Miyerkules, Mayo 11, 2011

INAHING MANOK (repost & edited)

Krruuuukkk, krukkkk....

Narinig kong sigaw ni nanay, nanonood  ako ng Voltez V nung mga oras na un. kakadating ko lang galing eskwela. nalimutan ko, ako nga pala ang nakatoka na magpatuka ng manok kada hapon..tsk tsk. Bye Steve, bye little john, bye Big Bert.. Jamie bukas ulit, at Mark wag masyadong mafeeling. Paalam ko sa tropa sabay patay ng TV.

Nakatutuwang magpatuka ng manok na tagalog namin (native chicken) ang dami kasi, ang iba maiilap, ang iba mababait.. naglalapitan at tinutuka ang paa ko. Kada alas 5 ng hapon, nagitipun tipon sila sa likod bahay namin, oras na ng hapunan. Hawak ko ang palanggana ng kinukod na nyog na pagkain nila, yan ang alternative namin pag wala kami pambili ng mais.

Kruukkkk.. krukkk...

Ibinudbod ko ang kinudkod na niyog sa kawayang binyak na nakahilera na akala mo terminal ng bus ang pagkakaparada. Napansin ko ang isang inahin na may akay na mga sisiw na hindi bababa sa 18. Walang makalapit, pinoprotektahan ang sisiw habang sila ay kumakain.

Sabi ng akin ni Nanay, kita mo Banjo, paglaki ng mga sisiw na yan, iiwanan din nila ang kanilang ina. Hindi ko na inisip kung anong ibig nyang sabihin sa akin.


Matagal na panahon na din ang nakalipas. Bigla ko lang naalala. Tinanong ko ang aking ina.. Nasaan na ina ung inahin natin dati na may akay na maraming sisiw?

Nagkwento ang aking ina...

Anak, diba't iniwan na sya ng kanyang mga sisiw? Lam mo anak, sobrang bait ng ating inahin sa kanyang mga anak. Walang makalapit na kaaway, ano mang hayop ang lumapit sa kanila, aso, pusa, daga, kambing, hinarap nya ng buong tapang. Ayaw nyang may mawalay o may mapahamak na isa mang sisiw nya. Tinuruan nya ang kanyang mga anak na lumipad, tumalon sa puno, iwagayway ang pakpak. ano mang uod na makita ng ina, binibigay nya sa kanyang mga anak. Pero tulad ng sabi ko sayo, iniwan din ang ating inahin ng kanyang mga anak....

Nasaan ang ating inahin Ina.?... Ang aking ulit na tanong kay Ina

Yan anak nasa harapan mo na.. may sakit, lugmok sa kahirapan, hindi makabangon, nakaratay sa kanyang pugad. Anak nabanggit ko ba sayong nagbalikan ang kanyang mga sisiw noon pagkatapos ng mahabang panahon. Malalaking tandang at dumalaga na, may tikas at yabang. At alam mo ba kung saan sila galing, galing sila sa ibang pugad. Doon nila ginamit ang lahat ng kanilang natutunan.  At nang magbalik, hindi na nila kilala ang kanilang tunay na Ina. Nalimot na nila lahat ang kabutihang ginawa ng ating inahin para sa kanila. Wala tayong magagawa anak, hindi naman sistema pero yan ang kadalasang nangyayari sa kanila.

Tumahimik ako sandali.. Tiningnan ang aking ina, ngumiti sa akin..

Anak, alam mo bang may pangalan ang ating inahin?

PILIPINAS ang ngalan nya...






23 komento:

  1. tama.. sabi nga nila di ba? kung sinu ang naging kasama mo lagi magiging ganuna ng ugali mo.. so sad about that..

    yan ang malungkot sa pagdating ng araw...

    TumugonBurahin
  2. Muli ay ginulat mo na naman ako sa katapusan ng iyong akda.

    Pwede rin itong sulatin para sa ating mga ina, mapag-aruga at nagsasakripisyo para sa kapakanan ng kaniyang mga anak.

    At gaya ng ating bansang Pilipinas, tahimik na natutuwa at tumatangis sa mga gawang sadyang ating ipinapamalas bilang mamamayan nito.

    :)

    TumugonBurahin
  3. @Axl - maraming salamat sir axl.. tama po, malaki ang impluwensya ng kapaligiran ng isang tao sa ugali meron sya.. :)


    @Sir Jkul - korek Sir, hindi natin mariringgan ang isang Ina ng kanyang hinanakit sa kanyang anak. Hanggat makakaya, sasarilinin lang nya ito para sa kanila. At tulad nga ng bansang Pilipinas, tahimik syang lumuluha at tumatangis.. Maraming salamat po Sir... :)


    @Kikkomax - tama sir, Pilipinas ang ngalan nya.. :) salamat po

    TumugonBurahin
  4. NAkakalungkot naman to pare koy... parang ayoko na tuloy magtrabaho sa ibang bansa. Akala ko kung anu yung inahin na sinasbi mo, na akala ko pang mother's day, pang independence day pala. LOL

    TumugonBurahin
  5. hehe. parekoy. napakagaling mo talang manunulat. hangga ako sayo. idol kita. . kala ko tngkol sa pamilya. para sa bansa paa natin. astig

    TumugonBurahin
  6. Naluha ako sa bandang dulo.
    PILIPINAS.
    PILIPINAS.
    PILIPINAS.

    TumugonBurahin
  7. bakit ba ayaw kong magtrabaho sa ibang bansa... Makabansa kasi ako (plastik ko). pero ang totoo nyan, sa pilipinas nga ako nagtratrabaho pero para kanino ba ang mga pinaggagawa ko...para din sa mga dayuhan... pero ganun talaga..darating ang panahon na kailangan mong mabuhay hindi na para sa iyong ina..kundi para sa sarili mo at sa iyong pamilya... hindi para sa Pilipinas kundi para sa iyong hinaharap... cgurado ako mauunawaan ka nya, ako, tayo... mahal kasi tayo ng ating ina... ng Pilipinas... :)

    TumugonBurahin
  8. ito cguro ang kulang sa marami sa tin ang pagiging Makabayan! malaking bagay yan para sa pagpapaunlad ng bayan.

    TumugonBurahin
  9. may pag-asa pa. gagaling din si Pilipinas... :D

    TumugonBurahin
  10. sa kasamaan palad, ganun talaga ang buhay, matapos alagaan ng bansa ay mangingibang bayan. pero ano nga bang magagawa natin kung dun nila matatagpuan ang kaginhawaan. pero hindi naman lahat ay tumatalikod sa ating inang bayan. marami ako'ng kakilala na hindi pa rin ipagpapalit ang ating bansa . pero meron ding nakakalimot.

    TumugonBurahin
  11. Banjo welcome back! Ngayon Lang din ako nakapagikot dito at nakacomment dahil sa lecheng blogger

    TumugonBurahin
  12. medyo malungkot ang istoryang ito..hindi lang sa manok tumutukoy kundi sa tao din..na ang mga anak sa paglipas ng panahon lalo na kung nakapag pamilya ay umaalis na sa poder..

    TumugonBurahin
  13. Nice... sabi nga nila instinct ang ginagamit ng hayop, kumbaga naka program na lahat ng gagawin. kayat mahirap lagyan dikitan ng moral lesson ngunit nagawa mo ito.

    TumugonBurahin
  14. Nawala akong koment ko?

    Halaka naman.

    Nabasa ko na ito eh. Sayang. Ahahaha

    TumugonBurahin
  15. pilipinas ba ang ngalan nya?!

    di ako kasama sa kanila..makinanay ako..kaso lang tinalian ang paa ko rito di ako makawala...huhuhuh

    TumugonBurahin
  16. isa ka sa mga manunulat na hinahangaan ko, sir.

    laging may aral at may kahulugan ang bawat lathala.

    TumugonBurahin
  17. ganon talaga ang nangyayari. parang process lang yan na mag aanak tapos paglaki aalis mag aasawa mag aanak paglaki ng anak aalis.

    ang mahalaga yong pahpapakita ng pagmamahal habang nanjan pa yong taong nakakakasama mo.

    TumugonBurahin
  18. hello, banjo!

    antay ako ng bago mong post...

    hope you are well. :)

    TumugonBurahin
  19. Na-gets ko ang ibig ipahiwatig sa kwento. Pero, in pernes di ko expect yung last part. Pang-buwan ng wika na to tsong! haha

    Oi, tagal na ah. Naging busy kasi ako nung summer. Eto, sinali kita sa kalokohan ko. Bumukas ang Tagmon ball at sinabi kong "BANJO, I TAG YOU!"

    TumugonBurahin
  20. it made a lot of sense to me.. galing galing

    TumugonBurahin