Sabado, Hunyo 16, 2012

HALIGI





May paparating na bagyo ayon sa balita na narinig ko sa transistor radio na nakapatong mesa. Malakas di umano at binabalaan ang lahat na maghanda para sa pananalanta nito. Paparating ang bagyo dalawang araw mula ngayon. Agad tinapos ni Tatay ang pag-inom ng kape at lumabas ng aming kubo. Pinagmasdan ko ang ginagawa ni Tatay. Sinusuri nya ang bawat bahagi ng aming bahay kubo na iyon mula sahig, haligi, dinging na kawayan, hanggang sa bubong na pawid na pinatungan lang ng segunda manong yero. Si inay naman ay nagwawalis ng paligid.

Pinagmasdan ko ang paligid at muli, nakita ko na naman ang naglalakihan at naggagandahang bahay sa di kalayuan sa amin. Nakatirik kasi ang aming kubo malapit sa isang sabdibisyon sa aming probinsya. Sa aking sarili, naisip ko na napakaswerte ng mga nakatira sa ganong bahay. Hindi nangangamba sa unos na dumarating.

"Oh anak, anong tinutunganga mo diyan? Si tatay pala na hindi ko namalayan na lumapit sa akin.

"Tay, may bagyo na naman kasi, naisip ko lang na swerte ang mga nakatira sa bahay na yon kasi hindi na sila mangangamba sa paparating na bagyo."

"Bakit anak? kinakabahan ka ba na baka magiba ang bahay natin?" may ngiti na tanong ni Tatay sa akin.

"Tay, malakas ang bagyo ayon sa balita, kinakabahan po ako"

"Anak, wag kang kabahan ilang unos na din ang ating pinagdaanan at kelan man hindi bumigay ang ating bahay, magtiwala ka sa Tatay mo anak" Si Nanay pala na nasa likod na namin. .


Isang gabi ng biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin. Ito na ang bagyong ibinalita sa radyo. Pinagmasdan ko ang kandila sa gitna ng aming mesa na isinasayaw ng hangin. Sa mumunting liwanag, nakita ko ang aking mga magulang na nakatingin din sa akin, nakangiti na tila sinasabing wag akong mangamba sa mangyayari. Ni hindi ko nabanaagan sa kanila ang pagkabahala. Subalit ramdam kong malapit ng magiba ang aming bahay.

Maaliwalas na ang panahon ng ako ay magising kinabukasan. Agad akong lumabas ng bahay pinagmasdan ang paligid. Halos manlumo ako sa aking nakita, malaki ang pinsalang dulot ng bagyong nagdaan. Maraming bahay ang mga nasira. Maraming puno ang nabuwal. Maraming pananim ang nasalanta. Si tatay, abala sa pagkukumpuni ng bahagi ng aming bahay na nasira.

"Pagmasdan mong mabuti ang iyong Tatay anak. Tulad ng bahay natin, gaano man kalakas ang unos na dumating, hindi sumusuko, hindi natitinag at bagamat nasisira sa lakas ng hangin nanatili pa rin itong nakatayo para sa kaligtasan natin. Yan ang tatay mo anak" Si nanay na hindi ko na naman namalayan na nasa aking tabi na pala.

Tumingin muli ako sa aking paligid at natanaw ko na naman ang mga kabahayan sa sabdibisyon na iyon at napa isip ako ng malalim. Tumingin ako kay nanay na nakamasid sa akin. At si tatay, papalapit sa amin, pawisan man subalit hindi mababakas sa mukha ang pagod, nakangiti s’ya na sa amin ay nakatingin.







15 komento:

  1. may agimat ang bahay nila? hehehe.

    Magandang araw sa'yo parekoy.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kagagaling ko lamang sa bahay mo sir ekoni.

      bumabati sayo ng maligayang araw ng mga Ama.

      maraming salamat po

      Burahin
  2. happy father's day sa lahat ng mga haligi ng tahanan :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat sir bino

      balang araw babatiin din kita tulad ng pagbati mo amin na mga Tatay na.

      salamat po :)

      Burahin
  3. hello Istambay!
    naku..huli man daw at magaling maihahabol din..hehe..
    belated happy father's day!!! :-)
    para sa akin, nakuha mo ang eksaktong paglalarawan ng isang ama.
    napakagaling.

    TumugonBurahin
  4. Great post! :) nakakatuwa ang mga tatay ano? Happy father's day to all!!

    TumugonBurahin
  5. ang galing mo sumulat parekoy..
    nakaka antig

    TumugonBurahin
  6. matatag ang tatay....ganun naman talaga sila...

    TumugonBurahin
  7. nakarelate ako dito ...

    naalala ko yung dati naming bahay. :)

    TumugonBurahin
  8. banjo!! galaw-galaw! dalaw ka sa post ko now na! hmmmp!

    TumugonBurahin
  9. Napakahusay ng paglalarawan ng isang haligi at kung paano binuhay ng iyong kuwento ang kadakilaan ng ating mga ama.

    Alam mo kapag paparating ang bagyo sa amin, upang maiwasang magiba ang bahay, lalagyan ng tatay ko ng suhay ang paligid ng aming bahay.

    Marahil ganun nga ang ating mga ama. Haligi, minsa'y inaanay pero kadalasa'y kasing tibay ng Molave sa katatagan at responsibilidad.

    Kamusta Sir Banjo?

    TumugonBurahin
  10. Hala.. Hala.. Parekoy natuwa naman ako dito pag balik ko.. nasa-gilid pa din yung galing sa Road to Kill na award :))

    TumugonBurahin
  11. nice story I don,t know this is real or fake but it,s good. I like your blog and read your posting it is so good.
    Web design india

    TumugonBurahin