Biyernes, Pebrero 18, 2011

TAGUAN



Nagpunta ko sa likod bahay para kumuha ng sinibak na panggatong para sa pagsasaing ni Nanay, sa hindi kalayuan narinig ko ang ingay na sigaw ng isang bata.

"Pagbilang ko ng sampu nakatago nga kayo"

isa...

dalawa...

tatlo..

apat..

....

sampu.. game...

Lumapit ako sa may bakod upang pagmasdan ang naglalaro. Hmmm, ang anak pala ni Ka isyong na kapitbahay namin.. sya pala ang taya. Isa isang hinanap ang kalaro sa pinagtataguan, may nagtatago sa likod ng puno, sa halaman, may nagkukubli pa sa tumpok ng damo na pinaggapasan ng paligid.

Nahirapang maghanap.. matinik magtago ang mga kalaro..kamot dito, pakiramdam doon, binabantayan ang base.. lalayo... babalik..  at Pung.... pung....  pung... hanggang sa makita ang huling nakatago. Apat pala ang nagtatago at nataya nya lahat.  Tuwang tuwa ang anak ni Ka isyong, dinig ko pa ang tawa at may patalon talon pa.

Naaliw ako sa panonood, natatawa sa reaskyon ng anak ni Ka Isyong.

Nataya ang unang na pung, humarap sa puno, nagtakip ng mata. Bumilang..

"Pagkabilang ng sampu nakatago na kayo"

Habang nagbibilang, napansin ko ang kamay na nakatakip sa kanyang mata, nakabuka ang daliri.. palingon lingon sa paligid.. halatang nandadaya.

"Sampu"

Kunwaring naghahanap.

Wala pang isang minuto, nahuli nga gad ang kanyang mga kalaro.

"Ang daya mo naman eh"

"Oo nga, di ka nakapikit, nakikita mo naman kami eh"

"Hindi kaya, ang bulok nyo lang magtago"

"Madaya ka, jan ka na nga, wag ka na sumali sa amin"

"Bleh! Bleh! Bleh!"

may paglagay pa ng kamay sa tenga at pinawagayway ang daliri sabay labas ng dila ng mga bata.

Nagtakbuhan ang apat na magkakalaro at naiwan ang bata, mangiyak ngiyak na nakatingin lang sa kanyang mga kalaro habang nagtatalunan pa palayo.

"Banjo, aba'y dalian mo naman... "

"Oho nay, nanjan na ho"

Napatingin sakin ang bata, kinawayan ko at sukat ba namang lalong umiyak at nagtatakbo.




*** Anong meron? 
O diba, sa riyalidad walang kahalintulad na kasiyahan ang mararamdaman para sa sarili ang magtagumpay ka dahil sa pagsisikap, paglaban ng patas ng walang inaapakan. Ang makamit  ang  mithiin bunga ng masamang pamamaraan, sa pandaraya, panloloko at panlalamang ng kapwa, ay hindi matatawag na tagumpay,  sa halip maituturing  lang tayo na  Yaya ni Angelina, you're such a loser!  TALUNAN.






 

52 komento:

  1. naalala ko tuloy nung bata ako..
    naglalaro din kami ng taguan.. hindi ako madalas mahuli.. kasi sa taas ng puno ako nagtatago. hindi ko naman naisip na pandaraya un kase wala naman sa rules na bawal magtago sa puno diba? :P

    libre mo ko sa leslies! hahahahaha
    baka pumunta ko next week ;)) sabihan kita.. :D


    www.lifes-a-twitch.com

    TumugonBurahin
  2. @Yanah - leslies pa talaga hahaha.. pede ba sa 7-11 na lang o kaya sa kwek-kwekan haha.. joke lang.. sure manure.. basta wag weekdays.. :) kasi may pasok ako sa opis..

    TumugonBurahin
  3. akalain mo yun bigla kang nagkaroon ng moral story hehehe.. btw sabi ng isang kilalang kaibigan ko na si Samuel Johnson “It is better to suffer wrong than to do it, and happier to be sometimes cheated than not to trust.” pero mas maganda kung lagi tayong nasa tama at gawin ang nararapat masarap manalo pag alam mong pinaghirapan mo to..

    TumugonBurahin
  4. korek.

    ang tawag doon... WINNING WITH INTEGRITY! :)

    lahat ng taong nandaya para manalo, walang saysay yung tagumpay nila sa mata ng Diyos. :)

    TGIF chonG!

    TumugonBurahin
  5. @axl - korek parekoy.. ang sarap langahapin ng pagkaing tayo ang nagluto.. katulad din ng tagumpay na ating pinaghirapan..

    @Mr. Chan - Un ba yun? hehehe.. salamat sir.. katulad ng ating iba o karamihan sa pulitika.. kaya nagkakaron ng ambush o ano pang.. karma un sa kanilang pandaraya.. (ang lalim ko hahaha) salamat ulit sir :)

    TumugonBurahin
  6. naala ko din nong bata ako, taguan madalas laro namin, pag ako taya wala akong mahuli huhuhu! ewan bakit.. tuwang tuwa mga pinsan ko pag ako taya!!! hahahaha! may pagka lampa ako cguro nong bata ako..:P

    good afternoon banjo..c ma'am razz ako hehe! hndi rizza..:))

    TumugonBurahin
  7. wahao isang magandang post. haha. kaso naaalala ko talaga dati.. minsan lang ako mataya. at pag taya ako minsan nandadaya din ako. hehe .bad me.

    TumugonBurahin
  8. bakit umiyak ung bata nung makita ka??? natakot sayo? or isa ka din sa mga nag-behlat sa kanya? ahahaha....


    ang cucute ng mga bata. naiimagine ko... kakamiss... tara laro tayo, kaw taya! ahaha

    TumugonBurahin
  9. @mommy - oo nga rizza ang naicomment ko sayo hahaha.. sori po.. magandang araw :)

    @bhenipot - salamat po.. masaap magtaguan pag maliwanag ang buwan.. :)


    @rap - tara parekoy, ibalik ang nakaraan.. ung tipong kasiyahan lang ang ating alam.. ang sarap non.. :)

    TumugonBurahin
  10. ahahaha naalala ko, pag taguan yumuyuko lang ako sa likod ng taya. pagkatapos ng bilang base agad lolz. walang namang rules na bawal magtago sa likod ng taya ahahaha XD

    TumugonBurahin
  11. Ang ganda ng scene.. parang probinsya.. by the words used napipicture-out ko yung setting..
    nakaka.miss maging bata.. *sigh*

    Your one of the best!

    apir! ;)

    TumugonBurahin
  12. Ngayin uso pa din ang taguan sa mga bata. Mga batang nag tatagao sa batas :)

    TumugonBurahin
  13. Ah, ang masayang laro ng taguan pong. Dinala mo ako sa mga taon ng aking kabataan :)

    Magandang hapon, Banjo!


    http://nortehanon.com

    TumugonBurahin
  14. pung ka!!! naalala ko pa nung bata pa ako halos lahat ng kapit bahay kong bata nagtataguan lalo na pag halloween nakakatakot magtaguan kasi nakamaskara lahat kami!!hehehe

    TumugonBurahin
  15. @Kraehe - OO nga walang rules. depende sa usapan yun hehehe.. salamats

    @KristiaMaldita - Naku salamat naman po.. probinsyano kasi hehehe:)

    @Adang - Taguan ng mga kurakot sa batas ahahaha... salamat parekoy

    @Nortehanon - Salamat ma'am, sana nga kahit isang araw lang,maransan muli natin maging bata.. walang iniisip kundi ang kasuyahan, malayo sa problema.. salamat po sa pagbisita.. :)

    TumugonBurahin
  16. @Iyh Khin - Pung iyakin hehehe.. nakakatakot ang ganyan lalo na at gabi.. hahaha.. baka akala mo eh kalaro mo pa.. nnnaayyyyy... salamat po.. :)

    TumugonBurahin
  17. yan lang din naman ang mapagmamalaki ko. di ako nag-apak ng iba o nandaya sa trabaho. minsan nga ako ang naaapakan o di kaya'y npapahamak dahil hindi nagapadala sa ganyang mga gawain. thanks banjo.

    TumugonBurahin
  18. Tama! habang bata pa dapat turuan na sila na magkaroon ng integrity.. Namiss ko yung bata ako.

    TumugonBurahin
  19. haha ako naman ang gusto ko sa taguan ay yung ako ang maghahanap kasi mas magaling akong maghanap kaysa magtagu,..,hahaha

    TumugonBurahin
  20. tama nga naman...

    CHEATER NEVER WINS.... Loser sila loser...

    sign L

    lol

    TumugonBurahin
  21. nakaka-miss tuloy magingt bata. anyways, bata pa naman ako. hehe

    i agree sayo.. mas masarap ang feeling na nanalo ka dahil nagsumikap ka kesa nanalo ka dahil nandaya ka.

    TumugonBurahin
  22. nakakarelate ako sa ibang aspeto nga lang hehehe anyway..hindi talaga lubos ang kasiyahan kapag ang nakamit mong tagumpay eh bunga lamang ng kadaya at hindi ng iyong pagsisikap at kakayahan..=)

    TumugonBurahin
  23. Success without dirty shits is really cherishing. I mean, sex in bed without a hidden cam is really satisfying.

    Happy friday folk

    http://arandomshit.blogspot.com/

    TumugonBurahin
  24. isang pagpapatunay na bata pa laman marunong ng mandaya, ang mga ganyan ang nagiging future congressman hehehehe

    TumugonBurahin
  25. mabuti nga at iniwan sya ng kanyang mga kalaro para habang maaga pa lang ay alam na nya na walang magandang idudulot ang pandaraya..

    magandang gabi ser..

    TumugonBurahin
  26. kmusta naman ang sinaing ni ina?? hindi na nakapagluto, wla pa ung panggatong.. hahaha!

    TumugonBurahin
  27. aray... tinamaan ako... gawain ko rin ang mandaya... eheheheh

    TumugonBurahin
  28. wuiiiiiiiiiiii!

    uu weekend talaga ang punta ko!

    yey! its a date! hahahaha

    may alam akong place na mura.. sana andun pa un..
    nyahahahahahahaha

    natawa ako ng bongga anu ba yan! hahahahaha

    TumugonBurahin
  29. hanapin mo ako banjo...wala ako sa may puno ha.....

    LOl...

    i miss taguan...

    ang ganda ng aral...:)

    happy weekend banjo!

    TumugonBurahin
  30. mukhang may future ang batang yan - sa pandaraya hehe

    TumugonBurahin
  31. feeling ko kapag nandadaya ka..sarili mo lang din niloloko mo... wala lang.. non sense lang din... kaya madameng loko loko sa mundo.. kase niloloko lang nila sarili nila.. hahaha

    TumugonBurahin
  32. @Sean - parehas tayo parekoy.. lumalaban ng pareha.. nangyayari dito sa opis namin ang tapakan.. pero wapakels ako hahaha.. may karma din sa kanila


    @Arvin - happy birthday muli parekoy (belated) salamat ng many


    @Kiko - gusto mo pala ikaw ang taya hehehe.. maraming salamat parekoy



    @EgG - Such a loser parekoy diba? hahaha.. salamats

    TumugonBurahin
  33. @iamAPv - ang dami nating nakakmiss sa pagkabata hehehe.. maraming salamatz...

    Superjaid - walang patutungunhan ang tagumpay ng galing sa masama.. tingnan natin ang generals natin ngayon hehehe.. dapat sa kanila ko ipapatama itong post na ito eh hehehe... salamats po :)

    @DENASE - tama po.. maraming salamats sir.. :)


    @Bino - siguro nga sir ang mga generals at congressman natin noong bata pa, nandaya sa lahat ng laro nila haha.. salamat isr bino..
    @

    TumugonBurahin
  34. @neneng kilabot - loser sya marekoy hehehe,... magandang araw.. :)


    @Nene - nakasaing pa din.. late na kami nghapunan hehehe.. salamat po.. :)


    @Musingan - naku, nung bata ka pa yun.. mabuti at hindi mo dinala hanggang sa pagtanda hehehe.. magandang araw parekoy

    @Yanah - natawa din ako ng bonggang bongga.. kukng sakali eh ikaw ang una kong mameet ng blogger hihi.. magandang araw po... prob ko is monthend inventory namin sa sat.. delikado pag hindi natapos hahaha..

    TumugonBurahin
  35. @Jay - naalala mo din noong bata ka no? dun ka nagtatago sa timbon ng mga dayami.. :) hehehe

    @Keatondrunk - pulitiko panigurado paglaki.. wag naman sana heheheh..salamats

    @Kamil - hi marekoy.. kagabi ko lang napanoon ang video.. oo ako na ang laging huli.. kasi naman walanghiya ang IT namin.. napakagaling marekoy.. salamat ng madami... :)

    TumugonBurahin
  36. @Banjo Napaka-huli mo na nga!! hahahahaha, pero okay lang..sana nga naapreciate mo!! :)

    TumugonBurahin
  37. @Kamil - sobra marekoy.. grabe.. habang pinapanood ko, pinagmalaki ko pa sa mga brod ko hehehe.. sabi ko, yan ung story na ginawa ko.. wow.. the best talaga marekoy.. ang galint.. galing ng pagkakagawa mo.. nyo ni boybren... thanks thanks talaga.. .. pa kiss nga ng isa.. mwahhhh... ao yan.. hugs ng konti.. hehehe... thanks ng madaming madami marekoy...

    TumugonBurahin
  38. Kakaiba talaga mga banat mo parekoy....I am learning a lot from your blogs.

    TumugonBurahin
  39. Ang lalim nito pareng Banjo... nakakalunod kang sumulat...

    TumugonBurahin
  40. lol i-ssked natin ng maayos yan..
    baka busy din ako next week.. ay uu nga.. uuwi pala ako ng baguio next weekend hahaha..
    eh di after na lang nun..

    naks.. natawa na naman ako hahaha

    TumugonBurahin
  41. Banjo, may tama ka. Nice post. Sana dinilaan mo din yung bata tulad ng ginawa ng kalaro nya. Lol. Joke lang.

    TumugonBurahin
  42. nice one...ahehehehe...pero sa totoo lang natutuwa akogn nakakakita ng mga batang naglalaro tapos nagdudugasan at kantyawan.. ang sarap maging bata...

    pero pag mga matatanda na ang nagdudugasan..ang susunod nyan saksakan na... :)

    TumugonBurahin
  43. Masarap lumaban ng patas sa buhay.

    Wala kang ibang niloloko kungdi ang sarili mo kung alam mong nandaya ka.

    TumugonBurahin
  44. kagaya ng sinabi ni Yanah ay noong bata din ako ay naglalaro din ng taguan..nakaka miss ang ganun....siyempre hindi lang ako kundi pati na rin ang aking mga kaibigan..

    TumugonBurahin
  45. masarap maglaro ng taguan!

    walang ganap na kasiyahan pag ikaw ay nandaya...

    TumugonBurahin
  46. gandang lesson dude :) nice. ahehe. Batangueno ka rin ga hijo?

    TumugonBurahin
  47. sarap magtaguan!! ginagawa pa din namin yan minsan ng mga alaga ko dito...sa loob ng bahay nga lang,hihihihi!

    TumugonBurahin
  48. @akoni - maraming salamat parekoy..

    @jedpogi - napalalim ba parekoy. hihih.. salamats.. mabuti at naarok mo.. :)

    @Yanah - sige.. pero this week parang malabo pa.. malapit na naman ang monthend.. hayysss busy bisihan na naman ang mode ng tambay.. :(.. ingats palagi.. :)

    @bulabulerosg - madaming salamats sir.. such a loser ang bata eh hahaha...

    TumugonBurahin
  49. @superG - kung bata ang magdadayaan.. ok lang yan.. bukas bati na ulit.. pero kung matatanda na, delikado.. may dadanak na dugo hehehe.. syempre walang papagrabyado..


    @Jkul - ang panloloko ng kapwa ay panloloko ng sarili.. mga walang kunsensya ang ganon sir. heheh.. maraming salamat po..

    @Arvin - masarap balikan ang pagiging bata.. walang problema, lahat kasiyahan. maraming salamat parekoy..


    @uno - tumpak.. nagtagumpay ng dahil sa masamang paraan, huwad ang kasiyahan..

    TumugonBurahin
  50. @nowitzki - caviteno ako parekoy.. puro hehehe.. pero di nalalayo sa lahing batangas.. aba magkalapit bayan lang..


    @Poks - salamat at napadaan ka.. musta na.. move move move shake shake and drop... hehehe.. salamat muli :)

    TumugonBurahin
  51. hello, banjo.

    ang nagugustuhan ko sa pagkukwento mo ay iyong capacity mo to recreate ang specific time, place and mood ng istorya. na pag binabasa ang kwento mo, parang andyan lang sa harap o sa tabi ang mga characters at ang setting.

    o, di ba? hayan, pampalapad ng atay, hi, hi...

    good day sa 'yo.

    :] doon po sa amin

    TumugonBurahin