Huwebes, Marso 24, 2011

PANIS NA LECHON MANOK

Para sa iyo ang kwentong ito.

----

Dumating ka sa bahay, alam kong problemado ka na naman. Dating gawi, dadaanin natin sa inuman. Pero sa pagkakataong ito, dalawang mesa ang aking ihahanda. Bumili ako ng alak, ng dalawang letsong manok at dalawang platitong mani. Sa bawat mesa ko inihain ang alak at pulutan.

"Pare, bakit dalawang mesa yan, may bisita ka pa ba?"

"Hindi, ang isang mesa para yan sa inuman natin bukas."


"Aba adik ka ba, pinaghahandaan mo na gad inuman bukas ah.. pero ok yan hehehe"

"Yaan mo na pare, bukas malalaman natin kung sinong adik."


Tulad ng dati, sa gitna ng usapan natin ibinuhos mo ang iyong problema, pero dahil sa alam ko na din naman lahat ito at sa palagi ko na din pagpapayo, hinayaan na lang kita. Nasa kalaghati na tayo ng ating inuman, may tama na din naman ako. Sa bawat alak na dumadaan sa iyong lalamunan. Isang kurot ng manok ang kasunon. Ang platitong mani halos hindi nababawasan.

Kinabukasan bumalik ka ng bahay at tulad ng usapan inuman ulit tayo, alam ko hinding hindi maalis ng inuman ang iyong problema kaya pinaghandaan ko na ito.

"Pare kanina pa kita hinihintay, nakahanda na ang mesa."

"Pare, ito ung hain mo kagabi pa ah”

“Pinaghandaan ko talaga ito para sayo, o game na”

Nasa kalaghati na tayo ng ating inuman at katulad kahapon, sa bawat alak na dumaan sa iyong lalamunan kasunod ay kurot ng manok. Ako naman pinili ko na lang na wag mamulutan

Kinabukasan, nabalitaan kong dinala ka sa ospital, dumadaing ka ng sakit ng tyan at nagsusuka. Ang sabi ng duktor na tumingin sayo, may nakain ka na panis at yun ang dahilan. 

----

Sana nakuha mo ang mga pangyayari, ang ating inuman ay ang iyong kwento, ang alak ang iyong pag ibig at ang lechon manok ang taong iniibig mo, ang platito ng mani, ito ang ibang mga bagay na maaring hindi mo na din nabibigyan ng pansin. 
















Nais ko lang po maiupdate ang aking Bhaus, pasensya na po kung madalang ako ngayon makapasyal sa inyong bahay. Ito po ay sa kadahilanang masyadong abala ang Tambay sa kanyang gawain para mabuhay. :)... pero pipilitin ko pong sa mga susunod na araw ay magkaron ako ng oras upang magbasa at mamasyal sa inyong mga tahanan.

Maraming salamat po

22 komento:

  1. abala ka pa sa lagay na ito kapatid? Hindi pa ba madalas ang update mo? Hangang hanga naman talaga ako sa kahusayan mong mangiliti ng utak.

    TumugonBurahin
  2. ang talinhanga naman. buti at may paliwanag sa baba, kundi ay dugo na ilong ko kaiisip kung ano ang nais mong ipakahiwatig.

    TumugonBurahin
  3. sabi nga nila what ever you no need to moderate, at sana wag puro inuman at kailan mo din tumingin sa paligid mo wag lang puro ikaw! di lang ikaw ang may problem. lahat tayo meron niyan at lahat ng problema may solusyon..

    TumugonBurahin
  4. welcome back banjo!! we miss you!!

    tagay tayo, pls.. hehe!

    TumugonBurahin
  5. panis ba?

    Pwede namang itubog ulit sa mantika o itapat sa apoy 'yong manok para pwede pa.

    May mga tao na laging dumadaing ng problema, meron namang tahimik lang, eh kung daing nang daing at hindi naman nasusolusyunan, eh parang lechong manok na panis 'yan.

    TumugonBurahin
  6. iba ang interpreatsyon ko dito ah.. hehe... you cannot solve a problem with old proven ineffective methods...

    TumugonBurahin
  7. Diba ang panis may kakaibang lasa?
    Bakit kaya hindi nya nalasahan ung kakaiba? Bakit kaya tinanggap pa ng sikmura nya ung ganung lasa? Hindi siguro sya marunong kumilala ng uubra sa hindi uubra. Siguro mas mainam na matuto muna syang kumilala sa kung ano ang makakabuti sa hindi makakabuti sa tulong ng isang platitong mani na hindi nya pinansin.
    Naisip ko lang na masyado siyang natukso/nagpatukso sa kung ano mang meron ung lechong manok kaya hindi nya binigyan ng pansin ung isang platito ng mani.
    Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Ayoko ng dagdagan.. Kung bakit, secret.. ako lang ang nakakaalam.. Chos.. basta!

    TumugonBurahin
  8. Ang ganda ng pagkakahimay ng kwento.Sana nakuha niya ang aral ng kwentong ito sa buhay niya.kasi di ko masyadong nakuha. kung di pa pinaliwanag. Di kasi ako umiinom kaya di ako bumabanat sa pulutan.or kung mamulatan man di ako umiinom kay malalaman ko kaagad kong panis na ito. sa mani nalang ako dadampot.

    TumugonBurahin
  9. ang sa akin lang...

    hindi ko masisisi ang pagkukot niya sa manok. kase GUSTO nya iyon e. mahirap tanggihan ang bagay na gusto mo. babalik balikan nya iyon, kahit alam nya namang ikakapahamak nya.may mga bagay na hindi natututunan sa madaling paraan. minsan kailangan nating "isugod sa ospital" para lang matuto tayo.

    para sa pinagaalayan mo ng kwentong ito:
    wag mong hayaan mabulagan ka. may ibang bagay na dapat mo pang pagtuunan ng pansin. lecheng manok yan! bili ka nalang nga ng bagoooooo!!! 8-|

    TumugonBurahin
  10. naku..inuman..ayaw ko yan.
    hndi yan ang solusyon para mag relax ka.

    ok lang po yun.paki check na lang ako hah..hehe good pm

    TumugonBurahin
  11. buti may konting update ka pa rin kahit papaano parekoy.. okay lang yan.. kailangan maging busy paminsan minsan.. at okay lang yan di ka naman namin kinakalimutan.

    TumugonBurahin
  12. woaahh ayos nakaupdate narin sa wakas...sa lahat ng post mo, dito nahirapan gilingin ng utak ang meaning...hahaha...anak ng panis na pag-ibig na yan..haha

    TumugonBurahin
  13. tama nayan inuman nahh..hoy parekoy tumagay kaahhh...nanabik na lalamunan...naghihintay ngaabang...nice! Masarap talaga ang bawal..and too much love will kill you...jejeje...

    TumugonBurahin
  14. yah.. very well said. natutuwa ako sa punto ng taong naghanda ng inumin at pulutan subalit hindi ko masisisi ang kumurot ng manok kung iyon ang sa tingin nya na mas masarap sa mga puntong iyon, ang manok ang mas malaki at ang manok ang mas kaaya aya. Hindi nya napansin ang isang platitong mani, dahil hindi sya interesado dun sa mga oras na yun. mas minabuti nyang kainin ang panis na manok, dahil iyon ang sa palagay nyang mas maganda nyang gawin.

    TumugonBurahin
  15. maiksi lamang pero malaki ang nilalaman. galing. as always :)

    TumugonBurahin
  16. ang galing ng istorya.. akalain mo yun!

    TumugonBurahin
  17. wow.. lechon.. masarap kaya ang lechon manok... eheheh

    TumugonBurahin
  18. hahaha kahit maiksi o mahaba post mo chong parating may laman.. hehehe

    TumugonBurahin
  19. may malaking question mark sa ulo ko ngayon... ahahahah....

    nagkaron lang ako ng idea sa mga paliwanag din ng mga comment nila... ahaha.. slow eh. lol

    TumugonBurahin
  20. Sometimes the things we take for granted are the ones that are good or even better for us & we sometimes go for the things that we really should't go for - ito na ata ang nature ng tao...

    TumugonBurahin
  21. Napahanga mo na naman ako dito sa entry mo.. nung una nag iisip ako bakit hindi nya nalasahang panis na yung kinakain nya.. hehehe.. buti nalang may explanation.. ang lalim mo talaga mag isip.. apir*

    @kalokang Pinay: very well said.. tama ka.. ganun na ata mga tao ngayon..

    TumugonBurahin
  22. I LOVE THIS POST!!!

    PAK NA PAK!!
    IKAW NA KUYA ANG D BEST!

    okay ang gamit ng metaphor!

    Galing!

    TumugonBurahin