Biyernes, Mayo 04, 2012

LURAY LURAY NA GANDA

---> Sino ka? Anong lugar ito? Bakit ako nandito? Anong...? Anong nangyayari?


<-- Oh teka lang. Isa isa lang ang tanong? Mahina ang kalaban. Hinga ka muna ng malalim. Ipahinga mo muna ang iyong isip. Marami kang dapat na maintindihan. Ilibot mo ang iyong paningin sa kapaligiran.
<-- Ano? Maganda diba? May pagkakasundo ang bawat tao. Nagdadamayan sa gawain. Malinis ang paligid. Maaliwalas ang daloy ng tubig sa ilog. Kay sarap maligo. Simpleng simple ang buhay ng tao. Walang mabigat na krimen na nangyayari.Walang cellphone. Walang internet. Walang dayaan ng boto kaya hindi nananakaw ang kaban ng bayan. Walang pork barrel.


---> Nananaginip yata ako. Wag mo muna kong gisingin. Gusto kong namnamin ang sariwang hangin. At oo, ang ganda ng lugar na ito. Kasing ganda ng babaeng kaharap ko. Nakabibighaning ganda mo.


<-- Yan ang gusto ko sa'yo. Ang tamis mong magsalita. Para kang pulitiko. Bulaan.


---> Kung maka pulitiko ka naman.


<-- Tama naman diba?


---> Kung sabagay. Pero hindi naman lahat  eh bulaan.


<-- Ha ha ha...


---> Nakakatawa ba ang aking sinabi? Oo nga pala. Nakakatawa nga. Pero nakakaiyamot din naman.


<-- Hahaha...
<-- Naakit ka sa aking ganda, ito ang tunay na ako pero matagal na panahon na iyon. Mabighani ka pa kaya sa akin kung sakaling makita mo ang itsura ko sa kasalukuyan? Sige, ipapakita ko sayo ang aking anyo na iyong pinagsamantalahan.


---> Totoong anyo? Pinagsamatalahan kita? Kasalukuyan? Ibig sabihin nagkukunwari ka lamang? Teka hindi ko maintidihan. Anong sinasabi mo?


 <-- Para malinawan ka. Masdan mo ngayon ang iyong paligid. Naghihilahan ang bawat tao pababa. Tambak ang basura sa paligid. Makakaligo ka pa kaya sa mistulang kanal na ilog na iyon? Modernong moderno ang buhay ng tao, pero kahirapan ang iyong makikita.  May nagbubuwis ng buhay dahil sa cellphone. Laganap ang korapsyon. Nabubusog ang mga buwaya sa pork barel na yan. May pag-asa pa kaya sa mga batang iyon sa tambakan ng basura?


---> Lahat yan ako ang may gawa?  Ako ang nagsamantala?


<-- Walang iba. Sinadya man  o hindi.  Ngayon humarap ka sa akin.


---> Teka, bakit ganyan ang itsura mo?


<-- Malayong malayo sa nakabibighaning babae na kausap mo kanina. Ang magandang babae at ang lugar na iyong namalas kanina ay iisa lamang. Ito ang aking anyo sa kasalukuyan, luray luray ang damit at larawan ng isang ina na pingasamantalahan ng kanyang mga anak. Kung hindi ka titigil sa kalapastanganan at patuloy mo pa din akong hahalayin, isipin mo nga kung ano pa ang aking magiging anyo sa hinaharap.


---> ......???


<-- Naiintidihan mo ba? Isipin mo nga?


...




14 (na) komento:

  1. Hindi-nagpakilalaMayo 3, 2012 nang 6:45 PM

    ang slow ko...di ko ma gets...


    ito na lang.... parang kagubatan lang yan na kay ganda ganda pero noong pinabayaan nila ito, kinalbo, ginawang minahan...ayong pumanget na sa kasalukuyan. :)

    empi

    TumugonBurahin
  2. ang galing mo talaga gumawa ng ideolihiya.....

    TumugonBurahin
  3. parang ung kay bob ong na paborito'nglibro ni hudas. mahusay!

    TumugonBurahin
  4. agree ako kay Bino. mejo may bob ong taste. ang libro ni hudas. pero i like the style. funny ang dating!

    TumugonBurahin
  5. Tayong lahat ay manghahalay. Merong simple pero merong talamak.

    Hindi kaya gaya ng isang ina, ay tumatanda din ang ating bansa? Nangungulubot, humihina...namamatay?

    TumugonBurahin
  6. ang galing! ang lalim pero nagets ko... hehe.

    laging sinasabi ang mahal ko ang pilipinas, pero mangilan-ngilan lang talaga tunay na nagmamahal dito.

    TumugonBurahin
  7. madaming mapanghalay,at siguro kasama na ako doon..isa pala ako sa nakakapagpahina sa kanya...at sisikapin ko iyong baguhin alang ala sa bansa ko. na sanay ay gawin ng marami,ng madaming madami ng sa gayon ay muling bumalik ang kanyang kagandahan,kahit suntok sa buwan ito sa kasalukuyan. hayst..

    TumugonBurahin
  8. sa palagay ko, nainitindihan ko ang kwento mo.

    isa lang masasabi ko. badtrip talagadito

    TumugonBurahin
  9. ikaw na po ang makabayan!! bow!! iboboto kita sa senado if ever tumakbo koa! hahahaha!! galing-galing mo talaga! pakiss nga! :*

    TumugonBurahin
  10. ang galing ng pagkakalahad, hindi ko agad naisip na may twist pala itong akda mo, napag-isip mo ako, mahusay!!

    TumugonBurahin
  11. nice..the best..na emote ang emotera kong puso :) napakagandang pagkakalahad mo kaibigan..di pa huli ang lahat upang magbago ang gumagahasa sa napagakandang 'babae'na iyong tinuran :)

    TumugonBurahin
  12. tama naghihilahan nga ang karamihan pababa...daming basura sa lansangan.

    TumugonBurahin