Sabado, Abril 14, 2012

ALAB NG DAMDAMIN



Unti unting dumidilim ang paligid. Ang mga huni ng ibon na kanina lamang ay parang malumanay na himig na iyong naririnig, di naglalaon ay humihina at napapalitan ng huni ng kuliglig. Nanunuot ang kilabot na nararamdaman sa tuwing sasapit ang gabi sa kadahilanang hindi maiwasan ang paglalabasan ng mga MALIGNO na lumalapastangan sa iyong angking kagandahan. 


Mapait na karanasang nag-iwan ng pilat na muli’t muling nasasanggi at nanariwa sa iyong kamalayan.


Pumapaimbulog  ang kapangyarihan ng bawat titik sa mga salita na nakalimbag sa mayaman mong PANITIKAN.  Ito lamang ang pamamaraan upang maipabatid at maihatid sa bawat HINUHA ng mga mangmang ang asal na dapat na siyang nangingibabaw, ang dugong siyang dapat na manalaytay sa ugat ay tunay at hindi mapanlinlang.


Nais mo lamang na wasakin ang LARAWAN na palagiang nagpapasakit sa balintataw mong umaapaw ang luha. Larawang nagdudulot ng pighati at kumikintal sa pagal mong pag-iisip. Nag-aalab ang damdamin sa bawat pagsilay ng liwanag sa dakong silangan. Haharap sa GALUNGGONG na nakahain sa hapag na siyang ibinabagay sa iyo samantalang hindi naman nararapat. Umaasang sa pagsilip ng dapit hapon magakakaron ng pagbabagong magaganap.


Humuhuni ang mga KULISAP sa dako pa roon, nagpapahiwatig lamang na malapit na naman ang sandaling iyong kinakatakutan. Subalit manhid na ang iyong kalooban sa palagiang paglapastangan. Sumisidhi ang iyong pagnanais na katapusan. Katapusan ng pananakop ng mga halimaw ang asal. At ang pagbangon ng katawan mong matagal ng nakahilig at nakayuko sa tuyong damuhan na iyong tinatapakan. 


Umaapaw ang kaalaman. Nakarating sa mangmang na pag-iisip ang kapangyarihang nakalimbag. Kaalaman na siyang bumubuhay sa dugong nananalatay sa bawat ugat ng nakamalas. Ang kaalaman na hinding hindi matatagpuan saan mang sulok ng SILID-AKLATAN. Simula na ng pagpapalaya sa damdaming uhaw sa kasarinlan.


Matagal na paghihirap ang pumipigil sa bawat sandali. Maraming dugo ang nadilig sa lupang ipinaglaban. Hindi naglumaon at nanaig ang damdaming nag-aalab. May ngiti sa labing sumasalubong sa bukang liwayway at ganun din sa kanyang pamamaalam. Bumukas ang pinto ng KAGAWARAN na matagal nang nakapinid sa mga itinuturing na mangmang. Ang bawat pananim upang may maihain sa hapag, umaani ng karangalan at ng paggalang. Kaysarap damhin.


At tumitingala na ang mga karatig sa iyo. Isang kahangahangang SARANGGOLA na malayang lumilipad sa kalawakan. Kasama ang mga BAYANI na iyong kinalulugdan.  Sumasalubong sa malakas na hangin o bagyo pa man. Hindi tumitiklop, may kisig at yabang habang pinagmamasdan. At payapang muling lalapag sa luntiang DAMUHAN.











*suporta sa "bagsik ng panitik" ng DAMUHAN

34 (na) komento:

  1. salamat sa pagbibigay ng panahon na lumahok sa Bagsik ng Panitik! :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat sin sir bino.

      at gudlak sa "Bagsik na Panitik"

      :)

      Burahin
  2. sir...gudlak din sa iyo

    mabuhay ang mga bloggerong pinoy

    TumugonBurahin
  3. ang tatak banjo!magaling talaga!

    sana tuloy tuloy na ang pagsusulat mo..nakakamiss ang mga panulat mo parekoy!


    goodluck sa entry mo!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sir Jay, maraming salamat.. sana nga eh diretso na muli ang pagsulat :)

      magandang araw sayo :)

      Burahin
  4. banjoo!!!! kamusta kana?!!!! wala ka talagang kakupaskupas!! yiiiiii!! panalo kana! you already!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. halo iyakin, tumahan ka na ba?

      natutuwa naman ako sa pagwelcome nyo sa akin. gusto ko maiyak pero ayaw talaga eh..

      musta ka na din?)

      Burahin
  5. grabe! dumugo utak ko! hanglulem!!!

    kamusta na kuyakoy :))))

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oh atekoy.. binasa ko un entry mo sa contest ni sir bino at talaga naman humanga ako sa husay ng paglalapt mo ng katagang iyong ginamit.

      magandang araw sa'yo :)

      Burahin
  6. aahhh ang hirap naman,, ang lalim... mukhang mananalo ka! welcome back pala sa blogging...
    goodluck!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. axl.. maraming salamat.

      manalo o matalo eh panalo pa din dahil ang pagsali pa lamang sa gayong timpalak ay panalo na:) nais ko lamang na ibahagi ang kung anong kumukulit sa aking isip kaya ko inilathala yaon. :)

      magandang araw sayo at salamat muli :)

      Burahin
  7. Hindi pa rin kumukubas ang alab ng damdamin mo Sir Banjo. Laging pinapadama ng iyong panulat ang pagmamahal sa ating bayan.

    Kamusta po?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakatutuwa at muling nabasa ko ang iyong komento sa aking munting akda.

      Maging ikaw sa pamamaraan mo ng pagsusulat at pagbibitaw ng bawat salita, lumulutang din ang pagtingin sa ating INA. Ikaw kaya ang aking idolo :)

      at matagal kitang hinanap sir jklu pero nakita din kita :)

      magandang araw sayo :)

      Burahin
  8. salamat sa pagdalaw nyo sir.

    karamihan sa aking lathala ay medyo may kalaliman. sana po ay humamon sa isipan ng makakabasa. :)

    magandang araw pong muli :)

    TumugonBurahin
  9. maraming salamat po sir reigun :)

    TumugonBurahin
  10. Na-nose bleed ako sa tagalog.. Ang galing. Bilib ako sa mga magagaling sumulat ng malalim na tagalog. Good luck!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hi po ma'am. salamat po sa inyong pagdalaw.

      pahid ka ng panyo :)

      sana po muli ko kayong makita sa pahinang ito..

      magandand araw po :)

      Burahin
  11. May laman ang mga akda mo sir banjo, nakapagpapaandar ng kinakalawang kong makina sa utak. mahusay humabi ng kasinlalim ng balun na paksa, talagang tunay na magaling na manunulat ng panitikan, isang alamat, inspirasyon ka!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakakataba naman ng puso ang inyong komento. heto ako't nakangiting tumitipa ng tugon sa inyo. hindi naman po ako bihasa sa ganitong sulatin, marahil ay nakikita ko lamang ang nangyayari sa kapaligiran na may kinalaman sa pamumuhay ng tao. :)

      maraming salamat po sa inyong pagdalaw :)

      Burahin
  12. parang ang lalim ng pinag hugutan nito. bakit ganon, gusto ko umiyak pag ka tapos kong mabasa ito :C

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. may kalaliman nga daw sir pabs... :)

      salamat po sa inyong pagdalaw..

      magandang araw :)

      Burahin
  13. saludo ako sa paraan mo ng pagsusulat..

    ang galing :)

    perstaym ko ata dito. ^^

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat sir, ako man ay ganun din sa iyo..

      sa susunod pong muli.. :)

      magandang araw po")

      Burahin
  14. weee.. namiss ko ang pagbabasa ng mga malalim na panitikan.. lone time no post :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat sir kiko. ayan at lumalalim na ulit.. sana masundan na itong post ko kaya lang mapurol pa ang aking isip sa ngayon :)

      gandang araw po :)

      Burahin
  15. welcome back istambay! ang tagal mong nawala ah. di ko masyadong maarok ang post mo ngayon. grabeh, kinalawang na yata ang natatago kong unting kaalaman, walang praktis. tsk.tsk.kasalanan mo ito.hehe. (joke lng po) :-)

    good to hear from you again. abangan ko ang mga susunod mo pang paghalukay mga nakatagong kayamanan ng malalim na panitikan. :-)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat po sa pagwelcome ma'am. sana nga nga po'y simula na ulit ng panibagong hamon sa pagsulat para sa akin.

      magandang araw po. may susunod pa po dito . :)

      Burahin
  16. Magaling!
    Magaling!
    Magaling! APIR!

    Goodluck po sa inyo.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat po ate..

      gudlak din sa inyo.. :) cchheerrrzzz

      Burahin
  17. goodluk po! nakiraan at nakibasa! =)

    TumugonBurahin
  18. Nagbasa. Humusga. Hindi maitatatwa ang angking husay ng may akda, hindi lamang sa pamamaraan ng pagsulat maging sa tunay na hangarin nitong maipabatid sa mambabasa ang nilalaman nito. Good luck sa entry.

    TumugonBurahin