Wala akong muwang sa mundo, simple akong namumuhay kasama ng aking mga pangarap gamit ang sandatang panulat at pananggalang na papel. Kaakibat ng aking pakikidigma sa karunungan ang pagtahak sa mapanganib na landas na araw araw kong dinadaanan. Hanggang sa ako'y magtagumpay. Nakamit ang pangarap na matapos ang aking sinimulan na digmaan.
Hindi ko inaasahan na sa aking paglalakabay, isang rosas ang sa akin ay pumukaw. Nabighani ako sa kanyang kagandahan, kagandahang ibinibigay sa kapaligiran at tila nang-aakit na sya'y aking lapitan. Nagsusumamong sya'y aking hawakan at pitasin sa kanyang kinalalagayan. Hindi ko napigilan ang aking sarili, sa araw araw na sya'y aking nadadaanan, lumapit ako sa kanya at sya'y aking kinuha.. Masakit, napakasakit sa kamay ng mga tinik ng kanyang tangkay. Tumitibo sa aking mga palad na nakakapit sa rosas. Subalit gaano pa man kasakit, pinili kong siya'y hawakan ng aking buhay.
Naging langit ang aking kinaroroonan, nagbunga ng mga anghel na s'yang nagbigay katuturan sa aking paglalakbay. Mga anghel na aking minahal at inalagaan. Pero hindi rin nagtagal, ang rosas na aking hinawakan ay pilit ng kumakawala. Ang kanyang mga tinik ay tila patalim na sumusugat sa aking puso. Hanggang sa hindi ko na makayanan ang pagdaloy ng dugo. Binitawan ko na ang rosas na nagbigay ng langit sa akin. Langit na unti unting nagiging impyerno dahil sa tinik ng rosas na aking hawak. Mistula akong kandila na nagbibigay ng liwanag sa aming tahanan. Kandilang aandap andap ang liwanag at unti unti unting nauupos.
Ipinasya kong lisanin ang langit kung saan naroon ang aking mga anghel. Naglakabay ng matagal sa kalawakan ng daan. Pilit iwinawaglit ang isip sa mga pangyayaring mapait sa aking buhay. Hinahanap ang tunay na kasiyahan ng aking puso. Muli, isang rosas ang sa aking mga mata'y tumawag ng pansin. Hindi ko na naman mapigilan ang aking sarili na sya'y lapitan at kuhanin. Nabighani na naman ako sa angkin nyang kagandahan at pikit mata kong sinunod ang aking damdamin. Tiniis ko ang sakit na dulot ng mg tinik dahil sa ito'y aking kagustuhan. At muli, naradaman ko na naman ang kasiyahang matagal ng nawalala sa akin. Subalit.. subalit ito pala ay panandalian. HIndi ko na matiis ang tinik na nakatusok sa aking aking mga palad. Tinatalo ng sakit dulot ng tinik ang kasiyahang aking nararamdaman, hanggang sa hindi ko na kaya. Binatawan ko ang rosas na unti unting nalalanta. Hinayaang tangayin ng hangin ang natutuyong talutot nito kasabay ng pag-agos ng aking mga luhang hindi naman karapatdapat sa kanya.
Ngayon naglalakabay na naman ako sa kahabaan ng daan na hindi ko alam ang patutunguhan, minsan napadako sa hardin na puno ng matitinik na rosas. Mga rosas na nagbibigay ng kagandahan ng paligid pero hindi na ko magpapalinlang. Sapat na ang dalawang beses kong pagkasugat sa kanilang mga tinik. Pero parang may mali, hindi ko man sila kuhanin o lapitan subalit ako'y nasasaktan. Para bang ang kanilang mga tinik ay sumasama sa hangin na syang tumatama sa akin. Kakaibang sakit ang dulot nito kumpara sa aking naranasan. Ang mga rosas, kumakaway sa akin pero batid kong sila'y nagbabaitbaitan lamang. Bakit nga ba ako nasa loob ng hardin na ito? Gusto kong lumabas.. ayaw ko na dito. Gusto ko ng bigyan ng laya ang aking isip at damdamin na mistulang ikiunukulong ng aking sarili na lalo pang kinakandaduhan ng hardin na itong aking nasumpungan.
Pansamantala akong nakalabas, nakalaya sa matitinik na rosas ng hardin na iyon, pansamantala dahil alam kong akoy babalik din upang pawiin ang sakit na aking naramdaman doon. Patuloy ako sa paglakad, walang katapusang paglalakabay hanggang sa marating ang dulo ng daan. Isang napakalaking bahay pala ang nandito. Nagliliwanag na ilaw ang sa loob ay aking nabungaran. Sinuri kong mabuti ang bawat sulok ng kabahayan. Wala.. wala dito ang aking hinahanap. Wala dito ang aking kasiyahan at kapanatagan na hinahanap. Napakalaking bahay, sobrang liwanag ang dulot ng nagiisang ilaw sa may kaitaasan subalit huwad ang ligayang idinudulot sa sinumang pumasok dito.
Lumabas na ko ng bahay na iyon at sa hindi kalayuan ay nakatayo ang isang bahay kubo. Malakas ang hatak sa akin, ramdam ko ang nag-uumapaw na kaligayahan sa aking puso. Ito na siguro, ito na ang aking hinahanap. May pananabik kong pinasok ang bahay na iyon at umaasang dito ko na matatagpuan. Sa loob, wala ni sang gamit kundi mesa lamang na pinagpapatungan ng isang kandila. Isang kandilang nagbibigay liwanag sa buong kabahayan. Aandap andap na liwanag na tila nagsasayaw sa saliw ng musika na dulot ng pag-ihip ng hangin. Hindi pala ako nag iisa, mula sa isang silid, lumabas ang talong anghel na nagpalibot sa mesa. Pinalibutan ang kandila upang hindi mamatay ang liwanag.
Dumaloy sa aking mga mata ang mainit at masaganang luha. Luha ng kasiyahan sa kadahilanang matagal ko na palang nasumpungan ang aking tunay na kaligayahan. Binulag lamang pala ako ng mga pangyayaring sa akin ay nagsamantala. Sa tagal ng aking paglalakbay para makita ang tunay na kaligayahan at kapanatagan ng damdamin ay siyang tagal din pala ng aking pagkalimot para sa aking sarili. Babalik na ako, ito na ang dulo ng daan. Tapos na ang aking paglalakabay.

*** Para sa'yo, alagaan mong mabuti ang iyong mga Anghel, higit sa ano pa man,sila lang ang makakapagbigay sayo ng tunay na kasiyahan para sa iyong sarili.
kasing lalim ng dagat ang kwento ah, hehe.. pero nilangoy kahit hindi ako marunong lumangoy para intintihin.. galing mo!
TumugonBurahinkwentong buhay ba ito ng may akda?..:))
true to life ba to? dahil sa lalim, need ko yata ng scuba equipments.
TumugonBurahinhays! buti naman natagpuan na ang tunay na kaligayahan at kapanatagan ng damdamin sa kwentong ito. Sobrang lalliiiimmmmm.
TumugonBurahinwoaahh..wataaa love life...maraming beses din ako natinik ng mga rosas, pero hindi ako nagpadala sa sakit na hatid nila sa akin, bagkus lalo ko pang dinamihan...LOL...masaya ako for you, natagpuan mo na ang tunay na kaligayahan..kampay parekoy.
TumugonBurahinOo nga pala, saan yung harden na sinasabi mong maraming mga bulaklak? hehehe
ang hirap hukayin ha...
TumugonBurahinnakuha ko naman :)
magndang araw banjo!
ang lalim di ko gaano nagets.... minsan na rin pala kayong nasaktan kuya banjo... :)
TumugonBurahinpero ok lang yun kasi natagpuan mo na din yung para sayo... :)
May pinanghuhugutan. May simbolismo. At higit sa lahat, malalim. Malulunod na ako. lol.
TumugonBurahinAng naaalala ko dito yung the little prince.. hehhe mga rosas binigkas dun.. ayun wala langg!!! hahaha hello banjo dre... sorry nawala ako bigla kanina fb.. toink.. pagkatas ko kase manuod.. ang sakit ng ulo ko eh.. pinatay ko agad laptop... toink ulit! akala ko entry ulit toh sa kablog journal..
TumugonBurahinMakailang ulit kong binasa. Naintindihan ko naman. pero kinakailangan ko pa ring ulit-ulitin. Gusto kong maramdaman kung ano ang nararamdaman mo habang sinusulat mo to. Gusto kong maramdaman kung ano ang nararamdaman ng karakter mo. Sa umpisa, ang labo.. ang labo ng mga pangyayari, ang labo ng emosyon....hindi makita kung ano talagang nasa saloob ng karakter mo. Kakatwang isipin na hinayaan nya pang masaktan at masugatan sya, hinayaan nyang mangyari iyon ng dalawang beses bago siya natauhan. Sa tingin mo nga kaya ay natauhan na sya? Pero kahit na binitawan na nya ang mga mapanlinlang na oras, paniguradong hindi siya makakalimot. ang pilat ng nakaraan na naiwan sa kanya ang magsisilbing buhay na paalala ng lahat ng nagdaan.. sa tingin mo kaya ay darating sa punto na makakalimutan nyang naroroon ang pilat?
TumugonBurahinSa pagtatapos ng kwento ng iyong karakter, kung bakit hindi ko mapigilang maluha.. damang-dama ko ang emosyon sa bawat salitang iyong ginamit.. hangad ko ang kanyang kaligayan.. kasama na rin na sana'y tuluyan na siyang makawala sa multo ng nakaraan na siyang nagbibigay ng masidhing poot at hinagpis sa kanya..
Tomorrow is another day nga diba? Harinawa'y maging positibo siya sa pagharap sa panibagong umaga ng buhay nya...
"if you wanna see the rainbow, u gotta put up with the rain"
sorry.. got carried away..
YANAH
ako naman naalala ko dito yung sinulat ni paulo coehlo the alchemist.. ang galing mo kuyakoy, napatumbling ako sa lalim ng iyong salita... Ngunit subalit datapwat peklat, sa kalagitnaan ay tila may pinaghuhugutan ka... hehe
TumugonBurahingrabe kuya. ang ganda ng pagkakasulat mo! ang astig! magandang pasimula sa araw ko :)
TumugonBurahinang lalim!nahirapan akong intindihan pero kahit kunti naintindihan ko rin naman eh =)
TumugonBurahinmay pinaghuhugatan ba to kuya?
ayos ang pagkakasulat..
TumugonBurahinhi Istambay,
TumugonBurahinang galing ng pagkakasulat mo! naalala ko dito ang 'The Alchemist' ni paulo coelho, ang all-time favourite book ko! mga ordinaryong kwento na punung-puno ng kaalaman sa buhay. keep it up! :-)
waaaaa.... SOOOOOBBBBRRRRAAAANNNNGGGG LLLLLAAAAALLLLLIIIIMMMMMM PPPPPAAAAARRRRREEEEE... napaka talinhaga ng bawat salita at bawap pangungusap na iyong binagit... ako'y duguan ngayon at hindi makapagsalita.. basag ang utak ko sa mga nabasa ko...
TumugonBurahinsa totoo lang.. wala akong halos naitintidhan.. I mean.. naghikahos talaga ako sa pagpupumilit na intindihin ang mga sinabi mo.. the bbest ka talaga...
tama si Animus... The Alchemist nga ng Pinoy ang nabasa ko.. ehehehhe
prang pang-maalaala...
TumugonBurahintunay na sa buhay tayo
ay sinusubukan, kung san talaga tayo magging
masaya..at kung san tayo makukuntento..
pra ating mapagtanto kung hanggang san
nga ba tlaga tayo s mundong ito....bow!
@mommy-razz - mommy, musta kayo... salamat po sa pagdalaw.. yan po ay kwento ng aking kaibigan... hehehe.. nilaliman ko talaga po.. maraming salamat...
TumugonBurahin@kraehe - sabihin na natin na true to life pero hindi sakin yan hehehe... sa kaibigan ko.. sige lang.. langoy hahah.. maraming salamats
@empi - sir, sa katotohanan lamang eh hindi nya napapansin ang kanyang hinahanap pero natagpuan na matagal na.. ang lalim hehehe, ung huling part ko po jan eh sana nga un maing part nya.. salamat sir
@Akoni - magandang araw sayo parekoy.. salamat at napadaan ka muli sa kabila ng madami na ko namiss na entry mo.. salamat talaga.. ung hardin eh nandito din sa sapot ng gagamba... hehehe
@jay - medyo mahirap nga hukayin hehehe.. kailangan ng matalas na pala para mahukay.. salamat parekoy...
TumugonBurahin@EgG - salamat parekoy... hindi ko naman kwento yan.. saking kaibigan yan hehehe.. :)
@Kristian - tama sir, ang mga binaggit ko jan ay may pinatutungkulan. tulad ng bulaklak at hardin... may inaghugutan ako nyan hehehe.. masyado nga malalim :)
@Kamil -hello marekoy.. aba ok lang.. kasi nag out na din naman ako kahapon.. lunch break lang meron eh hahaha... masyado talaga malalim ito.. sinadya ko para sa aking kaibigan.. kasi kung hindi ko lalaliman eh madaling makukuha ng iba ang aking sinasabi.. meron pa ko isa entry dun sa TKJ.. ipost ko na lang sa susunod.. salamat marekoy :)
TumugonBurahin@yanah - hmmm ano bang masasabi ko, ang aking kaibigan.. inilagay ko ang aking sarili sa kanya. Tumitipa ang aking kamay na ang kanyang damdamin ang nangingibabaw sa akin. Hindi masyado detalyado ang mga pangyayari sa kwntong ito pero sapul ang naman ang katotohanan. Malabo sa una pagkat walang probelmang hinaharap noon.. lahat naman tayo ganyan ang umpisa bago pumasok sa masalimuot na buhay.
TumugonBurahinAkin lang ipinakita, ang karakter ng rosas. Kaakit akit sa ating mga mata. Pero kung lalapitan mo at kukuhanin, masasaktan ka sa kanyang mga tinik. Pero dahil sa ating kasiyahan ang syay makuha, tinitiis natin ang sakit.
Ang sugat kapag gumaling ay nagiiwan ng pilat. Ganon pa man, dumadaling pa din ito hanggang sa atin ng malimutan. Wag lang muling masasanggi.. pero syempre, dahil sa alam nating may pilat tayo, iiwasan nating masanggi ito ng ano pa man.. Yanah, malilimutan natin ang lahat ng sakit pero ang nagdulot ng sakit sa atin hinding hndi natin malilimutan.
Pasensya na kung naluha ka, gusto ko lang makita ng aking kaibigan, tapusin na ang paglalakbay,matagal na sa kanya ay naghihintay..
maraming salamat po.. :)
@yanah - bulol ang keyboard ko, bahala ka na umintindi hihihih...
TumugonBurahin@Jheng - salamat po hehehe.. ako namannapatumbling din dito hehehe.. may pianghuhugutan talaga ko... may nakahide na message nga pala jan... para sa aking kaibigan..
TumugonBurahinNimmy - salamat po..naku salamat talaga hihihi.. magandang araw sayo.. :)
@superjaid - yup yup yup.. hinugot sa malalim na pagiisip sa mga pangyayari sa aking kaibigan... salamat sa pagdalaw :)
@Arvin - salamat sir.. dumadaan ako sa bahay mo at nagbabasa.. medyo busy kaya hindi na nakakapagiwan ng bakas :)
@Animus - maraming salamat po sa pagdaan.. palakpak tenga ko eh.. pero batiin muna kita.. happy birthday nga po pala.. chheeerzzzz..
TumugonBurahin@musingan - ako man ay dumugo din ang ilong sa mga entry mo.. umeeengles na eh hehe... salamat sir..sinadya kong laliman eheheh.. magandang araw sayo :)
@lhuloy - lumalalim ka na din eh hahaha.. naku salamat sa pagdaan.. magandang araw sayo.. :)
i'm a fan bro! nice.
TumugonBurahinmadami na din akong naging anghel sa buhay. pero tntry kong maging anghel sa iba. hehehe
TumugonBurahingusto kong madama yang nararamdaman mo ngaun at balang araw masabi ding tapos na ang aking paglalakbay :D
hmmm gets na gets ko toh.....abyway ngyon ko lg laht narealized......algaan mo ang mga anghel na un at sna sa hardin ko ay ikw ay pumasyal....akala mo ikw lng nasasaktan sa mga tinik na un? my iniwan ka din tinik saakin....haha i miss u...still love u....tinggg
TumugonBurahin@Keatondrunk - maraming salamat sir... :)
TumugonBurahin@Mr. Chan - salamat sir.. ang post po na ito ay para sa isang kaibigan na medyo nalilihis ng daan noong panahong iyon.. nais ko lang na malaman nyang may mga bagay syang hindi na napagtutuunan ng pansin dahil sa paghahanap nya ng tunay nyang kaligayahan..
maraming salamat po ulit :)
@Lalabs - Nagulat ako at nadalaw mo ko dito lalabs.. musta ka na
TumugonBurahinnatawa ko.. until now mag *tinggg pa din.. bigla ka nawala hahaha...
matagal ako namalagi sa hardin na pinuntahan natin. sory kng natinik ka ng rosas.. hindi maiiwasan subalit ako man ay ganon din..
grabe ka adik.. namiss kita lalabs.. muwahhhhhh....
totoo ba yun? hahaha
well its ok..past na yun ang mhlga minahl kita at minhl mo ko (tulad ng cnb moh) sb mo nga lagi ka npapadaan sa hardin ko.....ang hardin ko na wlng saya di tulad nung ksma pa kita.....(drama) daan daan ka ha....d nmn ako ngbbgo dba? mhl p din kita pero hnggng dun nlng tlga tau...:( miss kita lagi.....miss mo na voice mo...hihihih
TumugonBurahinhhmmm.. ramdam na ramdam ko ah!? nakaakrealte naman kahit paano... dmu naman yan isusulat kung dmu na ekspiryens di ba?! hehe
TumugonBurahinhello, banjo,
TumugonBurahinahaha, dalawang beses at dalawang beses na di pa napapawi at nalilimutan... ")
over time, siguro, darating din ang para sa 'yo talaga... :)