Lunes, Disyembre 13, 2010

Makina at Kawatan

 Sa Talyer..

"Pre, sure ka ikakarera mo yang kotse mo? bulok na bulok na pre, langya.. sinong pupusta satin nyan?"

"Relax pre, tingnan mo ang makina ko, oo bulok ang katawan nitong kotse ko, pero pinalitan ko ng makina ito pre, kahit ferari di uubra sa bilis nito"

"Taena pre, sure win ito,. tested ba ito? Hayop ang ganda ng makina mo. Astig pre"

"Pre, sinadya kong hindi baguhin ang body ng kotse ko, tatapatan natin ang pusta ng kalaban"

Sa lugar ng karera..

"Pre, ayos na ayos, Owner type jeep lang ang kalaban, 5k lang ang makina pre, nasilip ko kanina.  pakakainin mo lang yan ng alikabok"

"Pre, taena, Owner lang? putsa pre, tapatan mo lahat na pusta nila, dehado tayo sa pustahan pero tapatan mo pre.. sure win ito"

Ready...... Get set... At nag green ang Ilaw

Broommmmm... broommmm..... brooooommmmmmmmmmmmmmmm.....

Ilang oras ang lumipas..

"Putsa pre, anong nangyari.. bakit tayo natalo.. ayos na eh ang laki ng agwat mo sa kanya.. taena naman. 5k lang ang kalaban ng makina mo, tinalo ka.. langya naman oh"

"Putanginang pang-ilalim yan.. nag wiggle ang kotse pre,, namamalag ang katawan, kondisyon naman ito bago isabak eh. muntik pa nga tumalsik ang gulong, nak ng tipaklong oo"

"Syet naman, sa susunod pre, pag nagpalit ka ng makina, isama mo ang katawan ng kotse mo, ang galing nga ng makina mo, bulok naman ang katawan.. wala rin, pipigilan lang nyan ang bilis ng makina mo... nasaan ba ang dating makina nyan?"

"Nandun pre sa kongreso"

"Putang*na.. Bulok na gumagana pa?"




-- ano't ano man ang ganda ng iyong adhikain, kung ang nakapaligid naman sayo ay bulok pa din, wala ka pang tamang landas na tatahakin.

29 (na) komento:

  1. ang daming pre! nahilo ako! char! hehehe

    TumugonBurahin
  2. akala ko anu na social media pal ito... nice one...

    TumugonBurahin
  3. ay gusto ko to. napakatalino ng pagkasulat. akala ko nonsense na conversation lang between 2 mag pare. pero may pagkaeye-opener rin pala. galing din ng realization. thumbs up! :)

    TumugonBurahin
  4. naks! may social relevance... nice! nice!

    TumugonBurahin
  5. Ahh ang galing, ang galing, buti binasa ko!!! Magaling ito...

    TumugonBurahin
  6. @Nimmy - di ko napansin hahaha.. dami ngang pre, sinusulat ko ito parang kausap ko kumpare ko eh ahahahaha

    TumugonBurahin
  7. @likha - sinimple ko lang, dinaan sa kwentuhan

    TumugonBurahin
  8. @Ester - naiisip ko ung Truth Commision ni P-Noy, hinarang ng dalawang walang kwentang tauhan ng bulok na makinang pinagpalitan ahahaha...

    TumugonBurahin
  9. @Kiko - Pre, sana nga tamaan sila ahahaha... lagi na lang eh hehe

    TumugonBurahin
  10. @Bino - Buti may aral naman hehehe, natapos ko na ang tope.. how sad ang ending, nangyayari din yan sa riyalidad.

    TumugonBurahin
  11. @Adang - Sapul ba? ahahahaha kaya lang manhid yata SILA..

    TumugonBurahin
  12. @Exprosaic - Pre, kabadtrip ang ginawa nilang magpigil sa TC eh..tsk tsk

    TumugonBurahin
  13. @Glentot - Ang galing din ng taktika ni GMA.. planado lahat hahaha...

    TumugonBurahin
  14. salamat po sa inyo lahat mga parekoy ay marekoy...

    TumugonBurahin
  15. @AXl - Ganon ba tol ahahah.. salamats na many

    TumugonBurahin
  16. akala ko pasweet lang...malalim pala hehehe

    TumugonBurahin
  17. may ibig sabihin to... di ko nagets!!!!

    kaw istambay hilig sa pulitika eh.. hahaha :D

    TumugonBurahin
  18. pwede pwede. gawa ka nalang ng bago tapos e base mo dun. nwei, bago n pala url ko

    TumugonBurahin
  19. @jobosaurus.. napalalim ng konti ahahaha... walang sweet jan.. sarap nga pag untugin ng dalwang humarang sa TC ni P-noy

    TumugonBurahin
  20. @egg.. kabadtrip lang politics dito sa atin. parang yan ung kwento ko sa talangka.. ayun hinihila pababa ang pag angat ng isa.. tsk tsk

    TumugonBurahin
  21. @ester - oo nga, ung nasa blog roll ko, pag click sau, wala eh.. add ulit kita...

    Salamat po sa inyo lahat

    TumugonBurahin
  22. naks! galing naman nito.. hehe... unfortunately taga samin ata yung sinasabi mong "makina" na nasa kongreso.. wahahahaha...

    TumugonBurahin
  23. @Oreo.. naku sa inyo ba.. sensya na hehehehe...

    TumugonBurahin
  24. naks ang ganda!! parang kwentong kamatis lang db?

    hapi pasko sayo istambay!!!

    TumugonBurahin
  25. @pokwang - salamat at napadaan ka hehehe.. kwentong kamote lang..

    TumugonBurahin