Sabado, Setyembre 24, 2011

DE SUSI



Isang mag-anak ang umagaw ng aking pansin sa loob ng mall na iyon.Umiiyak ang batang lalaki habang bitbit ang isang plastik na may tatak  ng isang sikat na tindahan ng laruan. Pumasok sa loob ng tindahan na iyon at  akin namang sinundan. Nang ilabas ng Daddy niya ang nasa loob ng plastik, isang robot pala na sira ang laman ng plastik. Tila yata isosoli o papapalitan sa tindahan na iyon. Nang mapalitan ng bago, pinaandar ng Daddy ang robot, isinusi ang bandang likuran at kusa ng itong gumalaw at naglakad . Tuwang tuwa ang batang lalaki habang pindot ng pindot sa remote ng laruan. Bakas din sa mukha ng mga magulang ang kagalakan. Napangiti ako sa tagpong iyon.

"Escuse me Sir, ano pong hanap nyo, maari ko po kayong matulungan" Yung sales lady nang makalapit sa akin.

"Ah eh Miss, yung robot na katulad ng binili nang bata kanina. Yung mas malaki at mas maganda."

"Dito po Sir, sunod kayo sa akin. May mapagpipilian po dito, may bagong arrival din po kami. Siguradong magugustuah ng inyong pagbibigyan."

"Para sa aking anak yan, sige ikuha mo ko ng isa, pakitest na din ha"

"Ok po Sir, upo muna po kayo, pakihintay na  lang po"


Diretso na ako sa Airport matapos kong bumili ng ilang pasalubong sa Mall na iyon. Sa loob ng airport habang naghihintay na tawagin ang aking flight, naisip ko ang tagpong iyon kanina. Sinilip ko ang robot na aking binili at nagbalik sa aking alaala ang nakaraan, minsan na din nagkaroon ako ng susi sa aking likuran.


-----


“Anak pagkatapos mo dyan sa assignment mo, pumunta ka sa kwarto. May ipapagawa ko sayo"

"Eh Daddy maglalaro po sana pagkatapos ko dito, pwede po ba bukas na lang?"

"Hindi pupwede, baka gusto mong itapon ko ang robot mo. Kung ano ang iutos ko, yun ang gagawin mo. Maliwanag?"

"Sige po Daddy, tatapusin ko na po itong assignment ko"

Bata pa lang ako, masunurin na ko sa king mga magulang. Malaki ang takot ko sa aking Daddy. Istrikto kasi kaya hindi ko magawang salungatin ang kanyang kagustuhan. Lahat ng ipagawa ay agad ko naman sinusunod kahit na labag ito sa aking kalooban. Mahal ko kasi ang aking mga magulang at ayaw ko silang magalit sa akin. At saka minsan kasi na hindi ko nasunod ang pinapagawa nya, palo at masasakit na salita ang aking inabot sa kanya kaya ganon na lang ang aking takot. Hanggang sa aking paglaki, wala akong hindi sinunod sa kagustuhan nila.


"Aba kumpadre, binata na pala ang unico hijo mo, malaking bulas din gaya  ng Daddy, tiyak na pagkakaguluhan ng kababaihan ito hahaha"

"Hahaha, kumpadre balang araw, itong si Jhonny ang mamamahala ng negosyo ko at magiging manugang mo, maganda din si Jenny at natitiyak kong bagay na bagay sila."

"Ayos yan kumpadre, sang-ayon ako sa sinabi mo. Kapag nagsama ang dalawa, mas magiging matatag ang ating mga negosyo kaya ngayon pa lang ayusin na natin ang kinabukasan nila"

Isang usapan iyon sa pagtitipon na dinaluhan namin, mga may kaya sa buhay ang lahat ng naroroon. Anuman ang sabihin ni Daddy, oo na lang ako ng oo. Sunud sunuran sa kanyang kagustuhan. Buong kabataan ko, sa kanila lang umikot. Kay Mommy, kay Daddy, sa kanilang mga kumpadre at kumare.

Hanggang sa aking pagbibinata, naging mabuti akong anak sa kanila. Marami nga ang nagsasabi sa mga magulang ko na swerte daw sila sa akin dahil sa kabaitan kong ipinamamalas sa kanila.


"Anak, natutuwa ako at nagkamit ka ng unang karangalan ngayong pagtatapos mo ng Highschool. Magaling hijo, magiging matagumpay kang negosyante balang araw. Tamang tama ayos na ang visa at pasaporte mo. Sa America ka magkokolehiyo at kursong Management ang kukunin mo para sa ating negosyo."

"Dad, usapan namin ng barkada na samasama kami sa isang kolehiyo dito at gusto ko pong maging arkitekto. Dad, ngayon lang po ako hihiling sa inyo"

"Hindi maari, sa Amerika ka mag-aaral at ang kursong Management ang kukunin mo. Ako ang masusunod naiintidihan mo. Ikaw ang susunod na mamamahala ng ating negosyo kaya dapat sundin mo lahat ng gusto ko at isa pa dun din mag-aaral ang anak ni kumpadre na s’yang magiging asawa mo balang araw. Wag mo kong bibiguin Jhonny, iyan ang pangarap namin sa’yo ng Mommy mo."

Wala akong nagawa sapagkat kita ko ang galit sa kanyang mga mata ng oras na iyon. Lumuha na lang ako ng tahimik at nagdesisyong sundin ko na lang ang kanyang kagustuhan. Inisip ko na lang na kapakanan ko lang ang kanilang nasa sa isip. Masama man ang aking loob, pinili ko na lang na manahimik para wala ng gulo.


Apat na taon din ako sa Amerika. Apat na taon kong binuno ang isa sa mga pangarap ni Mommy at Daddy sa akin. At sa loob ng apat na taon na yon, puro pag-aaral lang sa kursong napili nila ang aking inatupag. Apat na taon din  na kasama ko si Jenny, ang anak ng kumpadre ni Daddy. Sa iisang kurso at paaralan. Natitiyak ko na  ganon din ang gusto ng magulang nya kaya hindi na kami nagkahiyaan, wala ng ligawan kaya naging kami agad. Alam naman namin na nagkasundo na ang aming mga magulang para sa aming dalawa.  Noong una, wala naman siyang puwang sa aking puso pero habang tumatagal, nahuhulog ang damdamin ko sa kanya. Hanggang sa minahal ko siya ng lubusan. Doon ko naisip na tama si Daddy, tama ngang sinunod ko ang kagustuhan nya.


Sa buong pagsasama namin ni Jenny, minahal ko na din sya ng buong puso. Lahat ng kanyang kahilingan aking ibinibigay, kahit na minsan magmukha na kong tanga sa kanyang kapritso. Ang makita ko lang s’yang masaya ay nakakapagpaligaya na sa akin. Laging bukang bibig namin ang aming hinaharap, ang aming kinabukasan. Ilang anak ang gusto. Saan kami magpapagawa ng bahay. Saan kami magpapakasal. Lahat, halos lahat ng detalye para sa aming dalawa. Natuto na akong bumuo ng sarili kong pangarap.

Huling taon na namin sa unibersidad iyon. Malapit na ang aming graduation. Isang sorpresa ang aking inihanda para kay Jenny. Sa isang restauran isang gabi noon, isang singsing ang aking matagal ng iniingatan. Binili ko pa mula ng maramdamang mahal ko na sya. Inilabas ko at inabot ko pa ang kanyang mga kamay.

"Jen, will you marry me?"

"Ha? Binigla mo naman ako, seryoso ka Jhon?"

"Oo naman. I Love you Jen, will you marry me?"

"Hahaha. aba teka muna Jhon, linawin mo nga muna ang lahat, hindi kita maintindihan"

"Jen, mahal kita. Pakakasalan kita pag uwi natin. Seryoso Jen."

"Hahaha. Hindi nga, mukhang malabo ka Jhonny, hahaha.. teka... napatawa ko sayo, napatawa mo ko."

"Jen?"

"Ano ka ba, ang akala ko malinaw na sayo ang lahat. Hindi mo pa din ba alam ang sitwasyon mo ngayon? Laruan ka Jhon. Alam mong naglalaro lang tayo. Bakit mo sineseryoso ito? Lahat ng ito, pagpapanggap lang. Nilaro ko lang ang larong ito, sinusunod ko din lang ang gusto ng aking mga magulang. Nakikipaglaro din lang  ako sa kanila at wala akong balak magpatalo sa larong ito. Pareho tayong may susi sa ating likuran dahil tulad mo Jhon, isa din akong laruan. Isang de susing robot na sumusunod sa kanilang kagustuhan. Hindi mo pala naiintidihan… Suriin mong mabuti ang iyong sarili. Baka nadadala ka lang ng takot para sa kanila. Wag kang maging duwag. May sarili tayong buhay, wag mong tulyang hayaan na sakupin nila ang lahat ng iyong karapatan. Pero sa nangyayari ngayon, talo ka Jhon. Sorry, ang buong akala ko naiintindihan mo ang lahat ng ito. Kung tatanggapin ko ang alok mong kasal sa akin, para ko na ding dinaya ang aking sarili sa larong ito. Hindi pagmamahal ang nararamdaman ko para sayo. "


Napakasakit ng pangyayaring iyon sa akin. Tila harapang sampal ang aking naramdaman. Oo nga naman, hindi ko agad naisip na ako'y isang laruan. Lalo ko lang naramdaman na pati ang aking pag ibig ay pinaglaruan. Minahal ko si Jenny hindi dahil sa iyon ang gusto ng aking magulang kundi iyon ang aking nararamdaman. Masakit na pati siya ay naglaro sa aking damdamin. Minsan lang ako natutong mangarap para sa aking sarili subalit ang pangarap palang iyon isang laro din lamang.


Araw ng aming graduation at dumating ang aking mga magulang. Kasama ang pamilya ni Jenny, isang salu salo ang inihanda nila sa amin. Kumustahan, kwentuhan ng kung ano ano. Hanggang sa dumako sa kasal ang usapan. Tumingin sa akin si Jenny, tila sinasabing ngayon na ang panahon upang huwag akong maging talunan. Hindi pa tapos ang laro. Makakahabol pa ako.


“Anak, Hindi ka ba talaga sasama sa amin ng Mommy mo?

“Dad, sa buong buhay ko sinunod ko ang gusto nyo. Naging masaya ako para sa inyo ni Mommy, pero sa sarili ko napakaraming kulang. Sa pagkakataong ito Dad, uumpisahan ko na ang buhay ko. Alam ko naiintindihan nyo ako ni Mommy”

"Anak, ingatan mo ang sarili mo dito." Malungkot na yakap sa akin ni Daddy. Pero alam ko naiintindihan nya ako.

"Opo dad, wag kang mag-alala sa akin at mag-iingat din kayo sa atin"

"Jhon, sorry sa mga nangyari. Minahal din kita pero hanggang kaibigan lang.  Sana makita mo na ang makakapagbigay ng tunay na kasiyahan sayo. Ngayon hawak na natin ang ating sarili. Huwag ka ng maglalaro ok?, hindi na kita kakampihan nyan. Mamimiss kita. Mag-iingat kang mabuti"

"Salamat Jen, at pasensya na din nga pala. Sige na, mahuhuli na kayo sa flight nyo, magiging ayos lang ako dito"

Hindi ako sumama sa kanilang pag uwi. Masakit sa akin magpaiwan dito, lalo na ngayong malalayo na ako kay Jenny. Naiintindihan ko, ngayon din lang nya hahawakan ang kanyang sarili. Ngayong tanggal na ang susi sa aming likuran, wala ng maglalaro sa amin at hindi ko na ito papahintulutang mangyaring muli.  Nagpaiwan ako  dito sa America, dito ko tutupadin ang dati  kong pangarap. Dito ko din hihintayin ang aking tunay na kasiyahan. Masakit man sa akin ang nangyari, itinuring ko na din na iyon ay laro lamang. Talo ako. Pero hindi pa huli ang lahat. Tama na ang minsang ako'y naging isang laruan.


----


"All passengers.... flight number..... please proceed.... "

Ang announcement na iyon ang pumutol ng aking malalim na pagiisip, tumayo na ako bitbit ang aking gamit. Pabalik na ako sa Amerika. Umuwi lang ako ng Pilipinas dahil para dumalo sa binyagan ng anak nina Jenny. Kinuha kasi nila akong ninong nito at isa pa para na din dumalaw sa aking mga magulang. Gustuhin ko mang manatili dito pero hindi maari. Naghihintay ang aking tunay na kasiyahan sa America. Ang aking asawa at anak na nandoon. Ahhh.. ang anak ko. Siguradong matutuwa iyon sa aking pasalubong sa kanya. Iniisip ko pa lang, nasisiyahan na ako. Miss ko na sila. Ipinangako kong hindi nya mararanasan ang minsang dinanas ko. Ang maging isang de susing laruan.

Sa loob ng eroplano kakaupo ko pa lamang ng mag ring ang aking cellphone. Pangalan ng aking kliyente ang nag appear sa screen.

“Hello”

“Hello.. is this Architech…?”

"Yes, Architech Jhonny Montenegro speaking"





 ***
Likhang lahok para sa kategoryang "Maikling Kwento" ng SARANGGOLA BLOG AWARDS


 
SARANGGOLA BLOG AWARDS

21 komento:

  1. Ang galing. bakit parang bitin? Saklap naman ng story bandang gitna. :) Keep it up.

    TumugonBurahin
  2. ayos,bagamat hindi nagkatuluyan si jhen at jhon, isa pa ring masasabing happy ending na parehas silang naka-alpas sa de-susing buhay na naging kontrolado minsan ng kani-kanilang pamilya at magulang.

    goodluck sa enty mong ito sa SBA tol banjo!

    TumugonBurahin
  3. nabitin ako. at nalungkot sa love story. ganunpaman, mahusay ang pagkakagawa. gud luck sa ating lahat sa SBA :D

    TumugonBurahin
  4. ang ganda... nalungkot ako, natuwa, nanghinayang, pero sa bandang huli nasiyahan pa rin... maraming salamat po sa istoryang ito :)

    TumugonBurahin
  5. Naalala ko yung robot na unag bigay ng asawa ko sa anak niya=)) nice one.

    TumugonBurahin
  6. naka relate aq sis!! there was a tym i too felt the same... one of the reason y i choose to be here.. keep up the gud work and wish u luck!! muah! stay safe..^_^

    TumugonBurahin
  7. Open ended yata ito. Isang magandang storya, pero may hinahanap ako, tila may emosyon na kulang sa kwento.

    Goodluck sa SBA!

    TwistedFates

    TumugonBurahin
  8. may karugtung ba to? bitin kasi istambay eh...
    wala ka pa ring kupas...galing mo.

    TumugonBurahin
  9. ayun ohhh!! galing naman talaga!! goodluck sa atin hehehehe!

    TumugonBurahin
  10. kung anong yung nagpapaalala natin sa nakaraan kadalasan laruan... GUd luck dito :)

    TumugonBurahin
  11. @EMOTERA - salamat po.. hmmm medyo bitin po ba, ipinakita ko lang sa huli na nakamit nya yung pangarap nyang maging arkitekto.. :) salamat po mulit


    @SIR DUKS - salamat po, dahil sa laruan ang tema ng SBA, kaya yan ang aking naisip. Binigyan ko pa din ng magandang ending kahit na masaklap ang naging istorya ng bida.. :) magandang araw po..

    @SIR BINO - salamat po, malungkot ang naging gawa ko... goodluck po sa atin lahat :)

    TumugonBurahin
  12. @YOUNI - salamat din po... gagawa pa po ako ng mga kwentong malulungkot :) magandang araw po sa inyo :)


    @MommyJUNKY - maraming salamat po sa inyong pagbisita.. balik po ulit kayo ha.. magandang araw :)

    TumugonBurahin
  13. @KRIS FERNANDEZ - un naman sis.. natutuwa naman ako at nakita kita muli dito.. salamat sa walang sawang pagbisita ha.. yaan mo.. kiss na kita.. :) muah... miss you sis.. keep safe ha muahhh ulit ^^

    TumugonBurahin
  14. @Twisted Fate - uy, maraming salamat.. sana may link ung name mo para mapunthan kita.. pero ganon pa man eh parang kilala kita hehehe... magandang araw muli sayo :)


    @Emmanuel - salamat sayo sir... kakagaling ko din lang sa bahay mo.. :)


    @ka-swak - wala na po karugtong, tulad ng komento ko kay emotera, ipinakita ko lang sa ending ung pangarap nyang maging arkitekto eh natupad. :) magandang araw po :)

    TumugonBurahin
  15. @Iyah - goodluck sa ating hehehe.. at maligayang kaarawan sayo.. pasensya ka na at hindi na ko nakapagsend ng picgreet.. :) magandang araw


    @Kikkomax - Goodluck din sa inyo.. sa katotohanan lamang eh maraming bagay ang ipinaalala ng laruan sa atin pero sa akin, noon kasi hindi ko naranasan magkaron ng bagong laruan.. kadalasan mga gawa ko lang ang mga laruan ko mulas sa kahoy, lumang sinelas, mga lata.. ganon.. maraming salamat po at gudluck din sa inyo.. :)

    TumugonBurahin
  16. Galing, galing! Good luck sayo, sir!

    TumugonBurahin
  17. medyo kulang lang yung drama sa graduation, nung pinaglaban na ni john ang pangarap nya, pero astig, galing ng mensahe :)

    TumugonBurahin
  18. @Empi - salamat sir empi...

    @LordCM - HIndi ko na pinalawig pa sir.. hayaan ko na lang sa isip ng makakabasa bahaging yun. Maraming salamat po at magandang araw sa inyo :)

    TumugonBurahin
  19. Grabe ang puso dito- unkabogable!

    TumugonBurahin
  20. a very inspiring story about success...

    sana lang happy ending din ang love story jhonny ..hehehe


    gudlak satin sa SBA .. :)

    TumugonBurahin