Huwebes, Pebrero 03, 2011

MANGGA


Tutut.... tutut... 

Abala ako sa pagkukumpuni ng broom broom ko ng may nagtxt. Kinuha ko selepon ko at binasa, aba at ang walanghiya dumating na pala, nakaalala pa.. napangiti ako sa nabasa ko. 


Tanda ko pa noon, lumapit ka sa akin at inaya mo kong mag inuman. Limang beses ka nabigo sa pag ibig sa iisang babae. Sa bawat inuman natin, ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo. Ibinuhos mo sa alak ang lahat. Hanggang sa huling beses ka lumapit sakin, at inaaya mo ulit ako mag-inuman. Sa isip isip ko, basted ka na naman. Tama nga ang nasa isip ko, pang anim na beses na ito at sa iisang babae. Wala ka talagang kadala dala.


Sa halip na mag-inuman tayong dalawa, inaya kita sa manggahan namin, panahon ng mangga noon, maraming bunga. Pinili ko ang punong minalas, nagiisa lang ang bunga at na sa tuktok pa. Itinuro ko sayo, Inutusan kitang kuhanin mo iyon sa pamamagitan ng pagpukol. Wag mong titigilan hanggang hindi mo tinatamaan at nakukuha. Tanong mo sa akin, "Tanga ka ba?". Sagot ko naman sayo, "Gawin mo na lang at malalaman natin mamaya kung sino ang tanga".


Unang pagpukol, sala. Pangalawa, pangatlo.. hanggang sa hindi ko na mabilang kung naka ilang pukol ka. Pinagmamasdan lang kita, pawisan.. humuhingal.. tulo ang laway sa pagod.. ngalay na ang balikat at braso.. masakit na.. hanggang sa humiga ka na sa lupa pero hindi mo parin tinatamaan ang bunga. Sabi mo, "ayaw ko na, pagod na ko.. ginagago mo yata ako eh". Ngumiti lang ako sayo. Iniabot ko sayo ang kamay ko at hinila kita patayo. Lumipat tayo ng puno na hitik sa bunga. Pumitas ka ng isa na abot kamay mo lang na walang kahirap hirap at iyong kinain. Sabi mo pa, "Ang sarap pare". Tumawa lang ako at tinanong kita. "Ngayon pare, sino sa atin ang tanga?". Natahimik ka at napaisip ng malalim.

Mula noon, hindi na kita nakita. Nalaman ko na lang na nag-abroad ka na pala. Tatlong buwan ka pa lang yata noon sa iyong trabaho ng aking mabalitaan na ikakasal na ang babaeng anim na beses nambasted sayo. Naisip agad kita noon. Sigurado kung nandito ka, baka puno na ng niyog ang ipapukol ko sayo.


Dalawang taon ang lumipas at ngayon nga nagtext ka...

"Pare, kumusta? dito na ko sa atin, punta ka dito sa bahay, inuman tayo. Let's celebrate, malapit na ko ikasal."

"Ok pare, welcome back. Punta na ko jan." reply ko..

"Di ko na kailangang pumukol ng mangga, salamat pare"


Naisip ko, sayang kung hindi ka pa din nadadala, marami pa naman niyog dito sa amin.. hihi :)













***hinugot ko lamang sa kaluban ng aking kukote.
      Na-gets mo ba? kung ganon.. apir ^_^

69 (na) komento:

  1. grrrrr ang engot ko hnd ko masyado nagets. pero hangga ako sa kaibgan mo. hnd agad siya sumuko para mapatunayan na mahal niya yung babae kahit anim na beses n siya sumubok. its an act of courage na sumbok kahit walang kasiguraduhan ^_^

    -kikilabotz

    TumugonBurahin
  2. @Axl - ahehehe.. salamat parekoy.. :)


    @Kikilabotz - natawa comment mo sa blog ni jheng.. nauuna lagi ako sayo ahahah.. juk. sabay sabay naguupdate sa list natin hehe.. salamat parekoy.. apir

    TumugonBurahin
  3. ikaw na ang magaling heheehhehe like ko to

    TumugonBurahin
  4. wow sarap ng mangga!! meron kaming bagoong dito,kaso mango wala,indian marami! lol

    TumugonBurahin
  5. @Jobo - Thanks parekoy.. kakadaan ko lang sa inyo ah.. ^_^


    @Iya Khin - o tahan na hehehe.. yup sarap ng mangga, lapit na ang panahon nun.. yesss.. (nangangasim ako dito ahehehe) :)

    TumugonBurahin
  6. hindi mo naman kailanga palaging abutin ang mga bagay na alam mo namang hindi talaga mapapasa-iyo. kahit predicted mo na sa huli na hindi siya magiging sa iyo.

    bakit nga naman hindi natin itry ang iba na madaming nandyan, nag-aabang at abot kamay lang natin.

    pero

    one thing na maganda dun sa kaibigan mo ay matiyaga siya, hindi agad sumusuko pero ibang usapan na kapag sobra nang naaapektuhan at nasasaktan ang sarili dahil sa pagiging martir. hindi na siguro matatawag yun na pagiging matiyaga at kailangan ng magising sa katotohanan.

    tama din na minsan nagiging tanga talaga tayo hanggang may magpa-realize sa ating ibang tao na syang mumulat sa ating kahibangan.

    kaya ayun ang naging gantimpala, kasiyahan. :D

    TumugonBurahin
  7. Nice, minsan talaga natatanga tayo sa pag-ibig. Kailangan ng eye-opener minsan. Parang can-opener lang wahihihi.

    TumugonBurahin
  8. @Kyle - sakto parekoy.. tamang tama ang timpla kumabaga. achuwali, kathang isip ko lang yan (hugot sa kukote hehe).. usapang puso muna kasi love month (nakikuso lang). magaling parekoy.. salamat ng many.. apir...


    @Kraehe - korek, nakakatanga ang pagibig.. hindi maganda kung tanga na diba? tulad na pagbato sa bunga ng mangga na hindi tamatamaan... maraming salamat sa muling pagbalik ha.. apir.. atekoy..

    TumugonBurahin
  9. hmmmmmmmm... kung sa umpisa pa lang dun na sya sa kabaling puno nasiyahan na sya agad noh??? hihi

    TumugonBurahin
  10. hahaha muntikan ng mabreak ang record ko ah.. hahaha 8 beses kasi ako sa isang babae.. o ano may tatalo pa ba dyan... sige nga patikim ng manggang yan baka matauhan din ako.. bwuahahaha

    TumugonBurahin
  11. Bakit ang husay mo magkwento? Anong pinaghuhugutan mo parekoy? Paano mo nagawang maipasok ang buong kwento sa isang maigsing istorya.

    Isa kang alagad ng Sining Pag-ibig

    TumugonBurahin
  12. love month na talaga!!! ok sa kwento ha! laging may meaning, galeng.

    TumugonBurahin
  13. super like. haaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyy(buntong hininga) :)

    TumugonBurahin
  14. bakit ang lalalim ng mga kwento moh??? dapoat talaga may double meaning? i mean hindi bastos na meaning, kundi ung tipong mnarerealize mo ung ibang meaning... teka, naguluhan din ako sa explanation ko.. ahaha...

    basta un na yun. ahahaha. the best ka in short!

    TumugonBurahin
  15. nice, galing! sabi nga e you're crazy when you're inlove pero buti nman matyaga sya.

    TumugonBurahin
  16. ganda! :)
    I must say 'wag ipilit ang isang bagay na hindi talaga pwede.

    TumugonBurahin
  17. @istambay: sa lahat ng nbasa ko dito eto ang super like ko!! facebook lng.. :)

    TumugonBurahin
  18. nakakabilib ka talga ser..

    palong palo ang pinupunto mo :)

    TumugonBurahin
  19. Parekoy, meron ka pa bang mangga jan? kung wala pwede na sakin ang puno ng niyog. Alam mo na kung bakit. Baka sakaling pagkatapos nun, gumaan pakiramdam ko! hahaha! Ang galing naman. Dahil jan panalo ang mangga!

    TumugonBurahin
  20. naks! hindi sumusuko ah. hehehehe

    TumugonBurahin
  21. ask ko lng marami kayong mangga?

    TumugonBurahin
  22. hmm kailangan ko yata ng ibang puno ng mangga...o ng tulad mong taga katok ng ulo? ahahahaha

    sarap ng mangga tsaka asukal=)

    TumugonBurahin
  23. ang mahalaga dun sinubukan mo, di ka basta basta sumuko, naipakita mo kung gaano kaimportante sayo na makuha ang isang bagay...pero dapat alam mo rin limitasyon mo, alam mo kung kailan dapat huminto o sumuko...

    nice post uli brod :)

    TumugonBurahin
  24. congrats sa kaibigan mo... malapit na kamo siya isakal...este ikasal. :D

    TumugonBurahin
  25. at least ngayon,kahit maraming beses siyang nsaktan.ikakasal na pala siya..good luck for his new lyf parekoy..

    TumugonBurahin
  26. @Nimmy - oo nga, kung dun ko siya gad dinala sa punong hitik ng bunga, di sana di na nahirapan no? kaya lang mawawala ang mensahe ko.. :)


    @Kiko - sayang, sana ginawa ko 9 na bese na nabasted hahaha.. salamat parekoy..


    @joey - ewan ko din hehehe. maigsi lang ang story pero may mensahe, para maiwasan mag skipread ang reader... heheh salamat parekoy


    @sean - oo nga, nakikiuso sa tema.. :) salamatzzzz

    TumugonBurahin
  27. @Houseboy - salamat parekoy.. o linis linis muna :)

    @Leonrap - salamayz.. trip ko lagi may meaning ang kwento ko hehehe..

    @Keatondrunk - ang matyiga may nilaga, pero depende sa pinagtityagaan.. titingnan din natin kung worth ba at posible syempre.. salamat parekoy

    @imaAPv - tama, wag ng magpumilit kung wala mapapala dba? salamatzz...

    TumugonBurahin
  28. @carmi - salamat ng many.. like na like ahehehe


    @neneng kilabot - salamat marekoy.. palong palo ba.. apir..


    @Billy - hindi pa panahon, mga may pa meron hehehe.. di bale, tatapat ka na lang sa puno ng niyog, at tatanggalin ang helmet mo para makalog ang utak hahah joke lang.. salamatz po.


    @Bino - salamat parekoy, may tyaga lang, pero hindi nagkaron ng nilaga. :)

    TumugonBurahin
  29. @DEMIGOD - musta kabayan..salamat parekoy...


    @Uno - naku, sa abril o mayo pa ang panahon dito sa amin.. meron kaya lang bulaklak pa lang hehe.. salamatsss

    @Poks - musta marekoy.. daan ka dito sa cavite pag uwi mo heheh..bigyan kita mangga.. baka sakali.. hihihi..salamat po

    @LordCM - salamat sir, napatunayan naman kung gaano kahalaga, nga lamang, tingnan din ba kung ang pinahahalagahan ay nagpapahalaga din sa atin.. :)

    TumugonBurahin
  30. @Empi - salamat parekoy... kakadaan ko lang sa bahay mo.. apir

    @Emmanuel - salamat parekoy... sa uulitin.. :)

    TumugonBurahin
  31. wheeeee! penge mangga! ahihi.. astig ung friend mu ha.. nice one! galing! galing! ng kwento.. ^_^

    TumugonBurahin
  32. nice nice :) ang ganda. galing mo talaga sa composition. ahehe. hinde sya tumigil sa pagpukol dun sa mangga, kaya sa bandang huli nakuha rin nya ang gusto nia... pag may tyaga, ay may nilaga nga naman :)

    TumugonBurahin
  33. share ko lang brod sa Facebook :)

    TumugonBurahin
  34. haha! sayang...

    p.s. ang galing naman ng kokote mo parekoy..lol

    TumugonBurahin
  35. ganyan talaga ang tao, susubukan muna ang mahirap na paraan, at kung hindi na kaya saka susubok sa kung saan naroon ang karamihan.

    good thing about ur friend, hindi sya yuing tipong basta bsta na lamang sumusuko!

    TumugonBurahin
  36. sabi nga, pagnagmamahal ka, hindi mo maiwasang maging tanga. hindi ko masisisi ang kaibigan mo kung lima o anim na beses syang sumubok pero lahat yon, bigo. isa lang para sa akin ang ibig sabihin non. nagmamahal sya ng tunay.

    pero dito na marahil pumapasok ang silbi ng utak sa pagmamahal. kung alam mo namang wala ng pagasa at wala ng silbi ang pagpupursige mo, oras na siguro para umusad, katulad nga ng pagpapalaya sya sa nararamdaman nya para sa babae. mabuti nalang at nanjan ka para kaltukan sya ng matauhan. :)

    TumugonBurahin
  37. @Amaya - weee, wag mo sabihin naglilihi ka na.. ahehehe.. salamat po

    @Nowitzki - salamat parekoy.. ikaw magaling sa drawing drawing ng ano ba un.. building building ahehehe..


    @LordCM - no probs sir.. sige po.. salamats.. :)

    TumugonBurahin
  38. @RIza - ei, now ko lang ulit kita nakita ah.,.. musta marekoy.. salamat ng many.. balik ka ulit po, :)

    @Driver - salamat sir sa pagdaan.. balik mo kayo. apirrr...

    @Rainbow - Apir tayo, tumpak marekoy. tama na gamitin naman kahit papaano ang utak. hindi masamang magsumikap para maabot ang minmithi mo sa buhay.. pero kung sa tingin naman natin eh imposible na at nasisira na natin ang sarili, magkusa naman tayong hayaan na lang ang mithiing iyon.. tulad sa pagibig, sabihin na natin na nakamit mo diba? para sayo, ang saya saya, eh dun sa taong nakamit mo.. anong pakiramdam nya.. maaring sa matagal na panahon, nasaktan sya at ikaw ang nakita.. para maka move on, grab ka agad.. sa huli, pareho lang kayo.. mababalewala ang pinagsikapan.. napahaba tuloy ahehehe...

    salamat marekoy

    TumugonBurahin
  39. Hindi pala pumasok yong koment ko.

    Kailan ang kasal? Sino papakasalan, yong nambasted sa kaniya ng anim na beses?

    Kapag may tiyaga, nagtyaga.

    TumugonBurahin
  40. wow.. buti at nakamove on si kuya... at least me natutunan siya sa yo..... :)

    TumugonBurahin
  41. Pukulin kita dyan pare eh...hehehe mangga lang pala! lintek ka..akala ko pang xerex na to...

    TumugonBurahin
  42. @Jkul - sir, hindi ung kanyang tyinaga.. read ulit (demanding daw hehe) nabanggit ko an 3 months pa lang nakalipas eh nagpakasal na ang nambasted sa kanya ng 6 times, eh nasa abroad sya diba? kaya hindi yun.. siguro may nakilala si pare na iba at dun naibaling ang kanyang pagtingin..

    maraming salamat sir.. ipinakita ko ang mensahe, ang katanggahan sa larangan ng pagibig, parang pagbato sa bunga na hindi tamatamaan.. ;)

    TumugonBurahin
  43. @Egg - aba parekoy, musta pamimyesta .. hehehe.. salamat parekoy

    @moks - aheheh.. hulsam pa itong tambay parekoy.. mangga ha at hingi manga..:)... salamt parekoy..

    TumugonBurahin
  44. Parekoy, ganda ng post mo na to. Sana hindi pa nabubulok ang mangga mo. May kakain din nyan.. :)

    TumugonBurahin
  45. grabe! mapwersa talaga! haha. hanga din ako sa kanya ah, hindi madaling mapasuko. hanga din ako sa 'yo sa leksyon sa manggang iyong ibinahagi. :)

    TumugonBurahin
  46. ang ganda ng mood ng entry na ito... hitik na hitil ng innocence... refreshing!

    TumugonBurahin
  47. galing magpayo ni kuya oh..nice naman!=)

    TumugonBurahin
  48. ang lupit, ayos ang taba ng kukote mo

    TumugonBurahin
  49. May natutunan akong lesson sa entry mo.. astig!.. maglalakwatsa nako lagi dito..

    TumugonBurahin
  50. buwishet ang daming comment! hahaha katang isip lang pala yun dre?? galing!! ikaw na ang madaming laman ang kokkote... at isa pa,.. hindi lang basta mataba kokote mo.. ikaw na malalalim ang kwento!! APir dre!! Patagay

    TumugonBurahin
  51. may naalaala naman ako bigla sa pangunguha ng mangga...:))


    parang kaloong ang iyong kukute parekoy..hehehe ang lalim...

    TumugonBurahin
  52. hahahaha... natawa ako dito... wla bang langka jan sa inyo? ewan ko na lang kung di pa yan madala.. haha

    (super late na ata nagbasa)

    TumugonBurahin
  53. haaaaaay... pag ibig nga naman. astig talaga! more kwento pa po, pleaaase? ngayon pa lang, nagpapasalamat na po ako sa maraming lessons na matututunan ko dito sa blog nyo. :)

    TumugonBurahin
  54. Natutuwa ako dito sa sinulat mo. Panalo sa comparison. At least, may natutunan na lesson ang friend mo. Grabe, ha. Buti naka-move on din siya, sobra na siguro yung anim na beses na pagka-basted.

    TumugonBurahin
  55. in.nimagine ko naman ang pag pukol sa mangga ng ilang beses. hayun feeling ko nangalay ang mga balikat ko. lolz

    TumugonBurahin
  56. mabuti at natauhan din yung friend mo. hahaha

    TumugonBurahin
  57. @Archiviner - salamat parekoy, ngayon bulaklak pa lang ng mangga hehehe.. lapit na.. maumukol na ulit.:)


    @kris-tian - salamat parekoy, many na many thanks..:) apir


    @wandering - salamat sir sa pagdaan at pagiwan ng bakas.. apir po tayo..:)


    benjienius - salamat parekoy.. walang sumbungan hahaha... :) chheerrzzz

    TumugonBurahin
  58. @Babaeng Lakwatsera - salamat po ateng.. balik ka ha.. idamay mo ko sa paglakwatsa mo :)

    @Kamil - oo marekoy, hugot lang sa kukote.. laking probinsya eh.. kung sa menila ko lumaki, baka sa ibabaw ng building kami pumunta at patalunin ko ng una ang ulo ehehehe.. talon lang ha hindi tatalon pababa.. :) salamat marekoy :)

    @Jay Rules - salamat parekoy... chheerrzz

    @Jhehgpot - haha, kung langka, ako ang pupukol at sya ang sasambot ahehehe.. salamat ng many.. apir..

    TumugonBurahin
  59. @kaswak - hehehe.. niyog naman ang susunod kung walang kadaladala hahaha..salamat parekoy..


    @batangG - salamat sa muling pagdalaw.. sige pag sinipag ang aking kukote hahaha... salamat po ulit ng madami.. balik balik ka ha..


    Tsina - Salamt po sa pag bisita.. apir po./. ")


    @Arvin - salamat po sa pag daan.. :)

    TumugonBurahin
  60. @Kriz - oo nga, tapos hindi mo tamaan no? nakakangawit hehe.. salamt atekoy.. :)


    @Ezter - ayun, nag update ka din.. musta, maligayang pagbabalik marekoy.. :)

    TumugonBurahin
  61. hehehe... pukulin ba ng niyog? lol

    meron talagang mga ganyang slow learners. hehe... ganun talag apag nagmamahal :) lahat nagiging engot! hehehe

    TumugonBurahin
  62. tara inom tau ng buko juice...jejeje

    TumugonBurahin
  63. @mr. chan - engot talaga sir hehehe.. kundi pa matatauhan no.. salamat po

    @lhuloy - aba at nagbalik na ang nagbakasyon.. kata na, inuman na tayo hihih ^_^

    TumugonBurahin
  64. nakakatuwa tong post mo na to.at hanga ako sa friend mo, ang tatag. :))

    TumugonBurahin