Lunes, Marso 28, 2011

TALUMPATI NG ISANG BOBO




Tunay na napakaganda ng sinabi ng pinakamatalino. Base sa palakpakan ng ibang tao, hiyawan at papuri. Nakakasiguro na ng magandang kinabukasan. Maraming parangal na nakasabit sa leeg. Magaling, ikinalulugod sya ng kanyang mga magulang.

Ako habang prenteng nakaupo, nakatingin lang sa entabladong iyon, iniisip kong ako ang naroon at nagtatalumpati.

 

Pag akyat ko pa lamang ng entablado. Malakas ang tawanan ng nakararami. Ang hagikhikan ng aking mga kasama. Bakit? Kasi ako ang pinakamahina sa klase. Walang kakabakabang nagsalita ako sa harap nila.

"Anim dagdagan mo ng apat at dagdagan pa ng apat. Labing apat lahat, tama.. labing apat na taon akong namuhay sa mundong ito. Row 4 noong elementarya. Sa tuwing may darating na bisita, nasa kasuluksulukan ng silid.  Ang mga matatalino ang nasa unahan. Anong ibig sabihin? Bukod sa bobo, ano pa bang maaari kong isipin? Ikinahihiya?  Bahala na kayo mag isip nyan.  Lagi kong inaalala noon, palakol na nakasulat ng kulay pula, takot akong umuwi ng bahay dahil sigurado pingot na naman ang aabutin sa magulang.

Mataas na paaralan. Nasa kahulihang section.  Bakit? Alam nyo na siguro.  Kami ang mahihina ang utak.  Ang latak. Alam ba ng matatalino ang pakiramdam ng binabalewala ng eskwelahan, ng ibang guro, at ng ibang organisasyon? Sa iba kong mga kasama, siguro balewala, pero sa akin at sa iba?  Wala sa amin ang tsansa noon. Kayo na ang star section.

At ngayon ngang kolehiyo, ilang units din ang ibinagsak ko. Pasang awa ang tinanggap ng aking pagsisikap na hindi nakaabot sa standard ng propesor.  Oo, sermon ang inabot ko sa nagpaaral sa akin, muntikan ng makick out sa unebersidad na ito. Alam ba ng ninyo ang pakiramdam ng isang tulad ko, kung paano sasabihin sa magulang? Ang kaba at ang takot? Hindi diba?... Oo, aminado naman akong kasalanan ko naman. Inaamin ko din na mahina akong umintindi sa mga pinagsasabi ng guro. Pero sa isip ko, kasalanan ba ang kumuha ng pagususulit ng patas? Mas kasalanan siguro ang mandaya sa pagsusulit.. ang nakakuha ng mataas na marka sa paghihiraman ng papel. Sa totoo lamang, hindi naman ako bobo, siguro lang kung ipapaliwanag lang sa akin sa paraang naiintindihan ko ang bawat pagtuturo, baka ilampaso ko ang mukha ng pinakamatalino dito. Hindi ko sinisisi ang aking maga guro.  Pero tingnan nyo din sana ang aspetong ito. Iwasan sana ang magkumapra. Kadalasan naka focus kayo sa husay ng estudyanteng pinakamatalino.

Ako ang bobo sa klase, nagsasalita sa inyong harapan. Wala akong pakialam kung tawanan nyo ako.. Para sa mga katulad kong magtatapos ngayon, ano pa mang ang rason kung bakit puro palakol ang ating grado, kapabayaan man sa pag aaral o hindi, pakinggan nyong lahat ang sasabihin ko. Hindi nila nakikita sa ating mga mahihina sa klase na sa kabila ng mga mabababang marka ng ating classcard, ng kahihiyan idinulot, ng pagtawa ng ating mga kaklase, ng sermon ng ating mga magulang, nanatili pa rin tayo sa unibersidad na ito, bakit? Dahil nananatili sa atin ang pag asa, hindi natin hinayaang mawala ang pangarap na matapos ang karerang inumpisahan. Mas mahirap na pagsubok ang sa atin ay dumaan kumpara sa mga may dunong. Ito ang iniintay natin. Wala man tayong karangalan, pero hawak na din naman natin ang ating inaasam.  Hindi ko na iniisip kung anong kinabukasan meron ang pinakamatalino.. Sigurado na iyan.. Pero sa atin, ano nga bang meron pagkatapos nito.? Tulad ng nangyari ngayon, makakamit din natin ang tagumpay, wag nating aalisin sa ating mga sarili ang pagsisikap, ang  pag-asa.. Subok na tayo sa pagharap sa problema."



"Huy ang lalim ng iniisip mo ah,  ikaw na, tinawag na ang pangalan mo"


"Ha ako na ba?"






48 komento:

  1. Para sa magsisipagtapos na ito. Ano ba ang tema ngayong taon?

    Totoo na iilan lamang ang nangingibabaw mas marami pa rin ang mga pangkaraniwan.

    Wala sa talino ang pag-unlad nasa pagsisikap at kagustuhan.

    Mahalaga ang edukasyon kung nagagamit nang wasto, wala din itong silbi kung parang librong inanay na lamang sa taguan at hindi binasa.

    :)

    TumugonBurahin
  2. @Jkul - syang tunay sir.. wala sa talino ang pagunlad ng tao, nasa pagsisikap at kagustuhang umunlad.. nga lamang, kailangan pa din natin ng utak para dito..

    Aking pinupunto para sa mga magtatapos ng pangkaraniwan na lamang ang grado, tulad ng pagsisikap upang makatapos ng pag aaral, ganun din ang gawin pagkatapos nito.

    Iba na kasi ang mundong tatahakin nila, masalimuot ang puno ng pagsubok at problema. Kakaiba sa paghawak ng lapis at papel at pagsunog ng kilay. Kumabaga, training lang noon, ngayon na ang actual na laban ng buhay..

    magandang araw sa inyo Sir.. windang pa din ang utak ko hanggang ngayon.. masyadong abala sa hanapbuhay.. :(

    TumugonBurahin
  3. ang totoo, tila mas maganda ang magiging speech kung hindi sa pinakamatalino sa klase ang magsasalita. The commoner, the average at ang mapurol ang may magandang kwento at aral na masasabi.

    TumugonBurahin
  4. @Khantotantra - Tama sir.. karaniwan na kasi sa isang pagtatapos, ang nag sasalita ay ang pinakamatalino o ang valedictorian o cumlaude ng paaralan.. wala kang maririnig kundi papuri at pasasalamat..

    sa mga average o mahina sa klase, nasa kanila ang kwento, ang karanasan na maaring humubog sa tunay na pagsubok ng buhay..

    salamat mo sa inyong pagdalaw sir.. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sino po ang may akda nito????

      Burahin
  5. hmmm... kuya banjo gusto ko sana magreact... meron kasi ako disagree... lalo na dun sa part na

    "nakikita ng guro ang pinakamatatalino" parang ganun.. di naman sa lahat ng guro ganun... kasi naaalala ko ung mga mahihina sa klase pa nga ang parati pinag-iinitan ng mga guro kapag recitation.. minsan nagiging comedyyy... pero masaya... at tinatry naman ng mahihina ang sumagot kahit malayo... minsan ako din.. lage malayo ang sagot ko sa mga recitation ehhehe :D

    basta ganon.... di naman namimili ang mga guro... mas pinagtutuunan nga niyang pansin ang mga mahihina eh di ba.. me pagkatamad nga lang talaga or kawalan ng interes.. kaya siguro nagiging palakol ang grade.. pero di naman kasalanan ng isang estudyante un... siguro hanggang dun lang ang kinaya niya... parang ganon....

    wala lang.. sensya na malayo ang sagot ko bowwwww....

    opinyon ko lang koya... :D

    TumugonBurahin
  6. Pangarap ko lang noon umakyat sa entablado kasama ang mga magulang ko. Pero hindi ko ito natamo marahil mapurol aang utak ko at hindi natupad ang nais nilang mangyari. Pero ako na marahil sa klase namin ang mayaman sa kwento. Napatunayan kong sa pagsisikap natutupad ang aking mga pangarap. Ako'y salat talino ngunit ito ako sa ginalalagyan ko. Patuloy na nangangarap na sana sa kabila ng kabobohan ko ay nagabayan ako ng mga magulang ko.

    TumugonBurahin
  7. @EgG - magandang araw sayo.. walang problema parekoy... tama naman na hindi lahat at wala naman akong binaggit na lahat hehehe.. ibang mga guro parekoy.. pero wala naman duna ng gusto kong parating.. slyt lang may patama ng konti... Favoritism kumbaga.. malimit kong makita yan sa loob ng klase...

    ang punto ko dito ay ang pagsisikap ng estudyante na makatapos ng pagaaral.. na kahit ilang beses pa mulit sa asignatura, ginagawa para lamang makapagtapos.. Ganon din sa pagkatapos ng yugtong iyon ng kanyang buhay.. gamiting inispirasyon ang ginawa bilang estudyante, panatilihin ang pangarap dahi iba na ang hamon ngayon ng buhay

    maraming salamat parekoy ")

    TumugonBurahin
  8. @joeyveluntra - Sir, hindi dahil sa talino natutupad ang isang pangarap, maaring naging kasangkapan lamang ito sa pagtupad ng ating ambisyon.. Kahit gaaano pa tayo kapurol sa klase.. nasa atin pa din ang determinasyon upang sagutin ang dahilan kung bakit tayo nagaaral..

    magandang araw po.. maraming salamat sir

    TumugonBurahin
  9. Hindi lahat ng matatalino ay nagtatagumpay,may mga taong mahihina sa mga aralin,pero sa sipag pagpupursigi nakukuha nila ang kanilang minimithi...

    Sana nga patas lahat ang laban at walang kinikilingan...

    gandang hapon banjo!

    TumugonBurahin
  10. @Jay - magandang araw sayo sir...

    walang perpekto, kahit ang pinakamalalakas at matatalinong tao sa mundo ay may kahinaan din.

    sa larangan ng edukasyon, hindi sapat na naituro na ng isang guro ay ok na.. dapat masigurong naiintindihan ng LAHAT ng tinuturuan...

    maraming salamats...

    TumugonBurahin
  11. Hindi mo kailangan maging matalino para magtagumpay sa buhay...pero kung matalino ka, bunos n yun...hehe..muli Mr ISTAMBAY...maganda ang pagkakasulat mo, naihatid mo sa amin ng maganda ang saloobin namin "hindi matatalino".

    TumugonBurahin
  12. hindi talga masabi kung san tutungo ang buhay. meron mga topnotchers na hindi nagtagumpay sa hangarin sa buhay. yung mga nasa row 4 dati ay ang layo ng narating. nasa pagsisikap lang yan.

    TumugonBurahin
  13. hanep...inaamin ko tamad talga kong mag-aral at mahina dn ang aking png-unawa lalo na kapag ako'y lutang.

    sa pangongopya..kung ayaw akong pakopyahin e di wag..jeje..isasagot ko lng kung anong naalala ko at kung anong naunawaan ko...galing ako s mtaas na seksyon kaya di maiwasan ang kumpetixon, kuntento na ko s pasado at d n nghahangad ng mas mataas pa dhil un lang ang kaya ng utak ko...

    ang haba na...jejeje..nakarelate lng jejeje...

    TumugonBurahin
  14. hindi sa talino nakasalalay ang tagumpay :) nasa determinasyon lagi ng isang tao :)

    TumugonBurahin
  15. syang tunay! ang matalino na nangarap maging bobo.. napabilib ako sa dulo. mapagpakumbaba, ayan ang tunay na talino, hindi ginagamit para manlamang at mang apak ng tao.... na miss kita kuyakoy banjo! nakita mo na ba to http://heavenknowsmj.blogspot.com/2011/03/epic.html

    TumugonBurahin
  16. hindi mo kailangan maging matalino para umangat sa buhay, nasa pagsisakap yan..

    gud eve banjo ..:))

    TumugonBurahin
  17. kadalasan naman kahit wala ka sa honor roll, di nangangahulugan na hindi na maaabot ang pangarap. konek? ewan hehehe

    TumugonBurahin
  18. It is always handy to be smart, pero marami namang klase ng mga smart na tao. Merong mga smart sa eskwela lang, merong smart sa trabaho, meron namang sa buhay. Importante ang eskwela oo, pero umpisa lamang ito ng buhay at hindi sukatan ng iyong kakayahan.
    Good luck sa lahat ng mga graduates!

    TumugonBurahin
  19. hello, banjo.

    goodluck sa ga-graduate! honor or not... :)

    TumugonBurahin
  20. hello, banjo.

    goodluck sa ga-graduate. with honors man o wala... :)

    TumugonBurahin
  21. Naniniwala ako na napakahalaga ng edukasyon para sa isang tao... sa panahong ngayon... ito ang isang matibay na sandata natin.. pero kelan man hindi ko tatangapin na edukasyon lamang ang kailangan mo para umunlad... dahil hindi yun susi... isang maliit na parte lang ng ating pagunlad... nasa pagsisikap yan at diterminasyon... kahit ang pinaka bobong tao na ... may kakayahang ding umunlad...

    at saka huwag mong tawagin ang sarili mong BOBO.. dahil hindi ka bobo... masmatalino ka sa akin sa mga paraan at kakayahan mo... at mas matalino naman ako kesa sa iyo sa parang alam ko at kabisado ko... I mean... may alam ka na hindi alam ng iba.. at may alam ako na hindi niyo alam...

    hindi mo kailangang maging matalino para umunlad... lakas lang ng loob at paniniwala..

    huwag mo sanang ikagalit...

    ehehehe


    peace tayo ... peace tayo...

    alam mo ba ang presidente namin sa class room noon na siya ring valedictorian namin... eh ayun... business man na... eheheh.. matalino kasi.. CPA pa nga... DBP Zamboanga ang kumuha as knaya pagkagraduate niya...

    pero alam mo ba ang Mother ko... Business woman din... grade 4 lang natapos nun... no read no write nga eh... papa ko lang nagturo sa kanya magsulat ng pangalan niya... pero business woman... at masasabi ko na wala kami sa kinalalagyan namin ngayon kung wala ang mama ko.. at forever ko siyang ipinagmamalaki..

    sana may natutunan ka sa comment ko..

    dalawang tao na parehong negosyante.. pero magkaiba ng natapos... wala sa talino yan.. nasa lakas ng loob... trust me...

    ehehehhe...

    ayun para kunwari naintindihan ko ang post mo... ehehehehe....

    siya nga pala... do you remeber Shaira the promil kid?

    Gifted child yun... do you still remember her famous line "the sun is the center of our solar system ....

    alam mo na ba ang nangyari sa kanya...? napanood ko yun sa corespondent.. ABS-CBN... naging rebelde siya... at pinabayaan ang pagaaral... ayun photographer ang kinalabasan... I mean.. alam kong mahirap ang maging photographer.. pero para sa katulad ni SHAIRA Luna na gisted child... at talagang nakatutuk lahat.. alam mo yun.. higit pa riyan sa pagiging photographer ang makakaya niya... baka nga first philippine austronout pa eh... alam mo yun...

    so ayun...

    marami pa sana akong sasabihin.. kaso mukhang napahaba ang komment ko.. kaw kasi eh... miminsan ka nalang ngayon magpost... kaya ayun.. nilubus ko na,.. ehehehhe

    TumugonBurahin
  22. saludo ako sa mga mahihina ang utak na nakakagradweyt... dapat din silang purihin di lang ung matatalino.

    TumugonBurahin
  23. palakpakan! sapol na sapol..
    tingin ko ang mga ganitong mga karanasan at katotohanan, ang mga tagumpay sa kabila ng paghihirap, ang pinaka-akmang maging graduation speech. for sure, gising pati puso ng mga gagraduate at abot langit na inspirasyon ang naibibigay. rather than cliche speeches ng mga taong matataas ang grades...
    hindi lahat ng matatas ang marka ay matalino.

    TumugonBurahin
  24. tandaan na hindi lahat ng successful ngayon ay nagtapos ng pag-aaral.. tulad na lang ni Bill Gates.. o ni mark Zuckerberg.. o ni Oprah Winfry.. sunod na jan si Kamil Tibayan.. hahahaha lol.. joke lang dre

    TumugonBurahin
  25. tama.. iba2 tayo ng paraan ng pagintindi ng mga bagay at madalas di iyon iniisip dito sa atin. sasabihan ka na agad na mahina ang ulo.

    ako nga minsang napagkamalang autistic dahil lamang di ako kasing attentive ng iba sa klase. pero nakakaintindi naman ako kung interesado ang paraan ng pagturo sa akin...

    nice post.. :)

    TumugonBurahin
  26. Go Kamil.... napatawa mo ako ng husto...

    TumugonBurahin
  27. Gusto ko 'to. May katotohanan ang sinasambit dito.

    Hindi ko lalahatin pero marami sa mga pampublikong paaralan dito sa 'Pinas ay maliit ang tingin ng mga guro sa mga nasa lower sections. Parang lagi silang binabalewala kasi parang mas tintutukan ng mga guro ang pagtuturo sa mga nasa Section 1 o A. Di man lang nila naisip na lalo lang nilang dino-discourage ang mga nasa lower sections. Ang iba pa eh lagi may pagkukumparang nangyayari. Iniisip ng ibang guro na kung maiintindihan ng nasa Section 1 o A ay ganoon na rin sa iba.

    Minsan man lang ako napunta sa mababang seksyon ay alam ko ito. May mga kaibigan din ako sa ibang seksyon. Sa kanila ay napapaisip din ako kung bakit hindi sila napupunta sa seksyon 1 eh marami sa kanila ang matatalino.

    Bow. Nagtalumpati din ako. haha

    TumugonBurahin
  28. tama si khanto sana hindi ung pinakamatalino sa klase ung mgspeech.. siguro mas interesting pag ung commoner ang ang magsasalita.. it will be a new experience and its like breaking a norm.

    TumugonBurahin
  29. para sa kin tol banjo walang isinilang na bobo.. isinilang na manyak meron hehehehe! maligayang bati sa lahat ng magtatapos!

    TumugonBurahin
  30. hahaha! galing talaga wala akong masabi! row 4 din ako..katunayan nug grade 6 ako second to the last ako sa ranking ng over all class namin! hahaha! sa pilipino nung 4th year ako lagpak! pasang ayawa sa palakol! totoo! pero di ako tumigil hanggang natalbugan ko pa ang mga taga la salle, ateneo at UP sa estado ng karera ko ngayon! di sa nagmamayabang deserve ko ito dahil di ako namili ng trabaho hanggang sa na promote ako! saludo sa mga bobo! hahaha! iba na ang sikat! hahaha sabi pa nga the last will be the first!

    TumugonBurahin
  31. galing naman...naalalo ko ang palabas na row 4..

    TumugonBurahin
  32. yeah...tama

    naalala ko tuloy kung paano nagtalo ang isang kickout ng unibersidad at ang kanyang teacher. Ang kickout na yun ang isa na sa pinakakilalang scientist sa buong mundo. Madami silang naging usapan, God, Faith, Duality...madami, patunay yung usapan na yun na walang taong bobo...totoo meron matalino, medyo matalino, nagtatalino-talinuhan....hindi matalino... pero walang bobo... ^_^

    TumugonBurahin
  33. hmmm, dati madalas kung sinsabi na di sukatan ang grado sa natutunan ng bawat estudyante.

    di rin sukatan ang pinag-aralan upang masabing maagtatagumpay tayo sa karerang tinatahak natin.

    TumugonBurahin
  34. GLING NG TALUMPATI

    ASSSSSSSSSSSSSSSSTIGGGGGGGGGGGGG....

    TumugonBurahin
  35. naka publish po ba sa libro to?

    TumugonBurahin
  36. sir ano po ba ang pangalan ng gumawa nito ? author name ?

    TumugonBurahin
  37. SALAMAT PO... MAY IPAPASA AKO KY MAAM,,,

    TumugonBurahin
  38. Ang ganda po neto. Gusto ko po sanang ipaalam na hihiramin at ipepresent ko po ito sa aming klase. Maraming Salamat po! :)

    TumugonBurahin
  39. peram din po. yesss!!! may ipepresent nadin po ko kay ma'am para sa aming talumpati!! ganda po neto. thanks po :)

    TumugonBurahin
  40. peram din po. yesss!!! may ipepresent nadin po ko kay ma'am para sa aming talumpati!! ganda po neto. thanks po :)

    TumugonBurahin
  41. i like the simplicity of ur concept.. ang mga sitwasyon na nakapaloob ay tunay na nangyayari sa mga estudyanteng hindi matalino. hihiramin ko sana upang aking bigkasin sa aming filipino class ngunit aking naisip , hindi naman sa pagmamalaki ngunit isa ako sa mga nangunguna sa klase .. gustong-gusto ko ito . napakagaling po ng author .. gusto ko lang ibahagi sa mga matatalino at may kakayahan sa klase , na dapat ay tulungan ang mga hindi matatalino .. sila ay di dapat maliitin , sapagkat bawat tao ay binigyan ng dios ng espesyal na kakayahan .. marahil hindi sila matalino sa klase ngunit sadyang kahanga-hanga sa ibang larangan ..
    GOD BLESS YOUR WORK :)

    TumugonBurahin
  42. ang ganda po ng pagkakasulat ng akdang ito. worthy to be shared to everyone :) nais ko po sanang gamitin ang akda nyo sa filipino presentation namin :) Natitiyak kong may matututunan rin ang aking mga kaklase mula sa akdang ito :) Salamat po :) Continue inspiring others through your works :) God bless and more power :)

    TumugonBurahin
  43. naniniwala akop na walang taong bobo.. pagsisikap at determinasyon lamang sa pag-aaral ang kailangan upang magkaroon ng kaalaman at magkaroon ng matataas na marka.

    TumugonBurahin
  44. It was an eye opener. :) thank you. most people tend to laugh and belittle those people who are not as smart as them. Hindi lang po sa school nangyayari ang ganito, even in work and business industries but nevertheless it is not the basis of being successful and good :)

    TumugonBurahin
  45. sir ipiprint ko po ang inyong gawa para sa klase lng po salamat

    TumugonBurahin