Isang propesora ang dumalaw sa kanyang kaibigan na nakatira sa isang subdibisyon. Sa gate pa lang nang bahay, natanaw nyang naglalaro ang isang bata. Lumapit sya at nagtanong..
"Hi little angel, what is you name?"
"My name is Angelica"
"And how old are you?"
"Im 4 years old"
"Where's you daddy & mommy?"
"Inside the house"
"Oh thank you"
"Your welcome"
Dumating ang mommy ng bata
"Napakatalino ng anak mo mare"
Kinabukasan, sa pamamasyal sa mall nasalubong nya ang dating kababata sa probinsya
"Ohh. kumusta ka na? anak mo?"
"Oo, mabuti naman"
"What is your name"
Nakatingin lang sa kanya ang bata...
" ahhh anong pangalan mo iha?"
"Angelica po"
"Ilang taon ka na?"
"Apat po."
Ang cute ng anak mo.. sige ha musta na lang sa atin.. sabay alis ng propesora.
Ano ba ang meron sa dalawang eksena kong nabanggit? Mahirap tanggaping ang katalinuhan ng isang tao dito sa atin ay ibinabatay sa lenggwaheng kanyang binbigkas. Ang tingin ng nakakarami lalo na ang salat sa pinagaralan, porket magaling magsalita ng ingles ay matalino na. Kadalasan ay nagiging dungo na ang isang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, takot humarap sa edukadong tao. Sa makatuwid, hindi man natin aminin, ang tingin ng iba sa kanilang sarili ay bobo. Ganon ang lumalabas.
Madalas kong mapansin ang talaktakan ng mga bituin sa palabas sa TV. Nasisiyahan na lang ang ibang humahanga na masaya ang kanilang idolo habang nagsasalita gayong hindi nila maintindihan ang kanilang sinasabi. Ang mga mambabatas, ang debate sa kongreso, ang speech ng pangulo, ang advisory. Sa salitang ingles ipinararating. Sa salitang ingles naguusap. Ang tatalino. Hindi makasabay ang maralitang manonood, nakikinig, nagbabasa sa katalinuhan nila. Nangyayari tuloy, pataasan ng lang ng ego ang mga pulitiko, ang kanilang sarili ang pinaglillingkuran. Nasaan ba tayo? Sino ba ang kausap mo? Kung tanungin ka ng ingles, natatakot ka bang sumagot ng tagalog at baka ikaw ay masabihan ng bobo?
Kung ang pagsasalita ng ingles ang magdadala ng ating bansa sa rurok ng katatagan. Matagal na sana nangyari ito sa atin. Kamakailan lamang, umani ng pagpupugay ang isang opisyal ng DFA na sya mismong nanguna sa pagsundo ng ilang kababayan natin na naiipit sa kaguluhan sa gitnang silangan. Humahanga ako. Pero noong kapanayamin. Sa tanong na tagalog, ingles ang sagot. Kamot na lang ako sa ulo ko. Noon ding basahin ang sentensya ng isang mababatas na nahulihan ng bawal na gamot sa bansang Hongkong. Gumamit pa ng interpreter para lang maintindihan ng pilipino ang sinasabi nila. Nakatutok ang karatig bansa sa pangyayari. Binasa ang resulta sa sariling wika nila. Mahusay. Sa dami ng dayalekto dito sa ating bansa, at tayo ay naririto sa atin, bakit ang ingles ang tinatangkilik ng marami, eh hindi naman ito atin.
Kung tutuusin, ang sinasabing kabobohan yata ng isang bansa ang magpapatatag ng ekonomiya nito. Bakit ko nasabi, ang mga bansang hapon, ang tsina, ang mexico, ang iba pang matatag na bansa, kahit saan pang larangan, sariling wika nila ang ginagamit. Mas madali itong naiintidihan ng nakararami sa kanilang bansa. Nagkakaintidihan. Madaling maunawaan ang nais ng gobyerno nila. Hindi kaya sila ay bobo din? O sila ang matalino dahil sa paggamit nila ng sariling wika?
Kung magkakaron ng pagkakataong amuyin ang katawan ng bawat lahi.. sa tingin mo, sino kaya ang pinakamabaho?
"Hi little angel, what is you name?"
"My name is Angelica"
"And how old are you?"
"Im 4 years old"
"Where's you daddy & mommy?"
"Inside the house"
"Oh thank you"
"Your welcome"
Dumating ang mommy ng bata
"Napakatalino ng anak mo mare"
Kinabukasan, sa pamamasyal sa mall nasalubong nya ang dating kababata sa probinsya
"Ohh. kumusta ka na? anak mo?"
"Oo, mabuti naman"
"What is your name"
Nakatingin lang sa kanya ang bata...
" ahhh anong pangalan mo iha?"
"Angelica po"
"Ilang taon ka na?"
"Apat po."
Ang cute ng anak mo.. sige ha musta na lang sa atin.. sabay alis ng propesora.
Ano ba ang meron sa dalawang eksena kong nabanggit? Mahirap tanggaping ang katalinuhan ng isang tao dito sa atin ay ibinabatay sa lenggwaheng kanyang binbigkas. Ang tingin ng nakakarami lalo na ang salat sa pinagaralan, porket magaling magsalita ng ingles ay matalino na. Kadalasan ay nagiging dungo na ang isang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, takot humarap sa edukadong tao. Sa makatuwid, hindi man natin aminin, ang tingin ng iba sa kanilang sarili ay bobo. Ganon ang lumalabas.
Madalas kong mapansin ang talaktakan ng mga bituin sa palabas sa TV. Nasisiyahan na lang ang ibang humahanga na masaya ang kanilang idolo habang nagsasalita gayong hindi nila maintindihan ang kanilang sinasabi. Ang mga mambabatas, ang debate sa kongreso, ang speech ng pangulo, ang advisory. Sa salitang ingles ipinararating. Sa salitang ingles naguusap. Ang tatalino. Hindi makasabay ang maralitang manonood, nakikinig, nagbabasa sa katalinuhan nila. Nangyayari tuloy, pataasan ng lang ng ego ang mga pulitiko, ang kanilang sarili ang pinaglillingkuran. Nasaan ba tayo? Sino ba ang kausap mo? Kung tanungin ka ng ingles, natatakot ka bang sumagot ng tagalog at baka ikaw ay masabihan ng bobo?
Kung ang pagsasalita ng ingles ang magdadala ng ating bansa sa rurok ng katatagan. Matagal na sana nangyari ito sa atin. Kamakailan lamang, umani ng pagpupugay ang isang opisyal ng DFA na sya mismong nanguna sa pagsundo ng ilang kababayan natin na naiipit sa kaguluhan sa gitnang silangan. Humahanga ako. Pero noong kapanayamin. Sa tanong na tagalog, ingles ang sagot. Kamot na lang ako sa ulo ko. Noon ding basahin ang sentensya ng isang mababatas na nahulihan ng bawal na gamot sa bansang Hongkong. Gumamit pa ng interpreter para lang maintindihan ng pilipino ang sinasabi nila. Nakatutok ang karatig bansa sa pangyayari. Binasa ang resulta sa sariling wika nila. Mahusay. Sa dami ng dayalekto dito sa ating bansa, at tayo ay naririto sa atin, bakit ang ingles ang tinatangkilik ng marami, eh hindi naman ito atin.
Kung tutuusin, ang sinasabing kabobohan yata ng isang bansa ang magpapatatag ng ekonomiya nito. Bakit ko nasabi, ang mga bansang hapon, ang tsina, ang mexico, ang iba pang matatag na bansa, kahit saan pang larangan, sariling wika nila ang ginagamit. Mas madali itong naiintidihan ng nakararami sa kanilang bansa. Nagkakaintidihan. Madaling maunawaan ang nais ng gobyerno nila. Hindi kaya sila ay bobo din? O sila ang matalino dahil sa paggamit nila ng sariling wika?
Kung magkakaron ng pagkakataong amuyin ang katawan ng bawat lahi.. sa tingin mo, sino kaya ang pinakamabaho?
Aww! napaunfair talaga ng mundo... nice post!
TumugonBurahinlife is unfair ika nga.. pero wala tayong magagawa sa mga ganun bagay.. ika nga nila dapat lao tayong pagpursige pala sa aking kinabukasan :D
TumugonBurahintama ka jan, hindi sa kung ano ang lengwahe nasusukat ang talino ng isang tao... sana nga, magising tayong lahat at matutong magpahalaga sa sarili nating lengwahe, pra naman ay naiintindihan tayo ng lahat, subalit wag din anman nating kalimutan ang lengwaheng nagbigay din sa atin ng tsansa pra mas madaling maka-adapt sa iabng kultura... =D
TumugonBurahin@Archiv - ikli na lang ang name ha hehehe.. napaka unfair talagta kadalasan ng mundo..
TumugonBurahin@Axl - kung iisispin may magagawa pa tayo.. pero kailangan muna magkaron ng iisang layunin.. solid at walang kokontra para mapagtaumpayan ang ano mang nais.. nga lamang, sa panahon at sa nakikita natin ngayon.. mukhang napakahirap.,, pero posible... salamat sir :)
@Prop - salamat po sir.. kung dito dito lang naman tayo sa sariling atin.. mag mabuti sigurong piarating nais ng sinuman sa paraang maiitindihan ng nakararami. Ihalimbawa na lang ang mga panayam sa mga bibigating tao ng bansa. Ang makikinig naman ay ang mamamayan pinoy.. at pilipino ang ating wika.. :)
ang salitang ingles ay pangdaigdigang wika.. mainam gamitin, madaling intindihin ng bawat lahi, subalit pinagaaralan.. dito sa atin, hindi lahat nakakapagsalita ng ganyan.. :)
magandang araw po sir
sagot sa tanong mo--lahing pinoy!! hehe,paano nman kasi karamihan pa english-english eh hnd naman amerikano.. sorry sa iba, bi-nase ko lang sa kwento ni banjo.. peace.
TumugonBurahinnice post again banjo..
@Mommy-razz - Naku delikado hahaha.. tama ang sagot nyo.. ayon lang naman sa napapansin ko. Ang akin lamang po, lalo na dun sa mga pulitiko, mas mabuting sabihin nila salita natin ang mga pinaguusapan nila. Hindi lahat nakakaintindi ng ingles, minsan kasi may taong nakikinig, pero sa totoo nakatingin lang.. at magtatanong sakin.. anong sabi? o diba? hehehe
TumugonBurahinsalamat ng madami mammy razz
life's unfair, and so is the world...., pero wala tayong magagawa, this is the way it was... anyhow, it is wat it is.....
TumugonBurahin:/
yan din nasa isip ko.. feeling ko nga kaya mas maunlad ibang bansa dahil din sa sistemang yan... na sariling salita nila ginagamit...
TumugonBurahinhay..
isa pa... dito sa ibang bansa.. parang ikaw ang magpapakahirap na makisama sa kanila.. jaan sa atin mga pinoy mga ngiting aso para makisama sa mga taga labas
@Aurelius - parekoy, nagbalik ka.. mustasa na? salamat pre
TumugonBurahin@Kamil - Nakikita ko lang kasi.. diba, at napansin mo din hehehe. Hindi ko alam kung anong nasa isip ng mga nasa pamunuan natin. Simple lang naman sana, gamitin ang sariling wika sa kanilang magdedebate o pagtatalatakan.. mas maiintindihan ng marami.. nag sa gayon, makakakuha ang marami ng opinyon na maaring makatulong para sa atin din mismo. Eh kung nakatingin lang at magbabase sa kumpas ng kamay ng mga buwaya ay este pulitko, walang magnyayari. sila sila lang ang nagkakaintindihan. :(
salamat parekoy naman.. nagpagupit ka na ba? nasan na ung after :)
napahanga mo ako ulit Istambay sa post na itech..parang gusto ko nang umiyak..huhu..hehe
TumugonBurahinmay blog din akong titled "Matalino ba ang magaling mag-english?" pero hindi ko post...hehe..at dahil nag-post ka ng iyo, delete ko na un..haha..tama ka, ako kaya ako nagsusulat ng tagalog sa blog ko dahil gusto kong maramdaman pilipinong pilipino ako, hindi naman sa hindi ko kaya mag-blog ng english, pero mas nararamdaman ko ang pagka-pilipino ko sa tagalog blog ko..hehe..saka mas masaya ang tagalog sa pagba-blog, mas maipaparating mo ang gusto mong iparating na aral, mas maiitindihan pa.
Kampay istambay, parekoy..Idol talaga kita!
ngayon wala akong masyadong choice kungdi magenglish. sana nga matuto ang anak ko magtagalog pero mahirap daw kung di nya naririnig ang conversations lalo na nasa trabaho ako madalas.
TumugonBurahin@Akoni - platerd naman ako, wag masyado idol hehehe. hindi sanay... nagkataon nanaunahan kita.. inuna mo ang lovelife mo eh heheheh joke
TumugonBurahinipost mo parekoy, baka sakaling may maligaw na dito sa ating bhaus... malay natin.. diba?
ako din, kay tagalog ang aking blog, dahil nosebleed talaga ko sa ingles hahaha... mahirap na magbunung dunungan diba? at saka, ramdam na ramdam ko ang pagiging pinoy ko..
apir parekoy.. sallamat ng madami :)
@Mom and duaghter style - nasa ibang bansa po kayo? Ang punto ko lang po naman dito, kung tayo ay nasa sariling atin. Lalo na kung public figure tayo. Mas mabuting sa salitang naiintindhan ng lahat ang ating pangungusap.. Sana po, wag nating kalimutan ituro sa inyong anak ang wika ng ating ninuno.. darating ang panahon na dito lang sa sariling bayan natin matatagpuan ang tunay nating hinahanap...
TumugonBurahinmaraming salamat po ma'am.. :)
Kung magkakaron ng pagkakataong amuyin ang katawan ng bawat lahi.. sa tingin mo, sino kaya ang pinakamabaho?
TumugonBurahininjan. lolz
nakakalungkot isipin na ang intelektuwalidad nating mga pinoy ay ibinabase natin sa pagsasalita ng wikang banyaga. syempre nga naman, pag alam mo ang salitang ingles, ibig sabihin nakapag-aral ka. ibig sabihin kaya mong makipagsabayan sa iba't ibang lahi sa mundo dahil alam mo ang universal language.
sa palagay ko factor lamang ang lenguwahe sa pagiging matatag ng isang bansa, ngunit, hindi naman dapat dito lang ibase. nasa pagkakaisa ito ng mga mamamayan. nasa pagtutulunguan.
eto kase ang kinalakhan natin, ito ang nakasanayan kung kaya't ganyan na tayo magisip.
@Rainbow box - salamat po sa inyong nasabi..
TumugonBurahintama ang iyong mga nasabi.. ang siste, hindi lahat o karamihan sa ating mga kababayan ay hindi nakapagaral o walang mataas na pinagaralan. Paano maiintindihan ng gustong makiaalam sa kanyang kapaligiran lalo na sa ikauunlad nito kung ang wikang binabanggit ay ng pinuno ay ingles, hindi naman siguro kailangn pa ng interpreter ng pinunong ito. Nangyayari, ang isang nakikinig ng hindi nakakaunawa, magtatanong sa katabi. Ang katabi, kahit hindi gaanong nauunawaan sasagot, sa pagsagot ay may tama at mali. Iyon ang paniniwalaan ng nagtanong.
Nasa pagkakaisa at pagtutulungan ang ikauunlad ng bayan.. nasa sarili natin un. Ang pagkakaisa ay naguugat sa iisang layunin at pagkakaintindihan.
Pero totoo, kapag nakakapagsalita ka ng ingles, iisiping matalino ka. nakapagaral.. pero pag minalas, sa ibang bansa natin maibabahagi ang katalinuhan. Sila ang makikinabang sa dahilang hindi maintindihan ng hindi nakapagaral.
Para sakin, ang kaluluwa ng isang bansa ay ang kanyang wika.
Kaw na po bahala umintindi.. :)
maraming salamat po
errrmmmm..bilang english instructor ng mga Koreano...mjo natmaan ako..(mjo lng tlga ih nuh..jejeje) ayon kasi..anu ih..pnu b?! errmmm..umuunlad dn ang bnsang korea..pro ang dami n nlang nandito s pinas..at ang ilan ay ngeenrol smen para kht nandun sla s bansa nla nkkapag-aral sla ng English...
TumugonBurahinS mga bgo kong students lage kong tanung,,"bkt gusto mung matutong mgEnglish?! madalas n sgot nila:
- pra mkpg-abroad..(mki-hang-out s mga kano.)
- pra sa mgging work nla..,(bgong qualification)
lo long..share ku lng pu kua banjo...jejeje..
@Lhuloy - ang english eh universal language.. pandaigdigan.. Pero tingnan natin ang korea. Maunlad sila, bakit dito nagaaral ng english ang koreano? sa kanila hindi siguro ginagamit yan.. see, ang sagot ng estudyante mo, para makapagabroad.. bagong qualification.. pagunlad yan para sa sarili.
TumugonBurahinang sakin lang naman, ang presidente ng korea, ang mga lider ng ibang bansa at matataas na may pwesto sa kanila, pansinin sa mga interview, sa kanilang speech.. sa sariling lengwahe nila sinasabi. Para maintindihan ng mamamayan nila at hindi ng ibang nakatutok na bansa. May interpretaion lang... pero sa atin, sasabihin natin sa salitang ingles.. paano na ang ibang kababayan natin. nakatanghod lamang?
Ang siste nito, nawawalan ng gana ang mamayan dahil sa hindi malinaw na mensahe, hindi malinaw sa kanila kung ano ba talaga..
magandan araw sayo katie.. ang sarap ng ice cream..:)
sakin naman, dapat magkaron ng universal language ang mga asian, americans, europeans at iba pa... for example, the english speaking countries - obvious nmn kung ano-anu un... ung mga european countries, kung hindi french ang major language nila, italian or German... sa middle east, arabic lang silang lahat. Sa asia naman, though most have chinese origin, pero di lahat ng asian countries nakakaintindi ng chinese... mas maganda kung bawat continents may distinct language... hehehe... ^^
TumugonBurahintoinks...sbi mu di mu pa nakaenn...
TumugonBurahinyeah..s tingin ku pu epekto un ng pagkaka-invade sten ng mga ibang bansa...cnanay pu tayong mgEnglish eversince...kaya ayon hnggang ngayon gnon pa din ang ilan saten....
@Leonrap - salamat.. sa totoo lang walang prob ang paggamit ng salitang banyaga.. kasi malaking advantage sa ating mga pinoy ang marunong magsalita at makaintindi ng english.. tayo ngayon ang lahi ng mangggagawa.. halos sa mga bansa ng buong mundo may pinoy na nagtatrabaho o naninirahan. ang sakin lamang eh, kung nandito tay sa atin, mapagyaman natin ang sariling wika.. ibig kong sabihin, ang mga public figure na madalas nakikita sa TV at nandito naman sa atin, hindi kaya mas magandang sa sariling wika sagutin ang mga panayam sa kanila? hehe.. maraming salamat po muli.
TumugonBurahin@Lhuloy - tinitingnan ko palang ang ice cream, at sa tingin pa lang masarap na talaga hehehe..
TumugonBurahinAyun nga lamang, masyado na talaga tayong naimpluwensyahan ng bansang kanluranin. Dito na tayo nasanay na dapat naman eh hindi. Sana kasama sa pagunita natin sa araw ng ating pambansang bayani, ay ang pagalala sa mga nagawa nito. :)
hay... kakalungkot isipin... wala na akong masasabi.. nasabi mo na lahat eh... except that... napagod ako ng onti... ehehhe...
TumugonBurahintama. yun lang! kaya nga kahit ab-eng ako, di talaga ako nag-e-english masyado dahil alam ko, alam na alam ko na ang mother tongue kay bisaya/tagalog. tunay ngang hindi ang fluency or kagalingan sa grammar ang batayan upang sabihin na matalino ang isang tao. pero, plus points na rin kung magaling ka sa english. hahahahaha
TumugonBurahinhi istambay! ***ang hindi raw magmahal sa sariling wika ay daig pa ang amoy ng malansang isda***napakanta tuloy ako..hehe..
TumugonBurahinibang usapan pag nasa abroad ka, kailangan mo ding mahalin ang wikang English para sa ikakaunlad mo pati na ang iyong bayan. :-)
since naging part ng culture ng pinoy ang american culture, naisasama na sa kultura na ingles ang gamitin at batayan ng katalinuhan sa iba.
TumugonBurahinTama ka, kung gagayahin ang japan, china at mexico, magiging maunlad din tayo sa wika kaso ngalang, ang wikang tagalog/filipino ay nahahati pa sa ibang dialekto kaya hirap din ang lahat ng pinoy na magsalita ng pilipino.
hindi porke magaling mag-english ay matalino na. isang maling paniniwala yan. bakit si melanie marquez, smarte kahit mali mali ang inggles. dangan nga lang at kailangan ang lenggwaheng ito sa ating buhay dahil sa mga trabahong outsourcing. ganunpaman, iba pa rin ang hindi nakakalimot sa ating sairling wika.
TumugonBurahinmaski nga sa araw araw lang eh marami niyan. natatawa ako pag may nakikita ako sa mall o kaya sa restawran (kahit jollibee nga eh), kausap nila yung mga kaibigan ng tagalog tapos biglang ingles na kapag kausap yung negbebenta o nasa counter. pa-accent pa. nubayan.
TumugonBurahinHay ewan, dati may narinig akong isang nanay na sinabi sa anak ng kaibigan nya - uy bakit tagalog magsalita ang anak mo, dapat english para mas maganda?
TumugonBurahinAt naalala ko nung nagaaral pa ako sa elementary na bawal sa school ang magtagalog, weh!
Sa bahay pinipilit naming matuto si Poj ng tagalog - so far e ok naman. Sana talaga hanggang paglaki nya magsalita sya ng Filipino. Nakakatuwa kapag tinatawag nya kaming Ina at Ama =)
nakakalungkot na kalagayan natin...
TumugonBurahinBinago na kasi tayo ng panahon...
Ang nangyayari,parang tayo pa ang nagiging dayuhan sa sarili nating bayan!
hayyyy sisihin na lang naten ang american colony.. hehehe.... back to history lang lol....
TumugonBurahin-------------
wala ako masabi... basta ako I LOVE TAGALOG.... yun lang phowwzzzzz :D
@musingan - rest muna parekoy hehehe
TumugonBurahin@Ester jaye - salamat ng madami... apir
@Animus - Walang prob sa abroad.. kailangan natin gamitin ito.. pero kung dito sa atin, siguro naman mas masarap pakinggan ang wika natin sa lahat ng paguusap.. pinoy tayo eh... :)
@Khanto - Ang tagalog, siguro naman mas madaling intindihin kesa sa ingles ng ating ibang kababayan na may ibang diyalekto. Nagtataka nga ko, parang sa atin lang yata maraming dayalekto.
salamat sir
@Bino - international na lenggwahe ang ingles, kailangan talaga ito ng bawat taong aalis ng bansa. Pero kung nandito tayo sa atin at isang public figure tayo, mas ok mangusap sa wikang filpino. kasi pilipino ang kausap at nakikinig :)
@sean - ang mga greetings ng fastfood chain en sa wikang ingles.. siguro sa thinking ng iba, corny pag bumati ka sa wika natin. hindi naman reason na hindi lahat ng costumer eh pilipino, mas may dating pa nga ang ganon eh.. yung magandang hapon maam, tuloy po kayo. napakadalang ng ganyan. :)
TumugonBurahin@EgG - salamat, musta ang audition.. sana tinuloy mo lang parekoy.. nandun na eh :)
@Kalokang Pinay - Mabuti po ang ganyan, kahit na nasa ibang bansa tayo.. wag nating kalimutang ituro ang wika natin sa ating mga anak. Pagmamahal na natin un sa ating bayan.. :)
TumugonBurahin@Jay rulez - tama, nagiging dayuhan na tayo sa sariling bayan. :(
tama ka na naman parekoy!!! aside sa lenguahe...eh position...ang babaw rin ng tingin nila sa'yo kapag nasa pinakamababang position ka...at tulad rin sa ibang bansa (especially australia) hindi nila tinitignan kung anu posisyon ng isa't isa...ginagaling ka pa rin kahit anu o sino ka man...kaya sila umuunlad...
TumugonBurahinp.s. hehe ops mali! instead na *ginagaling---ginagalang pala...hehe..napansin mo ba parekoy? ito na kaya ang pinakamahaba so far na na comment ko sa'yo hehe apir!
TumugonBurahinapirrr! para sa isa na namang makabuluhan at napapanahong post. bakit nga ba ingles lagi? isa sa mga napatunayan ko po nung dumating ako rito, eh hindi naman talaga nababatay ang katalinuhan o galing ng isang tao sa pagsasalita ng ingles. meron ding ibang lahi na simula ng ipanganak sa mundo e ingles na ang salita pero meron pa ring mga simpleng salita na di nila kayang i-ispel. bukod pa don, naniniwala rin akong mas mahalaga at mas maganda pa rin kung sariling lenggwahe natin ang gagamitin, kasi yun ang matatawag nating 'sariling atin'.
TumugonBurahinhaha natuwa naman ako sa mga comment (talagang binasa ko).hahaha
TumugonBurahinpalagi kasing iniisip ng karamihan satin na angat ka kapag marunong kang mag-ingles. takot kasi tayong husgahan ng kapwa natin na dahil hindi tayo marunong mag-ingles e parang ang baba ng nang tingin. kaya nga nahihiya rin ang ilan nating kababayan na makipag-usap sa kapwa niya kasi hindi man diretsong pinapamukha sa kanya na mangmang siya ay halata naman sa kanyang pagsasalita.
colonial mentality e, hindi iyon mawala sa atin.
naalala ko tuloy yung officemate ko dati, inis na inis kapag nag-eenglish yung mga nakakasalubong namin kapag break time kami at naglalakad-lakad. sabi niya
"Hello nasa Pilipinas po tayo. Pilipino ang kausap mo."
Last na.hahaha di ba sabi communication and language ang magtatanggal sa barrier sa bawat isa? magtanong ka ng tagalog tapos ingles ang sagot sa iyo, ano bang klase yun?hahahaha
yah! sa akin. Kapag tinanong ka ng tagalog, sumagot ka ng tagalog.. kapag ingles ang tanong...ingles ang sagot.
TumugonBurahinwag gayahin si pacquaio na tagalog ang tanong sa kanya ng filipino reporter pero ingles siya ng ingles. Parang DUHHH!! Pilipino kaya ang makakapanuod ng interview mo.
ang masabi ko lang love our own language..Pilipino ako, pilipino ang lahi ko, pilipino ang salita ko,hehe..
TumugonBurahinmay tama ka! alam mo bang ng mapunta ako dito sa ibang bansa eh dun ko lang nalaman na mas tinatangkilik nila ang kanya-kanyang wika. ewan ko ba sa atin bakit sobrang arte!experience ko din sa callcenter mamali ka lang ng grammar at pronunciation eh bagsak kana! hmmp! kakainit ng ulo naman ha!
TumugonBurahinSabi nga nila, likas na matalino ang mga Pinoy, bigyan mo lamang ng pagkakataong matuto, kayang bigkasin anumang wika ang meron sa mundo.
TumugonBurahinKung wala sigurong nanakop sa ating bansa, hindi natin hahabulin at pagtatalunan kung anong wika ba dapat ang ginagamit natin, marahil katutubong wika ang mangingibabaw.
Hindi natin itintatanggi ang anyaya ng mga banyagang wika partikular na ang ingles, dahil diyan, may kontribusyon ang mga nasa call center industry sa ating ekonomiya.
May mga mahahalagang impormasyon na dapat nasa wikang Pilipino nakasulat o sinasabi lalo na kung ito'y may kinalaman sa kalagayan ng mga mamamayan o tumutukoy sa kapakanan ng mamamayan.
Dahil hindi lahat ay nakakaunawa ng wikang hindi taal.
Nagmumukhang tanga at talagang napag-iiwanan.
Simbolo din na may mataas kang narating sa larangan ng edukasyon kong matatas ka bukod sa wikang iyong alam.
Walang masama na gumamit ng wikang banyaga,pero dapat mas inuuna at pinapalaganap ang sariling atin lalo na kung kinakailangan, dahil ang wikang alam ay nangangahulugan ng pagkakaunawa.
oo nga parang racist lang....
TumugonBurahinGood fucking point! lols umeenglish ako. :D
TumugonBurahinAko man sa sarili ko ay aminado na nahihirapan mag-english, ang totoo kaya ko naman talaga pero may takot ako na baka mapulaan. Hehe. Totoo din na gusto kong maging mahusay sa pagsasalita ng english. Bukod sa magagamit ito sa trabaho, mas madali ding makipag-usap sa mga banyaga dahil ito ang unibersal na wika.
Tama ka na madami nga sa mga Pinoy na ang nagiging basehan ng pagiging matalino ay ang pagsasalita ng ingles. Tama ka din na mas maunlad nga ang mga bansang gamit na gamit nila ang wika nila. Nagpapakita lang kasi ito na tinatangkilik nila ang kanilang mga sariling produkto. Ilan din sa mga bansang nabanggit mo ay hindi nagpapapasok ng mga banyagang produkto sa bansa nila. Ganun nila kamahal ang mga sarili nilang mga bansa. Yan ang kulang sa ating mga pinoy, hindi tayo marunong magmahal sa sariling atin. Lagi tayong nagpapadala sa media. Akala kasi natin lahat ng nasa telebisyon ay maganda.
Mahal ko ang wika ko. Mahal ko ang pilipinas. Halata naman siguro. :)
Nice post men!
hmm.. nahirapan ako dito.
TumugonBurahinuna, gusto ko lang sabihin, bilang isang blogger na karamihan ng post ay english, na hindi ibig sabihin na pag mahilig ka mag-ingles eh hindi mo na mahal ang wika mo. siguro ganyan din ang pananaw niyo, pero gusto ko pa ring sabihin.
pangalawa, sa tingin ko eh hindi talino ang nakikita ng mga tao sa mga mahusay mag-ingles, kundi pinag-aralan at yaman. kasi kung may pinag-aralan ka o sosyalan ka, malamang marunong ka mag-ingles. hindi ito totoo for all cases (shet, di ko matagalog yun), pero madalas ay ganun. at bilang mas ginagalang ang mga may pinag-aralan (kasi malaki ang chance na may pera), pinipilit ng ilan na mag-english pag nagbabayad sa counter, pag nagtatanong sa mga saleslady, etc.
hindi ko sinasabing tama ang ginagawa nila, pero naiintindihan ko sila kahit pano.
pero oo, minsan nagiging mapag-panggap na lang ang mga tao. at nakakainis na din nga. kasi hindi naman komportalbe mag-english pero pinagpipilitan pa din.
hindi kailangang mag-english para igalang. ako, pag kumakausap ng kahit sino, kahit mga boss ko, eh tagalog. kaya kong makipag englishan, pero hindi kailangan.
wow, at nasapak mo naman ako sa post na to.. Ako kasi inborn na sa akin ang mag English, and people thought that i got that brainy thing.. Eh meron naman din, kaya lang a label sa akin, ganito ganyan.. Nakakahiya din eh..
TumugonBurahinPakiramdam kasi ng mga tao, kapag marunong ka mag ingles, edukado ka. Pero kung tutuusin, mas mahirap gamitin ang Tagalog bilang "medium of expression". Sa totoo lang, hindi naman natin kailangang maging excellent sa pag gamit ng wikang ingles. Colonial mentality lang naman ng mga tao 'yon. Siguro, masyado lang tayong naapektuhan ng western culture at kung ano-ano pa. Pero kung iisipin mo kasi, hindi naman masamang maging hindi magaling sa ingles. Tignan na lang natin ang mga Koreans at Japanese. Hindi man sila magaling sa ingles, proficient naman sila sa pag gamit ng sariling wika. Ang problema kasi sa mga Pinoy, mas iniisip nila na i-impress ang iba kesa sa kilalanin kung ano talaga ang meron tayo.
TumugonBurahinBut then again, hindi naman natin mawawaglit ang ganitong pag iisip mula sa ibang tao. Siguro, ang pinakamaganda nating gawin ay panindigan na lamang ang ating paniniwala... At mahalin ang ating sariling wika. :)
Magandang araw muli sa iyo,
TumugonBurahinSa personal kong opinyon, sa kulturang Pinoy, hindi kabobohan o katalinuhan ang usapin tungkol sa paggamit ng wikang Ingles, kundi ginagawa itong status symbol. Ang akala ng iba, dahil marunong mag-Ingles o nakakaintindi ng Ingles ay mayaman na. Sa unang taon ng datkom ko, madalas akong makatanggap ng mga liham mula sa mga reader ko. At isang sulat ang hindi ko malilimutan. Sinimulan ang sulat nang ganito: "Dear Miss N. Siguro po mayaman kayo kasi magaling ka po mag-Ingles." Muntik na akong malaglag sa inuupuan ko haha! Actually, inilathala ko noon sa blog ko ang ilang bahagi ng liham para maging eye-opener din kahit paano sa iba.
Karaniwan sa mga post ko ay Ingles. Hindi dahil ayaw ko sa wikang Filipino. Hindi dahil hindi ko mahal ang lahi ko. Kundi sa bahagi ng Pilipinas kung saan ako lumaki, hindi kami sanay managalog. Bukod pa rito, kinasanayan ko rin ang pagsulat ng Ingles dahil simula elementary hanggang kolehiyo, ito ang exposure ko. Sa pampublikong paaralang elementary na pinasukan ko noon, kung magsasalita ka ng Filipino o Waray ay may multa. Kaya hindi na kataka-taka na ang batch namin ay magsikap mag-Ingles sa eskwela kahit paisa-isang Ingles lang, wag lang magmulta.
Sa kolehiyo, sa kursong kinuha ko, sa mga major subject namin na karaniwan tungkol sa literatura at pagsusulat, ni isang subject ay walang nasa Filipino. Kahit ang literaturang Filipino ay itinuro sa amin sa wikang Ingles.
Kaya sa personal kong palagay, ang pagsasalita ng Ingles ay hindi maaaring sukatan ng pagmamahal sa bayan o ng pagka-Filipino, at hindi rin ito kailanman magiging sukatan ng kabobohan o katalinuhan, o ng estado at yaman ;)
arabo? haha/ chos. hindi ko din alam kuyakoy. basta im proud to be pinoy. Tama ka sa mga sinabi mo.
TumugonBurahinMatagal ko ng gustong talakayin ang tungkol dito pero sadyang napakalalim na hindi kayang arukin ng nagpakainosenteng isp ko. Pero heto ka at naipasok mo lahat ng nilalaman. Mahusay!
TumugonBurahinDito sa atin ang maalam sa sating banyaga partikyular sa Ingles ay tila pataasan ng ihi. Nagiging batayan na ito ng pagiging edukado na isang malaking pagkakamali. Sabihin nating may bentahe ang pagiging maalam sa salitang Ingles pero kung magiging batayan ito ng pag-unlad ng isang bansa matagal na sana tayong nasa tuktok pero hindi eh narito pa rin tayong mga Pilipino pilit gumagapang. Masama ang magkumpara pero tingnan natin ang mga bansang iyong binanggit na nasa tuktok na ngayon ng tagumpay. Hindi nila kinailangan gumamit ng Ingles para umasenso. Diskarte ang kanilang ginamit na hindi lingid sa ating kaalaman tayong mga Pilipino ay mayaman kung diskarte lang ang pag-uusapan.
Para sa akin mas matalino ang isang taong mas maalam sa salitang Filipino. Kung gusto n'yong umangat sa buhay hala sige magpakalunod kayo sa salitang Ingles. At sana pag kayo ay umangat na magsilayas na kayo sa bansang ito. Ang gusto nyo lang naman ay humiwalay sa karamihan
sino po ang author??? pls reply.. badly needed
TumugonBurahin