*** Ang sumusunod pong kwento ay entry para sa TKJ April issue. Ito po ay kathang isip lang ng may akda, anumang pagkakahawig ng pangalan, lugar at pangyayari sa tunay na buhay ay hindi sinasadya. Maraming salamat po
Maaga akong nagising ng araw na ito, ginising ko na din si Junjun. Magsisimba muna kami bago kami dumiretso sa aming pupuntahan. Nagdala na din ako ng aming pagkain, doon kami mananghalian. Pagkatapos ng misa, dumaan muna kami sa bilihan ng bulaklak. Bumili lang kami ng ilang bulaklak at dumiretso na. Mahaba haba din ang biyahe pauwi ng probinsya. Pagdating namin doon, inilatag ko ang dalang carpet upang aming upuan at gamitin na rin na hahainan ng dala naming pagkain. Nagpaalam sa akin si Junjun na may bibilhin lang sa labasan. Hawak ang bulaklak sa aking mga kamay, nakatitig ako sa aking dalang larawan at sa pangalang nakaukit sa pinagpatungan. Raymond Descallar... Unti unti bumalik sa akin ang alaala.
----------
" Mon, wala ka bang balak mag abroad? Wala ka bang pangarap para sa anak mo?"
"Bakit mo natanong yan? Syempre naman gusto kong magkaraon ng magandang kinabukasan ang anak natin."
"Gusto kong magtrabaho sa abroad, tingnan mo ang kumare natin, ang gaganda na ng bahay. Sa tuwing magkikita kita kami, naggagandahan ang kanilang suot na alahas.. kumustahan sa buhay, samantalang ako puro fancy lang ang nasusuot."
"Bakit mag aabroad ka pa? Hindi ko naman kayo ginugutom ng anak mo. Sapat naman ang aking kinikita, may naitatabi din naman tayo kahit papano. Wag kang managhili sa mga kumare natin. Ang importante ay sama sama tayo. Pasasaan ba't magkakaron din tayo ng magandang bahay at sasakyan, konting tiis lang Hon."
Isang gabi yon ng pag-uusap namin, lingid sa kaalaman ni Raymond na aking asawa, may apply na ko sa America, ini-refer ako ng isang kumare sa isang kumpanya na gumagawa ng damit doon. Isang buwan na lang at malapit na akong lumipad subalit hindi ko pa din nabanggit sa aking asawa ang tungkol dito. Panigurado kasing hindi siya papayag.
Nasanay na akong bumangon ng maaga upang asikasuhin ang pagkain ng aking mag-ama sa pagpasok sa eskuwela at sa opisina. Pasado 7:30 na ng umaga noon at naihatid ko na din si Junjun sa eskwela, malapit lang naman kaya ako na mismo ang naghahatid. Dumating ako sa bahay na ni hindi pa nagagalaw ang hain ko sa lamesa. Sa kwarto nandun pa si Raymond, nakapikit pero wari ko naman ay gising.
"Hindi ka ba papasok ngayon?"
"Hindi muna, masakit ang ulo ko eh. Tatawag na lang ako sa opisina."
"Ayan ka na naman, sinumpong ka na naman ng katamaran, lagi mo na lang idinadahilan ang migrain mo, pano ka ba aasenso nyan?"
Tumahimik na lang si Raymond. Sinamantala ko naman ang pagkakataong 'yun at binanggit ko ang malapit ko ng pag alis patungong America. Hindi napigilan ng asawa ko ang umiyak, dahil don nakaramdam ako ng awa. Pero wala syang nagawa sa aking kagustuhan. Mula ng umagang 'yun, parang nagkaron ng pader sa pagitan naming dalawa.
Huling gabi bago ako lumipad tungong America, pagkatpos ko patulugin si Junjun, nadatnan ko si Raymond sa kwarto na hawak ang kanyang ulo, tahimik na nakahigang nakatalikod sa akin. Alam kong tahimik syang lumuluha, kita ang bawat galaw ng balikat sa paghikbi. Hindi ko na tinangka pa syang kausapin. Kinabukasan, hindi ko pinapasok sa eskwela sa Junjun. Maaga ang aking flight non. Nakapaghanda na ko ng gamit ng pagbalik ko sa kwarto, dumadaing ng sakit ng ulo ang aking asawa.
"Aalis na ko Mon, kaw na ang bahala kay Junjun"
"Hindi ba talaga magbabago ang isip mo Hon? Baka naman pede ipagpaliban mo muna, paano na ko? itong sakit ko? Hon, wag ka nang umalis hayaan mo namang makasama pa kita habang buhay pa ko, may ca....."
"Wag mo kong daanin sa drama, iniintindi mo ang sakit mo, migrain lang yan.. ang layo nyan sa bituka.. hindi mo ikamamatay yan.. hinding hindi mo ko mapipigil, para din naman sa kinabukasan ito ni Junjun. Malaki ang pangarap ko sa kanya... Hindi na ko papahatid sayo, alam ko sinusumpong ka na naman ng katamaran... ingatan mo si Junjun... alagaan mong mabuti"
Umalis akong may samaan kami ng loob ni Raymond. Pero alam kong maiintindihan din naman nya ang lahat. Hindi sapat ang makuntento lang kami sa sinasahod nya. May mga pangarap din naman ako para sa aking sarili. At ito na ang katuparan, ang mabili ang lahat ng aking nais. Ang mapantayan ang yaman ng aking mga kumare.
Dalawang taon... dalawang taon ako namalagi dito sa America, madalang din ako makatawag sa amin, at kadalasan ang anak ko pa ang aking nakakausap. Minsang makausap ko si Raymond, hinihiling nyang palagi na ako'y umuwi na. Palagi daw akong hinahanap ni Junjun. Minsan, hindi ko inaasahan ang tawag na galing sa Pilipinas. Ibinigay sa aking ng sekretarya ang telepono...
"Hello"
"Hello mama"
"Oh Junjun, musta ka na? Bakit ka napatawag? Naku pasensya ka na anak at busy ang mama mo ha, musta ang school mo?"
"Ma, ok naman po, tinawagan kita kasi si Papa eh."
"Oh anong nangyari?"
"Palaging masakit ang ulo nya, nung isang gabi sumisigaw, ikaw ang hinahanap.. natatakot nga ko Ma eh."
"Naku, di ka na nasanay dyan sa Papa mo, siguro pinatawag ka lang ng Papa mo para lang sabihin sakin yan no? Yaan mo Junjun, isang taon na lang, uuwi na ko, at pag uwi ko hindi na ko babalik dito. Magsasama na tayo ng Papa mo, teka asan ang papa mo?"
"Ganon po ba? Nasa kwarto po, natutulog."
"Hay, sinumpong na naman ng katamaran ang Papa mo."
Dahil na din sa sobrang busy ko dito sa America, hindi ko namalayan ang pag takbo ng oras. Sa loob pa ng isang taon, malaki laki na din ang naipundar ko. Kahit na abutin pa ng pagtanda si Junjun, hindi na mauubos ito. Tatlong taon dito sa America, tatlong taong puro pagpapayaman ang aking nasa isip.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, habang nakatungo akong naglalakad, nabundol ko ang isang babaeng busy din naman sa paghahalungkat sa bag habang naglalakad, nabitawan ko ang mga dala kong papeles at iba pang gamit..
"Ohh, Im sorry miss."
"It's ok" ang medyo nakasimangot kong tugon.
"Heidi? Heidi Descallar?"
Napatingin ako sa nagsasalita, ang aking nakabangga, bakit alam ang aking panagalan.
"It's me, Anna, ung kapitbahay mo sa atin..."
Si Ana, ang aming kapitbahay na madalas ko din makakwentuhan noon. Bibihira ang pagkakataong meron akong masalubong na kakilala dito. Mabuti at hindi naman s'ya busy kaya inaya ko munang mag snack at nang makakwentuhan. Hayy namiss ko ang ganito sa amin.
Madami kaming napagkwentuhan, mga pangyayari sa Pilipinas at sa buhay buhay. Medyo matagal na din pala siya dito. Almost 1 1/2 year na din, anim na buwan ang nakalipas mula ng sya'y umuwi sa Pilipinas.
"Si Raymond talaga, ni hindi man lang nabanggit na nandito ka pala."
"Ay oo nga pala Heids, musta na ang mister mo? Hmm sensya na ha, sana naman eh gumaling na s'ya..."
"Ha? bakit naman? Eh migrain lang naman ang sakit nya no... Hihihi."
"Ha, ibig sabihin eh hindi mo alam.. teka naguguluhan ako sayo, eh nung umuwi kasi ako last year, mga 6 months na yata yun. Isang umaga na habang papasok yata si Junjun, eh bigla na lang natumba si Raymond hawak ang ulo nya.. sumisigaw pa nga sa sakit eh. Then dinala namin sa ospital ni mister, si Junjun eh dun muna sa bahay. Sabi sa amin ng doctor, mabuti daw at nadala agad... Nagkataon naman na iyon din pala ang doctor nya na tumitingin sa kanya. Ayaw pang sabihin sa amin ng doctor dahil iyon daw ang bilin sa kanya ni Raymond. Heidz... May brain cancer ang mister mo. Three years na nyang nilalabanan ang sakit na yon. Sabi ng Doctor nya, nasa stage 3 na yung Cancer nya."
Tila binagsakan ako ng langit at lupa ng marinig ko iyon, nagdilim ang aking paningin. Nagising na lang ako sa isang pribadong clinic na malapit sa lugar na iyon. Umuwi ako sa bahay at pinlano ang lahat ng gagawin. Kinabukasan, maaga akong dumating sa opisina upang magfile ng resignation. Hindi pa ko nakakapasok sa aking opisina ng ibigay sa akin ng sekretarya ang telepono, galing daw sa Pilipinas ang tawag. Nangangatal ang aking kamay na inabot ang telepno..
"Hello?"
"Mama, si Papa."
"Anak ko, Junjun, anong nangyari? Uuwi na si Mama."
"Si Papa, nasa hospital dinala ng mga kapitbahay kanina."
"Oh my God.. Anak, uuwi na si Mama, bukas nanjan na ko."
"Dalian mo Mama, natatakot ako."
Sinabi ko sa aking boss ang pangyayari kaya agad nya din akong pinayagan. Sa tulong na din ng aking boss, nakakuha ako ng ticket. Kinabukasan, lumipad na din ako pauwi sa aking pamilya.
Matagal ng nakahinto ang aking sinasakyang taxi sa tapat ng bahay ngunit tila wala akong lakas upang buksan ang pinto. Pinagmasdan ko ang buong kabahayan... Nakabukas lahat ng ilaw, maliwanag ang kapaligiran. Bumaba ang driver at syang nagbukas ng pintuan... ngunit hindi ko naman maihakbang ang aking mga paa. Huminga ako ng malalim, kumuha ng lakas ng loob sa pagharap sa maaring katotohanan.
Unti unting lumalaki ang pintuan ng bahay sa aking paglapit, lumalabas ang liwanag ng nagmumula sa loob ng bahay. Mga mata ng tao na sa akin ay nakatingin. Ni hindi ko mawari kung awa, pagtataka o galit ang sa kanilang mata ay makikita. Wala akong pakialam noon. Unti unti ang puting kahon ang nasisilayan... puting kahon na nagsasabi sa akin ng katotohanan, ng katotohanang sa loob ng tatlong taon ay hindi ko nakita. Hanggang sa tumabad sa akin ang kabuuan, at ang pagdilim na aking paningin.
Malakas ang ulan, ipinasya kong magpaiwan sa harap ng puntod ng aking asawa. Sa aking tabi ay si Junjun na tahimik ding umiiyak. Sa ilang araw din nakaburol si Raymnond ngayon ko lang narinig ang boses ni Junjun.
"Ma, natatakot ako.. sa mga gabi na sumisigaw si Papa hawak ang kanyang ulo, ikaw ang hinahanap nya. Ma, bakit ganon? Ang sakit Mama, gusto ko s'yang tulungan pero wala naman akong magawa. Tapos isinasara lang nya ang pintuan pero naririnig ko pa din ang sigaw nya. Bakit hindi ka dumating noong hinahanap ka nya? Bakit mo sya pinabayaan?"
"Junjun anak, patawad sa inyo."
"Pero Ma, alam ko naman na nasa langit na si Papa. Masaya na sya dun."
Sobrang sakit ng aking pakiramdam sa mga sinabi ni Junjun, bawat kataga'y tumutusok sa aking puso. Bawat himaymay ng aking laman ay nangangatal, hilam ang mga matang sinasabayan ng malakas na buhos ng ulan. Sobra ang aking pagsisisi, tatlong taon akong binulag ng aking pangarap, tatlong taon na puro material na bagay ang nasa isipan. Pinaniwala ang sariling ito ang makapagbibigay ng saya para sa aming pagsasama. Sa loob ng tatlong taong iyon, hirap at pasakit ang dinaranas ng aking mag ama. Ako sana ang karamay sa mga oras ng paghihirap ni Raymond. Hindi sana nasaksihan ni Junjun ang pagdurusa na iyon. Walang silbi ang aking ipinadadala. Hungkag ang kasiyahan sa kanila. Inaalipin ako ng panghihinayang, ng sakit, ng takot.
----------
"Ma, anong nagyari sayo, bakit ka umiiyak?"
"Ha ah eh naalala ko lang ang Papa mo."
"Ma, 5 years na din ang lumipas, maging masaya ka dapat, kaarawan ngayon ni Papa, kasama natin sya ngayon."
"Salamat Junjun... Ikaw na lang ang natitira kong kasiyahan."
"Husss... drama ni Mama, tara na let's eat.."
Muli akong sumulyap sa larawan. Larawang aking pinakaiingatan. Ang humahawak ng isang pangako.
"Mon, Hinding hindi kita papalitan sa puso ko. Happy birthday sayo. Mahal na mahal kita"

kinikilabutan ako dito sa storya mo. nakakatakot isipin na pwedeng mangyari ang mga bagay bagay habang wala ka sa piling ng pamilya mo. lalo na sa tulad kong ofw. nakakalungkot.
TumugonBurahinhaist...naluha naman ako dun...nanlaki ulo ko...
TumugonBurahinmakatotohan at damang damang ko ang bawat salita aking nababasa....haisttt
galing!
morning banjo!
naiiyak ako sa mga kwento ng ina at anak. maaga kasi ako'ng nangulila sa nanay. kaya sa tuwing may ganito ako'ng kwentong nababasa o basta tungkol sa pamilya, masyado ako'ng emosyonal
TumugonBurahinoh my god! naiyak ako d2 sa ofis.. hehe! pinagtatawanan ako ng best fren ko.. hahaha! ano ba yan. basta kwentong pamilya, haist.. :( naiiyak ako.
TumugonBurahinramdam na ramdam ko talaga para akong nanood sa big screen..:) ang ganda ng pagkakwento..
magandang araw banjo.
@Bulabulero - masyado nagin malungkot ang aking tema.. maraming salamat sir... sensya na po kung napalungkot ko kayo.
TumugonBurahin@Jay - maraming salamat parekoy... entry ko yan sa TKJ para sa buwang ito.. medyo malungkot nga lang hehehe... maraming salamats
@Bino - Naku sensya na sir at nasanggi ko yata ang isang part ng buhay mo. May nais din po kasi ako ipakita sa aking kwento.. magandang araw po
@mommy-razz - naku, napaiyak ko ba kayo.. wow ibig sabihin mo nakakadala ng damdamin ang kwento? maraming salamat po..
magandang araw sa inyo lahat :)
Totoo lang parekoy..habang binabasa ko toh.. nagagalit ako.. nagagalit ako dun sa babae. Wala lang... :( Heheheh sensya na parekoy..maganda ang pagkakasulat mo... naluha ako...
TumugonBurahin@Kamila - ung character ni heidi jan eh sinadya ko. Ang mga materyal na bagay ay pedeng bumulag sa atin. Pwede din nyang baluktutin ang ating katwiran. Hanggang sa dumating ang pagkakataong magsisi na tayo dahil dito, madami tayong napabayaan dahil dito.
TumugonBurahinmaraming salamat sayo marekoy.. :)
magandang araw
nakakaiyak naman to. sayang lang yung panahon na sana kasama nya mag-ama nya.
TumugonBurahin@Kraehe - oo, binulag sya ng pangarap nya. Nawala ang damdamin nya sa kanyang pamilya. Oo ngat ang kanyang pag alis ay para sa kanyang mag ama pero hindi nya nakita na hindi naman iyon ang kailangan nila.. kakalungkot no
TumugonBurahinmagandang araw sayo.. maraming salamats :)
hello, banjo.
TumugonBurahinalam mo, bok, pwede kang maging scriptwriter. ang husay mong magpuno ng eksena at magbigay-buhay sa mga character. di nga...
btw, ano ang line of work mo, if i may ask? :)
good day sa 'yo!
@Doon po sa amin - magandang araw po sa inyo.. wow salamat naman po sa papuri... naiinspired tuloy ako magsulat pag ganyan :)
TumugonBurahinaccounting staff po ako dito sa aming company.. manufacturing po ang nature ng business kaya palaging busy everymonth end...
muli.. salamat po sa inyo.. :)
Sigh!
TumugonBurahin@Empi - salamat sir sa pagdaan..
TumugonBurahinmagandang araw po
Woahhh...naiyak ako pare...familiar ang kwento pero ang paraan mo ng pagkukwento, sobrang nadala ako, nafeel ko..great story pare, as usual..hindi ko tuloy maisulat ang blog ibig ko ngayon, romance-comedy kasi un, e drama ang nafefeel ko ngayon...galing pare. Thumbs up!
TumugonBurahinthe story is great,touching (u made me cry sis)..nwayz as i always knew..u will go places..^_^ galing!! fan mu talaga ako..take care..hihih guess hu??......s.........i..........s god bles..muah!
TumugonBurahin@Akoni - salamat parekoy. naku oo nga pala no.. hahaha..sensya na, nadaanan ng drama ang guniguning ligaw sa utak mo parekoy.. hihih.. salamats muli...
TumugonBurahin@Kris Fernandes - Sisssssssssssssssssss... ang dami kong tuwa.. mabuti naman at nadaanan mo ko dito sa blog.. wow naman.. yesss.. tuwa ko talaga..
TumugonBurahinsensya na sis kung hindi na ko masyado active sa FB.. blocked kasi eh hehehe...
magandang araw sayo.. sana magbalik ka ha... miss na kita no... god bless sis.. muahhh
http://joannahalabaso.blogspot.com/
TumugonBurahinspeechless!!
nakakaiyak nman to pero pinipigil ko luha ko baka tawanan ako dito sa bahay..tsk ang dami ko tuloy naiimagine bigla waaaah!
TumugonBurahinnaiiyak ako......alam mo kung bakit? di ako nakauwi...di ko man lang nasilayan mama ko habang naririnig ko sya sa teleponong umuungol sa sakit....dahil cancer din....wala akong nagawa.....
TumugonBurahinhttp://susulatako.blogspot.com/2010/07/missing-her.html
http://susulatako.blogspot.com/2010/03/daugthers-request.html
read this...
@Joana may - salamat ateng sa pagdaan ha... iniadd kita sa list ko.. paadd din po... magandang araw
TumugonBurahin@Superjaid - wow napaiyak kita? entry ko yan sa TKJ.. sana sa susunod eh makapagpass ulit ako ng entry ..:)
@iyakin - naku.. sori iya, medyo nasanggi ko yata ang nakaraan mo.. hindi ko sadya ha...
TumugonBurahino tahan na.. wag ka na iyak...
gandang araw sayo
ok lang......huhuhuhuhu
TumugonBurahin