Biyernes, Abril 15, 2011

SA PAGSAPIT NG DILIM




Napilitan akong umalis sa aming lugar dahil na din sa hirap ng buhay. Bitbit ang ilang gamit at ang kaunting naipon, sumakay ako ng isang bangka na magtatawid sa akin sa kabilang pampang galing sa aming Isla. Ilang sakay pa ako bago ko narating ang terminal ng bus papunta sa aking destinasyon. Ang lugar na matagal ko ng gustong marating, ang lugar na laging laman ng usapan sa amin. Ang lugar kung saan ako makikipagsapalaran.

Sandali lang at paalis na ang bus na aking sinasakyan, dahil sa haba ng byahe, hikab at pagkaduling ang aking nararamdaman. Dala na din siguro ng pagod, agad din ako naidlip sa loob ng sasakyan. Tapik sa aking balikat ang gumising sa akin. Ang konduktor pala ng bus, ako na lang pala ang natitirang pasahero at nakatigil na din sa terminal ang sasakyan. Dali din akong bumaba, paglabas ko ng terminal.. madilim na pala ang kalangitan.

Madilim ang kapaligiran, tila ba walang kuryente.. ang tanong sa aking isipan, ito na ba iyon, dito ba ako makikipagsapalaran? Bakit ang daming punong naglalakihan? Bakit walang ilaw, liwanag lamang na galing sa alitaptap ang aking nakikita. Sa aking paglalakad, may nasalubong akong isang mama, kaagad kong nilapitan at akoy nagtanong.

"Magandang gabi po manong, anong oras na po kaya?"

"Oras na para ako'y kumain" ang sagot ng mama sabay labas ng mahabang pangil.

Agad akong kumaripas ng takbo, ramdam ko ang paghagad sa akin ng nilalang na iyon, sa isip ko, nasaang lugar ako, anong klaseng nilalang iyon? bakit anyo syang tao?.. Mahaba haba na din ang aking natakbo, sa aking paglingon wala ng humahabol sa akin. Ipinasya kong tumigil at magpahinga. Hawak ang tuhod at habol ang paghinga ng may mapansin akong dalawang babae naglalakad patungo sa akin. Kinakabahan akong tumayo ng tuwid.

"Mga ate, magtatanong lang po ako.. anong lugar po ba ito?"

"Hindi ka tagadito ano? hihihi, wala ka bang matutuluyan? sumama ka sa amin... hihihi..."
ang sagot ng dalawang babae.

Magtatanong pa sana ako ng biglang lumabas ang mahabang dila ng babae. Agad ulit akong kumaripas ng takbo. Hindi ko na inisip kung saan ako makakarating, sa daan habang tumatakbo, sari saring hayop ang aking nakikita. Lahat nakatingin sa akin na para akong kakainin. Hindi ko na nakayanan ang pagod at hirap, napasubsob ako sa lupa. Muli akong tumayo at luminga sa paligid. Wala na, wala ng humahabol sa akin. Sa ilalim ng isang puno, ipinasya kong magpahinga. Sa sobrang pagod ay agad din akong naidlip, hindi ko na naisip pa ang maaaring  mangyayari sa akin.

Sikat ng araw ang gumising sa akin. Umaga na pala, maliwanag na ang kapaligiran. Sa aking pagmamasid sa paligid, akoy nagtataka. Nagtataasan ang gusali, naglipana ang iba't ibang uri ng sasakyan. Madaming tao ang parito't paroon. Sa di kalayuan, napansin ko ang isang lalakeng kumakaripas ng takbo kasunod ang humahabol na pulis. Sa kabila naman, dalawang babaeng maigsi ang kausotan at nakakapit sa braso ng isang matandang lalaki, tila amerikano ang lalaking yun at papasok sa isang gusali.

Sa kabilang dulo ng daan, kita ko ang malaking orasan. Ito na nga, ito na ang lugar kung saan tutuparin ko ang aking mga pangarap. Minabuti kong lamnan ang aking kumakalam na sikmura. Sa isang kainan sa may tabi ng ilog ako napadpad. Sa aking pananghalian, iba't ibang boses ang aking naririnig, boses ng tatlong inang may kargang pinadedeng sanggol ang nagpapaligsahan sa pagkuwento ng buhay ng kanilang kapitbahay.  Ang iba nama'y boses ng mga batang naguunahan sa pamumulot ng bote at plastic sa di kalayuan. Ganon pa man, hindi pa din mawala sa aking isip ang mga pangyayari mula pa kagabi.

Lumipas ang maghapon, at sa aking paglalakbay iba't ibang tanawin ang aking namalas. Mukha ng karangyaan at hikahos ang aking nakita. Sa bawat sulok ng aking mata, nagpapakita ang anyo ng halimaw na humabol sa akin kagabi. Kagalang galang na halimaw sa kanyang pananamit. Naggagandahang halimaw na todo ang pustura. Tumingin ako sa langit, nagtatalo ang liwanag at dilim, hudyat lamang na malapit ng sumapit ang gabi.

Unti unti kong nauunawaan ang mga pangyayari, ang lugar na ito na hinahangaan ng mga nakatanaw lamang sa malayo. Pinapangarap na mapuntahan ng tulad kong naghahangad ng magandang kinabukasan, ang kanyang anyo pala ay isang kasinungalingan. Isang mapagbalat-kayo na lugar na mapang-akit sa paningin ng mga salat sa pinag-aralan.  Sa loob nito mismo ay mistulang gubat pala. Mababangis ang hayop at halimaw ang nakatira na handang lumapa ng laman ng isang tao. Tulad ng paglapa nila sa kanilang sistema.

Kailangan kong maging alerto at maghanda. Sasapit na naman ang gabi.








34 (na) komento:

  1. Kadalasan kasi ang naririnig lang natin sa isang lugar ay ung magaganda, madalas walang kwento tungkol sa paghihirap dito...parang OFW lang, kaya ang karamihan sige pa rin ang pangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa dahil na rin sa mga naririnig na kwento, di lang nila alam ang sasapitin nilang hirap bago makamit ang pangarap na inaasam nila, tsk tsk tsk...

    TumugonBurahin
  2. akala ko nakakatakot na kwento, may laman pala, kinailangan ko naman languyin kasi ang lalim, hehe! nice post again banjo.. ang galing.

    salamat sa pakikipag kaibigan sa peysbuk..:))

    TumugonBurahin
  3. @LordCM - tama kayo sir, marami sa atin ang nahahalina mangibang lugar dahil na din sa kahirapan. Pakikipagsapalaran sa buhay ang tanging sagot dito. Kailangan pang makisalamuha sa ibat ibang kultura hindi nating kinasanayan para lamang may malamnan ang tiyan ng ating naiiwan. May karugtong pa sana ito sir, pero sa susunod na lang.. hindi ko pa nagagawa hehehe..

    maraming salamat po...

    TumugonBurahin
  4. @mommy-razz - magandang araw sayo mommy, masanay na kayo sa malalim na post ko hehehe, nasasanay na kasi ako mangiliti at humamon sa utak ng magbabasa para sa interpretasyon ng sulat ko.. tulad mo nito, simple lang naman ang aking nais na ipakita.. pero sabi nyo nga, kailangan nyuo languyin.. sige lang po hehehe...

    salamat din po sa inyo.. :)

    TumugonBurahin
  5. parang sagot sa latest article ko to eh :D

    TumugonBurahin
  6. lahat ng lugar ay maganda. depende sa taong tumitingin nito. may mga lugar na maganda para sa akin pero para sayo ay hindi. at lahat ng kagandahang nakikita natin sa bawat lugar na yun ay may kasamang mga panganib, mga halimaw na nananahan sa mga iyon.. na kung di tayo magiging matalino at maagap, ay syang lalamon sa atin.. sa ating pagkatao ng buong-buo.

    Hindi mo masasabing maganda ang isang lugar base lang sa nakikita mo. Para sa akin, masasabi ko na maganda ang isang lugar kung nakagawa ako ng maganda, maayos at tahimik na buhay sa lugar na un..

    TumugonBurahin
  7. @LordCM - Oo nga sir, napansin ko din yun.. medyo related sa post nyo... :)

    salamat po ulit sir

    TumugonBurahin
  8. @Yanah - tila nilalagnat ka pa din hehehe.. tama, kagaling naman eh.. pero ang lugar na maganda ay bumabase sa ating paningin. Kung titingnan na tin ang isang bagay sa malayo, masasabi natin kung nasa ayos ba ito o hindi.. tulad na lang ng isang lugar. Yan ang initial na reaksyon natin. Tulad na post na ito, noong nasa loob ang karakter na si "ako" dun nya lang nakita ang pagbabalatakayo ng lugar na iyon.. tama naman na maganda sa panlabas na anyo nito.. pero sa loob ay sabi mo nga, puno ng halimaw na pedeng kumain sa kanya ng buong buo..

    2 choices, ang sumama sa kanila at maging kauri nila o ang lumamaban..

    magandang araw sayo yanah.. :)

    TumugonBurahin
  9. hindi mo naman malalaman ang kagandanhan ng isang lugar kung hanggang tingin lang ang gagawin mo eh diba? you have to be in it, live in it.. feel it.. breathe it..para mahatulan mo ng tama kung maganda ba ito o hindi.

    so parang if you cant beat them join them ang drama? hmmmm tama, the choice is yours..
    hanggang san ka ba tatagal? hanggang kailan mo kakayanin na lumaban? mas madali bang sumuko at magpatianod sa mga halimaw na to? walang ibang makakasagot nyan kundi "sya" kung sino man sya...

    sa desisyong pag-alis bitbit ang lahat-lahat na...u can never turn back, u can never go back sa dati mong buhay, ang maari mo lang gawin eh ang labanan ang mga halimaw na un o maglakbay ulit, maghanap ng panibagong lugar at makipaglaban sa panibagong sets ng demonyo na nananahan sa lugar na iyong mapipili.. either way,life goes on and on.. it only stops when u stop breathing..

    di ko alam kung may kabuluhan pa pinagsasabi ko :-| lol

    TumugonBurahin
  10. @yanah - sabi ko nga kanina, ang tingin sa malayo at initial na reaksyon ng makakakita. Tamang masasabi lang natin kung maganda nga ba o hindi sa totoo kung makikita natin ng malapitan, tulad ng lugar na sinasabi ko hanggat hindi nakapapasok sa loob nito.

    Naplitan, hindi ibig sabihin na kagustuhan pero since iyon na ang kanyang naging desisyon, kailangan lang panindigan. HIndi maaring hindi babalik sa pinagmulan at sa dating buhay, tulad ng post ni sir CM, ang ofw na nangarap at bumalik sa at nabigo sa sugal, ay hindi bumalik sa dating buhay, bumalik sya at magsisimulang muli ng panbagong buhay.

    If you cannot beat them, join them. Mali para sa akin, ung 2 choises ko, mali ang sumama sa kanila. Ang pagsama sa kanila ay para na ring pagsuko sa hamon ng buhay.

    Maganda yanah ang lahat ng iyong nabanggit.. Nakatutuwang nagpalitan tayo ng opinyon hinggil dito. Maraming salamat ha..

    isang huggsss na malaki para sayo.. :)

    TumugonBurahin
  11. Parang Dolyar.. tumatagingting ang tunog ng dolyar.. nakakasilaw..kahit di naman kumikinang.... hehehe.. naisip ko tuloy yung aswang si edward cullen..hehehehhe! :)

    Hi Dre!

    TumugonBurahin
  12. @Kamil - nairelate mo sa dolyar hehehe.. ang sabi ng iba, iba talaga pag kumikita ng dolyar, ang akala naman ng iba, basta kumikita ka nito eh mayaman o magiging mayaman ka na. Maaring tama, pero hindi nila nakikita ang sakripisyo ng taong nagsisikap para dito. Nasasabi lang natin na malaki ang kita pag dolyar pag iyan ay ipiandala dito sa atin.. syempre malaki ang palitan eh, pero sa lugar na kinikitaan nyan.. halos walang pinagkaiba dito sa atin dahil mataas din ang kanilang way of libing..

    bahala ka na umintindi sa mga pinagsasabi ko eheheh...

    magandang araw sayo :)

    TumugonBurahin
  13. parekoy sa opisina ko ito babasahin...para mafeel ko, alam ko may kakaiba na naman dito..haha..day off ko kasi now. happy weekend parekoy.

    TumugonBurahin
  14. @Akoni - oo nga pala, firday ngayon, rest day ng mid east.. enkoy na day parekoy.. ingats lang sa gala hehehe

    magandang araw sayo :)

    TumugonBurahin
  15. hanglalem!!! iba nsa isip ku ih..
    kala ko probinsyano n papadpad
    ng Maynila...ganun...jejeje..
    kasi madmi ding mga tga probinz
    ang nagaasam makatungtong ng maynila
    dahil kexo mraming oportunitis and so on...

    basta ang lalim...! jejeje
    happy weekends parekoyzzzz.....!!!!

    TumugonBurahin
  16. Kala ko isa na naman itong pang-horrot na kwento, di pala. May ikakapulot pala. Parang mga advertisements lang. Lahat ng maririnig mo ay ang pagpupuri, sa likod pala nito'y may nakatagong lihim na ikakasira ng puri nito.

    TumugonBurahin
  17. iba ang post na to. nakakabroad ng pagiisip. pati sa kumento ng mga readers mo at ang pagpapalitan ng kuro-kuro at pananaws. :D

    akala ko nung una kung anong horror story na magigising sa bangungot lang.

    TumugonBurahin
  18. you nver fail to amazed me :)

    keep it up!

    TumugonBurahin
  19. at dahil sa para kong tanga hindi ko nabasa na napilitan lang pala at hindi naman binitbit ang lahat.. naiwan pa rin pala sa pinanggalingan nya ang anino ng kanyang pagkatao. Anino na maari nyang balikan once na magdecide syang magsimula ng panibago, anino na siyang kukumpleto/bubuo sa kanya.

    sinabi kong if you cant beat them, join them..
    bakit?
    reyalidad ng buhay. hindi lahat ng tao ay matapang. hindi lahat ng tao ay sumusugal, hindi lahat sumusuntok sa buwan, hindi lahat ng tao matatag. ang iba, kabaliktaran ng mga nabanggit, na imbes na salungatin o salubungin ang rumaragasang tubig para makarating sa dapat na paroonan, ang iba, nanghina at hinayaan na lang ang sarili nilang tangayin ng alon.. tangayin palayo sa kung ano ang dapat at kung ano ang nasa puso nila..

    maraming klase ng tao... at sa sinabi ko, sa tingin ko naipakita ko ang dalawang klase nito. dalawang mukha ng buhay na sa panahon ngayon, kahit nakapikit ka ay makikita mo..

    TumugonBurahin
  20. good luck...............gagabi na naman,hehe..

    TumugonBurahin
  21. balat-kayo, pagpapanggap, ilusyon at iba pa

    TumugonBurahin
  22. mapagpanggap,plastik,mapagkunwari...



    magandang umaga banjo:)

    TumugonBurahin
  23. masarap mabuhay ng simpli lang sa liblib na lugar kUng saan kinakatakutan ng marami ay ang mga awsang at malignong nasa isip lamangPero higit na nakakatakot ang maliwanag at makulay na buhay sa lungsod na mismong ang mga taong buhay ang iyong dapat pakaingatan.

    TumugonBurahin
  24. ayan... makakapag koment na ako.. kahapon ko pa gustong magcomment.. kaso.. ewan ko ba sa net namin eh sobrang tagal...

    1. naranasan ko ang makatulog sa bus.. tapos.. naiwan ako magisa.. dahil na flatan kami.. at ginising nalang ako ng kundoktor..

    2. naranasan ko ang managinip na hinahabol ako ng mga aswang...

    3. naransan ko ang mamangha sa ganda ng isang lugar.. ito ay noong una akong makapunta ng Malaysia... oh ha kala mo Manila no.. ehehhe

    maganda ang pagkakasulat mo.. nice siya... tama ka.. nagbabalatkayo nga ang mukha ng isang lugar.. at maraming nakatago dito..

    TumugonBurahin
  25. hello, magandang gabi.

    ang husay naman ng iyong metaphor para sa lungsod.:) teka, matagal ka na rin sa kagubatan ng lungsod, anong klaseng monster/creature ka naging? haha... o, patuloy ka pa ring tumatakbo pag gabi? :s

    kamusta?

    TumugonBurahin
  26. uuy!! coincidence ba ito?! check mo blog ko.....

    haay...akin ka nalang! galing mo talaga! hahahaha

    TumugonBurahin
  27. dami kong natutunan... deep and senti... tama nga naman puro praise lang hinahanap ng tao.. how about the sad part can they take it...

    TumugonBurahin
  28. para sakin.. nasa tao pa din ang desisyon... hehehe... nasa tao na din kung gusto nyang panindigan ung desisyon na yun...

    TumugonBurahin
  29. @lhuloy - tama naman, probinsyano din na nakikipagsapalran sa maynila hehehe.. gnun din un katie... salamat ng many sayo...


    @kristian - maraming salamat sau.. oo, parang advertisement lang. syempre para tangkilikin ang produkto eh puro good things ang makikita o ipakikita diba? ung side effect nyan saka na ang eksplanasyon.. :)


    @khantotantra - salamat sir, medyo naiba nga ang post na ito.. pero ganon pa din.. nilaliman ko para di direktang tumama sa pinatutungkulan ko.. masyado nga brod at maraming bagay na ikmupara dito.. tulad po ng komento ng mga nagbasa..


    @Ate bhing - salamat po ng madami sa inyo.. :)

    TumugonBurahin
  30. @Yanah - wow.. san galing yan.. hahaa..

    ang bawat umaalis, hindi pedeng hindi babalik lalo na kung ito ang iyong kinasanyan, san man tayo mapunta. hahanap hanapin ito hanggang sa tayo'y bumalik.

    may mga taong sa halip na tumaya sa sugal, mas pinipili pa nyang bumakas sa bangka. ayun nga ang sabi mo, ke mali man nagpapatianod na lang sya sa agos. Ang matinding rason ay upang mabuhay.. Pero mali diba? sa bandang huli kasi, maaring kamatayan din ang kapalit ng lahat. kung hindi tayo lalaban, para na ring isinuko na natin ang ating kinabukasan...

    ayan ayaw ko na humaba hehehe. nangangalay na ang daliri ko eh..

    salamat ng madami sayo.. :)

    TumugonBurahin
  31. @Arvin - maraming salamat sir, ingats tayo lalo na at madilim ang paligid.. iba ang anyo ng ating kapaligiran pag ganitong pagkakataon..


    @Bino - tama po.. maraming hindi nakikita ng ating mga mata. o maaring dinadaya lang tayo ng ating mga paningin sa mga kaganapan sa buhay... maraming salamat po sir :)


    @Jay rules - maraming salamat sir.. tama.. ang mundo ay puno ng pagkukunwari..


    @Diamond R - ang mga halimaw sa liblib na lugar. Atin pang napapghandaan sapagkat alam natin ang kanyang itsura.. pero ang halimaw sa lungsod.. hindi natin alam pero nakakasalamuha na natin pala... magandang araw po at salamat sa inyo sir :)

    TumugonBurahin
  32. @Musinga - naranasan ko na din yan sir hehehe.. ang matulog sa byahe tapos kakalabitin na lang ako ng kundoktor, ako na lang pala ang pasahero hehehe

    sa isang lugar, gaano man ito kaganda, may pangit pa din itong itinatago. Madalas hindi natin ito napapansin.. mapagbalatkayo talaga.. nagtatago lang sa kagandanhan..


    @Doon po sa amin - nakapamuhay na din ako sa lungsod, pero sa sarili ko hindi ako naging monster hehehe. pero marami akong nakita, mga hayop ang ugali nila.. mga kapitbahay na nga lang sir eh, mistulang mga matsing sa ingay, nagkukwwntuhan tungkol sa buhay ng kanilang mga kapitbahay.. hahaha... magandang araw po..

    @Iya khin - nanggaling na ko sa blog mo hehehehe.. nagkataon nga lang ba? magandang araw sayo.. o tahan na


    @Kikomaxx.. maligayang pagbabalik sir.. hahaha.. salamat po ng madami.. gandang araw


    @Leonrap - ang desisyon, nananatili itong tama basta't pinaninindigan :)... salamat sir.. at magandang araw sayo :)

    TumugonBurahin
  33. napakagandang kwento! Sana naman ay dumami ang mga Pinay at Pinoy na susulat ng tulad mo, malikhain at sa Tagalog. Sayang naman ang wikang Pilipino kung magiging pinaghalong Tagalog at Ingles. Oo nga at hindi naman maaring magsulat at magsalita sa Tagalog na walang halong hiram na salita katulad ng mga taga Europa na hindi naiwasan ang mahaluan ng Latin ang kanilang mga wika dahil sa maraming panahon ng pananakop ng mga Romano sa halos lahat ng Europa ngunit kung tutuusin mo ang Ingles at Kastila ay magkaiba pa rin. Sana naman maingatan natin ang mga sailitang sarili pa rin natin.

    TumugonBurahin
  34. nakakamanghang kwento o karanasan ito ahh.. :)) Sadyang totoo ang lahat at puro halimaw ang nasa Maynla!!!

    TumugonBurahin