Biyernes, Disyembre 10, 2010

Ang Larong "Sipa"

Habang naglalakad ako galing sa galing sa paghunta sa kapit bahay, may biglang bumagsak sa harap ko. Gulat ako kasi muntik na ko tamaan, maya maya may batang palapit sakin at kinuha ung bumagsak s harap ko.. "Sipa" pala yun o (atchoy kung tawagin namin nung bata pa ko, wag nyo na tanungin kung bakit atchoy kasi nakagisnan ko lang yan).. Sa mga hindi nakakaalam ng "Sipa" ito ung tinga na may butas sa gitna na nilagyan ng mahabang tali o plastic...

             


                                       (ganito nilalaro un kung hindi nyo alam)

Noong elementary pa ko, kalimitan ginagamit ng mga kalaro ko eh siko o kaya ung kanilang notebook, pero ang talagang ginagamit sa "Sipa" eh paa (syempre kaya nga "Sipa" diba?). Sinisipa ang "Sipa" at hindi kailangan bumagsak sa lupa..pananatilihin mo ang "Sipa" sa ere gamit ang paa sa pamamagitan ng pagsipa, bawat sipa ay may bilang. (Tip, mas ok kung nakasapatos ka kasi masakit sa paa ang mag sipa). Meron ding taya dito. Mapaparusahan mo ang kalaro mo kung sa huling bilang ng pag sipa mo ay talagang sisipain mo ng ubod ng lakas ang "Sipa". Pag natumbok mo, habol ang kalaro mo.. pero iiwasan mo ito masalo ng paa nya at maituloy nya ang pag sipa mo sa kaparehang bilang na ginawa mo at ikaw ang magiging taya.

Ang larong sipa bago ko natutunan, talaga namang sumakit ang bukong bukong ko kasi dun natama ang matigas na bagay na tingga, masakit talaga pero walang reklamo kasi gusto ko matutunan eh. Ito ang laro namin noong bata pa ko.

Pinulot ko ang "Sipa" at inaabot ko sa bata. Ngumiti sakin ang bata sabay pasalamat sakin, kita ko pa ang suot nyang sinelas, nakalagay sa bukong bukong nya. Napangiti ako sa sarili ko kasi ito din ang gawain ko noon.

Nakakalungkot isipin na unti unti ng nawawala ang larong ito ngayon, patunay lamang ng paglipas ng panahon. Dahil sa pagsulputan ng iba't ibang klase ng laro, (computer games, internet, gameboy, at kung ano ano pa) halos nawawala na ang kulturang laro na minana pa natin sa ating mga ninuno. Dinadala ng isang bata ang kung anong kultura meron sya hanggang sa kanyang pagtanda. Nagkakaron ito ng epekto sa kanyang pagkatao. Ang computer games at iba pa na karamihan ay puro barilan, hagaran ng kotse o labanan o digmaan, ano ang ugaling maaring ipasok nito sa kaisipan ng isang bata diba? at tulad din ng "Sipa", pisikal na laro na humuhubog sa iyong kaalaman, na maari mong magamit sa hinaharap. Nakakatuwang isipin na dito sa aming lugar, may naglalaro pa din nng "Sipa" tulad ng batang iyon.

Bakit ko naisulat ito? wala lang naman.. naalala ko noong mga ilang linggo lang nakalipas habang ako'y pauwi sa bahay, may dalawang kabataang dayo lang sa amin at ako'y nakursunadahan.. ayun, Sipa sa mukha ang inabot nila sakin. "kung uso na ang computer games na yan noon, kung hindi bugbog sarado eh baka tepok na ko ngayon"..


note:
nakatulong din sakin ang larong prisoner (sikyo), ang bilis ko kayang tumakbo ngayon hahahaha, hindi umabot sakin ng dumating ang iba pa nilang mga kasamahan... at ang larong plever (ewan ko kung tama spelling, laro na binabato ng bolang medyas ang taya sa gitna at kailangan iwasang tumama ang bola alinman sa katwan ng taya)  magaling din ako umilag wahahahaha, puro hangin tinamaan nila..

15 komento:

  1. whaha sipa isa sa mga sport ko ung nasa elemtary pa lang ako.. grabe pataas at patagalan pa kami nito.... :D

    TumugonBurahin
  2. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  3. @axl: sayang hindi naging sport samin ito.. konti na lang nakikita ko naglalaro.. mapauso ulit kaya hahaha...

    TumugonBurahin
  4. hahaha ako naman eh hanggang ngayon di marunong maglaro niyan.. kasi nung naglalaro ng sipa mga kapitbahay ko nun eh nakikinood lang ako.. hahaha di kasi magcoordinate yung paa ko sa dapat sanang gawin ko.. haha

    TumugonBurahin
  5. @kiko.. pre naalala ko yung itsura ng kamay ng naglalaro ng sipa.. parang pingkaw habang nagsisipa haha... ganon kaya itsura ko noon... waaaa

    TumugonBurahin
  6. Hahaha favorite na laro ko yan nung musmos pa ko...sipa, tiako, tumbang preso, tumbang baka...

    TumugonBurahin
  7. @Moks.. hahaha.. tiako..yan ba ung syato? ahahaha... 2 sticks, isa mahaba at isang maikli at dalwang malaking bato... hahahah

    TumugonBurahin
  8. ahhhh ang laro ko lang naman dati eh palayuan nang naaabot nang ihi...triny ko rin magsipa pero nakakapagod...heheheh

    TumugonBurahin
  9. Ahahahahhaha naku nilalaro ko rin yan nung bata pa ako... hehehhehehe... saka kinonek talaga ang larong bata sa pakikipagbasagan ng mukha sa mga dayo?! hehehehhehehe

    TumugonBurahin
  10. madalang na nga ako'ng nakakakita ng mga batang naglalaro ng sipa unless nasa loob sila ng paaralan. kaka-miss talaga :)

    TumugonBurahin
  11. magaling akong sumipa ng aso pero hindi ako marunong maglaro ng SIPA lol.

    TumugonBurahin
  12. @jobosuarus.... hahaha... uu nga.. sa pyesta uso pa yan sa province

    TumugonBurahin
  13. @Xprosaic.. hehehe.. konektado talaga ahahaha...

    TumugonBurahin
  14. @Bino.. uu, sa eskwelahan sa public skul na lang makikita.. kaya lang madalang na din ang naglalaro.. tsk tsk..

    TumugonBurahin
  15. @Ester.. pambasag ka hahaha... san mo naman tinatamaan ang aso.. hihihi

    TumugonBurahin