhan ng kababaihan ito hahaha"
"Hahaha, kumpadre balang araw, itong si Jhonny ang mamamahala ng negosyo ko at magiging manugang mo, maganda din si Jenny at natitiyak kong bagay na bagay sila."
"Ayos yan kumpadre, sang-ayon ako sa sinabi mo. Kapag nagsama ang dalawa, mas magiging matatag ang ating mga negosyo kaya ngayon pa lang ayusin na natin ang kinabukasan nila"
Isang usapan iyon sa pagtitipon na dinaluhan namin, mga may kaya sa buhay ang lahat ng naroroon. Anuman ang sabihin ni Daddy, oo na lang ako ng oo. Sunud sunuran sa kanyang kagustuhan. Buong kabataan ko, sa kanila lang umikot. Kay Mommy, kay Daddy, sa kanilang mga kumpadre at kumare.
Hanggang sa aking pagbibinata, naging mabuti akong anak sa kanila. Marami nga ang nagsasabi sa mga magulang ko na swerte daw sila sa akin dahil sa kabaitan kong ipinamamalas sa kanila.
"Anak, natutuwa ako at nagkamit ka ng unang karangalan ngayong pagtatapos mo ng Highschool. Magaling hijo, magiging matagumpay kang negosyante balang araw. Tamang tama ayos na ang visa at pasaporte mo. Sa America ka magkokolehiyo at kursong Management ang kukunin mo para sa ating negosyo."
"Dad, usapan namin ng barkada na samasama kami sa isang kolehiyo dito at gusto ko pong maging arkitekto. Dad, ngayon lang po ako hihiling sa inyo"
"Hindi maari, sa Amerika ka mag-aaral at ang kursong Management ang kukunin mo. Ako ang masusunod naiintidihan mo. Ikaw ang susunod na mamamahala ng ating negosyo kaya dapat sundin mo lahat ng gusto ko at isa pa dun din mag-aaral ang anak ni kumpadre na s’yang magiging asawa mo balang araw. Wag mo kong bibiguin Jhonny, iyan ang pangarap namin sa’yo ng Mommy mo."
Wala akong nagawa sapagkat kita ko ang galit sa kanyang mga mata ng oras na iyon. Lumuha na lang ako ng tahimik at nagdesisyong sundin ko na lang ang kanyang kagustuhan. Inisip ko na lang na kapakanan ko lang ang kanilang nasa sa isip. Masama man ang aking loob, pinili ko na lang na manahimik para wala ng gulo.
Apat na taon din ako sa Amerika. Apat na taon kong binuno ang isa sa mga pangarap ni Mommy at Daddy sa akin. At sa loob ng apat na taon na yon, puro pag-aaral lang sa kursong napili nila ang aking inatupag. Apat na taon din na kasama ko si Jenny, ang anak ng kumpadre ni Daddy. Sa iisang kurso at paaralan. Natitiyak ko na ganon din ang gusto ng magulang nya kaya hindi na kami nagkahiyaan, wala ng ligawan kaya naging kami agad. Alam naman namin na nagkasundo na ang aming mga magulang para sa aming dalawa. Noong una, wala naman siyang puwang sa aking puso pero habang tumatagal, nahuhulog ang damdamin ko sa kanya. Hanggang sa minahal ko siya ng lubusan. Doon ko naisip na tama si Daddy, tama ngang sinunod ko ang kagustuhan nya.
Sa buong pagsasama namin ni Jenny, minahal ko na din sya ng buong puso. Lahat ng kanyang kahilingan aking ibinibigay, kahit na minsan magmukha na kong tanga sa kanyang kapritso. Ang makita ko lang s’yang masaya ay nakakapagpaligaya na sa akin. Laging bukang bibig namin ang aming hinaharap, ang aming kinabukasan. Ilang anak ang gusto. Saan kami magpapagawa ng bahay. Saan kami magpapakasal. Lahat, halos lahat ng detalye para sa aming dalawa. Natuto na akong bumuo ng sarili kong pangarap.
Huling taon na namin sa unibersidad iyon. Malapit na ang aming graduation. Isang sorpresa ang aking inihanda para kay Jenny. Sa isang restauran isang gabi noon, isang singsing ang aking matagal ng iniingatan. Binili ko pa mula ng maramdamang mahal ko na sya. Inilabas ko at inabot ko pa ang kanyang mga kamay.
"Jen, will you marry me?"
"Ha? Binigla mo naman ako, seryoso ka Jhon?"
"Oo naman. I Love you Jen, will you marry me?"
"Hahaha. aba teka muna Jhon, linawin mo nga muna ang lahat, hindi kita maintindihan"
"Jen, mahal kita. Pakakasalan kita pag uwi natin. Seryoso Jen."
"Hahaha. Hindi nga, mukhang malabo ka Jhonny, hahaha.. teka... napatawa ko sayo, napatawa mo ko."
"Jen?"
"Ano ka ba, ang akala ko malinaw na sayo ang lahat. Hindi mo pa din ba alam ang sitwasyon mo ngayon? Laruan ka Jhon. Alam mong naglalaro lang tayo. Bakit mo sineseryoso ito? Lahat ng ito, pagpapanggap lang. Nilaro ko lang ang larong ito, sinusunod ko din lang ang gusto ng aking mga magulang. Nakikipaglaro din lang ako sa kanila at wala akong balak magpatalo sa larong ito. Pareho tayong may susi sa ating likuran dahil tulad mo Jhon, isa din akong laruan. Isang de susing robot na sumusunod sa kanilang kagustuhan. Hindi mo pala naiintidihan… Suriin mong mabuti ang iyong sarili. Baka nadadala ka lang ng takot para sa kanila. Wag kang maging duwag. May sarili tayong buhay, wag mong tulyang hayaan na sakupin nila ang lahat ng iyong karapatan. Pero sa nangyayari ngayon, talo ka Jhon. Sorry, ang buong akala ko naiintindihan mo ang lahat ng ito. Kung tatanggapin ko ang alok mong kasal sa akin, para ko na ding dinaya ang aking sarili sa larong ito. Hindi pagmamahal ang nararamdaman ko para sayo. "
Napakasakit ng pangyayaring iyon sa akin. Tila harapang sampal ang aking naramdaman. Oo nga naman, hindi ko agad naisip na ako'y isang laruan. Lalo ko lang naramdaman na pati ang aking pag ibig ay pinaglaruan. Minahal ko si Jenny hindi dahil sa iyon ang gusto ng aking magulang kundi iyon ang aking nararamdaman. Masakit na pati siya ay naglaro sa aking damdamin. Minsan lang ako natutong mangarap para sa aking sarili subalit ang pangarap palang iyon isang laro din lamang.
Araw ng aming graduation at dumating ang aking mga magulang. Kasama ang pamilya ni Jenny, isang salu salo ang inihanda nila sa amin. Kumustahan, kwentuhan ng kung ano ano. Hanggang sa dumako sa kasal ang usapan. Tumingin sa akin si Jenny, tila sinasabing ngayon na ang panahon upang huwag akong maging talunan. Hindi pa tapos ang laro. Makakahabol pa ako.
“Anak, Hindi ka ba talaga sasama sa amin ng Mommy mo?
“Dad, sa buong buhay ko sinunod ko ang gusto nyo. Naging masaya ako para sa inyo ni Mommy, pero sa sarili ko napakaraming kulang. Sa pagkakataong ito Dad, uumpisahan ko na ang buhay ko. Alam ko naiintindihan nyo ako ni Mommy”
"Anak, ingatan mo ang sarili mo dito." Malungkot na yakap sa akin ni Daddy. Pero alam ko naiintindihan nya ako.
"Opo dad, wag kang mag-alala sa akin at mag-iingat din kayo sa atin"
"Jhon, sorry sa mga nangyari. Minahal din kita pero hanggang kaibigan lang. Sana makita mo na ang makakapagbigay ng tunay na kasiyahan sayo. Ngayon hawak na natin ang ating sarili. Huwag ka ng maglalaro ok?, hindi na kita kakampihan nyan. Mamimiss kita. Mag-iingat kang mabuti"
"Salamat Jen, at pasensya na din nga pala. Sige na, mahuhuli na kayo sa flight nyo, magiging ayos lang ako dito"
Hindi ako sumama sa kanilang pag uwi. Masakit sa akin magpaiwan dito, lalo na ngayong malalayo na ako kay Jenny. Naiintindihan ko, ngayon din lang nya hahawakan ang kanyang sarili. Ngayong tanggal na ang susi sa aming likuran, wala ng maglalaro sa amin at hindi ko na ito papahintulutang mangyaring muli. Nagpaiwan ako dito sa America, dito ko tutupadin ang dati kong pangarap. Dito ko din hihintayin ang aking tunay na kasiyahan. Masakit man sa akin ang nangyari, itinuring ko na din na iyon ay laro lamang. Talo ako. Pero hindi pa huli ang lahat. Tama na ang minsang ako'y naging isang laruan.
----
"All passengers.... flight number..... please proceed.... "
Ang announcement na iyon ang pumutol ng aking malalim na pagiisip, tumayo na ako bitbit ang aking gamit. Pabalik na ako sa Amerika. Umuwi lang ako ng Pilipinas dahil para dumalo sa binyagan ng anak nina Jenny. Kinuha kasi nila akong ninong nito at isa pa para na din dumalaw sa aking mga magulang. Gustuhin ko mang manatili dito pero hindi maari. Naghihintay ang aking tunay na kasiyahan sa America. Ang aking asawa at anak na nandoon. Ahhh.. ang anak ko. Siguradong matutuwa iyon sa aking pasalubong sa kanya. Iniisip ko pa lang, nasisiyahan na ako. Miss ko na sila. Ipinangako kong hindi nya mararanasan ang minsang dinanas ko. Ang maging isang de susing laruan.
Sa loob ng eroplano kakaupo ko pa lamang ng mag ring ang aking cellphone. Pangalan ng aking kliyente ang nag appear sa screen.
“Hello”
“Hello.. is this Architech…?”
"Yes, Architech Jhonny Montenegro speaking"
***
Likhang lahok para sa kategoryang "Maikling Kwento" ng SARANGGOLA BLOG AWARDS
| |||||||
| SARANGGOLA BLOG AWARDS |
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)