Huwebes, Marso 10, 2011

ANG BATA, ANG BINATA AT ANG MATANDANG MAY KAPANSANAN



"Marami akong kita ngayon, makakabili na din ako ng masarap na pagkain, pero hindi pa rin pala.. tsk tsk.. mamaya darating na naman si Kuya, kukuhanin na naman ang pinaghirapan ko, konti lang ang matitira sakin. Hayyy, ganyan talaga ang buhay." sabi ng bata sa sarili.

 
Malungkot lang na nakatingin ang bata sa perang kanyang nalikom, bakas sa mukha ang pagod at hirap na dinaranas sa araw araw na paglaboy para lang magkaron ng makakain. Ang isang nagpapahirap pa sa kanya, palagi nyang kasama ang isang matandang pulubi, hindi nakakapagsalita,  hindi nakakakita at hindi din nakakarinig.

 
"Bata, bakit puro ka reklamo? Bakit ka nagtitiis ng hirap? Alam mo naman sa sarili mo kung anong problema, bakit hindi mo gawan ito ng solusyon" Isang tinig ang kanyang narinig, hindi nya malaman kung san nanggaling. Palinga linga muna ang bata, naghahanap ng nagsasalita.

 
"Sino ka? Nasaan ka? bakit hindi kita makita?" Tanong ng batang palinga linga.

 
"Manong, narinig nyo yon? Nakita nyo ba? Oh baka kayo ang nagasalita? hmm.. pero imposible, bulag ka na, pipi at bingi pa.. San kaya nanggaling ang tinig na yon?" Kausap ng bata sa katabing matanda sabay kamot sa ulo.

 
"Hay bata, hindi sasagot sayo ang matandang yan. Nakita mo na ang kanyang kalagayan." Ang tinig na muling narinig

 
"Sino ka? Magpakita ka sakin.. anong kailangan mo? Bakit ayaw mong magpakita"

 
"Tanga ka bata, nakikita mo na ko pero di mo lang ako pinapansin, pero hindi na importante iyon. Sa totoo lamang eh malaki ang kailangan ko sayo, pero hindi ko maaring sabihin, gusto kong sayo na din ito manggaling. Yung kusa mong ibibigay sakin." Sabi ng tinig

 
"Teka muna, may padating.. mamaya na tayo magusap.. nandiyan na si Kuya. Panigurado, kukuhanin na naman nya ang nakalap ko." Tugon ng bata habang nakatingin sa padating na binata. Mababakas ang takot at galit sa mukha ng bata.

 
"Bata, musta, nasaan ang pera mong nalikom ngayon? Akina.. kailangan ko ang mga yan. Nagugutom na ang mga alaga ko, ilabas mo na madali" Ang pasinghal ng sabi ng binata, sabay akbay sa matandang pulubi na walang kaimikimik na nasa pagitan nila ng bata.

 
"Eto na kuya, sayo lahat ito." sabay abot ng pera sa binata.

 
"Bwahahaha.. magaling. Ikaw Manong, dito ka lang palagi sa tabi ng batang ito ha?.. hahahah. Mahusay ang ginawa mong pagbabantay.. bwahahahaha.. bwahahahaha... hanggang sa muli bata, bibiyahe muna ko sa kapitbahay.. bwahahahaha.... bwahahahaha... " Dinig pa din ang tawa ng binata habang papalayo, binibilang ang hawak na pera at pagkatapos ay isinilid sa bulsa.

 
"Hoy mahiwagang tinig, wala na si Kuya. Ano ulit ang sinasabi mo?" sigaw ng bata

 
"Nakikita ko ang nangyayari sa inyong tatlo, ikaw bata, bakit mo hinayaan lang ang ganito? Kuntento ka ba sa ganitong kalagayan ninyo? Hanggang kelan ka ba magtitiis ng hirap ha? Hindi ikaw ang batang kilala ko noon"

 
"Wala akong magawa tinig. Ng dahil sa matandang pulubing ito. Dahil sa kapansanan nya kaya ako nagkakaganito, naghihirap, namumuhunan ng pawis at dugo sa araw araw. Pero sanay na ko sa ganito tinig. Sanay na ko sa hirap at pagtitiis."

 
"Kung ganon, parang inamin mo na din na kuntento ka na sa ganyang buhay. Parang inamin mo na din na wala kang kinabukasan. Maatim mo ba ang ganito na sasapitin din ng susunod mo pang henerasyon?" Sumbat ng tinig.

 
"Ang problema ko nga ay ang matandang ito. Hindi mo ba nakikita? Nilikha ito ni Kuya para sa akin.  Kung hindi lang sa matandang ito, kung nakakakita at nakakapagsalita lamang, at kung nakakarinig na din. Kahit paano, may matatanaw akong magandang bukas. Pero hindi eh, bulag pipi at bingi ito.  Pero sa kabila ng kanyang kapansanan, lumalaban pa din ako ng patas. Gumagawa ng paraan para mabuhay. Lahat ng klaseng hirap kaya kong harapin." Nakamangalumbabang sagot ng bata.

 
"Alam mo naman pala ang problema, nakikita mo naman pala. Pero bakit hindi ka gumawa ng solusyon dyan. Hindi yung puro ka reklamo. At mali ang sinabi mong ang Kuya mo ang lumikha sa matandang iyan. Sa totoo lamang, ikaw ang lumikha sa yong Kuya at pagkatapos non,  pareho kayong lumikha sa pulubing iyan. Wala 'yang kapansanan noon. Mabuti ang pagsasama nyo ng inyong kuya. Ng dahil lang sa ganid at pansariling interes ng iyong tinatawag na Kuya, tinanggalan nya ng paningin, ng tinig at pandinig ang matandang iyan. At iyon din ay alam mo. Ang nakikita ko sa inyong dalawa ngayon, nabubuhay lang kayo para sa sarili nyo at hindi para sa akin." Mahabang litanya ng tinig.

 
"Alam mo pala ang nangyayari, bakit hindi ikaw ang gumawa ng paraan kung gusto mong mabuhay kami para sayo?" tanong ng bata pagkatapos ay tumuwid ng upo.

 
"Kung maari nga lang sana, matagal ko ng ginawa. pero hindi maari dahil ang aking buhay ay nakadepende sa inyo." Malungkot na sabi ng tinig.

 
"Sino ka bang talaga, bakit mo sinasabi sakin ang lahat ng ito. Ano ba ang talagang kailangan mo sa akin?"
 
"Importante pa bang malaman mo kung sino ako? hindi mo ba nararamdaman o talagang manhid ka na lang kagaya ng Kuya mo? At alam mo na din ang kilangan ko sa iyo. Isipin mo lang mabuti. Pero sige, babangitin ko sayo ang mga pangalan nyo at saka mo sabihin sa aking kung sino ako.. Ikaw bata ka, ang pangalan mo ay Masa, at ang tinatawag mong kuya, siya si Gobyerno diba? At ang matandang iyan, ang bulag, pipi at binging matandang iyan. Siya ang inyong sistema."

 
"Oo kilala na kita. Ikaw si......." 




 

46 (na) komento:

  1. taaadaaaa...ako ang iyong konsensya.

    TumugonBurahin
  2. "Ikaw bata ka, ang pangalan mo ay Masa, at ang tinatawag mong kuya, siya si Gobyerno diba? At ang matandang iyan, ang bulag, pipi at binging matandang iyan. Siya ang inyong sistema." TAMA.. hehe..

    magandang hapon sau jan..

    TumugonBurahin
  3. @Kraehe - hahaha.. si konsesya ba yun? hahaha

    teka hindi eh...

    salamats...

    TumugonBurahin
  4. @Mommy rizza - maraming salamat po.. medyo naging busy kaya madalang makapamasyal sa mga kablogs.. pag may time namamasyal ako hehehe..

    magandang araw po...

    TumugonBurahin
  5. rizza na naman? cnu c rizza hahaha! razz ako.. mommy-RAZZ ako.. hehe!

    TumugonBurahin
  6. oo nga po pala hahahaha.. senya na po mommy razzz, nagkamali na naman ako hehehehe

    TumugonBurahin
  7. @ARchieviner - may ipinapakita ako sa kwento hahaha.... ang nagsasalita.. sino kaya sya? sino ang tinig na yon?

    maraming salamat parekoy.. :)

    TumugonBurahin
  8. whaha ang kulit.. parang yung daming TVC ng tide...

    TumugonBurahin
  9. @Axl - maraming salamat sayo parekoy.. hehehehe...

    TumugonBurahin
  10. napaisip naman ako.. pero di ko parin lam kung sino xa... sino nga ba xa ser?

    TumugonBurahin
  11. @Neneng - kilala mo sya, kilala natin lahat ng nakabasa ng post na ito.. at alam mo ba.. ikaw din ang bata doon.. :)

    magandan araw...

    TumugonBurahin
  12. wow, ang lalim na naman.

    puro kamalian na lang ng Pilipinas. hehehe

    Mahal na mahal mo cguro ang ating bansa?! hehe

    TumugonBurahin
  13. si big brother yan... ahahaha... :D

    sino yun? si Justice? si Tama? si Katotohanan?

    nice one... :D

    TumugonBurahin
  14. pero kung nakadepende sya sa masa at sa gobyerno..posibleng siya din si Pilipinas.. :D

    TumugonBurahin
  15. WOW..pareng istambay...Inlove na ako sa mga sulat mo...magaling..sana matuto ang bata na lumaban sa kuya niya para maipagamot niya ang matanda..seriously, another great article pare.

    TumugonBurahin
  16. @Mr Chan - ipinapakita ko lang sir ang realidad na pangyayari sa atin. OO sir, mahal ko ang ating bansa.. Umaasa din syempre ako na sa kanyang pagbabago at tunay na pagunlad. Kasama kaming maralita.. :)

    maraming salamat sa inyo po


    @SuperG - Salamat po sa inyong pagbisita... Ang tinig pong nagsasalita ay si Pilpinas, ang bata ay ang Masa o ang mamamayan, ang Binata po ay ang gobyerno.. at ang matandang bulag pipi at bingi.. siya po ang sistema... ipinakita ko sa paguusap ang kalagayan ng Masa sa katauhan ng bata.

    maraming salamat po sir.. :)

    TumugonBurahin
  17. @Akoni - salamat parekoy.. tulad ng nabanggit ko kay Sir Gulaman. Ang bata ay ang mamamayan, ang ang ating sistema.. bulag pipi at bingi. Nasasa atin din naman kung paano natin magagamot ang sistema. Mahirap nga lang pero sa pamamagitan ng magsasama, pagkakasundo ng gobyerno at ng masa, maibibigay natin ang kailangan ng Pilipinas..

    TumugonBurahin
  18. @SuperG - tama sir.. siya nga... Ang ating bansa. Siguro kung magagawa lang nyang magsalita.. Makakarinig lagi tayo ng hinagpis..

    salamat sir...

    TumugonBurahin
  19. hala...sino nga ba sya...jejeje

    pde kang maging editorial writer kua banjo...husay!

    TumugonBurahin
  20. @Lhuloy - Siya si pilipinas... :)

    thanks ng many...

    TumugonBurahin
  21. pasapul sa mga taong walang pagpapahalaga sa bayan....

    nice metaphor... clap clap clap....

    bow!!!!

    TumugonBurahin
  22. kala ko si Bro... ung pla si pinas...
    natawa ako sa "konsensya" ah... ahaha

    TumugonBurahin
  23. "Kung maari nga lang sana, matagal ko ng ginawa. pero hindi maari dahil ang aking buhay ay nakadepende sa inyo."

    eto un eh! etong eto un eh! ang lufet!

    TumugonBurahin
  24. Love na love mo talaga ang pinas, lagi kang may post tungkol dito. Tama ka, nasa-atin nga din ang pagunlad ng bansa. Sana ay matuto na tayo....

    TumugonBurahin
  25. Dre...ang bansa naman pala ang tinig... akala ko si Papa Jesus.. hahahahaha.. kase sabi mo ang mabuhay para sa kin.. pero totoo yun.. wahahahahaa... bwahahahahaha bwahahaha bwahahaha bwahahaha.., ginagaya ko lang tawa nung gobyerno.. politician? hahahaha hmmmmmm...... lahat ng mamamayan ng pilipinas..parang makasarili.

    TumugonBurahin
  26. anak.... bakit pagbalik ko di parin nakapost ang comment ko... hwaaaaaaaaaaaaaa... di ata ngpost kagabi ahhh.... anyway... uulitin ko na lang kung maaalala ko pa...nakakainis ang taong walang pagmamahal sa bayan... ehehhee... paiksiin ko nalang... mala nobela pa naman yun kagabi... hmmmm

    TumugonBurahin
  27. Hihi natawa ako sa comment ni Mr Chan

    Mahal na mahal mo cguro ang ating bansa?! hehe

    Napansin ko rin eh hehe pero tama ka nga naman, realidad lang naman ang mensahe mo. Ang hirap lang ireconcile ng kahirapan ng Pilipinas sa image ng mga naglulustay ng salapi sa paligid-ligid...

    TumugonBurahin
  28. mag-politician ka nalang parekoy, boboto kita. kailangan natin ng mga pinuno na katulad mo, mahal ang ating bansa...hay

    TumugonBurahin
  29. ummm tama pala ang hinala ko... ahehehe...

    naalala ko tuloy yung sinabi ng isang Koreano kung bakit mahirap ang Pilipinas...ang sabi nya hindi korupsyon ang problema ng bansa.... hindi din ang sistema... kundi ang kawalan ng pagmamahal sa sariling bansa..kawalan ng pagmamahal sa Pilipinas.

    ito yung video nun sinabi nya sa youtube: Click Here

    TumugonBurahin
  30. ang iniisip ko ay ang bata, binata at matanda ay iisang tao lang. parang si past, present at future. pero di ako sure.

    TumugonBurahin
  31. kay bait ng bata..mayroon din namang kapalit ang kabaitan niya..he is with God..adda tarigagay na ta ubing.

    TumugonBurahin
  32. @EgG - salamat parekoy.. sapul ba hehehe


    @bino - tama sir, ang tinig sya si pilipinas...


    @Arvin - si pilipinas parekoy.. sya ang tinig na nagsasalita

    @Leonrap - parang lumalabas kasi na kunsensya ang nagsasalita... pero si pilipinas un hehehe... sa kwento lang..


    @Nimmy - ayos ung line na pinck up mo ah.. oo nga, maaring irelate sa ibang bagay,.

    TumugonBurahin
  33. @Kalokang Pinay - sa totoo lang po, madalas ko lang mapansin ang mali dito sa atin.. ung totoong nangyayari. Baka kasi dumating ang panahon na ito ay malimutan ko na din eh.. at list po eh may maibabahagi pa ko sa aking anak.. ang pagunlad kasi ng bansa, kasama sa pagunlad ang mamayan nya.. thanks po


    @Kamila - ung kwnto ko eh pinaikot ko lang sa nangyayari, ang kaswapangan ng binata (gobyerno) sa pinaghihirapan ng bata (masa).. sabi nga, walang magawa ang bata dahil sa matandang bulag, pipi, at bingi (sistema). Ang tinig na si pilipinas ang nakakakita ng pangyayari, ang totoong nahihirapan. .. maraming salamat marekoy.. :)


    @Glentot - Salamat sir, dapat naman siguro lahat ng pinoy, magmahal sa sariling bansa. Atin kasi ito.. tayo ang namumuhay at nagpapatakbo nito.. nga lamang, talagang merong mga pansariling interes na lang ang iniisip, gumagawa ng paraan sa kahit ano pa para lang magpayaman. doon nabubulag ang ating sistema. nangunguna ang naka pwesto sa mga paraang tumatapak sa karapatan ng iba.


    @Kyle - ayoko sir mag pulitiko, ayaw kong maging parte ng maruming larangang iyan.. hehehe.. sila na lang.. makakapagsilbi pa din tayo sa bayan sa sarili nating paraan.. di na natin maging sikat at maging marumi tulad ng ibang pulitiko.. :)

    TumugonBurahin
  34. @superG - Tama sir, ang kawalang ng paki ng isa sa sariling bayan, malaking epekto na sa mabagal o hindi nito pag unlad.. kasi kung mahal ang sariling bayan, sakop na noon ang lahat. Uunlad ang isang bayan kung maipapakita at magagawa ang pagmamahal na iyan..
    block ang flash sir kaya sa bahay ko na ito panoorin.. :) slamat po

    @Khantotantra - maari din sir.. pero ang ipinapakita ko lang ay ang tatlong malaking bahagi ng ating bansa.. ang mamamayan, ang gobyerno at ang sistema.. salamat sir

    @Emmanuel - alin po ang mabait hehehe... maraming salamat parekoy..

    TumugonBurahin
  35. Uulitin ko na naman Bossing. :)

    Yong metaporika na bata, kuya at matanda.

    Magandang presentasyon ng karakter sa isang lipunan.

    Bata na nangangahulugan ng pwede pang magbago, lumiko at may lakas pa, kuya na may karanasan na at tuso at ang matanda na tumutukoy sa kapaguran o hingal o pagsuko.

    May sistema, ang problema, walang disiplina.

    TumugonBurahin
  36. magaling magaling.... ang lalim ng pinaghugutan...

    TumugonBurahin
  37. @Jkul - Tumpak sir, sabi ko na hindi maaring hindi nyo makikita.

    Ang bata, kung tutuusin eh siyang may kagagawan o may likha kung bakit nandun ang binata.. kung bakit naging tuso at mapanlamang. Ang matanda, nilikha ng binata upang ilagay niya sa pagitan nilang dalawa. Nawalan ng disiplian, umabuso ang binata kaya binulag nya ang sistemang nakaharang sa bata.

    Magandang araw sa inyo sir.. salamat po sa inyong pagdaan :)


    @Jedpogi - salamat sir jed... magandang araw po

    TumugonBurahin
  38. ikaw bata dapat lumaban ka....magaling,,,pero natawa ako sa tawa ni kuyang BWAHAHAHHA....
    teka pwede kong ikras ang stilo ng iyong pagsusulat..galing galing,,,viva

    TumugonBurahin
  39. simulan natin sa ating mga sarili, kelangang magpunyagi, aim high! lumakad sa matuwid na landas. laging isipin ang solusyon wag magfocus sa problema lang

    TumugonBurahin
  40. hay naku! pakiss nga!!!! galing-galing talaga!MASA,GOBYERNO AT SISTEMA english ba yan?!!lol

    TumugonBurahin
  41. napahanga mo na naman ako.. napakamatalinhaga ng pagkakasulat.. simple pero maraming laman.. napakahusay mo magsulat.. saludo ako sayo..

    TumugonBurahin
  42. hello, banjo.

    ha, ha... ang hilig mo sa symbolism at metaphors.:] oks naman, nakakadala ang istorya dahil mahusay ka sa characterization at nakakadala ang plot.

    but i also have my reservations about the use of such approach. sa ibang araw mo din malalaman, hehe...

    anyway, partly because, it might slide into mere stereotyping and partly, because such style might reduce groups and beliefs into mere categories and may treat the people as rigid, collective mass. if so, the solutions that could arise from such analyses could simply be regimented prescriptions to perceived social ills. mga ganoon. :s

    but you do write really well. no doubt about that. :D

    doon po sa amin wordpress

    TumugonBurahin
  43. ang pilipino karamihan magaling lang sa salita pero tunay na tamad sa pag gawa kaya marami ang mahihirap dahil di kayang tulungan ang sarili.

    TumugonBurahin