Sabado, Marso 12, 2011

HANDA TAYO, SANA...




Nakapanlulumo ang kahit na anong balita ng kalamidad. Nakakatakot, nakakalungkot lalo na kung iyong makikita ang actual na kaganapan sa video. Kahapon lamang niyanig ng Mega Earthquake ang bansang Japan na nagdulot ng tsunami na syang sanhi ng malaking pinsala sa baybaying bahagi ng bansa. Kitang kita sa bawat palabas at balita kung paano sinakop ng dambuhalang alon ang mga kabahayan at ibang establisimyento, tinangay ang iba't ibang saksakyan na parang mga laruan lamang.

 
Tunay ngang malaking tulong ang makabagong teknolihiya sa ganitong pagkakataon. Sa pamamagitan ng internet, mabilis naipararating ang balita sa iba't ibang banig ng mundo. Mabilis na kakapagkumustahan ang magkakamaganak kahit nasaang panig pa man ng mundo.  Minuto lang ang lumilipas, nabibigyan ng babala ang iba't ibang bansa sa maaring idulot ng kalamidad sa bansang pinangyarihan. Sa ganitong impormasyon nakakapaghanda ang maaring maapektuhan.

 
Subalit paano ba nating masasabi na handa tayo sa ganitong uri ng kalamidad lalo ng kung sa atin ito mangyayari? Hindi kayang i predict ng kahit anong gadget kung kelan darating ang lindol, may mga kasangkapan lamang upang sukatin ang lakas nito, kung saan nagmula at kung gaano ang lawak. Hindi kagaya ng bagyo o pagputok ng bulkan, nagbibigay ng babala, nadedetect agad ng aparato para dito kung kelan mangyayari. 

 
Anong gagawin kung nakatira tayo sa baybaying dagat, kung nagtatrabaho tayo sa nagtataasang building, o kung sa araw araw ay sumasakay tayo ng tren. Ano mang oras, maaring mangyari ang lindol na kapapangyari pa lamang sa ibang bansa.. Sa ganitong pagkakataon, hindi iisang buhay lamang ang mawawala kundi libo pa. Kahit na gaano tayo kahanda, wala tayong magagawa dito para iligtas ang ating sarili. Hindi agad ito nagtatapos sa pagkatapos ng kalamidad. Kaakibat pa nito ang iba't ibang porblema.  Hindi ito katulad ng iba't ibang kriminalidad na kung ikaw ay isang biktima, may pagkakataon ka pang humingi at humanap ng hustisya.

 
Kahapon din, iba't ibang mensahe ang ating natanggap sa cellphone at sa email. Mensahe tungkol sa nangyari sa bansang Japan, mga babala at higit sa lahat mga panalangin. Kapansinpansin  din ang iba't ibang post sa networking sites, mga panalangin para sa kaligtasan hindi lang ng ating mga kababayan kundi ng buong mundo. Nakatutuwang isipin na solido pa din at nagkakaisa ang ating mga kababayan sa pananalangin. Nangingibabaw ang puso at damdamin nating mga Pinoy.

 
Pero nakakalulungkot din naman na sa tuwing may ganitong pangyayari lamang tayo nakakaalalang magdasal, kung kelan nagyari na ang kinatatakutan, doon lang tayo nakakaalala.  Higit sa ano pa mang paghahanda sa kahit ano pa mang problema ang dumating sa ating buhay, kalamidad man na sanhi din ng tao o bangis ng kalikasan,  pinakamabisa na ang magkaron tayo sa ating mga sarili ng solidong paniniwala at pananampalataya sa Dakilang Lumikha.







30 komento:

  1. ewan ko ba kung magiging kailan handa ang Pinas. sAna wag mangyari sa atin pero kapag nangyari sa pinas yan siguradong burado tayo sa mapa ng mundo.

    TumugonBurahin
  2. nakakalungkot na balita nga yan kahapon.. :( sana hndi yan mangyari ulit kahit saan bansa at d2 sa bansa natin kasi palagay ko hindi natin makakaya yan.. malakas lang na ulan, di ntin kaya eh kasi nagbabaha na tau, how much more kong lindol at tsunami.. dba..

    happy weekend banjo..:)

    TumugonBurahin
  3. nakakatakot kung mangyayari ito sa bansa naten.... too scaryyyy.. parang katapusan ko na ba???

    hayyy dasal na lang tayo kay bro at kahit pano eh d tayo ang tinamaan ng malaking trahedyang na nangyari sa japan...


    haaayyyyyyyyyyyyyy...

    TumugonBurahin
  4. sana naman ay wag mangyari ang nanyari sa japan sa pinas. dasal ang kaya nating magawa at syempre preparedness

    TumugonBurahin
  5. Uu.. sana dapat tayong handa parati... nakakapanlumo talaga pare... as in... nagulat nga ako... at natakot... duon pa lang.. nakakatakot na.. what more kung judgement day na...

    TumugonBurahin
  6. nakakatakot. sana, dati pa, naisip na nilang alagaan ang kapaligiran. wala sanang maraming nahihirapan sa ngayon.

    hindi naman natutulog ang Panginoon. :)

    TumugonBurahin
  7. I know right parekoy... ang hirap nito.. I mean ang war.. gawa ng tao.. pwede solusyunan... pwede.. pero paano pag mga ganitong bagay na wala na tayong control..??? pero panalangin na nga.. panalangin... sorry papa Jesus.. huhuhuhu..

    TumugonBurahin
  8. i agree with you. hindi lang sa mga ganitong pagkakataon dapat nating ihanda ang ating pananampalataya sa Diyos...even without these kinds of disasters.....even when we rejoice and celebrate...even when we get lazy on our couches...we praise and call on the Lord ...and we never forget Him ^^

    TumugonBurahin
  9. according nga sa news, na kung sa pilipinas nangyare ang 8.9 magnitude quake na nangyare sa japan ay libo-libo raw ang dedo. Hindi raw kasing handa ng japan ang pilipinas sa mga ganyang disaster.

    TumugonBurahin
  10. magdasal tayo na sana wala ng masaktan pa..

    TumugonBurahin
  11. I don't think all of us (not just the Pinoys) will ever be ready to face disasters such as these.. Kahit na sinasabing napaghandaan, wala tayong laban sa galit ni Mother Earth... :(

    Let's all pray...

    TumugonBurahin
  12. hello. maganda itong diskusyon mo ukol sa nangyari sa japan - hindi vindictive at tila malumanay ang pagtimbang sa mga nangyari. :D

    yes, tama ka ro'n. about 10 times better than the philippines' ang disaster-preparedness program, know-how and technology ng japan. hindi politics lang ang nagde-determine ng programs nila dyaan kundi matagal nang naka-embed sa kanilang environmental, technical and governance aspects. sa atin, mas na-activate lang ang ganyan pag nag-strike na ang disasters.

    i learned about some of these when i worked on something concerning insurance of crops in the philippines. may isang int'l group that wants to venture into weather-based agri insurance in the phils. it got a grant from the bill and melinda gates foundation and the technology on weather monitoring that they'll be using daw will be japan's. hindi na ako updated about this but i hope na matuloy to improve farming in the phils.

    btw, partly, the japan disaster also showcases kung gaano talaga ka-serious ang ecological concerns na dapat pagtuunan ng citizens of the planet earth, kumbaga. :D

    doon po sa amin wordpress

    TumugonBurahin
  13. sana, ito na ang huli...shocked parin ako hanggang ngayon.

    TumugonBurahin
  14. nawawalan ako ng salita para sa pangyayaring ito. Mapalad tayo dahil napaguusapan natin ang nangyari ang at magpapatuloy ang buhay samantalang ang iba doon natapos ng ganon na lang.

    we just have to be more greatful and be more prayerful.

    TumugonBurahin
  15. sabi ko nga, pray when there's a disaster. pray when there's no disaster

    TumugonBurahin
  16. grabe tlga ung nangyari, nakakatakot... isang iglap lng pwede mawala ang lahat.. marami tuloy nagtatanong kung totoo ngang gugunaw na ang mundo this 2012...

    naisip ko naman, garbe ang focus natin sa climate change, buong mundo, pero isang lindol lang na malakas, tsunami na malaki, ayon nawala na ang climate change sa isipan...hayz... pag si inang kalikasan na nga ang may gawa tayo ay walang magagawa...

    TumugonBurahin
  17. just pray...repent...and accept God in your life...we never know when he'll come back to take back everything...

    TumugonBurahin
  18. hay nako ewan sa pinas...

    TumugonBurahin
  19. yes we cannot predict what will happen next.. only HE knows! we cannot do anything about it except to pray and to continue to trust in Him who created everything. We should always continue to pray in season or out of season in so happiness or in sorrow, we should always thank Him everyday. - in tears

    TumugonBurahin
  20. Huli man o hindi, it's still a good thing that people are praying. Mas malaking problema siguro when people stop praying and believing altogether. My heart goes out to all the people affected by the calamities & wars everywhere. Sana di na ito masundan.....

    TumugonBurahin
  21. bakit kaya hindi dumating sila son gokou at iba pang anime ng japan para magligtas sa kanila?. wahahahaha....

    dito sa pinas, magpapakita kaya si darna?

    TumugonBurahin
  22. i hope makabangon agad ang bansang Japan sa nangyari..

    TumugonBurahin
  23. nakakatakot nga talaga. hay handa nga ba tayo?

    TumugonBurahin
  24. Natural na karakter daw ng ating mundo ito, 'yon nga lamang, kapag tayo na ang nadatnan ng ganitong sakuna, tayo na nga 'yon, kapag nakaligtas tayo, mayron tayong matutunan.

    Mahirap itanong sa dakilang Lumikha ang ganito pero sasang-ayon ako na sa paninwala sa Kaniya, palagay ko, maririnig Niya tayo.

    Magandang araw Boss

    TumugonBurahin
  25. Ang laging pumapasok ko ay eto na nga ba ang katapusan ng mundo...

    Ang sarap maupo nang matagal at pag-isipan nang mabuti...

    TumugonBurahin
  26. malamang lubog ang pinas kapag sa atin nangyari ang nangyari sa japan...

    kung sana ginamit sa tama ang mga ibinabayad natin tax sa gobyerno, malamang hindi tayo natatakot na mangyari sa bansa natin ang nangyari sa japan

    TumugonBurahin
  27. sana nga. kahit nga malapit lang kami sa mt apo pero nakakatakot paring isipin na mas malapit kami sa dagat. huhuhuhu. wala akong ibang naiisip na paraan kundi mag pray. malapit na talaga ang 2012.

    TumugonBurahin
  28. Para po sa lahat.. pasensya na po kung hindi ako maka dalaw at makapagiwan ng bakas sa inyong bahay. Ito po ay sa kadahilanang abala ang tambay sa aking trabaho, opo, ang tambay ay may trabaho din hehehe...

    Maraming maraming salamat po sa inyo lahat na dumadaan at tumatambay dito sa aking bhaus.. pupuntahan ko po kayo basta maging maluwag na ang aking oras..

    Muli, maraming salamat po.. :)

    TumugonBurahin
  29. late na ata akong mag comment..

    sabi nga ng panginoon natin, Thou shall not fear, everything is in my control. bakit pa niya yun sasabihin kung hndi rin lang naman niya tutuparin dba..think positive always and pray.

    TumugonBurahin
  30. iba na ang laging handa sa mga sakuna..ang nangyari sa Japan nakakatakot talaga..mahirap iwasan..

    TumugonBurahin