Ang sabi ng mga kapit bahay ko, maganda daw ako
malaki ang income ko, marami akong natutulungan.
lalo na saking mga anak...totoo naman, un ang dahilan
kaya ako nandito, gusto kong tulungan ang mga anak
ko. Mahirap ang buhay kaya naman ginagawa ko ang
lahat para sa mga anak ko, para sa kanilang kinabukasan.
Maganda talaga ako, isa ako sa nakakatulong upang
maging maunlad ang lugar ko..daig ko nga ang mga
kapit bahay ko sa pagaaakyat ng yaman para sa bayan ko,
mayaman kasi ang mga pinagmulan kong pamilya.
nasa iba't ibang bansa sila at matatag na din ang kanilang
kabuhayan, dati nasa japan ang magulang ko pero ngayon
nasa germany na sila at patuloy na nagpapayaman..
Bonggang bonga ko no?
Subalit sa kabila ng lahat ng ginagawa ko para sa
mga anak ko, bakit ganoon ang nangyayari sa kanila?
Sila sila hindi magkasundo, ang iba nag-aaway away, ang
iba nananamantala. hindi ba nila alam ang hirap na ginawa
ko para sa kanila? Hindi ba nila alam ang sakit na
nararamdaman ko sa tuwing sila ay nagkakagulo?
Sa kabila ng parangal na natatanggap ko, ng mga pag bati
ng mga kapit bahay ko sakin, ng kanilang pag tingala at
paggalang sakin, ganito ang nararamdaman ko.. nasasaktan
ako sa sinasabi nila, dahil sa loob mismo ng aking bakuran
hindi ako mahalaga. Wala akong achievements na nakuha,
dahil ang mismong mga anak ko ang nananamantala sakin.
Minsan, dumating ang balitang kukunin na ko ng magulang
ko upang dun na manirahan sa ibang bansa, gustuhin
ko mang isama ang mga anak ko pero hindi pupwede.
Kaya nanatili ako dito para sa kanila.. dahil mahal ko
ang mga anak ko..
Inakala ko na magbabago sila dahil sa paninindigan kong
manatili dito pero nagkamali ako, dahil walang pagbabago
ganon pa din ang mga anak ko, naghihilahan pababa,
nag aaway, nagkakainggitan, nagsasamantala sa kabaitan ko.
Silang mga anak ko ang yumuyurak saking pagkatao..
Silang mga anak ko ang gumagago sakin...

Sa tuwing tumitingin ako sa salamin, maganda pa din ako
kaya kong itago ng ganda ko ang nangyayaring kabulukan
sa bakuran ko. Marami pa din ang maakit sakin at marami pa
din ang titingala sakin. Hahangaan pa din ako ng mga kapit
bahay ko. Marami pa din ang lumalapit sakin, gusto nilang
mabahaginan sila ng aking biyaya...
Ito ako, hindi na lilipas ang aking ganda, ngayong lalo
pa akong gumaganda dahil sa pinapadala sakin ng magulang ko
at syempre ibinibigay ko sa mga anak ko un. Pero ang mga anak ko
hindi talaga nagkakasundo. Mapagsamantala, sinasamantala nila
ang kahinaan ng iba.
Hayy, wala akong magawa dahil mahal
ko sila. Siguro, patuloy ko na lang lolokohin ang sarili ko.
Sa mata ng mga kapitbahay ko, maganda ako, kahangahanga,
kapansin pansin, maraming naakit. Hindi nila dapat malaman
ang bulok na nangyayari sa loob mismo ng aking bakuran.
Nakakahiya, nakakasuka, nakakababa ng moralidad..
Hangang kelan ko kaya matitiis ang ganitong sistema sa
bakuran ko, hindi ko mapasunod ang aking mga anak,
wala silang malasakit sakin. Wala silang utang na loob,
patuloy pa din sila sa pagyurak sa pagkatao ko.
hayyy... salamat sa atensyon mo, ikaw na bumasa
ng sulat ko...salamat at nailabas ko sayo ang sama
ng loob ko...
Nalimutan ko... ako nga pala si (insert name of company),
ito nga pala ang panagalan ko..
naks,,, gumaganun oh.. hehehe :D
TumugonBurahinMahirap nga talaga maging OFW :( malungkot na, thankless job pa. Pero kaya natin yan.
TumugonBurahinganyan talaga ang buhay, parang gulong. minsan may tae minsan wala.
@AXL - kainis itong mga heads dito.. sarap patuwarin este putulan ng mga heads hahaha
TumugonBurahin@lakwatsero - hehehe at minsan madalas iniihian din hahaha..
TumugonBurahindi ko nagets na naman... hina naman ng utak ko....
TumugonBurahinikaw na henyo istambay
handsdown!!!!
@egg - parekoy, ung nagkukwento bale parang company namin, ung mga anak nya ung mga empleyado ng company, global company kami, mother company namin eh sa germany naka base. Lam mo naman sa mga heads ng bawat department, hindi mawawalang ng corrupt kaya yan eheheheh.. dinaan ko sa matalinghagang kwento..
TumugonBurahinpanalo! astig ito ah. guessing game. hihi :P
TumugonBurahinah yun pala yun. ganun naman talaga ang buhay, hindi naaappreciate ang efforts.
TumugonBurahinhalos lahat ng company ganyan, at halos ng boss ganyan..
TumugonBurahinako nalang sustentuhan mo...hahaha! Tinamaan naman ako don...Naiintindihan ko himutok mo, naiintindihan ko din mga anak mo. Mahirap din kasi lumaki at nasanay na hindi kasama magulang.tiyaga ka lang...malay mo magsipagbago.hehehe!
TumugonBurahinhaha nakatuwa nga naman ISTAMBAY ang mga heads mo hihi! kaw na.
TumugonBurahinExchange link tayo :)
ah... malapit sumabog utak ko dun kung di lang sa building... wahehhee
TumugonBurahinKuya ang galing mo talaga gumawa ng mga ganitong essays, natetempt ako magskip sa dulo kasi alam ko metaphor ito.
TumugonBurahin@nimmy - Guessing game ba hehehe, delikado pag nabasa ng mga heads dito.. bahala sila manghula hehehe
TumugonBurahin@Bino - Parekoy, appreciated nga ng mga bossing eh hahahaha. kinukurakot ang effort naming mga staff lang. tsk tsk
@Adang - Karamihan talaga ng company dito sa pinas, may boss na pansarili muna ang inuuna.. sistema na hehehe
TumugonBurahin@Ungaz - Naku, pag naging mga anak ko magaway away dahil sa mga binigay ko, palo aabutin nila sakin ahahahaha...
@Pluripotentnurse - Aba pre, kabayan pala kita hehehe.. naadd na kita at nagfollow na din..
TumugonBurahin@Kiko - parekoy, sinadya ko lang sketch ang building namin, halatang halata eh kahit burahin ko un name ahahaha. only in the philippines..
TumugonBurahin@glentot - hahaha, napalalim lang ng iniisip, simpleng magkwento pero ay bira ahehehehe...
TumugonBurahinto all, salamat po sa inyo lahat... MERRY CHRISTMAS
It's the season to be chubby la la la la la. la la la la.
TumugonBurahinHappy Holidays! Wishing you more blessings of love, good health, peace and luck ! :-)
Merry Christmas and Happy New Year!
Nakiki-istambay lang sa mga pumalo (nag-follow) nitong nakaraang taon. Salamat.
TumugonBurahinAkala namin "Philippines" yung kumpanya na tinutukoy dito. Pareho kase ng problema.
Sige, Happy New Year na lang.
hay... hirap talaga kapag di mo hawak sa sarili mong kamay ang mga anak.. totoo lang wala masyado magagawa ang mga salita... ay hindi madame pala.. pero sa sitwasyon na toh, pagdidisiplina sa mga anak... di ko alam.. lalo na malayo ka..
TumugonBurahinhayy... sana maging okay din ang lahat para sayo
@Parekoy anthony - Happy new year sa yo parekoy. salamat sa pagbisista..
TumugonBurahin@mgaEpal.com - Isang napakalaking pagpapasalamat sa inyo mga Epal na parekoy.. lagi ako nakasubaybay sa bahay nyo. salamat, malaking karangalan na madaanan nyo ang aking munting bahay... mga idol, happy new year
TumugonBurahin@Kamila - uy napadaan ka.. happy new year.. salamat ha.. lam mo naman dito sa pinas, mga heads ng company may pagkakurakot.. ayan ang anak ng kumpanyang pinapasukan ko hahahaha
TumugonBurahinAkala ko, si Pinas ang tinutukoy mo nung una. =)
TumugonBurahin@tsina - achuwali, kasama na si pinas dyan, paro ang tinitira ko talaga eh ang mga heads ng company namin.. nakuuuuuu... hahahaha
TumugonBurahin