May paparating na
bagyo ayon sa balita na narinig ko sa transistor radio na nakapatong mesa.
Malakas di umano at binabalaan ang lahat na maghanda para sa pananalanta nito.
Paparating ang bagyo dalawang araw mula ngayon. Agad tinapos ni Tatay ang
pag-inom ng kape at lumabas ng aming kubo. Pinagmasdan ko ang ginagawa ni
Tatay. Sinusuri nya ang bawat bahagi ng aming bahay kubo na iyon mula sahig,
haligi, dinging na kawayan, hanggang sa bubong na pawid na pinatungan lang ng
segunda manong yero. Si inay naman ay nagwawalis ng paligid.
Pinagmasdan ko ang
paligid at muli, nakita ko na naman ang naglalakihan at naggagandahang bahay sa
di kalayuan sa amin. Nakatirik kasi ang aming kubo malapit sa isang sabdibisyon
sa aming probinsya. Sa aking sarili, naisip ko na napakaswerte ng mga nakatira
sa ganong bahay. Hindi nangangamba sa unos na dumarating.
"Oh anak, anong
tinutunganga mo diyan? Si tatay pala na hindi ko namalayan na lumapit sa akin.
"Tay, may bagyo
na naman kasi, naisip ko lang na swerte ang mga nakatira sa bahay na yon kasi
hindi na sila mangangamba sa paparating na bagyo."
"Bakit anak?
kinakabahan ka ba na baka magiba ang bahay natin?" may ngiti na tanong ni
Tatay sa akin.
"Tay, malakas
ang bagyo ayon sa balita, kinakabahan po ako"
"Anak, wag kang kabahan
ilang unos na din ang ating pinagdaanan at kelan man hindi bumigay ang ating
bahay, magtiwala ka sa Tatay mo anak" Si Nanay pala na nasa likod na
namin. .
Isang gabi ng biglang
bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin. Ito na ang
bagyong ibinalita sa radyo. Pinagmasdan ko ang kandila sa gitna ng aming mesa
na isinasayaw ng hangin. Sa mumunting liwanag, nakita ko ang aking mga magulang
na nakatingin din sa akin, nakangiti na tila sinasabing wag akong mangamba sa
mangyayari. Ni hindi ko nabanaagan sa kanila ang pagkabahala. Subalit ramdam
kong malapit ng magiba ang aming bahay.
Maaliwalas na ang
panahon ng ako ay magising kinabukasan. Agad akong lumabas ng bahay pinagmasdan
ang paligid. Halos manlumo ako sa aking nakita, malaki ang pinsalang dulot ng
bagyong nagdaan. Maraming bahay ang mga nasira. Maraming puno ang nabuwal.
Maraming pananim ang nasalanta. Si tatay, abala sa pagkukumpuni ng bahagi ng
aming bahay na nasira.
"Pagmasdan mong
mabuti ang iyong Tatay anak. Tulad ng bahay natin, gaano man kalakas ang unos
na dumating, hindi sumusuko, hindi natitinag at bagamat nasisira sa lakas ng
hangin nanatili pa rin itong nakatayo para sa kaligtasan natin. Yan ang tatay
mo anak" Si nanay na hindi ko na naman namalayan na nasa aking tabi na
pala.
Tumingin muli ako sa
aking paligid at natanaw ko na naman ang mga kabahayan sa sabdibisyon na iyon
at napa isip ako ng malalim. Tumingin ako kay nanay na nakamasid sa akin. At si
tatay, papalapit sa amin, pawisan man subalit hindi mababakas sa mukha ang
pagod, nakangiti s’ya na sa amin ay nakatingin.
may agimat ang bahay nila? hehehe.
TumugonBurahinMagandang araw sa'yo parekoy.
kagagaling ko lamang sa bahay mo sir ekoni.
Burahinbumabati sayo ng maligayang araw ng mga Ama.
maraming salamat po
happy father's day sa lahat ng mga haligi ng tahanan :)
TumugonBurahinmaraming salamat sir bino
Burahinbalang araw babatiin din kita tulad ng pagbati mo amin na mga Tatay na.
salamat po :)
hello Istambay!
TumugonBurahinnaku..huli man daw at magaling maihahabol din..hehe..
belated happy father's day!!! :-)
para sa akin, nakuha mo ang eksaktong paglalarawan ng isang ama.
napakagaling.
Sir, kamusta ka? :)
TumugonBurahinGreat post! :) nakakatuwa ang mga tatay ano? Happy father's day to all!!
TumugonBurahinang galing mo sumulat parekoy..
TumugonBurahinnakaka antig
matatag ang tatay....ganun naman talaga sila...
TumugonBurahinnakarelate ako dito ...
TumugonBurahinnaalala ko yung dati naming bahay. :)
banjo!! galaw-galaw! dalaw ka sa post ko now na! hmmmp!
TumugonBurahinNapakahusay ng paglalarawan ng isang haligi at kung paano binuhay ng iyong kuwento ang kadakilaan ng ating mga ama.
TumugonBurahinAlam mo kapag paparating ang bagyo sa amin, upang maiwasang magiba ang bahay, lalagyan ng tatay ko ng suhay ang paligid ng aming bahay.
Marahil ganun nga ang ating mga ama. Haligi, minsa'y inaanay pero kadalasa'y kasing tibay ng Molave sa katatagan at responsibilidad.
Kamusta Sir Banjo?
Hala.. Hala.. Parekoy natuwa naman ako dito pag balik ko.. nasa-gilid pa din yung galing sa Road to Kill na award :))
TumugonBurahinnice story I don,t know this is real or fake but it,s good. I like your blog and read your posting it is so good.
TumugonBurahinWeb design india