Miyerkules, Marso 02, 2011

TAG ARAW



"Aray, ang kati.. hayup ka, nakaupo lang ako dito tapos kakagatin mo ako" Sabay tiris ko sa isang langgam na kumagat sa aking paa.

kakaahon ko lang sa mula sa ilog bitbit ang isang galon ng tubig na aming maiinom para sa maghapon. Mataas na ang sikat ng araw nung umagang yun. Sa lilim ng isang punong aking kinuupuan, manaka nakay tumatama saking mga mata ang sikat ng araw dulot ng pagwagayway ng dahon. Unang araw ng bakasyon ko sa eskwela.. oo nga pala, tag-araw na.

Naalala ko ang aming kapitbahay noong nakaraang taon. Ganito ring panahon. Dahil kadarating lang ng tatay na seaman. Hindi nagpapalit ang linggo na hindi umaalis ng bahay. May dalang salbabida at may arkiladong sasakyan. Nakatingin lang ako sa aking kababata habang masayang tumatalon papunta sa jeep na iyon. Summer, sigurado pupunta na naman sila sa Beach. Halos linggo linggo nakakaramdam ko ng inggit.

"Nay, kelan kaya tayo makakapag outing nina tatay, buti pa sila malimit mag outing?" ang aking tanong noon sa aking ina habang nakatingin ako sa palayong jeep na sinasakyan ng aming kapitbahay.

"Anak, alisin mo sa katawan mo ang inggit, walang maidudulot na kabutihan yan sa iyo, mabuti pa, sumama ka sa amin ng itay mo. Pupunta tayo sa ilog. Doon ako maglalaba ng mga tanggap kong labada.  Magdala ka ng bihisan  doon ka maligo at doon din tayo manananghalian"

"Yehey, sige po" Sa isip isip ko, ok na din ang ganito. Makakapaglangoy din naman ako.

Halos buong tag-araw na iyon noon, madalas kami sa ilog ni inay. Siya naglalaba, habang ako naman ay naglalaro. Ang itay naman ay namumutol ng kawayan na ginagawang buslo upang ibenta sa bayan.  Ganoon din ang aming kapitbahay sa kanilang outing. Walang pagsidlan ang tuwa ng aking kababata pag nagkwento tungkol sa outing nila. Ipinagyayabang pa sa akin ang mga produktong nabili nila doon. Dahil sa sinabi ng aking Inay, wala akong inggit na naramdaman.

Dumating noon ang pasukan sa klase, at kasabay noon ay ang tag-ulan. Nagulat ako sa unang araw ng aking pagpasok dahil sa bago kong uniprome, pati na ang iba kong gamit. Tinanong ko pa si inay kung bakit bumili pa ng bagong damit gayong meron pa naman ako magagamit.

"Anak, yan ang bunga ng mahabang tag-araw" Hindi ko pa naintindihan ang sagot ni inay.. Ngumit na lang sya sabay kuha ng payong upang iaabot sa akin. 

Kasabay ko pumasok ang aking kababata, napansin nya ang bago kong mga gamit at uniporme.

"Ay, mabuti ka pa, bago lahat ng damit at gamit mo, samantalang ako nagpapabili kay itay eh ayaw ako bilhan. Wala na daw kami pera kasi hindi pa tinatawagan si itay sa kanilang barko"
Ang inggit na sabi ng aking kababata.

"Ahh iyan din siguro ang bunga ng mahabang tag-araw"
inosente kong sambit sa kanya sabay pasok sa loob ng room.



"Aray, naman sige na aalis na." kagat ng langgam ang nagbalik sa aking malayong pagiisip, hindi ko sinasadyang natapakan ko ang kanilang daraanan.  Pinagmasdan ko ang mga langgam na may bitbit na kung ano ano at sunod sunod na naglalakad. Nakikita ko ang aking mga magulang sa kanila.

"Anak, tayo na jan.. balikan mo mamaya ang nanay mo doon sa baba" Ang aking itay habang may pasan naman na Kawayan. Sa likod nya ay aking kababata na hingal na hingal at lawit ang dila dahil sa bitbit nyang galon ng tubig.


Napangiti ako. Panahon na naman ng tag-araw.





44 (na) komento:

  1. hehe... napakagandang aral po... kaya dapat ang tao ay marunong magtrabaho at magsipag pra makaipon, pra sa kinabukasan =D

    TumugonBurahin
  2. di ko lam kung ano ang irereact.. wala lang... inggitero kasi ako eh.. kaya ayun.. WALA wala ngang naidulot na mabute..

    haaayyyyy.. mas maigi nga magsipag at mag-ipon dahil pag may isinuksok may madudukot... tama nga na langgam ang naging metaphor mo dito..

    hay banjo.. hay nako...

    TumugonBurahin
  3. haller haller

    wahh namiss ko saglit ang ilog sa probinsya namin lalo na pag bakasyon sa tag-araw,,,

    tama tama walang maidudulot na mabute ang inggit,,pero minsan inggetera lng ako haha...
    tsaka wag gastos ng gastos ipon dapt lagi~~

    TumugonBurahin
  4. another nice kwento banjo, ang galing!! lesson learned wag mainggit..

    naalala ko kabataan ko, naliligo din kami ilog pero hnd ako natutu lumangoy hanggang ngyn.. haha

    TumugonBurahin
  5. woohhh! kaloka! ang ayan ang yabang kc ni kbabata..tsk-tsk..infareness dun s bgong uniform dhil s pnghirapan ng mga magulang ahh nakakatouch...weeehhh..nice story love it!

    mas maganda ang simpleng buhay...(^^,)

    TumugonBurahin
  6. gayahin sana natin amg mga langgam na masipag magtrabaho..
    salamat po sa araw araw na pagdalaw ha..sana dka po magbago.

    TumugonBurahin
  7. may aral n naman...lupet tlaga ni parekoy...

    gandang hapon!

    TumugonBurahin
  8. hello, banjo.

    masarap maligo at maglaro sa ilog pag tag-araw. masarap magbabad sa tubig pag kainitan.

    huwag mainggit. maging masipag. maniwalang gagantihan ang pagtitiis at pagsusumikap balang araw. hala, may pagka-homeroom pala itong post na 'to, he, he, he..

    btw, isama mo ako at iba pang kabarkada mong bloggers sa susunod mong pag-uwi, ha? :D

    TumugonBurahin
  9. such a nice post!
    nakakatuwang dumalaw sa pahina mo, laging may magandang aral ang sinusulat mo.
    keep it up!

    TumugonBurahin
  10. hehe..parang batibot parekoy...daming aral..

    magbabalik ang batibot!

    TumugonBurahin
  11. Hindi nawawala sa akin ang bisa ng kuwento ng Langgam at Tipaklong.

    Walang masaya sa pagsasaya, wala ding masama sa pag-impok. Balanse lang ba.

    Hi Boss Banjo

    TumugonBurahin
  12. hehehe, andami mo sigurong naiisip na mga issue sa buhay at ang galing mong ihambing ito sa mga kwento or i-express sa kwento. hehehe :)

    TumugonBurahin
  13. walang kupas parekoy.hehehehe

    TumugonBurahin
  14. ako ngayon nakakaranas din ng tag-araw...excited much na ko sa tag-lamig, basta wag lang tag-ulan, ok na din nman..hehe

    TumugonBurahin
  15. ayos!!:))

    sorry ingetera ako ako..hahaha

    TumugonBurahin
  16. moral of the story, wag ma inngit sa kapit bahay na nag a outing, hehehe

    nice one parekoy

    TumugonBurahin
  17. mabuti na lang at ako ang kinaiinggitan ng iba... ahahaha....

    TumugonBurahin
  18. mahalaga tlga ang mag-impok, save for the rainy days..

    TumugonBurahin
  19. ahahha... salbahe siguro ang langgam na yun... at kinagat ka... ehehhehe

    TumugonBurahin
  20. malapit na ang summer..tiyak madami na namang kabataan ang gagawa ng saranggola na ang iba ay sa ilog magpapalipad habang naglalaba ang magulang,hehe..

    TumugonBurahin
  21. Buti nalang at malapit na ang summer. makakapaglakwartsa na ulit ako.

    good day folk.

    http://arandomshit.blogspot.com/

    TumugonBurahin
  22. NICE POST. LAGOT KA, NATAPAKAN MO PA YUNG MGA LANGGAM NA NAG-IIMBAK NG PAGKAIN PARA SA TAG-ULAN. TINIRIS MO PA ANG LANGGAM. PANG VALUES EDUC NG SEKONDARYA ANG POST MO. 'STIG!

    TumugonBurahin
  23. ang lupit mo talaga pareng banjo! isa kang langgam ay este isang alamat pala...

    TumugonBurahin
  24. nakakarelate ako bro. mahusay. sana marami pa makabasa nito. :)

    TumugonBurahin
  25. ang galing galing!!!!!!para na akong sirang plaka nito..hehe..you're a genius! :-)

    TumugonBurahin
  26. gusto ko na rin ng tumatagaktak na pawis sa ilalim ng nakakapaso na sikat ng araw.. hahahaha... hay.. miss ko na pinas.

    TumugonBurahin
  27. ang galing naman. mahusay ang pagkakalathala. one of your best :)

    TumugonBurahin
  28. mahusay ka talaga... sabi ko sayo apply ka na sa publishing eh :D

    TumugonBurahin
  29. GALING ULET!!! *virtual clap clap*
    ang pagtitiis nagbunga ng maganda. odba :)

    TumugonBurahin
  30. @Prop - salamat na madami sir. kung ang kabataan ay may ganayan ng thninking, panigurado.. hindi lang sarili ang uunlad kundi pati ang kanyang bayan..


    @EgG - masdan ang langgam.. walang tigil sa pagiipon ng pagkain para sa tag ulan.. sana ganyan dn ang tao no? maraming salamat sayo parekoy


    @Unni - summern na naman.. kung may ilog sa ating lugar.. mas masaya pa dun magbonding no? tipid pa sa gastos.. Thanks po ng many :)


    @mammy - maraming salamat po.. ako naman eh marunong kahit papano.. pero madalas eh langoy aso hehehe...

    @Luhloy - isa pa yan.. pahalagahan natin ang bagay na meron tayo.. lalo na at galing sa magulang.. hindi yan pinupulot lang kundi kanilang pinaghirapan diba? thanks thank po.. :)

    TumugonBurahin
  31. @Emmanuel - basta nakita ko na naibabaw ang bahay mo sa list ko.. punta agad ako dun hehehe.. kahit pag wala ako magawa.. bloghop lang ako.. maraming salamat din..


    @Jay - maraming salamat parekoy hehe.. laking probinsya kasi ako.. :)


    @Doon po sa amin - SIr, palagay ko sa inyo eh meron din ilog.. try nyo pumunta dun at magbabad sa tubig. the best sa pakiramdam...
    maraming salamat po:)

    Ate bhing - ito sana ang entry ko sa TKJ.. sayang at hindi ko agad nabalitaan.. :) thanks ng many po sa pagdalaw dito.. :)


    @Akoni - oo nga no, ang batibot.. naalala ko tuloy si kuya bdjie at ate shena.. hehehe.. salamatz...

    TumugonBurahin
  32. @Jkul - salamat sir sa muling pagbisita.. Tama, naalala ko din ang kwento ng tipaklong at ang langgam. Tamang pag gastos, need at wants lang ang dapat maintindihan.. balanse na sir..


    @Mr. Chan - Laki kasi ako sa hirap sir.. kaya nakikita ko ang aral ng mga hirap na dinaanan ko.. maraming salamat po :)


    @Kyle - sikaw sir Kyle... walang kupas... malalim at malaman hehehe.. salamat sir..


    @Jhengpot - ayos din ang tag ulan wag lang sobra hehehe.. pero masarap nga ang taglamig.. sarap matulog ng mahimbing no hehehe.. salamat..

    @Cheenee - hindi halatang inggetera ka hahaha.. ok ka na ba? tandaan.. wag maghelmet sa loob ng bahay. :) salamats ng many

    TumugonBurahin
  33. @Adang - hehehe.. inggitin ang kapit bahay pagkatapos nila magouting ... salamat sir..


    @Lenorap - inggit much sila sayo parekoy hahaha... ikaw na.. heheh salamat sir rap

    @Keatondrunk - tama sir.. mahalaga talaga ang mag save para sa kinabukasan :) salamat na marami po

    @musingan - oo nga sir.. masakit mangagat.. hehe.. ganayan talaga ang nature ng langgam.. akala nila kaaway..

    @Arvin - March na kasi.. umpisa na ng plano sa summer hehehe.. sa amin noon, saranggola ang inaatupag ko.. maraming salamat sir..


    @DENASE - pasama sa lakwatsa hehehe.. ako iisip ng pede mapagkakitaan.. hehehe.. salamat sir

    TumugonBurahin
  34. @Demigod - aba at natatandaan nyo pa sir hehehe.. maraming salamat po kabayan...


    @jedpogi - nalasing ako sa post mo sir hehehe.. hilig pa naman ng langgam sa tirang pulutan... :) thanks po ng many

    @Uno - salamat na madami parekoy.. namula ang mukha ko sa post mo hehee. hiya much.. :)


    @Houseboy - naglalaba ka din ba este naglalaro habang naglalaba si ina? hehehe.. salamat sir..

    @Animus - platerd naman ako po.. salamat ng madami ateng.. :)

    @Kamila - sunbathing ba? hahaha.. pero oo, marasap talaga un.. umuwi ka na nga marekoy... :)

    TumugonBurahin
  35. @Bino - salamat sir.. hahabol ako sa TJK sa april issue... :)

    @Bulakbulero - kikilabutan ka sir hehehe.. miss mo na din ang pinas.. :)


    @Axl - naku, dito na lang sa blog parekoy.. baka hindi ko kayanin hahaha.. maraming salamats.. :)


    @Bhenipot - hehehe may virtual clap pa ha.. salamats po.. :)

    TumugonBurahin
  36. huwow!!! galing-galing talaga! idol!! hahahaha!

    parang nakagat din ako ng langgam..ouch!!

    TumugonBurahin
  37. @Iyakhin - ang pasalubong ko asan na hahaha.. maligayang pagbabalik sa pagbibusy busyhan.. :)

    TumugonBurahin
  38. hello... hehehe ko nang hindi lumalanding sa tambayan mo ahhh... parang isang dekada na ata.. JOKE!!! ngayung tag-init may plano na sana na ang mga barkada ko kaso yung isa n matutuloy (kaasar grabe) gusto ko pa namang manggulo sa probinxa ng iba... hehehe masakit talaga makakagat ung langgam lalo n yung pula napapamura nga ako minsan eh >_< thnks

    TumugonBurahin
  39. kaw na! ahaha. lagi talaga akong may napupuplot na aral dito. teka lang... may makati... kamutin ko muna. hehe :)

    TumugonBurahin
  40. galing talaga ng mga kwento mo banjo. apart from the moral lesson, may structure. nice.

    TumugonBurahin
  41. Thanks for reminding me about this very important lesson. Mukhang nature na ng tao ang mainggit sa kung ano ang meron ang iba, pero tama ang nanay mo, wala itong mabuting maidudulot. Love this post!

    TumugonBurahin
  42. Nice! Ganda ng aral sa kwentong ito. Magsisipag na ako pangako! hehe.

    TumugonBurahin