Martes, Mayo 10, 2011

ANG ROSAS AT ANG SAMPAGUITA



Bakasyon, abala ako sa pag pipili ng damong ligaw sa aming hardin ng ikaw ay dumating. Masaya kang bumati sa akin at pinuri ang aking mga tanim. Batid ko na sa likod ng kasiyahang iyan,may problema kang dinadala na nais mong ibahagi sa akin.

"Best, pede ka bang makausap. Abalahin muna kita sa ginagawa mo ha?"

"Sige lang best, sabihin mo lang habang ako'y nagpipili ng mga damo dito. Makikinig ako"


Tungkol pala ito sa manliligaw mo. Kay Eric, isang mayaman at gwapo nating kaklase sa kolehiyo. Nais mo na pala syang sagutin sa susunod na araw dahil na din sa kanyang pangungulit.   Humihingi ka ng permiso sa akin bilang pinakamatalik na kaibigan mo. Humihingi ka rin ng payo kung tama ang desisyon mong sasagutin mo na sya.

Kinakabahan ako sa maaring patunguhan ng ating usapan, maaring ako ay masaktan. Hindi mo alam ang aking nararamdamang matagal ko ng inililihim sayo, dahil sa pagsasaalang alang ng pagiging matalik nating magkaibigan, pinili ko na lang na ikaw ay mahalin ng lihim. Ayaw kong magbago ka sa akin kapag nalaman mong mahal pala kita. Masakit man sa akin ang maaring iyong maging sagot, lakas loob kong itinanong ang nararapat.

"Mahal mo na ba siya?"

Tumango ka lang sa aking katanungan, hudyat lamang ng pagsangayon. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Nalungkot ako bigla at iyon ay iyong naramdaman. Pero bilang iyong kaibigan. Ginawa ko pa din ang nararapat. Nagbigay ako ng payo sa pamamaraang hindi kita masasaktan. Sa pamamaraang hindi ako lalabas na kontra bida kay Eric.

"Ano best? Anong masasabi mo? Ikaw lang naman ang pakikinggan ko best kasi ikaw ang nakakakilala sa kanya."


Sa katotohanan lamang, ayaw ko sa lalaking nanliligaw sayo, hindi sa dahilang masakit sa akin at magseselos lang ako kundi sa dahilang ayaw kitang masaktan. Lingid sa iyong kaalaman, lihim din naman ako nagmamasid sa kanya para sa iyong kapakinabangan. Marami akong nakitang negatibong ugali na tiyak na ikakasakit mo lamang. Pero ganon pa man, ayaw kong magsalita ng negatibo tungkol sa kanya. Ang nais ko sana, ikaw ang makakita.

Niyaya kitang tumayo at nagpunta tayo sa lugar ng hardin na madaming bulaklak. Pinili kong tumapat sa mga rosas na nasa tabihan ng sampaguita. Tinanong kita kung anong higit na mas maganda sa dalawa. Mabilis mong sinagot ang rosas. Batid kong iyon ang iyong isasagot dahil tunay naman talagang kabighabighani ang kanyang kagandahan. Samantalang ang sampaguita, simple lamang, mistulang alipin ng rosas sa kanilang kinalalagyan. Inutusan kitang kumuha ng sampaguita.

"Ang bango nito, ang sarap amuyin"

"Oo best, ang samaguitang iyan ay simple lamang. Maliit at halos hindi pinapansin. Tulad kanina, hindi mo nakita ang kanyang kahalagahan dahil nakatutok ang iyong mata sa rosas na nasa kanyang tabihan."


Inutusan naman kitang kumuha ng Rosas, nakangiti ka pang lumapit at may pananabik sayong mga mata. Hawak mo pa lang ang tangkay ng ikaw ay nagulat at napasigaw sa sakit. Nakita kong nagdurugo ang iyong kamay sanhi ng pagkakatusok ng kanyang mga tinik.

"Aray, best ang sakit naman, may dugo oh!"

"Best, ang bawat bulaklak dito sa hardin ay may kanikanyang katangian. Hindi lahat ng ating nakikita na maganda ay dapat nating hangaan. Madalas dinadaya tayo ng ating paningin. Ang akala mong makakapagpaligaya sayo ay sya din palang magbibigay sayo ng sakit na mararamdaman.  Gaya ng sampaguita at rosas na yan.  Nakita mo na ang kanilang pagkakaiba diba? Yan lang ang aking masasabi sayo. Best, sana nakatulong ako sa pagdedesisyon mo at sori kung nasugatan ka"

Pumikit ka ng ilang sandali at sa iyong pagmulat ngumiti ka sa akin

"Best, maraming salamat.. Bestfriend talaga kita.. payakap nga."

Yumakap ka pa sa akin. At batid kong ito na ang huling yakap na mararamdaman ko sayo. Nakapagdesisyon ka na. Masakit man na hindi mo man lang itinanong sa akin kung sino ang sampaguitang sinasabi ko, masakit man dahil kitang kita ang pananabik mo sa pagkuha ng rosas na syang alam kong pinili mo, masakit man pero pinili kong maging maligaya at masaya sa harap mo.

Dalawang linggo ang matuling lumipas at wala na kong balita tungkol sayo, ni text na kahit simleng hi ay hindi mo man lang nagawa. Siguro dahil busy ka na sa iyong nobyo.  Mas pinili kong manatili sa loob ng bahay kesa makita kang masaya habang kapiling sya. Oo na bitter na kung bitter.
 
Abala ako sa pagdidilig ng halaman ng may narinig akong tumatawag sa akin. Hindi ako maaring magkamali na iyong boses ang aking narinig. Subalit kahit san ako bumaling ng tingin ay hindi kita makita. Aking napansin ang rosas na tila mayabang sa pagkakatindig at ang sampaguitang maliit na animoy alipin lamang ng rosas na iyon. Muli naramdaman ko na naman ang kalungkutan.

"Batid kong ang rosas ay malalanta din subalit umuukilkil sa isipan ng bawat makakakita nito ang angkin nyang kagandahan. Darating ang panahong ang bawat talutot nito'y ililipad ng hangin, tanda ng pagkalagas ng kanyang panahon subalit darating din muli ang araw na ang rosas ay muling sisilay upang magbigay ng magandang tanawin.. subalit..... subalit hinding hindi mawawala ang kanyang tinik."

Napalingon ako sa mahabang litanya na nagmula sa aking likuran. Malalim na pananalita na galing sa boses na tumatawag sakin kanina.

"Ang sampaguita, ordinaryong tumutubo sa kung saan bagaman at maliit, itoy lumilipas din.. subalit hinding hindi mawawala ang kanyang halimuyak na nagbibigay ng sigla sa akin. Ang kanyang amoy na hindi lamang sa ilong nanunuot kundi pati sa aking damdamin. Ang sampaguitang tahimik at hindi nagsasabi ng damdamin."

"Best?"....

"Oo best... dalawang linggo akong nag-isip at sinuri ang aking damdamin... ikaw... ikaw ang sampaguitang magbibigay ng ligaya sa akin.."





*** Sinulat ko po ito para sana sa aking entry sa TKJ May issue. Subalit hindi ko na naipasa dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa akin. Nagkasakit po ang Tambay at sumailalim po sa isang medical procedure sa isang ospital sa Lipa Batangas noong nakaraang dalawang linggo. Paumanhin po sa aking biglang pagkawala sa Blogsphere. BOW...

24 (na) komento:

  1. welcome back to the blogsphere...
    yun oh... ang bait naman ng magbestfriend na yun..

    TumugonBurahin
  2. pumapangalawa ako. basa muna. kay tagal mong nawala sa wakas bumalik ka na parekoy.

    TumugonBurahin
  3. Madalas kang gumamit ng mga bagay upang ipabatid sa isang tao kung papano malalaman tahakin o pumili ng tama. Pinaka tumatak sa akin ang salamin. Ngayon naman Rosas at sampagita.

    Nagtataka lang ako, bakit kaya sa magkakaibigan partikyular sa magkakaibigang babae at lalaki, madalas unang nahuhulog ang kalooban ng lalaki? Bakit ganun?

    Magandang araw kapatid. Maligayang pagbabalik.

    TumugonBurahin
  4. Akala ko matatalo na ang sampaguita na sakdal ng linis at bango.

    Ang rosas ay kinatawan ng pisikal na anyo na mas nakikita natin sa ating kapuwa, kahit alam nating matitinik tayo kapag ating sinubukan, mas nananaig yong kagustuhan nating samyuhin at maranasan ang kahali-halinang ganda ng rosas/kapuwa natin.

    ano kaya kong i-marcot natin ang sampaguita at rosas? Lol.

    Welcome back Bossing. Pagkatapos kong mamahinga, ikaw naman ang nawala. Sana ikaw ay lubusan ng masigla.

    TumugonBurahin
  5. cocomment pa ba ko? eh nabasa ko na to before at nakacomment na rin ako dito dati pa eeeh.. pero parang may nabago.. tama ba? o i might be wrong..
    glad to have u back'!

    TumugonBurahin
  6. welcome back parekoy

    sana ok na ok ka na...

    TumugonBurahin
  7. oks lang yan. its good to know na ur okay at magaling ka na and ur back in blogging. rest ka pa din para fully recovered ka na

    TumugonBurahin
  8. hmmm... ganda ng storya pero sa tunay na buhay parang di laging nanalo ang sampaguita sa rosas. kadalasan, nakakaungos lagi ang sampaguita.

    TumugonBurahin
  9. Oi tagal mong nawala ah...welcome back!!!!
    Sana ok ka nga parekoy!

    TumugonBurahin
  10. welcome back banjo..

    malungkot ang banat mong kwento sa iyong pagbabalik.. hehe!

    TumugonBurahin
  11. banjo!! namiss kita to da highest level!

    Pwede ba kitang matawag na Best din?! hehe!

    Best, nasugatan ako...may hawak na akong sampanguita pero natukso ako ng rosas ang ganda kasi..pulang-pula sa paningin ko..kaso nadurog ang puso ko..di pala ako tatagal sa tinik nito... :(

    TumugonBurahin
  12. Wow...okay pero ako matuwa..welcome back parekoy, namiss ko ang mga panulat mo..

    At muli, isa na naman napakagandang akda...perfect sa akin to, teka sa daming gusto kong akda mo hindi ko na alam ang top 1..hehe

    TumugonBurahin
  13. Hello! welcome back & hope you're A OK na =)

    TumugonBurahin
  14. parekoy.. matagal tagal din ata bago ka nakabalik ahhh... saan ka ba nangaling?

    TumugonBurahin
  15. welcome back!!!

    at ang ganda ng kwento. magaling ang pagkukumpara ng sampagita at rosas sa tao. galing! the best ka talaga!!! woot!!!

    TumugonBurahin
  16. simply touching!!..nwayz..are you okei now? its been a while since we last had a time to talk..hope to see you around ..^_^ take care..

    TumugonBurahin
  17. puwede din po bang pang banat line ang sampaguita..

    TumugonBurahin
  18. ay parehas din tayong nawala ng matagal chong... welcome back.. hehhe

    TumugonBurahin
  19. welcome back Istambay! hope ur okay now. pansin na pansin ko ang pagkawala mo dahil inaabangan ko lagi post mo.

    isa na namang obra maestro! ang galing! "oo best, ikaw ang sampaguitang magbibigay ng ligaya sa akin." :-)

    TumugonBurahin
  20. the best ka talagang magsulat istambay...

    next time sana orchids at bougainvilla naman gawan mo ng story hehe.

    if the story is fiction, i think fiction in a way pero related pa rin sayo.

    TumugonBurahin
  21. kinilig ako dun huh..yun nga lang./ 2 weeks pang nagisip..hahaha

    TumugonBurahin
  22. Naka naman. Kay gandang kwento. Gawan mo din ng kwento ang gumamela. Di na rin pinapansin ng mga tao ang bulaklak na iyon.

    - Kumag ng Kabulastugan Blog

    TumugonBurahin