Lunes, Disyembre 06, 2010

INAHING MANOK

Krruuuukkk, krukkkk....

Narinig kong sigaw ni nanay, nanonood yata ako ng Voltez V nung mga panahong un. kakadating ko lang galing eskwela. nalimutan ko, ako nga pala ang nakatoka na magpatuka ng manok kada hapon..tsk tsk. Bye Steve, bye little john, by Big Bert.. jamie bukas ulit, at mark wag masyadong mafeeling. Paalam ko sa tropa sabay patay ng TV.

Nakatutuwang magpatuka ng manok na tagalog namin (native chicken) ang dami kasi, ang iba maiilap, ang iba mababait.. naglalapitan at tinutuka ang paa ko.. kada alas 5 ng hapon, nagitipu tipon sila sa likod bahay namin, oras na ng hapunan. Hawak ko ang palanggana ng kinukod na nyog, yan ang alternative namin pag wala kami pambili ng mais.

Kruukkkk.. krukkk... 

Ibinudbod ko ang kinudkod ng niyog sa kawayang binyak na nakhilera na akala mo reminal ng bus ang magkakaparada. Napansin ko ang isang inahin na may akay na mga sisiw na hindi bababa sa 18. walang makalapit, pinoprotektahan ang sisiw habang sila ay kumakain.

Sabi ng akin nanay, Kita mo Banjo, paglaki ng mga sisiw na yan, iiwanan din nila ang kanilang ina.

Matagal na panahon na din ang nakalipas. Bigla ko lang naalala. Tinanong ko ang aking ina.. Nasaan na ina ung inahin natin dati na may akay na maraming sisiw? 

Nagkwento ang aking ina...
Anak, diba't iniwan na sya ng kanyang mga sisiw? Lam mo anak, sobrang bait ng ating inahin sa kanyang mga anak. Walang makalapit na kaaway, ano mang hayop ang lumapit sa kanila, aso, pusa, daga, kambing, hinarap nya ng buong tapang. Ayaw nyang may mawalay o may mapahamak na isa mang sisiw nya. Tinuruan nya ang kanyang mga anak na lumipad, tumalon sa puno, iwagayway ang pakpak. ano mang uod na makita ng ina, binibigay nya sa kanyang mga anak. Pero tulad ng sabi ko sayo anak, iniwan din ang ating inahin ng kanyang mga anak....

Nasaan ang ating inahin?... yan anak nasa harapan mo na.. may sakit, lugmok sa kahirapan, hindi makabangon anak, nakratay sa kanyang pugad, anak nabanggit ko ba sayong nagbalikan ang kanyang mga anak pagkatapos ng mahabang panahon, at alam mo ba kug saan sila galing, galing sila sa ibang pugad.. at ng magbalik, hindi na kilala ang kanilang tunay na ina, at sila pa mismong mga anak nya ang humalay sa kanya. Yan ang sistema nila anak. wala tayong magagawa.

Tumahimik ako sandali.. Tiningnan ang aking ina, ngumiti sa akin..

Anak, alam mo bang may pangalan ang ating inahin?

PILIPINAS ang ngalan nya...







5 komento:

  1. Naks naman. Ako na nanghihingi ng tawad sa mga Pinoy na lumayas ng bansa. Haha. Sorry naman Banjo. Ang serrryyuus. Haha. Napadaan ulit dito si Yow. :)

    TumugonBurahin
  2. @Kikko - napaisip lang ng malalim.. toinks

    @Yow - hahaha.. ang seryusss ba...

    salamat pga pre sa pagdaan...

    TumugonBurahin
  3. Lesson: Be Humble and never to forget....

    ----------------------

    ang lalim naman ng post mo banjo... :)

    TumugonBurahin
  4. @egg - napalalim lang ng iniisip hehehe.. salamat sa pag daan pre

    TumugonBurahin