open file... minimize... refresh... refresh... maximize... save file... close file.. refresh... refresh...
Matagal akong nakatitig sa aking monitor.
open file... minimize... refresh... refresh... maximize... save file... close file.. refresh... refresh...
Wala... wala akong magawa sa kabila ng madami akong dapat gawin. Ewan ko, windang ang aking utak. Samut saring mga bagay ang pumapasok sa aking isip. Bahay, trabaho, blog, entry at kung ano ano pa.
Nitong mga nagdaang araw lamang ni hindi ko namalayan ang takbo ng oras. Ni hindi ako nakaramdam ng gutom sa aking pagkakaupo dito sa upuan dahil na din sa aking kagustuhang matapos ko agad ang nakaatas sa aking tungkulin. Magkanduduling man sa pagtingin ng mga numerong mistulang langgam na sa aking paningin, nagtatakbuhan at hindi ko alam pigilan. Pilit kong hinuli upang umabot sa takdang oras ang mga dokumentong kailangan kong maipasa. at sa bandang huli, hindi rin naman umabot... Nakakainis lang...
Ngayon tapos ko na gawin ang aking nakatakdang tungkulin, kailangan ko naman harapin ang nagtambak na dokumentong sa aking mesa ay nakapatong.
open file... minimize... refresh... refresh... maximize... save file... close file.. refresh... refresh...
Nakakatamad kumilos, Nakakaantok ang sikat ng araw sa labas. Tumingin ako sa aking relo.. mga isang minuto ko din tinitigan ang bawat paggalaw ng pinakamapayat na kamay. at pagkatapos, aking tinitigan ang relong nasa may pintuan ng aming opisina. Ganon din, isang minuto kong tintigan ang bawat galaw ng segundo.
Naiintindihan ko na. Sa aking pagmamasid sa bawat kamay ng aking relo, hindi naman nagbabago ang bilis ng kanyang pagikot. Mula pa noon hanggang ngayon, hindi bumabagal at hindi naman bumubilis. Ang takbo ng buhay ng tao, yan ang bumibilis at yan din ang bumabagal. Kadalasan ko lang napapansin ang aking orasan sa sandaling tulad nito na hindi ko mahagilap ang aking isipan. Naiisip ko tuloy na mabagal ang takbo ng oras. Pero mali, wala lang ako magawa o tinatamad akong gumawa. Kabaligtaran nitong mga nagdaang araw na parang mauubusan ako ng oras. Pero mali, mabilis lang ang takbo ng aking buhay.
Hindi mauubos ang panahon subalit maaring may nasasayang na pagkakataon.
refresh.. refresh... open file... open file... open file...

workmode :)
wag mong habuling, mapapagod ka lang
TumugonBurahinwag mong hintayin, maiinip ka lang
wag mong titigan, sasakit lang ang mata mo
wag mong pigilan, magmumukha ka lang tanga..
kumilos ka o hindi patuloy ang oras sa pagtakbo nito. hindi ka hihintayin nito, hindi ito titigil dahil sa gusto mo, hindi rin ito magmamabilis dahil nagmamadali ka....
parang buhay natin... lilipas nang hindi natin namamalayan kung hahayaan nating ganun lang.. lilipas at lilipas ng walang nangyayari kung wala tayong ginagawa...
maraming oras para sa magandang buhay.. maraming paraan para makasabay sa buhay..
oras at buhay...
busying-busy ka nga noh kua Banjo?!
TumugonBurahinwell masama dn po ang magpalipas ng gotom...
so don't skip ur pagkain...
saka bakit po mouse game ang titulo?!
@yanah - wow..kaw ba yan.. hala at lumalalim na din ha.. hahaha... tama naman, hindi titigil ang pagikot ng bawat kamay ng orasan.. wag mo lang tatangalan ng baterya hahaha...
TumugonBurahin@katie - salamat.. naku busy nga masyado hehehe... bakit mouse game? kasi mouse game ang tawag ko sa ginagawa ng mga kaopisina ko pag walang magawa... ayan nga.. refresh open close save minimize maximize.. ayan, mouse game yan hahaha.. walang tigil sa pag click ng mouse eh hahaha...
naramdaman ko yung saloobin mo sa post na 'to parekoy. siguro dahil halos iisa lang ang nature ng ating trabaho. mahirap, nakakapagod, nakakasawa, pero nandun pa rin yung saya lalo na pag natapos mo na ang mga report na kelangan mong ipasa sa kumpanya.
TumugonBurahinplay. stop. rewind. play. stop. fast forward.
sa ganyang paraan ko naman inanalyze ang sitwasyon ko sa aking opisina at trabaho. kaya eto ko ngayon, masaya na ngayon at sinusulit ang bawat pagkakataon na malaya ako at walang mga boss na sinusunod.
@Suplado - gustohin ko man mainggit sayo pero di dapat... pero masarap talaga ang walang bossing.. naku mabuti ka pa sir (inggit na ehehe)
TumugonBurahinmahirap talaga lalo na pag monthend.. tuliro ang utak ko eh... hahaha..
maraming salamat sayo parekoy...
enjoy lang sa bakasyon... :)
oi apir! pag sinumpong tlaga ng katamaran parang bumabagal ang oras. parang ngaun, gusto ko na umuwi kanina pa, pero ang tagal ng 5pm
TumugonBurahin@Kraehe - apir.. tara na umuwi.. hahaha.... hindi mabagal ang oras.. tinatamad ka lang hehehe o kaya wala ka lang magawa.. :)
TumugonBurahinmagandang araw sayo.. salamats..
kahit gaano ka-busy ang buhay mo parekoy, wag kakalimutan mag refresh minsan...inaabot na narin ako ng katamaran ngayon..ehehe
TumugonBurahinhindi ko naman pansin na masyadong busy ka eh.. joke dre.. katulad ng lagi kong iniisip.. at least productive ginagawa mo.. wag ka suko.. ako kase mabilis sumuko kapag nakakasawa na ginagawa ko,..problema ko yun..fickle masyado..pabago bago ng decision.. hehhee
TumugonBurahintungkol naman sa oras.. feeling kolaging mabilis lang oras.. lahat ng pagkakataon tumatakbo kapag pinalgpas..pero lagi pa rin tayo may opportunity na harapin ang bukas.. hehehe
kaya mo yan dre...kaen ka na lang candy..
@Akoni - ayun parekoy.. musta? nakow, matagal akong di nakadalaw sa bahay mo.. yaan mo't sa mga susunod na araw eh maning mani na ulit ang trabaho hahaha... may pacontest pala... punta ko mamaya... hehehe
TumugonBurahin@Kamil - hi marekoy.. aba, hindi tumatakbo ang oras hahaha.. talaga lang tinatamad tayo minsan,, ang mabagal eh ang buhay natin.. pag busy tayo, ayun masasabi natin ang bilis na oras.. pero walang pinagkaiba ito sa kahapon... hindi lang natin namamalayan :)
magandang araw sa inyo.. :)
pag hindi na kaya, magpahinga. lately sinasabaw ang utak ko, ang walang kwenta ang mga post ko ngayong linggo. kaya siguro wala masyadong nagbasa. hay hirap ng tuyo ang utak
TumugonBurahin@Bino - itong post nn ito eh walang wenta din hehe.. panadalian lamang, naisip ko kanina habang nag momouse game ako.. (tinatamad magtrabaho eh)
TumugonBurahinmagandang araw sir.. salamats
may mga panahon ganyan talaga akala natin napakabagal ng takbo ng oras minsan naman nagrereklamo tayo na mabilis siya pero tulad nga ng sinabi mo hindi siya nagbabago ng bilis kundi tayo. kaya mapapayo ko lang sayo kuya eh kung di kaya magpahinga muna balikan na lang kung kaya na ulit.=)
TumugonBurahin@Superjaid - maraming salamat.. tama ka, ang buhay ng tao ang lumilipas at hindi ang oras. Madalas lamang nasasabi nating sayang ang oras pag wala tayong ginagawa.. pero ang totoong nasasayang ay ang pagkakataong maari naroon lamang sa oras na yon ating makikita...
TumugonBurahinmaraming salamat po
ang daming narerealize pag tinatamad ano?
TumugonBurahinhindi naman talaga nagbabago ang takbo ng oras, parehas lang, ang nagbabago, marahil, ay ang panahon at ang pamumuhay. tayo lang nagpapabilis at nagpapabagal nito. depende sa atin, kung gusto nating sayangin o gawing makabuluhan.
long time no see again and again banjo.. hehe! nand2 lang kami no matter what.
TumugonBurahinako LOADING this day.. hahahaha! i need to refresh din..
hi parekoy...
TumugonBurahinbz bz k nga..hehehe
gudluck n lng lge s work..hope to seee u soon..
bzmode na din :)
i can so relate. hehehe
TumugonBurahinyou need not to be alone when you do your job....
TumugonBurahinall you have to do is ask, and he shall give to you...
:)
Reports? Deadlines? Boss? Sensya na ha, di ako maka relate. choz! hehehe... Wag masyadong magpapagod.. magbu burn out ka nyan. Mwawalan ng energy,. Maybe you need time to chill.. or maybe realx a little. Kasi kapag work mode ka lang parati, mase-stress ka lang. :) Take a breathe of some fresh air.. relax. Have some "ME" time. Then go back to work. I'm sure, smooth sailing na ulit.. :)
TumugonBurahinAnyway, don't mind the time. Sige rin lang ang takbo nun, hindi nagbabago ang bilis.. maliban lang kapag nawawalan na ang baterya. hihi..
Hmm.. ang layo yata ng comment ko sa blogpost mo,Banjo.. mukhang windang ang utak ko ngayon eh. Hangover kasi.. Gandang gabi! :)
ay welcome sa isang kasabawang life.. hehehe
TumugonBurahindumarating tlga ung times na ganito mahirap pilitin ang sarili kung ayaw ng katawan. nag-iisip nlang ako ng mgagandang bagay na mkaka-inspire skin para nman sumigla ng konti, good luck sa mga works mo bro!
TumugonBurahinrefresh refresh refresh..... at least me work ka koya banjo.. ayus lang yan. magkakapera ka naman.. hehehehehe... geh po... God Bless sa work... :)
TumugonBurahin*maiba lang ng comment*
ahahaha.. Uu no.. parang kailan lang.. naglalaro kami ng bahay bahayan ng anak ng kapitbahay namin.. super crush ko talaga yun... tapos now.. wow.. apat na ang anak niya.. tapos ayun may panibagong babae pa siya... asteg talaga si berto.. eheheh... parang kailan lang.. ang bilis ng panahon... tama ka.. hindi nagbabago ang bilis ng ikot ng oras.. pero hindi natin ito namamalayan... at siyang nagiging dahilan kaya bumibilis ang panahon...
TumugonBurahinNote: isa yan sa mga minor sign sa Islam na malapit na ang Judgment day
haaay.....pareho tayo.....kape nalang tayo dali!
TumugonBurahinkailangan mo ang isang relaxing massage. treat yourself yan ang binigay ko sa aking sarili kagabi.
TumugonBurahinhello, banjo.
TumugonBurahinnapansin kong di ka na nagpo-post ng bago. busy you much? ahehe. i hope things are well with you.
like ko ong post for many reasons - it's contemporary, it's philosophical and its style is simple just like its message.
a breath of fresh air compared sa usual mong metaphorical entries, if i might say, ahaha... :)