Martes, Marso 08, 2011

KAPE

"Congratulations."

Ang huling kataga na narinig namin sa aming Professor. Sa wakas, makakagraduate na din kami. Nakapasa ang thesis namin na ilang buwan din naming pinaghirapan. Sa sobrang galak, nagkayayaan kaming 4 na magkakaibigan upang iselebra ang bunga ng aming pinaghirapan.

Bumili kami ng isang kahong beer at nagpaluto ng pulutan sa tindahan ni Aling Merced bago tumuloy sa bording haus na aming tinutuluyan. Naging maingay ang aming inuman. Masaya ang bawat isa at game na nagbibiruan. Kung ano anong bagay ang napapagusapan.

Malapit ng maubos ang isang kahon ng madako ang usapan namin sa aming thesis, nagkaron ng payabangan at tuusan sa kontribusyon ng bawat isa. Sa madaling salita, nagkaron kami ng pagtatalo kung sino ang tunay na nahirapan, kung sino ang petiks at kung sino ang halos ngawa lang ng ngawa. Sa puntong iyon naging mainit ang bawat isa. Nagkakapikunan. Sa aming apat ako lang ang tagapamagitan, taga sangayon sa bawat sabihin ng isa, palibhasa may mga tama na, walang nagpapatalo.

Natapos ang inuman naming iyon na may tensyon. Pero dahil sa hindi naman warfreak kaming magkakaibigan. Paniguradong bukas eh maayos din naman ito.

Kinabukasan ako ang unang nagising sa amin.. medyo masakit pa ang ulo ko. Nagpunta ako sa kusina upang magtimpla ng kape, nakakalaghati pa lang ako nag sunod sunod na nagising ang tatlo ko pang kasama. Ramdam ko pa din ang tensyon sa kanila.

Sa aking pagiisip, alam ko magiinuman din ang mga ito ng kape, habang hindi pa sila lumalabas ng kwarto at ang isa ay sa CR. Naisip ko agad itago ang thelmos, ang kape, ang creamer at ang asukal. Halos sabay sabay na nagupuan sa bilog naming mesa ang tatlo kong kaibigan. Kinumusta ko sila muna bago ko iniabot sa bawat isa ang kape, ang creamer, at ang asukal.

"Oh pare, sa iyo ang garapon ng kape,  sayo naman ang garapon ng asukal at sayo naman ang garapon ng creamer"

Aking sabi sabay abot sa kanila tigiisang garapon at tasa. At syempre nasakin ang thelmos

"Pare, anong kalokohan ito? Umayos ka." ang sabi ng isa sa akin habang ang dalawa ay nakahawak lang sa garapon.

"Mga pare, subukan nyong pagtimpla ng kape na ang gamit ay ang hawak nyo lamang"

"Loko loko ka ba? paano makakapgtimpla ng kape kung asukal lang ang meron?"
"Oo nga, itong creamer anong gagawin ko dito kung wala ang kape?"

"Sama yata ng gising mo ah"

Ang reaksyon ng tatlo sa akin. Inilabas ko ang thelmos..

"Hindi tayo makakainom ng masarap na kape kung walang asukal"


Kinuha ko ang asukal

"Kung walang kape"

Kinuha ko ang kape"

Kung walang Creamer"

Kinuha ko ang creamer"

"at kung walang tubig"

sabay buhos ko ng tubig sa tasa.

"Ganyan din mga pare sa thesis natin.. lahat tayo may ginawa, lahat tayo mga pre naghirap at hinding hindi mabubuo yun kung wala sa atin ang isa. "

Tahimik lang ang tatlo, sapul sa mga sinabi ko.

"Mga nakainom lang, ang seryoso mo parekoy hahahah."

ang sabay sabay na halakhakan na parang mga adik lang.. :)







48 komento:

  1. wow.... kakatuwa ang entry na to.. kuya banjo..

    and thats the TEAMWORK!!!!!!!

    ----

    naaalala ko naman tuloy ang schooldays ko.. hayyyy..

    TumugonBurahin
  2. @EgG - inaantok ako parekoy, naisipan ko langmagsulat para maiupdate ang bhaus ko.. busy ma pa masyado ako eh hehehe.. sinulat ko lang yan kanina... :)

    TumugonBurahin
  3. ang galing banjo.. TAMA!.. lahat ng tao ay may kanya kanyang papel na ginagampanan sa buhay na pare parehong mahalaga, gaya ng kwento mo.. nice again...

    TumugonBurahin
  4. ganda ng post na to ah..kakainspire!
    Congrats at makakagraduate ka na...

    TumugonBurahin
  5. @mommy-razz - nag update lang ako ng bahay hehehe.. inaantok ako ngayon.. ang sarap matulog.. :)

    @Moks - salamat sir sa pagdaan.. pasensya na kung hindi ako makagala sa mga bahay ng ibang ka blogs... busy masyado eh hehehe// salamat po:)

    TumugonBurahin
  6. hello, banjo.

    ang ganda, ah. totoo bang nangyari ito?

    wais ka rin sa totoong buhay? aba naman... :D

    TumugonBurahin
  7. @doon po sa amin - kathang isip po lamang :).. salamat po ng madami.. mamaya po ay papasyal ako sa inyong tahanan.. ngayon po kasi ay abala ang istambay hehehe.. salamat po ng madami. :)

    TumugonBurahin
  8. Team work and friendship...

    Nice article parekoy...

    TumugonBurahin
  9. @kuya banjo

    inaantok ka pa sa lagay na yan ah? eh ang ganda ng entry mo ngayun heehheeh :)


    geh po.. God Bless sa work.. hope matapos mo na after 1minute... :) joke!!!

    TumugonBurahin
  10. @Akoni - salamat parekoy.. aba tapos na pala ang Love story.. hindi pa pede ituloy sa honeymoon ehehehe..


    @EgG - oo eh haahah.. (yabang) pero sa totoo, inaantok talaga ko.. dapat may twist pa yan eh hahaha... salamat parekoy.. sensya na kung di ako makabisita sa blog.. maya maya lamang ako ay mamamasyal sa bahay nyo.. busy ang tambay :)

    TumugonBurahin
  11. ang saya nyo parekoy.. Congrats!!!

    TumugonBurahin
  12. @ArchieVINer - hehehe salamat parekoy.. fiction lang yan hihi

    TumugonBurahin
  13. nakakaadik ang kape ha!!! pakape na nga din! hahaha haay so proud of you! kung anak lang kita may award ka naman sa akin! hahha pakurot na nga lang!

    TumugonBurahin
  14. @iyakin - mabuti ang nabanggit mo ang salitang kape kahit na ito ang title ng post ko.. :) inaantok talaga ko eh.. makapagtimpla muna ng kape hehehe.. salamat namant.. teka, hindi ko pa pala nababasa ang yulie part 6.. tambak kasi ang trabaho ko eh hahaha.. :)

    TumugonBurahin
  15. halaka...naalala ko tuloy ung nging thesis namen...saway iyakan to d highest level...jajaja...

    tama..dpt phalagahan ang nging kontribuxon ng bwat isa...
    ur so galing kua banjo! Apir!!!!!! Pak!!!!

    TumugonBurahin
  16. Naks! gagrdauate na sila oh! naks! congrats! hehehehehhe

    TumugonBurahin
  17. sabi ko na eh! busy ka na naman! ok lang yun no, no need to explain....cheee!! lol

    TumugonBurahin
  18. LAging may nagagawa kung nagkakaisa =D

    TumugonBurahin
  19. huhuhuh... mamimiss ko mga kagroup mate ko sa thesis...

    TumugonBurahin
  20. WOW! medyo nakakarelate ako.

    madalas kasi ang mga tao kapag nahahaluan ng mataas na emosyon lalo na sa usapan, kapag natatapaka ang pride. normal lang na magpataasan ng EGO. pataasan ng ihe, sabi nga nila...

    pero sa bandang huli, hindi naman mahalaga kung ano yung nagawa mo para sa kapwa mo. ang mahalaga ay yung ugali mo. Your attitude towards things in life :)

    TumugonBurahin
  21. hahaha naalala ko mga kagroup ko dati noong nagaaral ako nung college. yung iba tulog na then isa nalang ang gising at gumagawa. minsan naman yung isa, ang tanging bakas niya ay magkwento at mang-aliw.hahahha

    TumugonBurahin
  22. haha.. pahingi na nga rin ng kape..

    TumugonBurahin
  23. Yon naman pala e... nagkaayos din!

    naalala ko ang college days ko din na gumagawa ng thesis. :D

    TumugonBurahin
  24. congrats!!!!

    ang cheesy mo pre! chos. hehehe

    TumugonBurahin
  25. yes ang lupit mo kuyakoy! you're the man! pasalamat na lang at namagitan ka, kundi kape ang iinumin niyo gabi-gabi. baka kasi nagkapatayan na kayo..hehe

    TumugonBurahin
  26. o diba ang ganda ng banat mo. congrats sa inyong pagtatapos. success.

    TumugonBurahin
  27. parang wala ako nyan...


    friendship at teamwork...

    nice one... sarap talga ng feeling na may maaasahan kayo sa isat isa...

    TumugonBurahin
  28. Teamwork ang kailangan para umangat ng kalidad ng pagiging Pinoy :) haha! affected lng ako sa senate hearing :)

    TumugonBurahin
  29. Akala ko Para san ka bumabangon commercial toh dre ah.. haahahahhahaha... katuwa... pero hirap talaga sa group work.. nagbibilangan.. kaya minsan gusto ko solo flight sa project eh..hahah pero hindi rin kung thesis pag uusapan.

    TumugonBurahin
  30. me gatas ba dyan? kahit walang asukal at creamer okay na hihi. kaso kailangan pa rin ng tubig.

    TumugonBurahin
  31. parang walis lang, hindi ka makakapagwalis pag tingting lang ang gamit mo. astig to! :)

    TumugonBurahin
  32. ngayon na lang ako ult nakapsyal dito... kakamiss ang mga post mo parekoy!

    ayus to! tamang tama ang timpla!hehe

    papabasa ko to ke bompren dahil sakto to sa klagayan nya ngayon.. salamat dito parekoy!

    TumugonBurahin
  33. isa na namang malupit na entry mula sa malupit pa sa hagupit ng bagyong si ONDOY!!!!! Cheers tayo sa kape pareng banjo!!

    TumugonBurahin
  34. ganun din kami dati nung thesis nmin.. ahahha... pero walang kape kape... wala lang, mas bongga pa sa kape. hehehe

    TumugonBurahin
  35. usually kasi laging nagbibilangan ng ginawa at di ginawa kaya may pagkakaroon ng talakayan katulad sa kwento mo.

    Pero malaki o maliit man ang naitulong ng isa, hindi mabubuo ang tagumpay kung may kulang. :D

    TumugonBurahin
  36. walang katulad ka talaga parekoy
    kainspire mga sinusulat mo...

    heheheh

    magandang umaga parekoy!

    TumugonBurahin
  37. may moral lesson! cool. parang mga kwento sa church ang datingan..

    buti pa kayo tapos na sa thesis. kakainggit! congrats sir!

    TumugonBurahin
  38. hehe! bonggang celebrasyon parekoy!!!!

    buti ka pa makakagrduate na...hehe congratz!!

    TumugonBurahin
  39. sabi nga nila u cant do a big things alone u need sa help and teamwork to finish it :D

    TumugonBurahin
  40. congratulations din po!!teamwork talaga ang nag work dito..God bless po sa inyo!!
    magandang uamaga

    TumugonBurahin
  41. ikaw na ang mgaling na tagapamagitan. heheehe. parang mga master k ng kung fu. hahaha. dami aral. hehe. congratulations sa inyo

    TumugonBurahin
  42. Lahat diyang nagtutulungan pero meron talagang magulang.

    :)

    TumugonBurahin
  43. ang cool naman ng barkadahan niyo. may mediator pa. hehe.

    sa amin, kampihan kapag may awayan. hahahaha!!

    TumugonBurahin
  44. Ang galing, buti nman hindi ka nakisali sa riot nila. Good job. Hehe. :)

    TumugonBurahin
  45. mhlaga tlga ang unity sa isang grupo, nice!

    TumugonBurahin
  46. Sa lahat po.. pasensya na kung hindi ko nasagot isa isa ang comment nyo.. haayyyy.. naging busy po ang tambay nitong nakaraan at ngayong linggo...

    pero taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat

    maraming maraming salamat po ... chheerrsss

    TumugonBurahin
  47. aus..ang cheezy nman..ganyan ang 2nay ng makakaibigan,

    TumugonBurahin