Huwebes, Enero 20, 2011

SARANGGOLA


"Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe, Mataas ang pangarap ng matandang binge"

Narinig kong inaawit ng isang bata na lumampas sa harap ng tindahan ni nanay, bitbit ang isang saranggola, winawagayway ng hangin na parang ibig ng lumipad. Nasa mukha ng batang iyon ang kasiyahan. Naalala ko tuloy noong bata pa ko, walang alam kundi kasiyahan. Matagal ko din inatupag ang pagsasaranggola.

Tanda ko pa noon sa malawak na parang sa may amin.. Malakas lagi ang ihip ng hangin,  sariwa at kaaya aya, di ko iniininda ang init ng araw  makapagpalipad lang ng saranggola. Maipagmamalaki ko sa sarili ko na ako ang gumawa ng sarili kong saranggola. Ilang sando bag din ang naubos ko (kinuha ko sa tindahan ni nanay), kandasugat ang aking kamay sa paghubog ng kawayan. Tulo ang pawis at sipon sabay pahid sa laylayan ng damit at hindi alintana ang pagod mabuo ko lang ang aking saranggola. Ng aking matapos, ayaw pang lumipad kaya laking dismaya. Hindi ko tinigilan ang aking saranggola at sa wakas napalipad ko din, hindi sumusuko sa hangin, matibay at mayabang sa ere, walang katumbas ang kasiyahang aking nadarama.


Sarap ng pakiramdam na dahil sa aking tiyaga, napalipad ko ang aking saranggola. Walang pagsidlan ang aking tuwa. Sa tuwing wala akong pasok sa eskwela, pagsasaranggola ang inaatupag ko. Usong uso kasi noon ang saranggola, pagandahan ng gawa, pahabaan ng tali (pisi), paingayan sa taas. Pero ang aking saranggola, kahit tagpi tagpi na sa kasasabit sa puno, hindi ko pinalitan. Ako kasi ang gumawa, at pinahahalagahan ko ang lahat ng ginawa ko kahit noong ako'y bata pa lang. Di gaya ng sa mga kalaro ko na ginawa ng tatay nila, kaya wala silang pakiaalam.. masira man, pagawa ulit ng bago.


Hindi ko inaasahan noon habang nasa ere ang aking saranggola, napatid ang kanyang tali. Nakatingin lang ako sa kanya habang tinatangay ng hangin. Sinundan ko kung san babagsak ang aking saranggola, tumatakbo, tumutulo ang luha. Hanggang sa sumabit siya sa isang puno, medyo may kataasan. Pinilit kong akyatin ang punong iyon,  kinaya ko naman. Nakuha ko din ang aking saranggola, sira sira na dahil sa kakasabit sa sanga. Pero ayos lang, ang mahalaga nabawi ko ang aking saranggola. Kaya ko pa naman tagpian,  magagawa ko naman ulit. Lilipad ito muli sa ere, makikipagsabayan sa hangin. May pagmamalaking titingalain ko syang muli. 


Ang aking saranggola, sumisimbolo sa aking mga pangarap na ayaw kong mawala sakin..






35 komento:

  1. whahhaa may naalala tuloy ako na kwento about sa saranggola.. pambihira ka naman oh!!!

    TumugonBurahin
  2. may naalala rin ako bout saranggola yung kanta na
    "Tulad ng saranggola ang ating buhay, lumilipadlipad na walang saysay..sumusunod sa ihip ng hangin...like your post po.

    TumugonBurahin
  3. nice :) love the metaphor. ahihi~

    TumugonBurahin
  4. hehehe..tol mali lyrics hahaha dpat matayog ang lipad ng saranggola ni pepe hahhahaa wala lng..

    nadalaw uli hehehe

    TumugonBurahin
  5. @Axl - hahaha.. dami talaga alaala ang saranggola..


    @emmanuelmateo - salamat parekoy, tama ang tinuran mo..:))


    @Nowitzki - salamat ng many parekoy


    @Rico de buco - oo nga hahaha.. ayun pinalitan ko na.. salamat heheheh... chhheerrrzzz parekoy

    TumugonBurahin
  6. hehehe like it. nangitim din ako kakasaranggola. saya e.hehehe tapos may dog fight pa ng mga saranggola.hehehe

    TumugonBurahin
  7. weee chong... ganda...

    TumugonBurahin
  8. ang ganda. :)

    promise hindi ako nagskip read. wala lang akong ibang macomment, kase nasabi mo na. :)

    TumugonBurahin
  9. Tama para ngang pangarap ng tao... minsan nawawala sa landas pero hanggat nandun tayo na kahit may pagasang mawala ay pilit pa rin natin hinahanapan ng paraan para muling makita iyon... minsan mahirap at matarik ang landas patungo dun pero laging may pagasang makamit iyon... hirap man sa pagtagpi tagpi ulit sa nasirang pangarap ay pwede pa rin ito hanggat buo pa rin ang "structure" o ang pundasyon nito... at balang araw muling matayog ang lipad nito... hehehehhehehhe...

    Ang haba! lol...

    TumugonBurahin
  10. @Kyle - Tumpak parekoy, tyaga sumilong s ilalim ng maliit na punong kahoy hehehe


    @Kiko - salamat parekoy.. :))


    @Rainbow - salamat din marekoy... :))


    @Xprosaic - Sakto parekoy, ang pangarap ang wag nating hayaang mawala.. kapag nawala yan.. ano pang bukas meron tayo.. chhheerrrzz parekoy.. mamatz ng many... ^^,

    TumugonBurahin
  11. ANG LALIM!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! d ko gets ang metaphor... :) ako na ang mahina ang ulo lol :D

    pero naaalala ko noon bata pa ako daming nagpapalipad ng saranggola sa bukid... sarap pagmasdan... mapaplastik man or mapapapel... tas me buntot pa... sarap tignan sa ere... tapos me naglalaban pa hanggang sa mapigtal yung tali...

    wala lang naaalala ko lang.... sarap lang bumalik sa pagkabata :)

    TumugonBurahin
  12. at nung mabasa ko ang comment ni xproisac...

    ay ewan ko ba kung maniniwala ako sa opinyon niya... parang ang hirap isipin na kapag ang pangarap mo ay nasira.. pakiramdam ko mahirap ng tagpiin pa yun... mahirap muling buuin... pero ewan ko.... hay ewan ko ba.... relate much lang lol..

    hay nako.. ako na negastar lol :D

    TumugonBurahin
  13. wow istambay ang lalim ha. ganda. very meaningful. :)

    yung sinabi ni egG tungkol sa nagdo-dogfight na saranggola. feeling ko habang tumatanda mas dumadami yung ganun.

    TumugonBurahin
  14. kung dumating na yung araw na sira-sira na yung saranggola mo, bakit hindi mo subukang gumawa ng bago? yung mas magara, mas matibay at may kakayahang lumipad sa himpapawid na tila walang katapusan...

    TumugonBurahin
  15. @EgG - salamat parekoy.. medyo napalalim ba? taas nga ng lipad eh hahaha... :)


    @Sean - pataasan ng pangarap at patatagan. Kadalasan nga lang sa sobrang taas ng pangarap, parang imposible ng abutin.. kung sabagay hindi naman masama ang mangarap eh.. chheeerrrzz parekoy...


    @Suplado - may punto ka parekoy, kaya lang, ayaw kong palitan ang saranggolang tagpi tagpi na pilit kong binuo sa sariling sikap ko, kasi kung sakaling palitan ko ng bago, para ko na ring isinuko ang nauna kong pangarap.. salamat.. musta na ang accounting department jan? naku dito, ayun ganun pa din hehehe.. chheerrrzzz

    TumugonBurahin
  16. Naku parekoy, sumuko na ko. nagresign na ko. pagod na ko magpalipad ng sarili kong saranggola at mas pagod na din akong tumulong sa ibang tao para magpalipad ng kanilang saranggola. dahil kahit anong tayog ng aming lipad, hindi nila naaappreciate yung tulong na ginagawa ko. eh kung tutuusin, isa ako sa tumulong sa kanila para mapalipad ang saranggolang ngayon ay halos umabot na sa mga ulap.. :(

    TumugonBurahin
  17. very poetic ISTAMBAY hihi!

    Keep your saranggola soar like an eagle in the sky :)

    TumugonBurahin
  18. ang ganda!

    ktulad ng saranggola kailangan ntin lumipad para makita ang tanawin sa ibang aspeto. mangarap at makibaka kaakibat responsibilidad bilang tao :)

    TumugonBurahin
  19. maganda ang post mo. seryoso. pero nung nabasa ko ang word na "pisi" nadistract ako at natawa. sorry. ako ang may problema. i find pisi very funny. hehe. pisipisipisipisi. :)

    TumugonBurahin
  20. hala grabeeeh ang deep---tumahimik bigla ang magulong isipan ko habang binabasa 'to...nice one parekoy!!!

    TumugonBurahin
  21. @Suplado - totoo parekoy, nagresign ka na? tsk tsk... pero for sure may bago ka ng career.. gudluck parakoy sa bagong saranggola.. ccchheeerrzzz


    @Pluripotnentnurse - salamat ng madami parekoy



    @Bhing - Tama atekoy.. salamat po sa pagdaan... napahanga ko sa inyong tula.. chheerrrzzz po

    TumugonBurahin
  22. wow! nangilabot ako habang binabasa to...

    i felt the same... dont ever give up... no one can steal our dreams... haaaaaaay ver inspiring!

    TumugonBurahin
  23. @nyabachoi - "pisi", yan ang tawag sa tali ng saranggola sa amin, mat tansi, may nylon, may sinulid at may hmmm di ko alam ang tawag, yung taling ginagamit sa pamingwit ng isda.. ayun.. yan ang pisi hehehe'



    @Emotera - salamat po marekoy...


    @Riza - hahaha salamat naman marekoy... sundan ko pa yan hehehe

    TumugonBurahin
  24. @uno - yun nakita kita muli.. salamat parekoy sa pagdaan..

    TumugonBurahin
  25. wow nakarelate naman ako dito..
    isa din akong bata mahilig sa maglaro ng saranggola nung kabataan ko...

    ganda ng pagkakahambing sa buhay..

    *bloghopping*
    - gud day...:))

    TumugonBurahin
  26. when dreams take flight, just believe!
    no one can stop you from making them come true, :)

    TumugonBurahin
  27. @Hagod ng buhay - salamat parekoy sa pagdaan at pagiwan ng bakas, pati na din dun sa isang entry ko (YANA).. '',) salamat muli parekoy


    @Aurelius - tumpak parekoy.. salamat din sa pagbisita.. at palaging pagtambay.. cccheerrzzz

    TumugonBurahin
  28. very well said kuya..wala akong masabi..uhmm..basta may pangarap wag matakot abutin kahit anong mangyari sumabit man o bumagsak, sige lang ng sige hanggang maraming ang ulap..=)

    TumugonBurahin
  29. kaya pala sabi ko bat di nagupdate ng blog to si istambay, un pala wala sa blogroll. sensya na pre. naiadd na kita :D

    TumugonBurahin
  30. ayyyy....nakakaiyak naman yun....it also shows ur chracter na hindi k basta-bastang natitinag..khit sira-sira kna..go lng ng go... (n_n)

    TumugonBurahin
  31. paborito ko pagpapalipad ng saranggola. mabuti naisioan mong magpost about saranggola


    http://arandomshit.blogspot.com/

    TumugonBurahin
  32. @superjaid - salamat atekoy, nakita din kita dito sa bahay.. balik ka ha


    @Bino - ganon ba parekoy, salamat sa muling pag add.. :))


    @Lhuloy - salamat atekoy ha.. ganon din sayo.. go lang ng go.. never give up.. :))


    @Denase - Halos sa lahat ng kabataan dumaan ang pagsasaranggola. hehehe, un nga lang may nahilig at may wala lang.. salamat parekoy

    TumugonBurahin
  33. susubukan ko ulit magkoment, alam mo banjo, gumawa pa ako ng blogger akawnt para makakoment dito. Wala lang, nagsusumbong lang ako. :)

    Simbolo ng ating mga sarili ang saranggola. Lumilipat paitaas, minsa'y maiiba ang lipad, sasabit sa puno, mapapatid ang tali, at iba-iba ang tayog ng lipad.

    Kahanga-hanga na bata ka pa lamang, naipamalas mo na ang iyong kagustuhan. Ano ang iyong nais at hanggang saan ka maninindigan.

    Gusto ko ang paraan mo ng pagsusulat. :)

    TumugonBurahin
  34. @JKulisap - salamat sir, sa inyong pagbisita at pagiwan ng bakas, sa totoo lang po ako ang humahanga sa paraan nyo ng pagsulat, ung mga nasusulat ko naman po ay dikta lang ng aking kukote, na may kinalaman sa pangaarw na araw ng buhay. salamat ng madami sir.. :)

    TumugonBurahin