Lunes, Naglalakad ako galing sa trabaho ng masalubong kita.
"pare, may problema ko eh, may pera ka ba jan, pahiram muna"
"pare, may problema ko eh, may pera ka ba jan, pahiram muna"
"O sige, pagdating ko sa bahay bibihis lang ako at samahan mo muna ko bago kita pahiramin"
"Ok pare, aprub, san ba tayo pupunta"
"Punta tayo sa ospital, dadalawin lang natin ang may sakit"
Kinabukasan, habang naghahalo ako ng semento sa aking pinagtatrabahuhan, nagtxt si inay na nandun ka daw sa bahay, probelamdo ka at ako ang iyong kailangan. Nagpaalam ako sa amo ko, umuwi ako kahit hindi pa oras ng uwian.
"Pare, dito muna ko, badtrip si tatay, napagalitan ako."
"Alam ko na pare, sige tutal eh nandito ka na rin lang, samahan mo ko sa bilangguan, dadalawin natin ang kaibigan kong preso."
Nung gabi din na yun, ayaw mo pa umuwi dahil tiyak na sermon ang dadatnan mo sa bahay. Bumili ako ng isang gin at iyon ang ating pinagsaluhan. Pagkatapos ng inuman, niyaya kita sa bayan. Ayaw mo pang sumama dahil sa tinatamad ka sabi mo. Pero pinilit kita. Sa bayan, palibhasa malapit na ang pyesta, maraming tao. May nakita akong pulubi, sabi ko sayo halika at tabihan natin yun.
"Lasing ka ba, lakas ng trip mo ah"
"Gago, basta ride ka lang sakin.. unahan tayong may mahinging limos"
Umupo tayo sa tabi ng pulubi at nagkunwang kagaya nya, lumipas ang ilang oras at malapit ng maubos ang tao pero wala pa din tayo nakuhang limos ni singko. Ang sabi mo,
"langya ang lakas ng trip mo, ang hirap naman pag ganito, magugutom tayo nyan."
Niyaya na kita umuwi pagkarinig ko sayo nun, puro ka reklamo.
Araw noon ng biyernes, pinasya kong lumiban sa trabaho. Dumaan ako sa inyo bandang alas dyes ng umaga, alam ko ganitong oras tulog ka pa. Kakamot kamot ka pa sa ulo na lumabas ng kwarto. Sabi ko sayo, maligo ka na at may pupuntahan tayo, ayaw mong sumama sakin dahil sabi mo, ang init.. nakakatamad. Pero pinilit kita, walang nagawa dahil sa may utang ka sa akin.
"Saan ba tayo pupunta"
"Relax ka lang.. akong bahala sayo."
Natanaw mo ang karatula sa lugar na binabaan ntin sa jeep "Bahay na walang hagdanan".
"Anong gagawin natin jan"
"Dadalawin natin ang mga batang walang magulang at ang mga matatandang iniwan ng kanilang anak"
Pagkatapos doon, akala mo uuwi na tayo, nakatulog ka pa nga sa byahe, ginising lang kita ng bababa na tayo, sa tapat ng bahay ng mga may kapansanan. Sabi mo pa,
"Oh pare, alam ko na, dadalawin natin ang mga may kapansanan"
"Tumpak, tara na sa loob"
Bago tayo umuwi, humihiram ka na naman ng isang libo. Kamot lamang ako sa ulo ko, sabi ko sige, bukas magpunta ka sa bahay.
Sabado ng umaga, maaga kang nagpunta sa bahay, nasa harap ako ng aming tindahan at nagwawalis, kinukuha mo sakin ang pinangako kong perang ipapahiram sayo, sabi ko sayo, pumunta ka sa kwarto, nandun sa may life-size na salamin at kunin mo na. Lumampas ka sakin pagkagaling sa kwarto, ang sabi mo pa..
"Pare, maraming salamat sayo, astig ka"
Linggo, araw ng pahinga, lumipas ang maghapon na hindi kita nakita. Ni ang lumabas yata ng bahay ay hindi mo ginawa. Isa.. dalawa.. tatlong linggo.. wala akong balita tungkol sayo. Sa isip isip ko.. mabuti naman. Isang buwan at kalahati ang lumipas, linggo noon, abala ako sa paglilinis ng bahay ng ikaw at dumating.
"Aba pare, nagpakita ka din"
"Oo pare, heto ang bayad sa utang ko, pasensya ka na kung natagalan, unang sweldo ko kahapon. Oh tigilan mo muna yan, tara sa bahay. May ipapakita ako sayo.
Diretso tayo sa bahay nyo, sa iyong kwarto ako ay iyong tinawag. Aba at may lifesize ka na din na salamin. May nakadikit na papel na may sulat, isa isa kong binasa. Mga lugar na pintuhan natin noon at ang ating ginawang pamamalimos sa katabi ng pulubi, ito ang mga sinulat ko at idinikit ko sa salamin sa aking kwarto noong gabing magsabi ka sakin ng pera.
"Pare,kinuha ko mga yan sa salamin sa kwarto mo,sinadya mong idikit yan doon walangya ka, simple kang tumirada. Oo, nakuha ko ang gusto mo, kung hindi pa sa salamin ninyo, di ko makikita ang sarili ko. Ang laki ng katawan ko, malusog, malakas.. hindi kagaya ng mga pinuntahan natin noon pero nagsusumikap samantalang ako bakit hindi magkusang maghanap ng trabaho. Tapos puro pa reklamo. Napahiya ako sayo noon, pero ngayon pare, salamat"
"Mabuti naman at nakuha mo ang gusto ko sabihin, dahil ayaw kong magalit ka sakin pag pinagsabihin kita ng diretso. Baka magtampo ka pag sinabihan kitang ang kapal ng mukha mo. Pero ngayon pare, magbihis ka at may pupuntahan tayo."
"Saan na naman yan pre, may dadalawin na naman ba tayo?"
"Oo sa bayan, dadalawin natin ang fast food doon. Aba eh elilibre mo ako ng tsibog ngayon"
"Ok pre, aprub"
***HIndi lang para sa mga batugan o puro reklamo na walang pera.. para din sa mga may problema.. sa pamilya, sa pag-ibig, sa kahirapan. Kung tutuusin, ano mang dagok ang dumating sa ating buhay, tuldok lamang iyan kumpara sa iba. Ang porblema, hindi yan iniisip, hindi yan pinproblema, ang intindihin at ang isipin dapat ay ang solusyon.
ang ganda sobra... may quote na ganito sa cp dati di ba about sa bulag nakalimutan ko lang yung saktong quote pero same yung moral story nila :D
TumugonBurahinmatagal ko na sinasabi sa sarili ko yan pero minsan di talaga maiwasan na isiping parang ako na ang pinakakawawang nilalang hehehe pero hindi, maswerte pa rin ako :)
TumugonBurahinhay kung pwede lang talaga akong maging happy-go-lucky palagi eh pwede lang.. pero kahit ang siolusyon eh mahirap makamit kaya pinoproblema din..w ahehhe
TumugonBurahinwakekeke...biruin mo yun, nagpoprogram ako habang nagbabasa. kaya di ko nagets lolz. basahin ko na lang ulit sa bahay.
TumugonBurahinGood work parekoy...Ipinaalam mo sa lahat na manalamin.
TumugonBurahinwow i'm so touched...oo kasi minsan nagiging ganyan tayo nakakalimutan natin na mas bless pa tayo sa ibang kinaiinggitan natin. kala natin katapusan na ng mundo pag may dagok na dumaan sayo, puro reklamo walang ginagawa..
TumugonBurahinNapaka-inspiring ng mga sinusulat mo.
TumugonBurahinSalamat sa pagbabahagi ng iyong mga kaalaman. Kung ngayon ay nagtatanim ka na, punla pa lang pwede nang pakinabangan, paano pa kaya sa mga susunod na araw o taon- mamunga ito ng ginto.
:)
ang galing.
TumugonBurahiniba ka talaga sumulat parekoy :)
TumugonBurahinDi ko mabilang kung ilang beses ako napamura sa akda mong ito kapatid (ITO YUNG NASA ISIP KO NG PAULIT ULIT: T*NG-IN* ANG GALING NA NAMAN NITO).Matinding aral ito, kaganda ng paraan upang iparating kung gaano kabatugan ng isang kaibigan.
TumugonBurahinHindi ko na alam ang iba ko pang sasabihin basta parang tumigil lahat sa paligid ko at hindi ko alam kung papaano magreact. whew!!!
"SUPERB WRITING SKILLS MAN" yan ang sabi ng konyo kong kapitbahay :D
Pero seryoso kapatid habang tumatagal lalong gumagaling kung papaano ka magsulat.
napakagaling! :)
TumugonBurahinkung sisipagin lang sana magbasa ang mga batugan imbes na mag FB ng mag FB or uminom ng uminom :)
Nice one!
wow. ikaw na kuya. ikaw na!!!!!!!! hehe ^_^
TumugonBurahinshare ko yan sa fb acct ko.
nice one :D
oo tama ka.. Just pray that God will give you wisdom to solve that problem in your life.. Read Jeremiah 33:3
TumugonBurahinoh may momay! this so reminds me of my friend!
TumugonBurahingrabe...ermmmmm...ang galing ng paraan nya ng pagpapahiwatig ng kanyang saloobin...in a nakakakoncnxa way...jejejeje
wow! grabeeh...wala akong masabi...T_T
TumugonBurahinaha!! sa salamin ko na rin ilalagay yung perang inuutang sakin palage ng kumpare ko.. haha!!
TumugonBurahinanother nice piece! ;)
speechless.... ^^
TumugonBurahinIdol na kita. Bawat post mo may aral. Bow!
TumugonBurahinPANALO, PAREKOY ;)
TumugonBurahinMas mabuti pang magbilang nga mga bagay na dapat ipagpasalamat kesa makipagtagisan sa haba ng listahan ng iba kung bakit sa tingin mo ay mas malas ka... hehehehehhe
TumugonBurahinnaalala ko na naman ang post ni kamil about sa huwag manalamin sa kotse na may tinted na bintana... ehehehe....
TumugonBurahintama. :D hehehe. guilty ako sa pagiging reklamador.
TumugonBurahinayos! magiging kuntento nrin ako hehe
TumugonBurahingaling!! natauhan ang batugan, hehe! gud for him kasi nagkatrabaho..
TumugonBurahinweeee ang ganda. pwede ka nang gumawa ng libro ng mga maiikling kwento. ang gaganda kasi at may mga aral...
TumugonBurahinang galing tologo!!!!! hahaha. ang galing...nde mo masasabing basta bsta ung kwento... idol tlga kita kuya-koy' haha :)
TumugonBurahinang ating modern lola basyang. chos! nice read kuya :D
TumugonBurahinmay naalala lang ako,kung nanood ka ng survivor phil malamang alam mo ito..yung kanta ni karen..
TumugonBurahinbatugan!!batugan!! hahaha wala lang
at dahil tamang tama ang topic mo, ang PEBA outreach ay malapit na. suportahan po natin. promote lang :D
TumugonBurahinaray naman dre. hehehe.. totoo lang mahirap pigilang hindi isipin ang problema. pero naniniwala ako na kapag nagdasal ka.. super gagaan pakiramdam mo..kahit na ganito me... approve na sa akin ng ilang beses ang prayers.
TumugonBurahinpalakpak uli para kay pareng banjo!
TumugonBurahinclap clap!!!galing!
sapol sa mga matong tatamad tamad
sana mabasa nila ito!
morning parekoy!
tama! tama! ikaw na :)
TumugonBurahin:)) bibili na din ako ng life size na salamin..
TumugonBurahinang lakas ng tama sa akin nito banjo. eto ko nagse-self pity buti na lang nabasa ko ito. salamat!
TumugonBurahiniba ka talaga mag post parekoy. nakakarelate talaga! sarap magbasa ng mga ganyan...
TumugonBurahinito yata ang salamin ng buhay,hehe..
TumugonBurahinSa lahat, marami pong salamat sa inyong mga komento.. naktutuwang isipin na nakakapagbigay ng aral ang aking mga entry.. Maraming salamat po talaga sa inyo.. medyo busy po ang tambay kaya hindi ko na inisa isa..
TumugonBurahinmuli maraming salamat po..
ahehehe...inde ko magets (manhid ako)...ahahaha!
TumugonBurahinmasarap tumambay... hindi nakakapagod..wahehehe...
nice one...ibang level... pang-artisan... :)
@SuperG - Maraming salamat sir.. :)
TumugonBurahinnapakaganda namn ng aral na yan, buti may trabaho ako, kya mejo nadaplisan lng hehe =D
TumugonBurahinhahahaha... para talga.. sa mga tamad yan hahaha....
TumugonBurahin