Biyernes, Marso 25, 2011

ANG ATING SANDATA





Malapit ng dumating ang araw ng paghuhukom. Ang araw ng aking paglisan sa mundong naging malupit sa akin. Sa mundong hindi naging patas ang laban. Nakalulungkot na lilisan ako at iiwan ang aking mga mahal sa buhay. Sa ganito pang pamamaraan. Ano ba ang aking kasalanan? Ako naman ay biktima din lang ng kahirapan ng buhay.
 
Nangarap ako ng isang magandang buhay para sa aking pamilya. Ang pangarap na ito ang nagbunsod sa akin upang lisanin ang aking pinagmulan, upang doon ay aking masumpungan ang  hindi ko makita sa lugar na aking kinalakhan. Ngunit sadyang malupit ang tadhana sa akin. Ang mga taong tumulong sa akin ang syang magdadala sa akin sa kapahamakan. Hindi ko akalaing ganito ang kalalabasan. Bunsod na din ng kahirapan, pikit matang sinuong ang panganib, ang posibleng kahihinatnan sa aking gagawin.

Paglapat ng aking paa sa lupang syang tutupad sa aking mga pangarap, simula pala iyon ng pagguho ng kastilyong aking binuo sa aking puso at isipan. Ang aking dalang tapang ay hindi umubra sa batas ng lupang aking pinuntahan.   Hindi ko inaasahan ang ganitong pangyayari. Hindi ito ang aking nais. O bakit ganito ang aking sinapit?

Malapit ng dumating ang araw ng paghuhukom. Ang araw ng aking paglisan sa mundong naging malupit sa akin. Ang aking paglaya sa  paghimas ng rehas ng kahirapan at rehas na bakal na syang nakapalibot sa akin. Unti unti, hindi pa man dumarating ang araw ay parang kandilang nauupos ang aking damdamin. Pilit pa ring hinahawakan ang katinuan,  hindi pa rin nawawala ang pag asang makasama at makitang muli ang pundasyon ng aking pangarap. Pangarap na inagaw sa akin ng kapalaran.

Tunay nga bang ang ating kahandaan ay masusukat lamang kapag nagyari na ang unos? Magsisimula pa lamang ba tayo kung may natapos na? Ang magaganap sa akin, nawa'y magbukas ng pintuang matagal ng nakapinid, magbigay ng malinaw na paningin sa mga matang nabubulagbulagan. Humulma ng kamay ng bakal na syang pipigil sa paglaganap ng lumalalang kamalian.



 

-----------
Pananalig at pananampalataya sa Poong MayKapal, yan ang tanging sandatang mahuhugot natin. Isang kahilingan lamang po aking mga kaibigan. Para sa  ating  kababayan sa bansang China na nahaharap sa parusang kamatayan, isama po natin sila sa ating mga panalangin.

Ang batas ng tao ay para sa lupa lamang.
Ang batas ng Diyos pa rin ang syang huhusga sa atin.



25 komento:

  1. 'yong tatlong Pilipino 'yan? Sabi nila, hindi pa raw nila(akusado) alam na malapit na silang mamaalam dito.

    Dito sa Pilipinas dati, ipinatupad ang lethal injection, naalala ko si Echegaray. Si Flor Contemplacion din.

    Mahirap ispelingin ang batas ng Tao at ang paniniwalang ikinikintal o itinuro sa atin tungkol dito.

    Ayaw natin na papatay tayo ng kapuwa pero ang kaparusahan sa ginawa nating mali ay sadya nga sigurong may katapat

    TumugonBurahin
  2. tama, walang karapatan ang tao na kumitil ng buhay ng kapwa tao.. sana mag himala at hindi matuloy ang bitay sa kanila.. panalangin lang makakasalba sa kanila.

    nakakainis anoh, mga taga china nga nagbibigay at gumagawa ng droga d2 sa atin tpos walang ni isa sa kanila walang naparusahan.. kainis talaga..hmp

    TumugonBurahin
  3. @Kjul - Nakalulungkot isipin ang mga pangyayari, kung hindi pa nila nalalaman, mas lalong kahabag habag ang atin pang mababalitaan. Nakaklungkot talaga.

    Minsan na din naging batas sa atin ang parusang kamatayan. Pagkatapos ng unang sumalang, ito na din yata ang naging huli. Tila, hindi kaya ng ating konsensya ang ganitong klaseng parusa.

    Sadyang hindi malinaw ang batas ng tao, kayang kaya itong paikutin ng pinakasinungaling na tao sa mundo.. tsk tsk

    Maraming salamat sa inyong pagdaan Sir Jkul..

    magandang araw :)

    TumugonBurahin
  4. Nk2lungkot n gn2 ang s2ptn ng atng kbbyan n ang tangng hangad lmang e mghnap buhay para s pmilya.npkhrap mangulila..

    TumugonBurahin
  5. @mommy razz - una, pasensya na po madalang akong makapamasyal nitong nakaraang mga araw.. masyado lang po abala :)

    tunay nga pong nakakainis, nangangahulugan lamang ito ng kakulangan sa pagpapatupad nating ng ating batas. Sana nga po, magawan pa ng paraan upang maisalba ang ating mga kababayan. Sa pagkakataong ganito, tanging dasal po ang ating magagawa..

    maraming salamat po.. :)

    TumugonBurahin
  6. @Jhengpot - nakakalungkot talaga. isipin na lang ang nararamdaman natin kumpara sa mga kaanak na maiiwan.. masakit diba? ating ipagdasal ang kanilang kaligtasan..

    maraming salamat:)

    TumugonBurahin
  7. nakakalungkot ang ganitong kwento... pero wala tayong magagawa kasi talagang mahina ang ating abatas... ang pagpapatupadn nito at walang lakas ang gobyerno natin...

    TumugonBurahin
  8. Ako'y naluha kahapon nung narinig ko yung panayam ng isang reporter sa asawa ng isang bibitayin na Pilipino sa bansang China. Lubhang napakasakit. Ang nais lang naman ng taong ito ay mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ngunit nasadlak lamang sya sa isang kapahamakan. Pero mas masakit ang mamatay rin sa sariling bayan lalo kung makikita mo yung mga hinayupak na buwayang politiko na garapalang nagnanakaw sa kaban ng baya ngunit nanatiling matigas ang mukha at malayang nagagawa ang nais gawin pandarambong.

    TumugonBurahin
  9. cguro pagtuunan ng pansin ang kakulangan ng trabaho d2 satin at ang estado ng ekonomiya ng sa ganun may maayos ng pamumuhay ang bawat pinoy at hindi magagawi sa ganung landas.

    TumugonBurahin
  10. hello, banjo.

    kaway lang. salamt sa pagdaan sa aking bahay.

    good day sa 'yo. :)

    TumugonBurahin
  11. panalangin na lang ang ating pag-asa para sa kanila.

    TumugonBurahin
  12. naalala ko tuloy ung mga nasentensyahan sa honkong....pro ung kanila namn ay naudlot sana lng wag ng matuloy...ermmmm...tama panalangin at pananalig dito....

    TumugonBurahin
  13. di ko madigs nosebleed tol..namiss ko na rin mgpakamalalim..ibalik ko kaya ang dating rico..ung malalim na katulad mo?

    TumugonBurahin
  14. Nakakalungkot.... God bless them & their families.....

    TumugonBurahin
  15. nangyayari ang unos upang lalo tayong mapalapit sa Diyos.

    hinangad ko ring mag trabaho sa ibang bansa, pero hinahangaan ko ang mga taong nagawa na iyon. dahil ako, kulang ako sa tapang.

    TumugonBurahin
  16. Ang lalim naman dude. maging handa lagi. Life is never fair.

    Good day folk.

    http://arandomshit.blogspot.com/

    TumugonBurahin
  17. ako ang panalangin ko ay dumating ang panahon na ANG PILIPINAS AY MAGING ISA SA MGA WORLD POWER... BAKIT? PARA LAHAT NG MGA BANSANG NAGPARUSA SA MGA KAPWA PINOY NATIN RERESBAKAN KO...

    KASI KUNG KANO O BRITON ANG NASA POSISYON NG PINOY SA CHINA WALA NG USAPAN AT PAHIRAPAN... LAYA AGAD...

    YANG SA HONGKONG NA YAN... OO KASALANAN NA NG ATING BANSA ANG NANGYARI SIGE...

    PERO WAG NMAN TAYONG UTUSAN KUNG ANUNG GAGAWIN...

    s_IT NILA...

    TumugonBurahin
  18. Nakakaawa ang tatlong bibitayin pero batas iyon ng china na dapat natin respetuhin......walang ibang dapat sisihin sa mangyayari sa kanila kundi ang mga nasa airport..kasi nakalabas sila ng bansa na may dalang droga..bakit sa loob ng airport hindi nalaman na may droga pala ang bagahe.......kung mabitay nga ang tatlo dapat din na ibalik ang death penalty sa ating bansa dahil tiyak madami ang mabibitay na mga intsik kasi may mga intsik na nahuhuli dahil sa droga..ipanalangin pa rin natin na sana hindi matuloy ang pagbitay at patawan na lang ng habambuhay na pagkabilanggo..

    TumugonBurahin
  19. haist sobrang nakakalungkot. let's pray for them and for their families.

    TumugonBurahin
  20. hala bibitayin na sila? Kailan??/ :( Hindi ko alam yun? Pero sapat na ba nagyon na alam ko? :(

    TumugonBurahin
  21. haayzzzz na lng....:(

    pray...pray...pray...

    TumugonBurahin
  22. haay...how sad talaga...wala sialng karapatang kumitil ng buhay dahil hindi sila ang nagbigay nito....

    TumugonBurahin