Biyernes, Enero 14, 2011

PANAKIP BUTAS

Mahal mo ko, yan ang sabi mo
Mahal din naman kita at yan ay totoo
Ngunit sa likod ng pader na nakaharang sayo
Nakatalikod ka at iba ang kausap mo

Marahil sa akin, may nakita ka lang
Iyong hinahanap sa iyong nakaraan
Hindi kaya at ikaw ay sadyang nasaktan?
Na pilit mo lang na tinatakasan

Hindi tamang magmahal ka ng iba
Kung nananatiling nakakulong ka pa
Sa iyong kahapon, na hindi ka pa makalaya
Harapin mo ang katotohanang mahal mo pa din sya

Ang mga nais mo'y hindi ko kayang pagbigyan
Dahil sa sarili mo ay kaw lang ang nakakaalam
Tunay mong hangad, ang tunay mong kaligayahan
Na tanging kahapon lang ang makakapaglaan




Hindi tamang takasan ang nakaraan kung meron itong mali, hahabol at hahabol ito sa iyong kasalukuyan at pati na din sa iyong kinabukasan. Ang isang pagkakamali ay hinding hindi maitatama ng isa pang pagkakamali. Harapin ang katotohan at wag takasan. Hindi tamang mag mahal ka ng iba kung ang dahilan ay upang limutin lang dati mong minahal, pagmamahal bang matatawag yun o karuwagan? Walang kasiyahan ang pakikipagrelasyon sa taong pinipilit mo lang mahalin dahil sa iyong tinatakasan, kung sakaling dumating ang panahong hindi mo sya matutunang mahalin, impyerno ang buhay na iyong sasapitin dahil sa huwad na kasiyahang pilit mo lang ipararamdam sa iyong kasiping. Ang huwad na kasiyahang kahit sayo ay hindi magparamdam. Ang makipagrelasyon sa isang taong na walang nararamdamang pagmamahal ay panloloko ng sarili.


19 (na) komento:

  1. its a rebound... ouchy... pambihira.. madaming tao sa mundo ika nga nila kung ayaw sayo di wag... :D
    cheers :D

    TumugonBurahin
  2. @Axl - oo parekoy, at ouch na ouch nga.. pambihira..

    TumugonBurahin
  3. wag ipilit ang hindi dapat. masasaktan lang eh.. pambihira. ang mga nanggagamit makakarma din yan..

    TumugonBurahin
  4. @lhan.. korek... pambihra naman talaga hehehe.. naku parekoy

    TumugonBurahin
  5. me pinaghuhugutan???? heheheh...
    hayy

    TumugonBurahin
  6. tru to life ba to?
    :(( sad..

    but its really happening..

    TumugonBurahin
  7. @Cheenee - hmmm medyo hehehe.. salamat sa pag bisita at pagiwan ng bakas..

    TumugonBurahin
  8. @EgG - meron talaga parekoy hehehe.. slight lang.. charrr

    TumugonBurahin
  9. kung hindi pa handa, wag munang magmahal. ingat ka lang istambay.

    TumugonBurahin
  10. love on the rebound. ansaket! yan na nga ba ang selfish love! kung love nga bang matatawag yan.

    tae nga lang sa mga manggagamit. hmp!

    TumugonBurahin
  11. parekoy mukhang may pinag dadaanan ka ha..

    TumugonBurahin
  12. awwwwwwwwww. may pinanghuhugutan 'to ah. *huggggggggggggggggg*

    TumugonBurahin
  13. Ano ba parekoy sino ba yan... upakan na natin... hehe.... Rebound kung rebound?? Hind tama yan.

    TumugonBurahin
  14. para lang masabing nakapag move on na sila, may bago nang mahal lolzz, mahirap nga yan

    TumugonBurahin
  15. umh...

    oh ito na parekoy second comment ko na 'to- dito sa post mong ito


    di nga na register first comment ko...baka na deliver nga 'yon sa chatbox mo/.....^_^

    TumugonBurahin
  16. to all - salamat sa mga comments mga parekoy at marekoy, dahil medyo ang busy ang tambay dahil sa lintik na audit na yan eh ayan, inisa ko na lang ang reply ko...

    maraming maraming salamat muli sa inyo mga repapips koy...cccccccchhhhhhhheeeeerrrrrrzzzzzzzz

    TumugonBurahin
  17. Ngayon ko lang to nabasa ah.. Hmmm... Medyo tinamaan ako nang slight..

    Kasi lately, I've been "pushing" myself to find someone new.. some who can help me ease the pain. I know na hindi tama.. pero kasi yun ang nararamdaman ko. I'm looking for something. Hindi relasyon.. but someone who I can talk to. Hay, pag-ibig. Am I making sense? Hehe..

    Hehe.. Pero I'm moving on. Feeling better. Yun nga lang, hindi naman agad-agad nawawala ang sakit.

    I hope that someday, when I'm ready.. Prince Charming would find me.. and I'd love him, not just a panakip-butas, but as a man, who loves me, too. =)

    Ehehehe!


    My Tasty Treasures
    Everyday Letters

    TumugonBurahin
  18. Ouch.. sapOl.. T_T

    http://shapesandpounds-review.blogspot.com

    TumugonBurahin