Habang nagiinuman kami ng mga kumpare ipinaglihi sa kalokohan.. naisip kong isulat ang kung anong naging tema ng kwentuhang walang kwenta sa session namin hehehe... ASO..
Ipapaliwanag ko base sa karanasan ng aking mga kaibigan at aking pananaw ang ilan sa kung anong ugali meron ang aso, kung bakit nya ginagawa ang ganito o ganon...
Inuulit ko po.. base sa karanasan ng aking mga kaibigan (mabuti na ung malinaw) hehehe
Nagumpisa ang katangahan namin (o nila) sa ugali ng aso ng dumating ang isa namin barkada sakay ng kanyang broom broom. Pagkaparada ng broom broom.. lumpit si aso sabay amoy amoy sa gulong..
Yigs:"Tsun.. hiiiiii.. alis dyan, aamo'y amo'y ka pa ha.."
Sa inuman.
Tsong go: "Pre, bakit inaamoy ng aso ang gulong ng pumaparadang sasakyan?"
Banjo: "Pre hindi natin malalaman kung walang susubok"
Bahaw: "Pre, akong bahala"
Umalis sa pwesto si pareng Bahaw at inamoy amoy din ang gulong, pagkatapos bumalik sa pwesto...
Bahaw: " choooo chooo.. wiwit.." lamapit ang aso, tinanong nya face to face ang aso.. "Bakit mo inaamoy ang gulong ng broom broom ni pare? nawiwiwi ka no?"
Lakas din talaga ng sapak.. kinausap ang aso... tumingin lang ang aso sabay labas ng dila at hinimod ang bibig ni pareng Bahaw
Bahaw: "Taena... badtrip.."
Tawanan ang tropa.. walangyang trip yan..
Banjo: "Ayun pre, sakto..mabaho kasi kaya inaamoy ng aso ang gulong"
Bahaw: Mga ogag kayo.. di ako BADBREATH...
Bakit inaamoy ng aso ang gulong ng bagong dating na broom broom? Kasi mabaho at gustong gusto ng aso ang amoy na mabaho
Humirit ulit ang aking tyuhing mas bata sakin
Tsong go: "eh pre, bakit naman gustong gustong ihian ng aso ang gulong?"
Banjo: "O ikaw naman pre Roost?"
Roost: "Akong bahala jan"
Punta si Roost sa sasakyan, inamo'y din ang gulong...
Roost: Taena.. ang baho nga...
(wala palang tiwala sa tropa hahaha)
Nilabas ang kanyang putotoy at umuhi ng malapitan.. (Langya, umupo pa talaga). After nya umuhi...
Roost: "Taena, ang sarap pala umihi sa mainit init pa.. ramdam ng betlog ko eh"
Hagalpakan sa tawa ang tropa.. nahulog pa ko sa upuan habang hawak sa tyan...
Bakit iniihian ng aso ang gulong ng bagong dating na sasakyan? Kasi mainit init pa. presko sa betlog nya...
Ang aso magaling na bantay ng bahay, tinatahulan nya ang taong hindi nya kilala. Hinahabol din nya ang kung sino mang bata na makita nyang tumatakbo.
Bakit galit ang aso sa taong hindi nya kilala, bakit hinahabol nya ang mga batang natakbo?
Saking pananaw, likas na sa isang aso ang pagiging matapang. Ung tipong parang palaging may banta sa kanyang buhay kaya ganon na lang kalakas ang kanyang pakiramdam. Pero hindi sapat ang katapangan nila para sila mabuhay, kailangan nya ng magaalaga sa kanya, ng magpapakain sa kanya. at yun ang nagiging amo nya, kadalasan kung sino mang taong kausap ng amo nya, nakikilala nya. Kalimitan din hinahabol nya ang taong di nya kilala dahil sa pagaakalang banta ito sa seguridad ng amo at ng sarili nya mismo. Ganon din kung bakit ang galit ang aso sa kapwa aso, kasi nga wala silang isip na gaya ng sa tao, DIYOS nya ang kanyang sarili. Kaya kung sakaling pupunta ka sa bahay namin, siguraduhin mong nakasarado ang gate bago ka mag "tao po" kasi alpas ang aso namin.
Bakit pamapagaypay ang buntot aso sa pag dating ng kanyang amo?
Ahh ganito yan, iwan mong walang pagkain ang aso mo.. mananabik talaga yan sayong pagbabalik dahil sa gutom.. kung busog yan.. hinding hindi yan sasalubong sayo...
Sa inuman ulit..
Yigs: (ang bagong dating na sakay ng broom bromm) "Eh pre.. Bakit pag nag sex ang aso, iisa lang ang style, Dog Style?"
Nakita namin dumaan ang kapitabahay kong mayaman na akala mo laging nagtitipid dahil sa ikli lagi ng damit ay shorts...
Banjo: "Mga pre, ako naman ang sasagot jan"
wahahahahah... sige pre dale....
Banjo: "Mga gago, marine asawa nyan.. madami na napatay"
wahahahahah.....
Banjo: "pre, sagutin ko pa din tanong mo.. kasi pre, aso yan eh kaya dog style, kung iyan ay baboy. eh di pig style yan bwahahaha.. pero pre, taena, the best posisyon na yan, tested pre wahahaha.. sigaw nga asawa mo eh..."
Yigs: "Taena mo, gago ka ha di ko pa asawa yun, at saka di pa namin nasubukan yun"
(hina din pumik up ng kumpare kong ito oo)
Karaniwan na din sa isang mag-asawa, ang lalake ang syang nagloloko sa asawa. Hindi natin masabi kung anong dahilan at nagagawa ng isang lalake sa asawa nya ang ganon. Madami kasi na pede idahilan. Maaring si babae or si lalake or pareho sila ang dahilan. Nasasabi tuloy ng matanda, kung kelan tumanda saka magloloko, natanda ng paurong.. Pero para sakin kahit ano pa iyan.. iisa lang ang napatunayan ko.. "Walang Tuta ang naloloko. palaging aso"
Sa inuman,
Kahit na busy sa kalokohan ang aking mga kumpare, matalas ang utak at ang paningin ko sa bawat kilos nila. At eto ang napansin ko, ang tyuhin kong mas bata saken, palaging sa kanya nagtatagal ang tagay, ang lakas pang mamulutan, nagkataong nasa kanya na ulit ang tagay at talaga naman ako'y inip na sa tagay ko.. Kaya ako naman ang humirit at bumida ng kwento..
Banjo: "Mga pre ako naman ang may kwento sa inyo, tungkol sa aso din.. makinig muna kayo, ito ay seryoso"
Tsong go: " Ay sya banat hehehehe"...
Matamang nakinig ang apat kong kainuman...
Banjo: Tsong ito'y hindi mo alam no, pakinggan mo ito tsong ha. Kwento din ito ni lolo sakin eh kaya ikukwento ko sa inyo. Noong araw, ang lolo ko ay may alagang aso, napakatalinong aso, napakamasunurin, mahal na mahal ng lolo ko. Lagi nya kasama sa pulo, pag sila'y nangangaso, naku asahan mo itong aso nya, ito ang tagahabol sa mababaril ng lolo ko. Tumatambling pa nga ang aso ni lolo. Marunong maglaro ng Luksong tinik, tumutulay pa nga sa alambre, sumasayaw pa ng ng makarena.. wahahahaha... naku, kapamilya na ang turing ni lolo sa alaga nyang aso.. Pero lam nyo ba, ipinagbili sya ng lolo ko kahit sya ay mahal na mahal nya. ako'y napaiyak nga sa kwentong yan ng lolo ko.
Tsong go: "hindi ko nga alam ang kwentong yan" titig na titig sa baso na tila ninamnam ang aking kwento..sabay kuha ng pulutan.
Roost: "Pre, baka naman naghirap ang lolo mo kaya napilitan ipagbili"
Bahaw: "Bakit ba pinagbili ng lolo mo?"
Banjo: "pre ganito yon" seryoso effect pa ko (iling ng ulo)
Banjo: "ANG LAKAS KASI KUMAIN EH ANG TAGAL NAMAN UMINOM"
Iniisip ng tropa kung ano ang sinabi ko..saka sila naghagalapakan ng tawa..
Si tsong, sing bilis ng kidlat ininom ang tagay nya, isang lagok lang.. at hindi na namulutan....
Bwahahahahaha.....
hahaha... kung ako yung aso ako na magsasabing kainin niyo nalang ako...
TumugonBurahinkawawa naman yung aso ni lolo sayang at pinagbili lolz....
TumugonBurahinmukhang talented at kelangan isabak sa Pilipinas Got Talent... LOLz...
panalo inuman nyo... pero next tym magyaya kayo ng aso sa inuman para masaya
aw.. aw... aw..
@Kiko hahaha inumang topic aso hahaha...wala eh. ogag mga kumpare ko
TumugonBurahin@EG "ANG LAKAS KASI KUMAIN EH ANG TAGAL NAMAN UMINOM" ang pagsasabi ko nyan patama sa tyuhin ko, ang tagal kasi uminom hahaha.. lakas ma mamulutan.. inip ako lagi eh... TIP yan pre pag matagal uminom ang kainuman mo tapos ang lakas pa mamulutan hahaha