Miyerkules, Hunyo 06, 2012

KM3: Tinig (Pagniniig, Ningas at Pagsilang)




“Ohhhh  mahal ko,sabik na sabik na ako.”


“Damhin mo ang init ng aking pagmamahal mahal ko.”


“Ohhhh...”


“Ihatid mo ako sa rurok ng kaligayahan”


“ahhhhh…”




Mga pigil  na tinig at matatamis na ungol at daing ang nagpagising sa aking natutulog na isipan noong gabing yaon. Ang pagniniig na iyon noong gabi, pagkatapos ay katahimikan. Hindi libog ang aking naramdaman, subalit sabik akong nakinig sa kanilang pagtatalik. Nararamdaman kong may namumuong mainit na damdamin sa aking katauhan. Ito na ang simula. 

Matagal ding namahay sa akin ang kadiliman ng gabi, sa pagsapit naman ng araw ay ang pag-ulan. At tulad ng pagbubukang-liwayway, ang dilim, ang lamig at ang katahimikan ang bumubuo sa aking kamalayan. Nais kong may makinig sa akin, iyong ako ay mauunawaan. Subalit walang tinig na lumalabas sa aking bibig. Tanging palahaw lamang at hikbi ang naririnig sa akin sapagkat  makapangyarihan ang tinig na syang nangingibabaw. Tinig na huwad at namumutawi sa bibig ng iisa lamang. Ito ang tinig na gumagapos ng aking mga kamay at pilit ikinikintal sa aking isipan. 

Nabuo ang sanggol sa sinapupunan ng ina. Hindi ko pa  masasabing naging tagumpay ang libog ng pagniniig na iyon. Mahabang panahon pa ng pagbubuntis ang kailangang tiisin at pangalagaan. Alam ko, magiging piping saksi ako hirap ng pagdadalantao. May mga panganib na maaring humadlang sa pagsilang ng sanggol na matagal ko ng hinihintay. Gusto kong masaksihan ang katapusan at kamatayan ng delubyong aking kalagayan at ang panibagong simula upang ako ay makapagsalita at maunawaan.

Ilang dahon pa ang nalagas sa matandang punong iyon, dahon  ng pighati at kasakiman  na iinihahampas ng hangin sa aking katauhan.

 At sumapit ang araw ng pagsilang. Marubdob ang damdaming nag-aalab sa simula pa lamang ng pagniniig.  Matinding unos man ang humadlang at nagtangkang kitilin ang apoy subalit patuloy lamang ito sa pagningas.  Umapaw ang luha ng mga nakasaksi sa pagluluwal ng pagbabago. Luha ng masidhing kaligayahan ang aking namalas. 

Demokrasya, ito ang aking tinig. Mula sa maalab na pagniniig, nagningas hanggang sa masalimuot na pagsilang. Tinig na nagbubuklod  para sa malayang kamalayan ng bawat isa. Tinig ng bayan na nasa ating kapakinabangan.








27 komento:

  1. Iba ang antas ng akdang ito.

    Sa kabila ng pagiging pipi natin noong nakalipas dahil sa takot at pagmamalabis sa kanyang nasasakupan. Naputol din sa wakas dahil sa laban ng nakakarami.

    Muling namayani ang pagkakaroon na kalayaan ng bawat isa ng walang takot at iniinda. DEMOKRASYA!

    Goodluck sir banjo!

    Wala ka talagang kupas :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Huli na itong reply ko..

      maraming salamat sir jay sa mga pagbisita mo sa bahay.

      gudlack din sayo..

      ikaw na ang aking idol ngayon :)

      Burahin
  2. mahihirapan ang mga hurado nito! ang daming malikhain at mahuhusay!
    goodluck sir salamat sa pagbisita

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yung likha mo man ay sadyang napakahusay. bilib ako sa galing ng panulat mo..

      maraming salamat po

      Burahin
  3. hello, nakiraan lang at nakibasa... ito pa lang ang nabasa kong lahok na may pagniniig, hihi. ^^ good luck sa patimpalak and regards. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Halos lahat ng nadaanan kong lahok ay naroon ka. at ang iyong akda. hindi rin matatawaran ang husay.

      maraming salamat po at gudlak din sa inyo :)

      Burahin
  4. mahusay.. may simula at may katapusan... ikaw na sir banjo.. goodluck sa iyong akda.. :D

    TumugonBurahin
  5. Ang berde tlga ng utak ko .. ewan ko ba ..haha

    pero ang lupit nito .May dynamics at creative :)

    Ayos.

    Goodluck sa entry, saludo ako sa iyo.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yung akda mo ang makakakuha ng pwesto sir. tunay na napakagaling eh.. ang husay

      maraming salamat po... saludo din ako sayo :)

      Burahin
  6. Ganito dapat ang mga nananalo. :) May puso.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamt po sir...

      magandang araw po

      Burahin
  7. ibang level nga ito (gaya-gaya kay kuya jay?) hehe. To the highest level, di ko maarok! imba ka talaga kuyakoy! Pinalalim mo ang mababaw kong pag-iisip. Goodluck sa iyo!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. jhengpot, ung akda mo man akoy napahanga. habang tumatagal eh lalong humuhusay ang galing mo sa pagsulat. ipagpatuloy ha..

      maraming salamat po

      Burahin
  8. mahusay...

    kala ko berde un pala asul at pula ang kinalabasan dahil sa makabayan

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat ng madami sir. mahusay din po ang inyong gawa.

      may pwesto sigurado :)

      Burahin
  9. good luck....tama, mahihirapan nga ang mga hurado sa pagpili...mula kay Jay rulez ay napunta ako sa iyo...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sir arvin, iyong pahabol mong akda para sa KM3 ay makatotohanang pangyayari. mahusay, suporta man subalit naiparating mo ang iyong tinig..

      maraming salamat

      Burahin
  10. naku....ang taas ng level nito.....mahirap itong makaligtaan sa pagpili...hehehe.....napadaan po....god bless sa lahok ninyo....

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat po, napakaraming mahuhusay na likha.

      ang importante, maibulalas natin ang ating tinig.

      :)

      Burahin
  11. Kapag hindi pinaulit-ulit basahin ang akdang ito ay maghahatid ng kalituhan o hindi pagpansin sa napakagandang mensahe na nakatago sa lathalaing ito.
    Marahil ang nagtanim ng punla ay mga yumao na, maaaring nagpaalam sa madugong paraan, maging nagpaalam na hindi nasaksihan ang pagsilang subalit heto tayo ngayo't ginagahasa naman ang DEMOKRASIYA.

    Damang dama ko ang tinig ng Demokrasiya na siyang ginagamit natin ngayon upang maging malaya ang kamalayan natin na maipahayag ang ating mga tinig, dito man sa panulat, sa kalsada, sa paaralan, simbahan o maging sa bahay.

    Ang Demokrasiya na kapag inabuso'y magdudulot din ng kapahamakan gayong kapag inibig ay maghahatid ng isang mapayapa at maunlad na pamayanan.

    Maraming salamat sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 3. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sir jkul, una binabati kita sa tagumpay ng KM3, nakamit nito ang layunin. humahanga talaga ako sayo, nagawa mong pagbukludin ang hiwahiwalay na hinuha para maging isang tinig.

      Ikaw ay isang punong hitik na ang bunga. Marami ang pumitas ang nabisog sa tamis ng lasa nito.

      Maraming salamat po

      Burahin
  12. di nasusukat sa umpisa ang nilalaman ng likha... ayus...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sir kiko, maraming salamat po

      gudlak sa atin lahat

      Burahin
  13. malalim at malupit, muntik n hinde maarok ng aking pag-iisip..

    viva pilipinas!

    TumugonBurahin