Martes, Pebrero 15, 2011

MUNTING ANGHEL

Sa twina, nagigising akong madilim ang paligid. Hindi ko alam kung anong klaseng lugar ito. Balot ng kadiliman, wala ako makita ni kapirasong liwanag. Madalas nagigising akong nagugutom. Wala akong magawa kundi ang maghintay ng pagkain na darating sa aking bibig. Wala akong lakas para sa aking sarili, saan ako hahanap ng pagkain ganitong puro kadiliman ang paligid.

Lumilindol na naman, dugdug.. dugdug.. dugdug.. pabilis ng pabilis ang tunog na iyon na madalas ko ng naririnig. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari, bakit ako nandito. Anong klaseng lugar ba ito? May ingay, may nagsasalita na hindi ko maintindihan.

"Putang ina mong babae ka, lumayas ka dito, hindi kita anak"

"Itay, patawad po, hindi ko sinsadya ang nangyari"

"Walanghiya kang bata ka. Pinalaki kitang may takot sa Diyos, minahal ka namin ng ina mo, binuo namin ang mga pangarap namin sayo, tapos ganito pa ang igaganti mo sa amin, lumayas kang suwail ka"

"Arayyyy.. tama na po.. maawa na po kayo sa akin"


Kasabay ng mga ingay  ay ang pagdagundong muli ng tunog na iyon, at ang pagyanig ng aking paligid. Ano ba itong nangyayaring ito? Anong ingay ang aking naririnig? Sinong babae? sinong Itay? Ano ang pinaguusapan nila? Hindi naman nagtatagal at nagkaron ng katahimikan. Ang ingay napalitan ng pagtangis. Pagiyak ng isang babaeng hindi ko makita, kasabay ng haplos ng kamay na aking nararamdaman. Kapayapaan. Nasaan ba talaga ako?

Hindi ko namamalayan ang paglipas ng panahon. Mga panahong katahimikan at kadiliman pa rin ang sa akin ay nakapaligid.  Subalit, sari saring ingay pa din ang aking naririnig nitong mga nakaraan. Iba't ibang boses, iba't ibang tunog. Ibat ibang awitin, iba't ibang tinig.

Hanggang sa muli, yumayanig na naman sa aking kapaligiran, palakas ng palakas. Isang nakabibinging sigaw ang aking naririnig. Nakakaramdam na ko ng takot. Anong nangyayari? Eto na naman ako, hindi ko malaman kung saan ako kakapit. Sa isang bahagi ng lugar na ito, may liwananag akong nakikita, tila kidlat sa una. Parang nabutas na dingding.  Unti unti, lumiliwanag ang kapaligiran. Mapusyaw na liwanag subalit hindi nawawala ang sigaw. Ilang sandali pa at wala na ko sa lugar ng kadiliman. Malinaw na ang tinig na aking naririnig subalit hindi ko maintindihan.

"Pa...ta......wad anak....,  hin....di ko na ka.....ya"

Sa utal na salita ng babaeng iyon, kasama ng pagtangis at pag iyak, unti unti muling nagdidilim ang aking kapaligiran. hanggang sa wala na kong naramdaman. At ang pagtigil ng aking isipan.

Sa pagmulat ng aking mga mata, kapayapaan ang aking naramdaman. Subalit nakamasid sa babaeng nakaluhod na luhaang nakatitig sa sanggol na nasa loob ng kahon sa isang tambakan ng basura. Gusto kong lumapit, gusto kong magtanong, baka ito na ang kasagutan subalit nagmamadaling umalis ang babae. Unti unti naging malinaw sa aking ang lahat. Hindi ko na kayang pagmasdan pa ang aking kalagayan.  Nararamdaman ko, ako ang sanggol na nasa loob ng kahong iyon. Kay lupit naman ng pangyayari. Ano ang aking kasalanan?

May humawak sa aking kamay, isang munting anghel na kagaya ko. Nakangiti sa akin. Tumalikod na kami at tumungo sa kaitaasan.






72 komento:

  1. hmm.. nakakalungkot.. pero totoo ang mga gantong pangyayari..

    TumugonBurahin
  2. weee... true to life? so touchy tol... huhuhu

    TumugonBurahin
  3. @neneng - oo, nakakalungkot ang ganyan, bunga ng kamangmangan sa pagsesex.. kaya dapat iaaprove na ang RH bill ba yun? hehehe


    @Kiko - nangyayari sa totoong buhay.. ung iniiwan ang fetus sa basurahan.. mga hindi matanggap ang kanilang kasalanan.. tsk tsk. salamat parekoy

    TumugonBurahin
  4. hala... ang lungkot naman. nakakalungkot talaga at tama si nene, nangyayari talaga iyon sa totoong buhay. kawawa naman yung mga sanggol na nadadaanan ng kasawiang ganito...

    TumugonBurahin
  5. haayyyy nalungkot naman ako... dami ngang ganito.. inaabandona nila ang kanilang mga sariling anak.. tas pagdating ng panahon eh hahanap-hanapin...

    they deserve a KARMA!!!!!!!!

    yun lang bow!

    :D

    TumugonBurahin
  6. kakaiyak naman. kawawa ang mga batang pinapa-abort.

    TumugonBurahin
  7. Sino ba kasi ang nagpauso niyang abort about na yan... kakainis kaya... NAKS....

    TumugonBurahin
  8. @Kyle - Siguro nga ganyan ang nasa isip ng isang nasa loob ng sinapupunan.

    @EgG - kakalungkot, sinusulat ko ito eh nalungkot din ako.. sa riyalidad ng buhay, marami ang nangyayaring ganyan.. :)

    @Kraehe - Mga inosente na nagdurusa sa kasalanan ng dapat eh kanyang ina.. salamat marekoy.. :)

    TumugonBurahin
  9. @Musingan - Madalas takot at kahirapan ang dahilan. Mga munting anghel ang nagdurusa parekoy.. salamats..

    TumugonBurahin
  10. Wow..great piece parekoy...the best blog i ever read, promise, walang halong kalokohan...ang galing...

    score: perfect 10

    TumugonBurahin
  11. astig yun tol ah...hehehe. well written!

    TumugonBurahin
  12. syet namang ina yan!
    kawawang batang angel..

    Ang lunkot ng kwnetong to..
    Pero astig huh?!

    Nice short story! may naalala lang ako.. :)

    TumugonBurahin
  13. haay...gabi-gabi may ganyang balita sa TV!! kantu..kasi ng kantu...ang lili....paglumobo di na kaya! peste!

    TumugonBurahin
  14. @Akoni - salamat parekoy.. wa ko masabi hehehe.. salamat talaga...

    @Ronster - salamat din parekoy. ewan ko ba ang dami kong napapansin hahaha.. kaya ayan ang resulta

    @KritiaMaldita - Kakaawa talaga ang inosente na nadadamay sa kalupitan ng tao. Kasalanang ang higit na nagdudusa ay ang bunga at hindi ang gumawa. Pagkakamaling pilit itinutuwid ng isa pang pagkakamali. Maraming bagay bakit nangyayari ito. Kamangmangan, pagibig, at kahirapan.. magandang araw po sayo..

    TumugonBurahin
  15. @Iyakin - Totoo, tulad nitong nakaraang valentines, madami ang sumuway sa isa sa kautusan ng dyos, ang makiapid sa hindi asawa. Hindi lang sa taong may asawa tumutukoy ito kung sa bawat indibidwal. asahan na natin na maraming ipapanganak ngayong nobeyembre 2011, sana lahat naman eh lumabas ng matino sa mundong ito..

    salamat iyakin.. tahan na..:)

    TumugonBurahin
  16. Sad and nangyayari nga eto. Sana may facility kung saan pwede magstay ang mga babae hanggang mailuwal ang mga bata para mapa-ampon.

    TumugonBurahin
  17. hanggang ngayon ay di ko pa rin alam kung bakit may mga ina na kayang gawin iyan sa kanilang anak. Sad but true.

    Salamat pala sa pagdalaw mo sa blog ko. Sorry po pero hindi ako Sir, Ma'am po si akesh haha!

    TumugonBurahin
  18. @Sean - Isa na sa solusyon yun, ang daming dahilan bakit nangyayari ang ganito. dapat lang magkaron ng sapat na edukasyon tungkol sa sex... isa ang kamangmangan sa dahilan eh.. sige lang sa sarap, hindi maharap ang hirap...


    @Nortehanon - naku, Ma'am pala.. pasensya na po :) salamat din po sa inyong pagdaan...

    TumugonBurahin
  19. May one time pinanuod namin sa school..yung mga about sa abortion.. grabe..makikita mo talaga na ang dame..lalo na sa ibang bansa... sa CHINA nga daw kinakaen pa eh. Sa JUNO...yun muntik na siya magpa-abort dun.. at hindi siya nagpa-abort nung malaman niya na may kamay na yung bata..

    TumugonBurahin
  20. @Kamil - May epekto ang abortion sa katawan ng isang ina diba? hindi ko lang alam kung ano.. pero ang sigurado ko, ang katotohanang pinatay ng sariling ina ang anak, ang epekto nun sa kanyang konsensya kung meron man..

    gandan araw marekoy... apir :)

    TumugonBurahin
  21. @ kamila - halaka! bkit ginawa ding pagkain! ang sama naman nila! huhhuhuhuh....

    @ Istambay - grabe nakakakilabot ung story...at nakakaiyak din..my friend akong ngpa-abort ih...di ko sya mapigilan...di dw nya kayang panindigang mag-isa... :(

    sana mabasa din nya toh'

    TumugonBurahin
  22. @Katie - pang eyeopener din diba? isipin na lang na sariling dugo at laman.. tsk tsk.. isa pa, ito ang pinaka the best na gift galing sa Taas..

    ang mahirap kasi, takot humarap sa katotohan at sa kinabukasan ang taong ganito. HIndi nagiisip kung paano bukas.. ang importante sa kanila ay ang ngayon.. parang sige, go lang ng go.. sarap eh. bahala na bukas..

    :)

    TumugonBurahin
  23. sad storyT_T
    hays daming nadadamay na mga inosenteng bata dahil sa mga iresponsableng tao...

    TumugonBurahin
  24. mga walang hiya at iresponsableng tao ang gumagawa niyan, parasuhan sana sila ng maykapal..

    nice piece banjo..

    TumugonBurahin
  25. fiction or non-fiction? pero may mga gantong pangyayari sa totoong buhay. nakakalungkot na kaganapan sa buhay.

    TumugonBurahin
  26. awww nakakalungkot naman to..tsk bakit kasi kinakaya nilang gawin to

    TumugonBurahin
  27. masalimuot tlga ang buhay pero somehow life is a miracle. sabi nga e may rainbow pagkatapos ng ulan

    TumugonBurahin
  28. ang lungkot!!!! ang lungkot!!! ang lungkot!!! yun lang :)

    TumugonBurahin
  29. super super like parekoy...touching story...keep it up galing po talaga!

    TumugonBurahin
  30. masakit pero dapat tanggapin..stop abortion..

    TumugonBurahin
  31. ang dami daming gustong mag ka anak, tapos may mga taong tinatanggihan ang regalo ng diyos

    TumugonBurahin
  32. Merong mga babaeng gustong magkaanak.. tapos silang biniyayaan ng anghel na anak.. gaganyanin lang nila.. blessing yan bigay ng panginoon.. bakit nila ginaganyan.. nakakalungkot..

    magandang entry.. lahat kami bumilib dito..

    TumugonBurahin
  33. Hindi ko namamalayan ang paglipas ng panahon. Mga panahong katahimikan at kadiliman pa rin ang sa akin ay nakapaligid. Subalit, sari saring ingay pa din ang aking naririnig nitong mga nakaraan. Iba't ibang boses, iba't ibang tunog. Ibat ibang awitin, iba't ibang tinig.

    gusto ko ang pagkakatagpi tagpi ng mga salita para makabuo ng pangungusap. magnda ang flow, akma ang bawat salita :)

    TumugonBurahin
  34. @unni - nakakalungkot talaga ma'am,, ung nababalita sa tv. tsk tsk..kaawa awa talaga.. salamat po

    @mammy razz - kung wala mang batas ang tao sa ganitong insidente, hindi sila makakaligtas sa batas ng langit.. salamat po mommy..

    @khantotantra - fiction lang po hehehe, likha ng makulit na isip, pero siguro nga ganyan ang pakiramdam ng isang sanggol sa sinapupunan ng ina. salamat sir..

    @Bino - how sad talaga parekoy.. salamat.. :)

    TumugonBurahin
  35. @ka-swak - parekoy matagal kang pahinga ah.. musta na? salamat sa pagbisita.. balik ka na ulit...


    @Arvin - sa batas ng langit wala silang ligtas... :)


    @Adang - Tama, ang iba nagaampon pa, samantalang may mga swerteng biniyayaan ng Dyos na magkaanak. Kahit pa kasalanan ang nangyari, dapat panindigan ang naging bunga..

    @Lalwatsera - magandang araw po.. musta? siguro nangyayari ang ganito dahil sa takot na harapin ang problema, walang kahandaan sa pangyayari. pero di sapat para gawin ang krimen na ganito..

    TumugonBurahin
  36. @Ate bhing - salamat ateng, nung nagsusulat ako, di ko namalayan na ganyan ang nagagawa ko.. sa totoo lang, habang sinusulat ko ito, nadadala ko ng kwento. nakakalungkot kasi... salamat po ulit.. :)


    @Empi - malalim ang buntong hininga ah hehehe... salamat parekoy.. :)

    TumugonBurahin
  37. bunga ng kapusukan di kayang panindigan...

    TumugonBurahin
  38. ganun pala naabort siya. magaling pagkakasulat parekoy .idol na kita

    TumugonBurahin
  39. sobrang lalim ng mga tagalog. kudos to you! :)

    fallen angels are the ones who guides us in everyday life. sila yung nagpapa-alala na hindi dapat ma-down sa buhay kasi life is indeed a blessing! :D

    TumugonBurahin
  40. parang telenovela ang dating..but this happens talaga in reality dba po.

    TumugonBurahin
  41. @LordCM - inuuna ang sarap sir at hindi kayang panindigan ang hirap.. salamt po

    @Kikilabotz - ang nagsasalita eh ung bata... experience nya sa loob ng sinapupunan.. slamat parekoy :)

    @Mr chan - salamt po.. malalim talaga ko magtagalog hehehe.. salamatsss

    @Emmanuelmateo - maraming nangyayaring ganyan, baka nga halos araw araw pa eh sa ibat ibang panig ng mundo.. salamat sa pagdalaw :)

    @Bulabulero.sg - salamat sir sa pagdaan.. :)

    TumugonBurahin
  42. **pahid luha**

    *pahid sipon**

    haaaaay, buhay. napakasaklap. nakakalungkot. pero makatotohanan. alam kong nasabi ko na 'to sa mga nakaraang post, pero sasabihin ko ulit, ANG GALING!!

    :)

    TumugonBurahin
  43. BatangG - salamat sa pagdaan.. talagang tulo ang sipon ha.. ay salamat na pala ulit sa pag accept.. :)

    TumugonBurahin
  44. astigin...mahusay mahusay... pang soap opera...husay... ;)

    TumugonBurahin
  45. bakit kasi may mga taong ganyan...???

    naantig naman ako parekoy!

    gandang gabi...

    TumugonBurahin
  46. ang galing naman ng pagkakasulat mo.... yung pamangkin ko (i mean not -real-pamangkin) napulot lang namin sa may basurahan. as in napagkamalan pa namin na tyanak. hindi pa napuputol ang pusod, binalot lang ng lampin. basta nalang iniwan sa tabi ng basurahan...buti nga napadaan kami, kung hindi, baka namatay na ren yun.
    --hayss paano kaya nakakayanan ng iba na ipa abort ang pinagbubuntis nila? yung ibang babae nga gustong-gusto magka anak, tapos sila basta2x nalang nagpapa abort.. ang worst pa tinatapon lang kung saan saan. hindi man lang inilibing ng maayos. haysss :-(

    TumugonBurahin
  47. ang lungkt naman nito pre. ang bigat sa pakiramdam. :(

    TumugonBurahin
  48. bigla akong napaisip ng malalim dito at habang lumalalim ang pagbasa ng bigla bigla ang lungkot sa sanggol ang aking naramdaman

    TumugonBurahin
  49. Abortion is wrong, pero the little baby is better off with angels than to live with irresponsible humans...

    TumugonBurahin
  50. aaww.. nice story..

    clap! clap! clap!

    keep it up..

    TumugonBurahin
  51. @Supergulaman - salamat sir.. chheerrzzz

    @Jay rulez - halos sa lahat ng panig na mundo may nangyayaring ganito.. hindi makatao pangyayari.. makahayop.. salamat parekoy

    @Jobo - oo nga.. nakakalungkot talaga.. salamats

    @Cheenee - speechless? ahehehe. salamat marekoy

    TumugonBurahin
  52. @Kris - salamat naman.. mabuti kung ganon ang nangyari.. blessing sa inyo ung bata.. isa syang anghel.. ang nakakaawa, ang batang walang kamalay malay na syang nagdusa sa kasalanan ng magulang.. tsk tsk... bahala na ang Diyos sa kanila. Konsensya na ang kalaban ng sarili nila..

    @Houseboy - napalungkot ang sulat ko.. riyalidad, inisip ko lang ang kung anong pakiramdam ng isang batang walang nagdurusa ng kasalanan ng magulang..

    @tekamots - ay salamat sa pagdaan, pasyalan kita sa bahay mo afer ng comment.. salamat ng madami

    @Glentot - May point ka parekoy, mas mabuti na din ang nangyari kesa masaksihan pa ng bata ang kalupitan ng kanyang pinaggalingan.. tsk tsk..

    TumugonBurahin
  53. @Oreo - salamat parekoy.. biktima lang talaga..

    TumugonBurahin
  54. ayaw na ayaw ko talaga sa kwentong mga ganyan...may nabasa rin kasi ako dati about abortion...parang natakot ako na nalungkot..

    at sa totoong buhay naman ginagawa na nating option magpa abort especially sa ibang bansa...grabeee mortal sin...

    but nice post pareko! ^_^

    TumugonBurahin
  55. @Riza - ey nagbalik ka na ah.. musta? sensya na at sa pagbabalik mo eh ito pa ang nabasa mo heheheh... salamat ng madami.. :)

    TumugonBurahin
  56. nakakalungkot talaga ang nangyayari ngayon... nawa pahalagahan ng bawat isa ang buhay na biyaya.

    TumugonBurahin
  57. Ang ganda ng pagkakalikha mo sa iyong obra.

    Papalaot na naman tayo sa RH Bill na isinusulong at manong kontrahin ng ilan.

    Tama, kawawa ang sanggol na hindi isinisilang, pero hindi rin naman makatarungan na ang sanggol na ipapanganak ay magpaparami pa ng pakalat-kalat sa mundo na hindi alam ang direksiyon at lugar niya.

    Mahirap ipanganak ang responsibilidad at pagbabago sa makaluma nating paniniwala.

    I-abort na lamang ang ganitong kaisipan. :)

    TumugonBurahin
  58. wehee me ganun?! lool okay lang parekoy uie! it's not me it's you...weeheee

    TumugonBurahin
  59. @csseyah - nararapat lamang na pahalagan ma,am.. maraming salamat po sa pagbista at pagiwan ng bakas.. :)


    @Leonrap - musta parekoy? salamat po sa pagdaan.. :)

    TumugonBurahin
  60. @Jkulisap - Salamat na marami sir

    bunga ng kamangmangan ng iba sa sekswalidad na gawain, hindi kayang panindigan ang nagiging bunga. natatakot sa kinabukasan kaya ang niisip ang maling pamamaraan, sa kasalanang nagawa sa mata ng ating Kaibigan, munting anghel ang nagdurusa..

    talagang mahirap ipanganak ang responsibilidad at pagbabago sa makalumang paniniwala. Hindi ko alam bakit hindi mabago ang paniniwalang iyon sa kabila ng paglobo at harapan ang problemang pagbabago lamang ang solusyon...

    muli po.. maraming salamat sir.. :)

    TumugonBurahin
  61. @Riza - ay maraming salamat sa muling pagbabalik.. :)

    TumugonBurahin
  62. wow.naantig ang aking puso..hehehe..seriously this article is well written...keep it up sir.

    TumugonBurahin
  63. @Rico - salamat ng many parekoy... :)

    TumugonBurahin
  64. I'D SHARE ONE EXPERIENCE.
    I GOT A CHANCE TO WATCH THE TALENT PORTION OF A BEAUTY PAGEANT HERE IN OUR TOWN IN 2007, AND ONE PRETTY CANDIDATE DID A MONOLOGUE ON ABORTION. SHE ACTED AS IF SHE WAS THE BABY BEING ABORTED. ASTIG. MUNTIK NA KONG MAIYAK, KASAMA KO PA NAMAN SYOTA KO. NAKAKAHIYA. HEHE.
    SUCH STORY NEVER FAILS TO MOVE ME.
    IBA KASI TALAGA YUNG MARARAMDAMAN MONG HABAG MO SA MGA PINAPATAY NA MUMUNTING ANGHEL, SA INAABANDONANG MGA BATA (SANGGOL MAN O MALAKI NA).

    TumugonBurahin
  65. http://walangmagawasibanjo.blogspot.com/2011/02/munting-anghel.html
    Hello po Sir/Mam, hingi po akong permission na gamitin ung kwentong “Munting Anghel” bilang finals po namin sa school. Tanong ko lang po kung anong full name niyo po para sa author ng kwento. Studyante po ako ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

    TumugonBurahin