Miyerkules, Pebrero 09, 2011

BASTOS BA O BASTOS NGA BA?

 (paalala: ang susunod na inyong mababasa kung di mo skipread hehehe ay naglalaman ng ilang salita nahindi angkop para sa mga  bata. Patnubay ng.... ng..... ng....  ah bahala ka na.. hehehe)



Kagabi lang habang kausap ko ang isang kapitbahay na matanda sa harap ng aming tindahan, Bumili sya ng isang sardinas, 5 piso na suka, isang balot ng miswa, at nang alltime magic sarap, biglang nalalag ang hawak nyang pera, di ko alam kung bakit pero sumigaw sya ng "ay puke ng palakang nahulog at tumalon ayyyyyy... " wahahaha.. sabi ko kay Inang.. "nasaan ho, nasaan? nasaan? wahahahaha.." "dyaskeng bata ka" pero pinulot ko isa isa ang barya na nanlaglag.

Iba't iba ang ekspresyon ng mga matatanda sa nayon o ang lumalabas na salita sa kanilang bibig kapag sila ay nagulat, o sa mga di inaasahang pangyayari na malayo ang kanilang pagiisip. Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa maseselang bahagi ng katawan ng isang tao o ng hayop. Katulad na lang ng "ay titi ng kabayong malaki", "ay uten mo", "ay bayag ng kalabaw", "ay titi ni San Pedro", at iyon nga sabi ni kakang "ay puke ng palaka".  Ang bastos ba? siguro nga bastos ito kung ang mag iisip ay isang mangmang. Iniisip ko kung ito ay kabastusan, bakit inimbento pa ang salitang itinitawag nating sa ating maseselang bahagi ng ating katawan. Sa tingin ko naman, kabastusan na ito kung sadyang tinutukoy na may halong malisya sa isip o kamanyakan.

Sa aming baryo may isang matandang magweweteng, iba naman ang estilo kapag nagugulat. Isang beses tumaya ako sa kanya kasama ko ang barkada ko, biglang sumigaw ang barkada ko ng "HINATAW NG PAYONG". at arrraaaaaayyyyyyyy.. hinataw nga ko ni kakang sa mukha, sapol na sapol. Nakatutuwang isipin na may ganong tao pag nagugulat, pero hindi ko naman pinagtatawanan.

Ang ganitong ekspresyon ay hindi lamang sa matatanda natin maririnig. Sa panahon ngayon,  maging sa mga kabataan o kahit sa bata pa lamang madidinig na din. Ang kaibahan nga lang, hindi lang sa pagkagulat nila ito binabanggit kundi maging sa kanilang ordinaryong paguusap. "PutangIna pare, ayos ito", "shit, nalumitan ko cell ko". "Tang ina naman, ang ganda, fuck". Yan ang palamuti sa bibig ng karamihan ngayon. Mga salitang kahit sa anong paraan pa natin banggitin. Sa katuwaan, sa kwentuhan, galit, pagdaramdam, sa kahit na anong pangyayari, hinding hindi mababago ang kahulugan.  

Siguro nga patunay lamang na lumilipas ang panahon. Kasabay ng pagbabago ng panahon natin ay pagbabago ng paguugali ng tao. At depende na din siguro sa kanilang paligid. Pero hindi naman isa siguro ito dahilan para maging palamuti na ito ng bibig sa araw araw. Hindi naman sana dumating ang panahon na sumalamin na din sa ating pagkatao ang lahat nababanggit nating ganito.

Wala lang, napansin lang ng tambay dahil kay Inang.  :)

55 comments:

  1. hahaha ako lagi kong hinahanap yung "Puke" pag may nagugulat na, "Ay Puke!" ang tanong ko sa nagulat "ASAN? ASAN?"

    TumugonBurahin
  2. @Moks - ako din parekoy.. hehehe.. aba malay natin diba hahaha.. :)

    TumugonBurahin
  3. hahaha... nakakatuwa talagang isipin na sa hindi inaasahang pagkakataon ay nababanggit natin ng hindi sinasadya ang mga ganyang salit. at kung marinig ng matanda ang ganitong salita sa bata ay magagalit. nakalimutan nilang sa kanila nagmula ang mga ganoong salita... history repeat itself.

    TumugonBurahin
  4. naalala ko tita ko noon... pag nagugulat siya sasabihing "ay suso malaki" (as in dede)

    TumugonBurahin
  5. BAKA NAMAN MAGREACT SI CHEENEE SA SINABI MONG PUKE NG PALAKA?

    HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!!.. at Dre..hindi ako nagkaroon ng 5110i.. ang unang una kong cellphone ay 3210... nyahahaha...

    kahit nanay ko.. medjo sumusyal na nga nanay ko dahil 4 na taon na sa states.. bullshit na ang dateng... PUKI..

    TumugonBurahin
  6. oo nga.. siguro expression na lang yun mga ganyan bagay... pero di rin maiwasan...

    TumugonBurahin
  7. @joana may - salamat po atekoy.. ang dami mong bahay pala hehehe


    @empi - diba? sa nayon maririnig pa yan sa matatanda hehehe.. salamatss

    @Kamil - oo nga no, wag naman sana haha, narinig ko lang un kay inang hihihi.. at nahuli ka pala sa uso no sa cell hehehe.. sa pagkakaalam ko, 5510 at wala pang "i" ang unang nokiang nagamit sa texting hehehe.. salamat.. at sosyal na si mudrax ha.. apir..

    @axl - oo nga parekoy, un mag mura eh balewala na lang din.. nakakalungkot lang isipin na mismong sa mga bata naririnig na.. sa ordinaryong usapan.. tsk tsk.. salamat parekoy.. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 5110 po ang una tapos 3210 tapos 5110i tapos trium tapos 3310 hanggang sa dumami na....

      Burahin
  8. natawa naman ako sa comment mo kamila..tae ka!hahaha..

    kungsabagay yun din lagi kong nasasabi pag nagugulat ako.. minsan puke ng palaka..punyetang palaka..at kung ano ano pang bastos na salita at lahat may palaka..:)

    TumugonBurahin
  9. "ay puke ng palakang nahulog at tumalon ayyyyyy... " wahahaha.. sabi ko kay Inang.. "nasaan ho, nasaan? nasaan? wahahahaha.." "dyaskeng bata ka

    MADEEE MYY DAAAYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!! hahaha.. siguro modern na ang panahon naten unlike noon na mara clara at royal royal.....

    anyway highway...sana nga mabawasan ang mga salitang to... mas mabuti kung isabatas lol.. :D

    TumugonBurahin
  10. @cheenee - mahal na mahal mo talaga si palaka no? dami dito nyan sa amin.. ang iingay eh, ang lakas kumokak.. pero di literal na palaka ha.. palaka lang ang tawag dahil sa lakas umepal hahaha.. ang ingay much... hihi


    @EGG - salamat naman parekoy.. apir..:) o baka may nabili ng indi ay index card pala hahaha.. :)

    TumugonBurahin
  11. hahaha natawa ako. di naman sa pagiging mabait, di ko kayang magsalita ng ganon.LOL hanggang shit lang ako.hahaha

    daig pa ako ng pamangkin kong 7 years old, madami ng nalalaman.lol

    TumugonBurahin
  12. @kyle - ang bait much hehehe.. ako din naman.. wag lang ako magugulat ahehehehe.. :)

    TumugonBurahin
  13. hello, maangas po akong naglanding dito sa blog nyo... share ko lang po, naalala ko lang yung sabi ng teacher ko... sabi nya "bastos daw ang isang bagay kung bastos ang nag-iisip"... hehehe pero kung ihahambing natin ang english sa filipino words parang mas malaman pa rin ang filipino noh? iba talaga ang pinoy!!! galing nice post po!!!

    TumugonBurahin
  14. Marami yan lalo na sa mga matatandang babae... naku yung iba ika nga eh "no hold bars" lol... ahahahhahaha

    TumugonBurahin
  15. tae lang. ang dami kong tawa.
    hahahahahahhahahahahahhahahahaha
    ayabn oh, madami yan diba?
    sa probinsya namin dati sa nueva ecija
    tuwang-tuwa ako kapag naririnig kong nagugulat ung mga matatanda dun. kung anu-ano kasing sinasabi nila. hehehehehe

    TumugonBurahin
  16. hahaha... nung bata pa ako eh madami akong naririnig sa matatanda ng mga ganyang expression.. ngayon eh wala na ksai patay na sila.. whahahah

    TumugonBurahin
  17. ahehehe...oks lang yan... may alam akong bastos... yun yung... "tumatae sa plato pagkatapos kumain".... ahahaha...ewwww... nice entry... :D

    TumugonBurahin
  18. wahaha...sang-ayon ako ko kay cheenee nakakatawa nga ang komento n kamilaa...wahahahaha....

    ako naman ay malakas dn ang kiliti...ung tem leder namen hilig akong pindutin nun sa tagiliran kaya napapasigaw talga ako ng "KAMOTE!". at dhil dun d n nya ko tnitigilan pagngkkta kme lageng gnun ang eksena...la leng jus sharing...jajaja

    TumugonBurahin
  19. bwahahahahahaha tang ina hayufff leche kung ang puke eh san-san nalang nakikita nakuh naman pasarap buhay ng puke na yon sex everywhere anywhere all the time anytime!! LOL

    TumugonBurahin
  20. ahahah.. gustuhin ko mang hindi tumawa pero natatawa ako.. kasi tinatamaan ako... aray... hilig ko kasi magmura... pero hindi naman ako bastos... ehehhehe....

    TumugonBurahin
  21. wakokokok. kakaiba mga expression na iyong nabanggit na sinasabi ng matatanda sa inyo. :D andaming variations :P

    TumugonBurahin
  22. hahaha! Siguro malungkot ang comment board kung walang CheeNee at Kamila,.........hindi kumpleto.

    CheeNee: baka destiny mo talaga ang palaka.
    Kamila: susyal si Mama.

    Parekoy naalala ko tuloy yung lola na kilala ko. Kapag ginulat mo ang sasabihin nya eh yung saktong words na binanggit mo.

    TumugonBurahin
  23. Ayuz to ah! mukhang mapapadalas ang tambay ko dito hehehehe...

    TumugonBurahin
  24. isang pagpapatunay na noon pa man may kabastusan na ang bibig ng tao hehehe

    TumugonBurahin
  25. Haaizt, maybe fuck, nasabi ko na pero un lang ata ang bastos na nasabi ko, ndi na ung mga tagalog terms! aahaha, pero now, I refrain saying those words, learned may lesson. AT ito'y hindi tama! These things happen kasi naadapt natin to sa ating surrounding or nainfluence tau sa iba na magiging habit na natin! ANd I think if maging habit mo to, it will reflect sa character ng isang to. At hindi ko naniniwala, a person cant control it! Nice post indeed. Very vigilant!Two thumbs up for this post!

    TumugonBurahin
  26. bidang bida si kokak cheenee ah.. ahaha... nagreact nga.

    aniweiz, tinamaan din ako dito ah.. hilig ko kasi magmura or magsabi ng badwords.. ehehe.. pero walang body parts na kasama like nung mga nabanggit... literal na mura lang talaga... hehehe...

    TumugonBurahin
  27. sabi ko nga dati sa post ko...ang pekpek,bayag,burat,suso ay hindi bastos na salita kasi part ng katawan ng tao yan..para lang ding pusod..bibig..mata etc..etc..

    ang iyot..kantot..fuck ay hindi din bastos kasi yun ang ginagawa para makabuo ng tao,hihihi

    nasa isip lang ng nakikinig yun db?

    TumugonBurahin
  28. yan ang mga terminologies na ayaw kong marinig.hehe

    www.angbuhayayhindibitin.blogspot.com

    TumugonBurahin
  29. meron isang magtataho sa cavite...

    as usual sigaw nya 'tahoooooo' habang naglalako

    pero pagtinawag siya ng bibili

    ang sagot nya..

    isang malakas na 'eto na!'

    at hindi siya nagjojoke... seryoso siya sa pagsabi ng 'eto na!'

    TumugonBurahin
  30. @Captain youni - maraming salamat sa inyong pagdalaw.. at tama po, ang kabastusan ay depende sa taong nakakarinig nakakakita at nakakarinig.Hindi naman bastos ang mga salitang tumutkoy sa ating maseselang bahagi ng katawan. Kung bastos ito, bakit tayo meron nito?


    @Xprosaic - usong uso sa matatandang tyaga nayon hehehe.. pero di ko naririnig sa nanay ko... salamat parekoy


    @Yanah - ay marekoy, may tanong na ko sayo hahaha... maaring literal o hindi ang sagot.. o siguro isipin mo na lang na may malalim akong ibig ipakahulugan sa tanong ko.. hihihi.. maraming salamat po..


    @kiko - hahaha. maraming salamat parekoy.. ituloy mo na ang kwento mo.. :)

    TumugonBurahin
  31. @SG - salamat sa pagbisita sir.. ang bastos nga non hehehe.. siguro pakakainin ang aso nya.. :)


    @Lhuloy - sigurado ka kamote ang sinisigaw mo? hihihih.. baka naman may kasunod pa, yun ha.. salamat katie.. :) apir

    @@Bhiboy - salamat parekoy, hanga ko sa mga shots mo... kagaling eh. :)

    @Poy - sir musta ka na po? salamat sir sa pagbisita.. :)

    TumugonBurahin
  32. @musingan - maraming salamat sir.. ikaw pala si AL? eheheh iniadd kita sa list ko.. salamatz po ulit.. :)


    @Khanto - salamat sir sa pagdaan.. nagtataka lang po ako at hindi ko maiadd ang ang iyong URL sa list ko.. laging error po ang sinasabi... bookmark ko na lang po ang page nyo,.. :)


    @Billy - ayun marekoy.. ganyan ang matatanda.. nagiisip lang ako kung pano ba nagsimula iyon, siguro naman noong mga binata pa sila eh wala pa ang ganon diba? ah ewan ko.. hehehe.. salamat marekoy

    @Jedpogi - salamat sir, daan din ako sayo.. iaad kita sa list ko.. thanks parekoy.. chheerrzzz

    TumugonBurahin
  33. @Bino - oo parekoy, korek.. kakalungkot nga lamang na ngayon eh mura na ang lumalabas at sa bibig ng mga kabataan pa mismo? paano na pag tumanda na tayo.. may mga batang musmos na alam na alam na kung paano ang tamang pagmumura hahaha.. salamat parekoy


    @Jhieqzh - salamat po.. hindi talaga tama, nangyayari kasi balewala na ang ganito. hanggang sa maging tema na din ng mga bata. masakit sa pandinig lalo na kung ang magsasalita ang bata pa lamang.. tsk tsk... tanda ng pagbabago nga ng panahon.. thnaks po ulit :)


    @Leonrap - si cheenee kasi ang may alagang palaka na sinabi ni inang ahehehehe.. slamat parekoy


    @Poks - korek poks, nasa nagiisip lang yan.. hindi yan kabastusan.. gawain naman talaga ang iyutan. ang pekpek ang bahagi ng katawan. anong bastos dun diba? tayo tayo ang nagkakaintindihan.. apir poks.. :)


    @Emmanuelito - hehhe, pero madalas marinig no? salamat parekoy.. :)

    TumugonBurahin
  34. Nahawa nga ako dati sa yaya ko dahil pag natatapilok ako nun, "ay puke" na rin yung nasasabi ko. Buti na lang natanggal ko sa sistema ko.

    TumugonBurahin
  35. hihihi . pinoy na pinoy attitude talaga

    TumugonBurahin
  36. lolz talagang meron pang description kung ano ang ginawa ng palaka, nahulog at tumalon hahaha.

    ganun din ang mga matatanda samin, ganun talaga siguro.

    TumugonBurahin
  37. MALI-MALI ANG TAWAG DUN SA HANEP ANG REAKSYON PAG NAGUGULAT. KAHIT KAHARAP MO NA, BULYAWAN MO LANG, KUNG ANU-ANO NA MASASABE. HEHE.

    TumugonBurahin
  38. Kapag makaluma, hindi ito tanggap.

    Mabining pagkilos maging sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa araw-araw ay isinaalang-alang ng mga konserbatibo at kimi sa mga salitang hindi magandang pakinggan, kasama na diyan ang mga salitang iyong binanggit.

    Ako ay hindi nahihiyang magsabi ng mga puke,titi, suso,putang ina, hayop, demonyo. Ginagamit ko ito sa pagsusulat, sa pagsasalita pero nakadepende ito sa taong kaharap ko.

    Ang akin, bakit pinauso 'yan, maliban na nga lamang kung gawi na ng isang tao na gawing "mani" na lamang ang pagsasalita ng mga ganito kahit wala namang katuturan.

    Kamusta?

    TumugonBurahin
  39. @chinchan - hindi ko alam kung natural na sa pinoy yan... pero parang ganon na nga kasi di naman itinuro yan sa skul hehehe


    @Kraehe - sakto un sa pagkakasabi ni inang.. palibahasa taga baryo haha...salamat sa pagbisita

    TumugonBurahin
  40. @Jkul - Magandang araw si jkul. Kahit ako ay hindi nahihiya sa pagsasalita ng ganito at yun nga ay depende sa taong kaharap ko. Ang pagsasalita ng puke, titi, suso sa taong nagugulat ay likas na siguro. Hindi ko pa alam kung bakit, siguro malalaman ko din pag akoy tumanda na.

    Pero ung mga pagmumura na marinig natin sa mismong bata pa lang, iyan ang nakakalungkot isipin. Nagiging "mani" na nga lang ang paggamit nito. Katulad na lang ng PUTANGINA. kung iisipin mabuti, ano ba ang PUTA at sino ba ang INA. Pag nakakaramdam tayo ng galit, pagkalungkot at maging kasiyahan, madalas natin mabanggit. Nagiging bukambibig na ng karamihan sa araw araw. :(

    Siguro nga sir, tulad ng nasabi ko, kasabay ng pagbabago ng panahon ay pagbabago ng isip at ugali ng tao. At masyado na tayo namimihasa sa ganito.

    isang magandang araw sa inyo sir jkul..

    ok naman po ako.. :)

    TumugonBurahin
  41. hello, banjo.

    ang ganda nito. super like. :D

    TumugonBurahin
  42. hehehe, nung bakasyon ko may pinakilala si misis sa akin na matanda rin, kapag ginulat mo, gagawin nya bigla ung sinabi mo lolzz

    TumugonBurahin
  43. @Doon po sa amin - maraming salamat sir sa inyong pagbisita.. :)

    @LordCM - may ganyan na matanda sir, tulad na lang ng magweweteng na nabanggit ko.. nagiisip tuloy ako kung bakit, maaring may matinding dahilan ang pagkakaron ng ganito ng ating matatanda.. salamat sir.. :)

    TumugonBurahin
  44. test in test...putcha! napamura ako....palamura din ako pero depende sa face ng kaharap ko..LOL..

    TumugonBurahin
  45. hahaha adik. tatay ko lagi "ay lapet!" bicol/bisaya yun. meaning "ay tite!" hahaha

    di ko naman matanong, SAN?SAAN? hahaha.

    TumugonBurahin
  46. at binalak kong igoogle kung ano ang itsura ng puke ng palaka. hehe.

    TumugonBurahin
  47. @Akoni - hahaha napamura ba.. salamat parekoy

    @Lakwatsero - sir mustasa, salamat po.. lapet "titi" pala yun hehehe

    @Nyabachoi - oo nga no.. nakita mo na ba haha.. salamat marekoy.. apir.. :)

    TumugonBurahin
  48. hehe..

    nakarelate naman pu ako sa post na to ;p

    Nice post pu..

    pa follow na rin ;)

    TumugonBurahin
  49. Haha. natawa ako kay Inang.

    May kaibigan ako noon na kung nagugulat ay sumisigaw kaagad na "ay bilat"..(bisaya iyon ng sa babae)..tapos, ano pa? eh di ang sagot naming mga alaskador ay "saan? nahuloh mo?" haha

    Kasabay na talaga sa pagbabago sa panahon ay nagbago na rin ang pag-uugali ng mga tao maging ang kanilang pananalita.

    TumugonBurahin
  50. ako kapag nagugulat.. "ay shit" "powtek" at "tae ka!" heheheh..

    TumugonBurahin
  51. @KristiaMaldita - salamat po sa pagdaan.. iniadd na din kita at pinalo...


    @Kristian - salamat parekoy at gudluck nga pala sa mga examz... :)

    @Lakwatsera - ganon ba hahaha.. sosyal at "tea ka" unique hehehe.. salamat po..

    TumugonBurahin
  52. Really? Seniors now have learned to drop the F bomb? Amazing. LOL. Here in Cebu.. the elders just curse like "giatay, peste, so on.." Nothing quite like mentioning the private parts.

    TumugonBurahin
  53. Interesting blog. Good observation. I wouldn't say it's bastos. Depende sa sitwasyon sa paggamit ng cuss words or words referring to genitals. Usually, pag nagugulat ang matanda, ganun nga. Ang lola ko noon, pag nagulat: "ay p*ke!", "kik*ng tumalon" or "ay pukanena!!" nasasabi nya. I think nagiging malaswa yun kung intentional na nambabastos yung nagsabi. Pero kung nagulat, then that's just a reaction. I live in the northern part of Cavite and napansin ko cussing is a part of the native parlance on this area, lalo na sa mga umpukan sa bilyaran or sa basketball court. Even the "P.I. word" is often heard...pag close friends nagbibiruan or nagkakatuwaan, usually among males. Pero kung kaharap naman nila babae (na hindi nila kaclose) o maestra, they won't utter those words.

    TumugonBurahin