Martes, Marso 01, 2011

BAWAL UMIHI DITO

 (nalaman kong ang tambay ay nagiging busy din pala kaya nagposte ng mabilisan lang muna.)


BAWAL UMIHI DITO

Ang nakasulat sa pader na inihian ni Pedro.. nakatingala pa at nakatitig sa pulang pula na letra. Sa di kalayuan ng pader ay ang bahay ni Ka Ode. Sa loob ng bakuran makikita ang iba't ibang hayop na alaga ni Ka Ode.

Nasa kalagitnaan ng pagtilandoy si Pedro ng may makitang butiki sa itaas ng pader..

"tsk tsk tsk tsk" ang sabi ng butiki

Narinig ng kambing ang taltak ng butiki, ang sabi pa...

"May umeehehehehehehe" ang sigaw ng kambing sabay baling sa baka

"Oo ngaaaaaaa" sang ayon naman ng baka..

Nagulat si Pedro.. pero binalewala lang ang ingay ng hayop. Ng sa di kalayuan, nagingay na din ang pabo na alaga ni Ka Ode..

"Kalake lake lake lake lake lake lake lake" ang sabi ng pabo na nagkakandahaba ang leeg..

"katakutakut.. katakutakut.." ang putak naman ng nagulat na manok.

Dali daling nagtaas ng zipper si Pedro.. ng matapos, natanawan nya si Ka Ode sa may bukana ng tarangkahan.. Agad syang lumapit at bumati.

"Magandang araw po manong, ayos ang mga alaga nyong hayop ah.." ngiting ngiti pa na sabi ni Pedro.

"Teka utoy, ikaw ba ay isa sa mga alaga ko?"

"Aba bakit ho?"

"Mangyari ang alaga ko eh kung saan saan lang umiihi"



***Kung may isip lang ang hayop, baka tao na ang gawing alaga nila. 





 

34 (na) komento:

  1. wahha oo nga, may mga rest room naman sa bahay bakit kailan kung saan-saan pa umiihi :D

    TumugonBurahin
  2. Sana ilagay nalang natin e "Bawal umihing nakaharap sa pader, dapat nakatalikod sa pader" thank you...haha

    TumugonBurahin
  3. @axl & Akoni - hindi yata bagay ang ganitong kwento sa akin hahaha.. natatawa ko...

    TumugonBurahin
  4. sapul.

    dapat talaga gamitin ng tao ang katalinuhan na pinagkaloob sa kanya.

    TumugonBurahin
  5. huaahahahahaha...nakakatawa mga koments ni kua akoni..jajaja

    wow sa lagay nga naman busy kapa huh...nice nkakatawa nga!

    TumugonBurahin
  6. hmm.. buti ang babae hindi ganyan!haha!

    TumugonBurahin
  7. kung ganyan ba naman ang busy ay sana'y busy na rin ako... eheheheh... natawa naman ako sa post mo...

    TumugonBurahin
  8. natawa ako sa mga sinabi ng hayop lalo na kay pabo...

    "Kalake lake lake lake lake lake lake lake"

    buti na lang di ako ganyan... never ko pa naranasan umihi kung saan2x simula nung akoy pabinyagan lolz..... :D

    TumugonBurahin
  9. Hahaha, umaga dito at nagising naman ako sa post mo! Bakit naman kasi makulit mga ibang tao? Kasi "masarap ang bawal" ang drama nila? hmmm

    TumugonBurahin
  10. kalake lake lake!!! hahaha! ayan kasi kung saan-saan umiihi!! bakit ang babae di pwede?!! la lang epal ko lang!

    TumugonBurahin
  11. hayop dw ung taong kong saan saan umihihi.. hahaha! buti nga kay pedro.. ang daming portable CR ngyn pero kong saan saan lang..HMP.. hehe

    long time no see banjo..:)

    TumugonBurahin
  12. maganda yung naisip ni akoni...maraming matutuwa hehehe

    TumugonBurahin
  13. dati meron akong nakita "HAyop lang ang pwedeng umihi sa pader"
    hahaha... tao talaga...

    TumugonBurahin
  14. hahahaha. ang kulet moooooooo lang!

    TumugonBurahin
  15. parang narinig ko na tohhh hahahahaha.... hindi ko alam sa mga pinoy bakit ba umiihi sa kung saan saan.. baka manuno.

    TumugonBurahin
  16. nawalan lang naman ng malay habang umiihi. patay malisya lang sa mga panuto sa pader..

    TumugonBurahin
  17. hay naku grabe lalo na sa maynila, mapasa-daan or sa mga overpass... grabe nakakahilo. basta may sulok at hindi makikita si junior ay sige lang ang pag-ihi. eeeewwww...

    hahahaha

    TumugonBurahin
  18. napagulong ako sa tawa. Ang simple lang ng banat ni ka Ode kay Pedro.

    Kakaiba talaga ang Pinoy. Kahit saan anytime pwede.

    TumugonBurahin
  19. naninilip si ka ode kaya natatawa ano? =P

    TumugonBurahin
  20. nice post. galing ah! bakit kasi may mga ganyang tao na kung saan saan lang nagpi-pee hehehe

    TumugonBurahin
  21. natawa naman ako sa mga soundalike ng mga hayup hahaha! banjo, tagal mong nawala!

    TumugonBurahin
  22. sure bang ka lake lake yun ha? hehehe

    TumugonBurahin
  23. ang galing! nice post ulit!
    isang simpleng kwentong kapupulutan ng aral. way to go Istambay! :-)

    TumugonBurahin
  24. parang aso lng ha...
    kung san san umiihi :)

    ayos ang post!

    TumugonBurahin
  25. Haha nakaktuwa naman yung pabo hahaha anyway sakit na ata ng mga pinoy yan eh basta sulok iniihian

    TumugonBurahin
  26. parang mga aso sila na kung saan saan na lang umihi..wlang disiplina.

    TumugonBurahin
  27. okey. regards mo ko kay pedro dahil inihian niya yung pader! hahaaha

    TumugonBurahin
  28. haha! in your face pedro!!! aw joke lang....hehe

    TumugonBurahin
  29. Sa lahat po.. maraming maraming salamat po sa mga komento nyo.. medyo busy lang po ang tambay kaya ganyan ang entry ko.. hihihih...

    chheeeeerrrzz po sa lahat.. :)

    TumugonBurahin