Huwebes, Setyembre 08, 2011

CAPTAIN BARBELL


Matamang nagmamasid ang tatlong lalaki sa harap ng isang gusaling iyon. Malilikot ang mga mata, inaaral ang paligid, sinisipat ang bawat pumapasok sa loob ng gusali. Hindi rin nagtagal, bumaba ng sasakyan ang tatlong lalaki, pumasok ang dalawa sa loob ng gusali habang tumabi naman sa guwardya ang isa.

"HOLDAP ITO, DUMAPA KAYO LAHAT KUNG AYAW NYONG MASAKTAN"

Ang sigaw ng isa sa loob. Sa takot ng mga tao, walang nagtangkang pumalag ni isa at mabilis na naisagawa ng mga holdaper ang kanilang pakay, mabibilis ang kilos, kinuha ang lahat ng pera. Papalabas na ang mga holdaper ng biglang isang kariton ang humarang sa kanilang daanan. At simbilis ng kidlat,  lumabas ang bida. Si CAPTAIN BARBELL. Suntok dito, suntok doon. Baril dito baril doon pero wala silang nagawa. Nahuli ang mga holdaper, itinali ni Captian Barbell ng nakabitin. Subalit sa hindi rin malaman kung saan, biglang lumabas si SPIDERMAN na kakampi ng mga holdaper. Matinding labanan ang naganap, nagtatagisan ng galing. Kung saan saan lumalop humantong ang kanilang laban. Sugatan ang bawat isa, at sa bandang huli, dahil sa ito ang kadalasang nangyayari sa mga pelikula at akin na ding kagustuhan, nagwagi syempre ang aking bida. Si Captain Barbell.

"BANJO, TUMAYO KA NA D'YAN AT KAKAIN NA, TAWAGIN MO NA ANG TATAY MO"

Isang nakabibinging sigaw ng aking mahal na ina ang umistorbo sa aking paglalaro. Inimis ko na din ang aking mga laruan, isa isa kong inilagay sa kahon, tumayo na ako at tumungo sa aking Tatay.

----

Oo, nasa isipan ko lang ang lahat ng iyan. Aking binalikan, sinariwa ang alaala ng kamusmusan. Masarap maging bata. Malaya ang isipan. Malayo sa suliranin. Mabilis ang takbo ng bawat oras, walang nasasayang kaya walang panghihinayang. Parang eksena sa isang pelikula ang aking mga nasa isip noon, sa mga oras na ako ay nag-iisa at naglalaro sa harap ng aming kubo. Kausap ang mga tautauhan na pinagagalaw ng aking mga kamay base sa gusto ng aking isipan. Labanan, o kalaban kalabanan ang aking tawag sa larong iyon. May kontra bida at Bida, mabilis ang pagusad ng istorya, walang nasasayang na sandali at paniguradong mananaig ang kabutihan. Laro lamang. Likha ng makulit na pagiisip. Nagbibigay sa akin ng kasiyahan.

Sa mga kaganapan sa paligid, sa aking nararamdaman ngayon, naiisip ko ang bukas. Paano nga ba ang mangyayari? Sa takbo ng aking ginagalawang sistema. Sa mga pangyayaring umaabot sa aking kaalaman. May happy ending pa ba? Habang nasa paligid ang tunay na kriminal na unti unting tinatalupan, hangga't hinahayaang makalusot ang mga kabulukan. Paulit ulit lamang, aasa sa wala.

Minsan ko na ring pinangarap na mangyari sa tunay na kahulugan ng buhay ang bawat eksena noon. Mabilis ang pagusad ng sistema. Pag may mali, may kaparusahan ang may gawa. Mabilis at kulungan agad ang kalalagyan. Mananagot kay Captain Barbell ang lahat ng may pananagutan sa batas. Walang makalulusot. Walang sinisino. Walang masasayang na oras. Minsan ko na ding inisip na sana maging bata din ang ating sistema, maglaro ng kalaban kalabanan. Ang mga kontrabida sa lipunan, ang mga tunay na holdaper at kriminal na ngayon ay nakikilala na. Walang sasayangin na sandali. Itatali ni Captain Barbell ng patiwarik. Mabilis ang pagkuha ng hustisya. At pagkatapos ng laro, iligpit ang mga kontrabida. Itagong mabuti o kaya mas maganda ay itapon upang hindi na mapaglaruan pa.






18 komento:

  1. welcome back sir. :D

    parang antagal mong nawala.

    sa current system natin.... nabubulok... inaanay.

    TumugonBurahin
  2. welcome back!

    Last month ay pinag-usapan ka lang namin ni Iyakhin at ngayon ikaw ay tuluyan ng nagbalik.

    Masyado pa ring matalinghaga ang bawat post mo, pero pakiramdam ko ang kwentong ito ay sumasalamin sa istorya ng buhay mo sa kasalukuyan. Nandyan sa post na yan ang dahilan kung bakit ilang buwan ka ring nawala. Ang hirap lang literal na ipaliwanag. Haha! :-)

    TumugonBurahin
  3. Pero sa tunay na buhay, wala si Captain Barbell na ating tagapagligtas. We only have ourselves. Minsan tuloy naitatanong ko sa sarili ko, may hustisya nga ba sa mundong ating ginagalawan? O depende ang pagdating ng hustisya, depende sa kung anong estado sa buhay meron ka.

    Magandang Umaga!

    TwistedFates

    TumugonBurahin
  4. muli, maligaya ako at ikaw ay nagbabalik!

    si captain barbell pala ang iyong tagapagligtas. ako kasi wala ako'ng maisip na pinoy superhero na magiging tagapagligtas ko hehehe

    TumugonBurahin
  5. welcome back again banjo, hnd mo alam gaano ako sumaya sayong pagbabalik lalo ng makita ko ang post mo sa iyong pagbabalik na 'drama lang', halos lahat yata ng bloggers natanong ko, sa iyong where about.. hehe! ang dami ko pang message sau pero di ka man nagreply..:p pag ako mawala may maghahanap kaya sa akin.. hahaha

    minsan nangangarap akong maging super hero, gusto ko maging wonderWoman.. nice story..:))

    TumugonBurahin
  6. akala ko ikaw si captain barbell. hehehe

    TumugonBurahin
  7. Kapatid nagbalaik ka na! Maligayang pagbabalik!

    Ikaw nga si Banjo. Walang duda!

    Ang kwentong ito ay sumasalamin sa pangyayari na nagaganap sa buhay mo. Sa buhay natin at sa buong lipunan. Sana nga ganun lang kadali ang lahat. Madaling iligpit ang dapat nang iligpit.

    Mabuhay ka kaibigan, muli, maligayang pagbabalik!
    Magandang araw sa'yo

    TumugonBurahin
  8. grabe ito na naman si istambay!

    nose bleed na naman ako sa napakatalinghagang pananalita mo.

    as usual, palong palo mo na naman...

    salamat sa pagbibigay ng ganitong mga posts.

    TumugonBurahin
  9. ang tagal bago ka uli nag post.....maganda nga rin kung si captain barbell ay totoo talaga..kaso hindi eh..hehe..

    TumugonBurahin
  10. grabe chong 3 months... antagal mong nawala... welcome back ulit...

    TumugonBurahin
  11. i'm happy you're back Istambay!
    gusto ko ang mga matatalinghagang gawa mo. iba ka talaga. Ikaw na! hehe..:-)

    TumugonBurahin
  12. welcome back sa pagsusulat, ser banjo.

    minsan, iniisip ko rin na yung karaniwang lipunan (na gaya ng sa atin) ay nananatili pa ring nakatali sa batas ng kagubatan. mga predator, mga prey. kakainin ang mahihina. uubusin ng walang awa ang babagal-bagal. ang masama at mabuti, nasa depinisyon ng naghaharing uri.

    tsk. sobrang lawak ng issue kung bakit minsan, ang hustisya, parang pulis na malaki ang tiyan. habol ng habol, pito ng pito, saka kakamot na lang ng ulo dahil nalusutan na naman.

    TumugonBurahin
  13. pinahanga mo na naman ako banjo!!! san ka ba naglululusot at nawala ka?! i hope ur ok now!

    TumugonBurahin
  14. Ang galing mong magsulat sa tagalog. :-)

    Fickle Cattle
    ficklecattle.blogspot.com

    TumugonBurahin
  15. Sa inyo po lahat.. maraming salamat sa pagwelcome nyo sa akin.. Sana nga po tuloy tuloy muli akong makapasulat..

    Maraming salamat po muli.. :)

    TumugonBurahin
  16. Trip mo pala si Capt. Barbell? hehehe

    ako gustong-gusto ko na maging si Storm or Rogue (X Men) o kaya si Piper ng (Charmed). gusto kasi ang power nila at saka parang kahit may ganun silang katangian normal pa rin silang namumuhay sa makakaya nila. Sa toys medyo mas gusto ko yung mga gadgets na ginagamit ng super heroes/ anime characters. gusto ko yung armas nila TP Takamiya (BT'X), pana ni Yellow 4 at last year nga nagpagawa ako ng kwintas na halaw sa kwintas ng pinakapaborito kong anime character na si Akazukin CHacha.

    TumugonBurahin
  17. i thought that kid side of u was talking this tym...^_^ but i was wrong, may lalim pala ang story, sv nga nila "may lama"..keep it up banjo! (sis ka pa rin for me..peace)

    TumugonBurahin