Minsan naiisip ko, anong kasalanan ng hayop sa zoo at nakakulong sila dun. Minsan naka pasyal ako, palibahasa bata pa ko noon, tuwang tuwa ako na nakakita ako ng iba't ibang klase ng ibon. Unggoy na talaga namang kakatuwa. May hipopotamus, ang laki eh. May pabo, kambing, pusa, aso.. May nakita din ako na wishing well. nakakita ko ng ale na nag hulog ng coins un, tapos pumikit. tapos ngumit. mukhang tanga. nagtanong ako sa kasama ko ano ginawa ng ale dun... nag wish pala.. gumaya ko hahaha... hulog din ako piso. tapos nag wish din ako. tagal na nga pala nun pero hindi naman natupad. Aking napatunayan na kung hanggang wish ka lang, walang mangyayari sa'yo, gumawa ka ng paraan para matupad ang kahilingan mo.. hindi un instant. hindi ung nakukuha sa piso.
Saming paglilbot ng mga kaklase ko. May lugar kami na kinatakutan, un ang kulungan ng mga ahas.. langya ang takot ko talaga, di ako makalapit. haba ng dila, ang lalaki pa. alis kami dun, napunta kami sa kulungan ng buwaya.. langya, kumakain ng buhay na manok.. tsk tsk. Noon ganon kalaki ang takot ko sa kanila. Ayaw ko na pumasok ulit sa zoo. Ayoko ng maging parte na kalupitan ng tao sa hayop.
Ngayon, unti unti, nadadagdagan ang kaalaman ko, unti unti lumalawak ang pangunawa ko.. at ngayon ko naunawaan. Ang lugar na ginagalawan ko, mistulang loob ng ZOO. Naglipana ang ibat ibang klase ng hayop, may ibon nagbibigay ng aliw. May mga unggoy na lagi nasa kanto, tsismis dito tsismis don. May ahas, nangaagawa ng asawa at ng karelasyon. may mga kulasisi, may linta, may kuhol, hataw kung makasipsip. ang pinakamatindi at sya pa ring kinatatakutan ko hanggang ngayon, ang nga buwaya, lintik kung makakain, walang kabusugan, pero hindi ng buhay na manok, kundi ng buhay na sistema ng tao. Kaya naglipana na sa langsangan ang iba pang klase ng hayop, dahil sa kasakiman ng buwayang ito.
Minsan kahit masama sa loob ko, bumalik ako sa ZOO na dati kong napuntahan, ganon pa din. una ko gad pinuntahan ang kulungan ng mga buwaya, nagbabakasaling may na kakakulong din dun na tiwaling congressman, na mayor, o kahit ng baranggay kapitan man lang, pero wala, silang mababangis, patuloy pa din nakakalaya.
hahaha... oo nga naman bat walang opisyales dun sa zoo... nyahaha
TumugonBurahinOO nga pre kiko, sa dinami dami ng buwayang alpas walang mahuli kahit isa hahaha.. astig ang mga pakening seyt na mga yan... hahaha
TumugonBurahinako sa zoo nakakita ng elepanteng nag do-do sa manila zoo. enjoy.
TumugonBurahin