Natatandaan ko pa noong elemtary, public school ang pinasukan ko, hindi pa uso ang nursery at kinder, pero pede salingkit (saling cat) isasama ka sa grade 1 kung 6 yrs old ka lang at at pagkatapos ng school year, grade 1 ka na ulit.
Madaming bagay na hindi ko maunawaan noon na ngayon ay unti unting nabibigyan ng linaw sakin, hindi naman ito itinuro noong elementary pa ko, nakikita ko lang na minsan ginagawa namin mag aaral lalo na kung breaktime. Langya, naalala ko ung nutriban, alam nyo ba yon? Alam ko ang iba alam yan, ung mga nag private school, hindi alam yan. Ito ung tinapay na matigas na malaki, na ang palaman ay nahihiyang peanut butter (kadalasan) at mahiyain din na mantikilya na para may kasama eh nilagyan ng asukal. Hindi ko maintindihan kung pre requisite ba ito para sa maging grade 2 ka, grade 3, grade 4 hanggang 6.
Sa umagang umaga pa lang, wala pang 8 am, darating na sa clasrrom mo ang isang tray ng nutriban, pag dating ng breaktime, bibigyan kayo ng tig iisa, may bayad yan ha (hindi ko na matandaan kung magkano) hindi ka makatanggi sapagkat si titser ang nagbbigay, nakangiti ha.. ang tamis.. ang siste pa, kung 40 lang kayo magaaral sa loob ng klasrum, 50 piraso ang dadalhin sa inyo, may matitira.. Yan ang ilalako ng kung sino man ang matoka. Hanggang hapon kailangan maubos mo, kaya kadalasan ang nagtitinda, ang naglilista ng maingay sa klase (noisy/Standing), may multa sa bawat lista. Bili ka nutriban, pede ka na mag ingay... wahahahah.. langya, ngayon ko lang naunawaan, ang peanut butter pala nahihiya. sa laki ng tinapay, kakapiraso ang palaman.. tsk tsk..
Isa pa sa aking napansin at ngayon ko lang din naunawaan, tuwing field trip oh educational trip. Anong subject ang i-rerelate mo sa mall, sa pagawaan ng lapis, sa star city, sa boom na boom, sa enchanted kingdom? Nagbayad ang nanay ko ng mahal para sa educational na fieldtrip na yan, magkano lang ang ticket, wholesale yan kumbaga, may discount pa, sa mall walang entrance fee.. langya.. tsk tsk...
Ito ang palatandaan, di man tuwiran, pero ang subject na yan, sa aking pananaw, (P.E.) POLITICS EDUCATION. Di tuwirang itinuturo sa estudyante pero natututunan. HIndi garapalan sa mga may mangmang na pag iisip.. hmmmm.. oo nga pala, naalala ko din, ung classmate ko nga pala noong grade 1, ngayon Congressman na.. wahahahah...
Wat d EF.....
hahaha.. kahit nasa public school ako nun wala na atang nutriban kasi di ko naranasang mabigyan ng ganyan.. pero yung pipila ka sa canteen dahil malnourished ka kakain ka ng noodles sa cup na may kanin yun naabotan ko pa.. hahhaa
TumugonBurahin@ kiko, hahaha.. oo nga.. isa pa yan.. ang nutriban tandang tanda ko pa.. para daw di maging malnourished ang bata... hahaha...
TumugonBurahinmaraming salamat sa pagbsita sa site ko.
TumugonBurahinnwei, nagugutom ako sa title ng post mo. parang gusto kong kumain ng NUTRISTAR. LOL
whahaa kakamiss yun mga ganyan event no... ang saya pa :D
TumugonBurahin@Ester- NUTRISTAR.. Nutriban na may star margarine ahahahaha....
TumugonBurahin@Axl - Oo pre, pero kung sa mall din lang ang punta at pagawaan ng lapis di bale na lang hahaha.. ang gusto lang ng mga bata jan yung joyride, nakasakas sa bus at tumingin sa dinadaanan hahaha...
first time ko dito at hindi ko ata naalala ang nutriban noong elementary pa ako. Kinukwento lang siya sa akin ng mama ko, pero yung sa kanila libre lang at walang bayad.. hanubayan pati pala nutriban ginawa nang negosyo noon...lol
TumugonBurahinang uso kasi noong elementary kami ay mga teachers na mahilig magpabunot ng puting buhok :))
@heartless - ibig kaya sabihin nun matanda na ko hahaha.. weh.. inabot ko pa yan eh.. siguro nung time na tun eh uso pa din samin yan.. (palusot pa eh hahaha)
TumugonBurahinButi na lang hindi ko naabutan yung nutribun hehehehe
TumugonBurahin@glenn.. uu nga.. mabuti at di mo na naabutan un, pero ang pagpila sa canteen na puro candy ang tinda inabutan mo pa ba hahahaha?
TumugonBurahinsa field trip naman ako natutuo lumangoy :P lagi kami nun sa Long Meadows sa Bulacan haha
TumugonBurahinbumabob-ong ka istambay heheheeh... FEEDING ang topic ah.... puro nutriban lang ba ang pinapadala senyo??? walang champorado? spaghetti? sopas? na 5pesos lang ang isang tasa?? lol...
TumugonBurahinnaalala ko tuloy ang fieldtrip... like museong pambata, wax museum, money museum, aguinaldo shrine...
haaayyyy sana elementary na lang ulet ako LOL