Nakabibingi, nanunuot sa aking katinuan ang pigil na mga hikbi ni Ina sa
kabilang silid. Hindi ako dalawin ng kapayapaan ng isip sa ganitong
pagkakataon. Matagal na din nananahan sa akin ang ganitong damdamin. Walang
pagbabago, tulad ng isang mundong nakapailalim sa kalawakan ng gabi, ang lamig, ang katahimikan, ang dilim
ang bumubuo sa aking kamalayan.
Unti unting sumasabog ang liwanag sa silangan, may bago na namang umaga.
Subalit ang tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Aking kapatid na patpatin,
babangong may tuyo pang laway. Sa kusina si Nanay na palaging may matalim na
titig sa akin. Kasunod nito ang masasakit na salitang almusal ko tuwing umaga.
Patungkol sa walanghiya ko daw na Ama.
Walang malinaw sa aking isipan. Nangangapa ng mga salitang magbibigay ng
liwanag sa akin. Ang damdamin kong ito'y
tila isang tigang lupa na pinagkaitan ng ulan.
Ang sikat ng araw ay nais sumambulat sa paligid, tila pinipigilan naman ng
makapal na ulap, hinaharangan. May nais lamang na ipahiwatig, alam ko. Ibig
makiramay sa kalungkutan ng daigdig, kalungkutang dulot ng mga hikbing iyon.
Lilisan kami ni bunso patungong kakahuyan. Maghahanap ng maaring maitulong sa
aming kabuhayan. Minsan nama’y sa may aplaya. Naghahakot ng mga isdang bibilhin
ng hindi na makabuhat. Isinasabay na sa pagtampisaw sa dagat ang
paglalaro. Maalat subalit pait ang aking
nalalasahan.
Ano nga ba ang ginawa ni Ama dahilan upang ako'y pagkaitan ng ngiting
magmumula sa aking Ina? Sa halip, pananakit ng katawan at matatalim na
pananalita ang pumupunit sa aking kalamnan. Habang ang luha ay kadenang walang patid na
dumadaloy sa aking mga mata, gayun din naman ang luha ni Ina. Si bunso'y
matamang nakatitig sa mga pangyayaring hindi pa dapat niya makita.
Tanda ko pa noon, hindi mawala ang ngiti ni Ina sa akin. Gumigising ako
tuwing umaga na sya ang kapiling. Palaging binabanggit na kahawig ko si Ama.
Masaya si Ina na aking namamasdan. Subalit magmula noong lumisan si Ama sa
hindi ko mawaring dahilan, nagbago ang lahat. Sumasalubong na ang ihip ng hangin.
Palagian kong naririnig kay Ina, katulad ako ng walanghiya kong Ama. Suwail,
iresponsable, walang kaluluwa.
Mapait ang katotohanan sa aking pakiwari. Taglay ni Ina ang galit sa
daigdig. Ang pagkamuhi sa aking Ama na siyang nakadikit sa akin. Ito ang
damdaming umaalipin sa kanya. Unti unti
nabibigyan ng kasagutan ang lahat... sana. Sa bawat araw na lumipas, walang pagbabago.
May tuyong laway si bunso sa pagbangon. Larawan ng isang walang dunong at
walang muwang sa mga pangyayari, subalit ganon pa man, alam kong nakatatak sa
kanyang isipan ang lahat. Nakapangangamba.
Katatapos lamang ng unos na iyon na sumabay sa dalamhating aking
nararamdaman. Kasama ko si bunso na lumisan sa bahay upang gawin ang sa amin ay
nakalaan na tungkulin. Tumingin si bunso sa kaitasan. Pilit umaalpas ang sikat
ng araw sa likod ng mga ulap. Binibigyang kulay ang asul na kalawakan.
"Sana sumikat ang araw upang makita ko ang langit."
Munting tinig
na namutawi sa bibig ni bunso habang nakatitig sa kalawakan. Natanong ko sa
aking sarili. May taong nakarating na kaya sa langit? Alam ko na ang kasagutan.
Ang tinatanaw ni bunso ay hindi langit. Ang kanyang nakikita ay hangganan lang
ng kanyang pananaw. Parang tinig ni bunso, ang langit ay nasa tao , hindi
nakikita, hindi nahahawakan.
lagi na lang ako'ng napapahanga ng mga sulat mo. gaya nito'ng bago mo'ng akda. napakahusay mo talaga! sana mabigyan ako ng pagkakataon na makilala ka sa personal!
TumugonBurahinmaraming salamat sir bino.
Burahinyaan mo, hindi maglalaon at makakasama din ako sa mga EB ng ibang mga kaibigang blogero.
salamat po muli :)
ang langit ay nasa tao , hindi nakikita, hindi nahahawakan.
TumugonBurahinsakto!
ngayon lang din ako npatambay dito
maraming salamat po sa inyong pagbisita sir, sana po ay muli ko kayong makita dito :)
Burahinang galing! lalo na yung last part!
TumugonBurahinmalalim talaga pinaghuhugutan niyo sir!
nasulat ko lamang sir habang akoy walang ginagawa :)
Burahinsalamat po :)
wow. isa ka talaga sa pinaka magagaling na blogero ngayon.nice parekoy!
TumugonBurahintulad mo sir, akoy humahanga sa angking mong husay :)
Burahinmaraming salamat po :)
matalinhaga ang sang to at maganda....as i see it, u really r getting better each time sis...i would'nt be surprise if one day u turn out to be the best blogger..^^..
TumugonBurahinay sis, nakakahiya naman ang iyong mga tinuran, tumaba ang aking puso eh. bumigat tuloy ako ng isang kilo. ^^
Burahinsis, namiss kitang tunay :)
"Ang tinatanaw ni bunso ay hindi langit. Ang kanyang nakikita ay hangganan lang ng kanyang pananaw."
TumugonBurahinAng lalim nito. Parang hindi maarok ng kanyang kawalang-malay... =)
ang langit ay nasa ating puso, ang ating tinatanaw sa kaitaasan ay hangganan lang ng ating balintataw :)
Burahinmaraming salamat sir. ito ung mga tipo kong sulatin. humahamon sa isipan.
:)
malalim... to the max.
TumugonBurahingaling!
ako'y kagagaling lamang sa iyong pahina.
Burahinmaraming salamat po, malalim man sana po ay inyong nagustuhan ^^
wow puti kana!!!
TumugonBurahinhaaaiiissstt napapahanga mo talaga ako lagi....
ayun iyah, ngayon lang ulit ikaw nakapasyal no hehe. musta?
Burahinako man ay humahanga sayo no, hindi mo lang alam hahaha :)
magandang araw sayo :)
ang kasiyahan sa buhay ay maituturing na ikaw ay nasa langit....pero kung pait at lungkot ang naghahari ay para kang nasa impiyerno....
TumugonBurahinmaraming salamat sirt arvin.
Burahintama ang iyong tinuran :)
wow grabeh! ang lalim. never read a blog like this,
TumugonBurahinjust me,
www.phioxee.com
http://phioxeeAwareness.blogspot.com
ay ateng, nagpunta ako sa bahay mo at nagiwan ng bakas duon.
Burahinmaraming salamat po :)
salamat po ;-) followed you. ano na next post mo ;-)
Burahinnice one
TumugonBurahinsalamat po. welcome po pala sa blogworld. sanay marami pang kwento ang aking mabasa mula sa inyo :)
Burahinvery sad poem...but very good...:)
TumugonBurahinxx!
salamat po ma'am :)
Burahinnakikitambay po dito :D
TumugonBurahinMyxilog
hi maam myx. ang dami mong blog. pinalo ko po ung myxilog.
Burahinsalamat po sa pagtambay :)
<-- speechless ... Ang galing mo pards..
TumugonBurahinikaw man ay magaling din. tagahanga mo na nga ako eh..
Burahinsalamat sir
isa kang alamat at inspirasyon, sana isang beses ay makapagsulat din ako ng isang matalinghagang sanaysay gaya nito..
TumugonBurahinnakakataba naman ng puso.
Burahinkaya mong sumulat, paganahin ang imahinasyon, balikan ang alaala. :)
salamat po at magandang araw :)
Maraming salamat sa pagbabasa ng lahok ko, sir. Dahil doon natumba 'yung katabi ko! Tapos nasuntok ang labi ko. Ang sakeeeet, sir! Haha. Saka dahil doon, nalaman ko ang site niyo. Napakaganda ng mga nakasulat! May bago nanaman akong susubaybayang mga sulatin! Mabuhay! Hihi
TumugonBurahinmaraming salamat sir tado.
Burahinnakakatuwa naman. ang aking hinahangaan ay tumambay din sito sa aking munting pahina :)
salamat po mulit :)
gusto ko yung istilo mo ngayon sir Banjo. Parang Tula. Maganda ang paghahambing.
TumugonBurahinsir joey. long time no hear. musta na po?
Burahindaan ka din po sa blog ... gaganda ng post mo .. tatapusin ko lahat ito basahin .. isang tunay na malikhaing isip .. malalim ang mga titik, salitang yumayanig hanggang ngayon sa mangmang kong diwa .. :)
TumugonBurahinayun ka ulit. ay ang laki ng aking ngiti dine eh :)
Burahinsalamat po ..
kiss naman para sayo . :)
aftermath ng adultery? ito na ang produktong suffering? kainaman... :)
TumugonBurahinGod bless Dr.Okwuezeala for his marvelous work in my life, I was separate with my husband for the pass 3 year now and I wasn't satisfied i needed to get my husband back because the life of loneliness was so terrible for me and my 2 kids I searched about some possible spell caster that can bring back lover and i then come across Dr.Okwuezeala i saw a comment about Dr.Okwuezeala, how he bring lovers together with his spell caster I contacted him and he guided me. I asked for solutions, he started the remedy for my spell he ask for some information which i sent to him and also told some few things to do, after 48 hours my husband call me and start bagging me for forgiveness for all that happens i am so happy right now that we are back again as one family. If you are in the same situation right now and you don't know what to do or where to go, you can contact Dr.Okwuezeala today on dr.okwuezeala.temple@gmail.com
TumugonBurahinWhatsapp:- +2348123446245
he can help you out of that you situation.