Martes, Agosto 21, 2012

SA AKING PANAGINIP






Umiihip ang hangin, humahampas sa makinis mong katawan. Isinasayaw ang mga punong luntian. Inililipad ang mga tuyong dahon patungo sa kung saan. Kay inam pagmasdan, ang babaeng iyon na nakatayo sa gitna ng kaparangan. Ang babaeng aking iniibig. Ang babaeng pumukaw ng aking kamalayan.

Matagal ng panahon ang nakalipas subalit sariwa pa sa aking alaala ang lahat. Ang iyong mga ngiting nagpapaligaya ng aking buong maghapon. Ang maamo mong mukha na hindi nawawaglit sa aking paningin. Paano nga ba tayo nagkakilala? Ahhh.. oo nga pala. Napukaw ang ating interes sa isang kwentong pareho nating sinubaybayan, nagsakasalubong tayo sa lugar ng siyang may akda niyon. Doon tayo nagsimula, hindi inaasahang sisibol ang damdaming alam nating mali subalit hindi natin nagawang pigilan. Marahil noon lamang natin naramdaman ang kakaibang damdaming nagbigay ng kulay sa mundong ating tinatahak. Alam nating walang patutunguhan kundi sakit. Matinding sakit na katumbas ng ating nararamdamang kasiyahan.

Milya ang sa atin ay nakapagitan subalit hindi naging sagabal upang ating pagsaluhan ang tamis ng pag-ibig. Magkasama nating inakyat ang hagdanan patungo sa kaitaasan, sa dulo hawak kamay nating nilipad ang kalawakan, nakapailalim sa atin ang daigdig. Pinagmamasdan ang pag inog nito.  Sabay din tayong babalik upang magpaalam sa isa't isa at magbibitiw ng pangakong magkikita muli kinabukasan. Ulila sa magdamag at dinig ang bawat pitik ng orasan. Hindi maiwasan ang pangamba, samu't saring panghihinayang ang sumasagi sa aking isip subalit nanaig ang  pananabik na muli kang masilayan.

Paulit ulit, hindi na mabilang ang dahong nalagas ng panahon. At dumating pangyayaring alam naman nating s'yang ating patutunguhan subalit hindi natin inaasahan sa kadahilanang atin na lamang na hinayaan. Masakit. Napakasakit.

Hindi natin magagawang takasan ang riyalidad sa pamamagitan lamang ng ating panaginip. Babalik at babalik tayo sa katotohanang hindi tayo para sa isa't isa. Aking tinanggap ang aking kamalian. Alam nating ito talaga ang nararapat subalit ganon pa man, hindi ko pinagsisihan ang mga pangyayari.

Maraming salamat sa masasayang alaala.

Aakyat muli ako sa hagdanan at pagdating sa dulo lilipad ako sa kalawakan at papailalim muli sa akin ang daigdig.  Doon lamang kita masisilayan at makakapiling na muli. Doon lamang... sa aking panaginip.

29 (na) komento:

  1. Ang lalim nito. Naisip ko parang nasa ibang bansa ang isa sa kanila. O panaginip lamang.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. korek po sir empi, ofw siya. :)

      salamat po sa pagdaan :)

      Burahin
  2. isa namang magandang likha mula sa iyo! astig :D

    TumugonBurahin
  3. Hi Tambay,
    ano nangyari kay Istambay? hehe.
    di ko maarok ang kalaliman ng gawa mo ngaun. dalawang beses ko na binasa ito pero di pa rin ma-gets..hehe..pumupurol na ang isip ko, kakahiya isa pa naman akong ofw pero di ko mai-konek. :-)
    babalik ako bukas, bakasakaling may further explanation.
    ingat po lagi. God bless.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naku maam animus hindi ko na explain kasi.. kasi.. ah basta hmmm... naalala ko lang po ang isang part ng nakaraan ko :)

      magandang araw po.. siguro eh sabihin ko sayo next time via email na lang po

      Burahin
  4. yun yun eh. astig. that's why i'm in love with the language (FILIPINO) coz it's just so romantic.
    nakuha mo ang tamang timpla. ang ganda nito. pramis!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat ester, basta yata tungkol sa pag-ibig eh gets na gets mo hehehe..

      gandang araw po :)

      Burahin
  5. sa panaginip doon talaga kahit ano puwede....parang gusto ulit mapanaginipan ang napanaginipan..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sa panaginip walang imposible, maaring mangyari ang lahat

      salamat sa pagbisita sir arvin :)

      Burahin
  6. Bakit hindi sila pwede? Bakit bawal? Bakit? Hehehe

    Hi Sir. Musta po?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Magandang araw sir Jkul. Di ko pede sabihin eheheh.. masyadong komplikado.

      salamat po. ako naman ay mabuti.

      musta naman po?

      Burahin
  7. makata ka talaga nivla..and this is sooo nice, kung ndi lan bwal ma-in love, im sure im gonna fall. lolz!lalimmmmm... i suddenly realized i miz readi'n ur stories. stay safe..muah!^^

    TumugonBurahin
  8. "Hindi natin magagawang takasan ang riyalidad sa pamamagitan lamang ng ating panaginip."

    Woohoo. Ang lalim ng pinaghugutan neto. Sa dami ng nasabi mo, isa paring katanungan kung anu talaga yung nangyari sa kanila. Lupet!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ahehe. secret sir. pahapyaw lamang.

      maraming salamat po

      Burahin
  9. Hanu ba yan parekoy..super uber lalim naman.. pero infairness super miss ko ang mga sulat mo..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ay marekoy. may kirot sa pwet este sa puso ito :)

      salamat ha.

      Burahin
  10. isa na naman maganda at kapaki pakinabang na post sir! salamat!

    TumugonBurahin
  11. May part sa buhay natin na sinubok tayo
    Mga pagkakataon na mali ang oras na pinagtagpo..
    isang magandang ala ala na masarap sariwain ngunit d pweding balikan.. salamat sa ala ala ng kapong nagdaan...
    go with the life.. i wish u to be happier
    may be in next life, i will surely search the world to find you... Sparrow

    PS all ur stories are amazing keep it up :)

    TumugonBurahin
  12. labis ang aking kasiyahan nang mabasa ko ang komentong ito. miss na miss na kita kala mo ba?

    maraming salamat sa lahat ng alaala. ganon pa din ako hanggang ngayon :)

    JMPWFZPV

    TumugonBurahin
  13. Mga Tugon
    1. Ikaw pala ma'am.

      salamat po sa inyong palagiang pagbisita. :)

      Burahin
  14. huwaw ..!!! ang husay mo po talaga .. salamt din po sa pagdalaw sa aking blog ... magbabasa ulit ako hanggang mamayanag hapon ... para tumalino ako sa mga salitang nakakantig ng damdamin...

    daisylee-saberon.blogspot.com << visit me here mo ..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. napapangiti naman po ako..

      maraming salamat po ..

      isang malaking hug :)

      Burahin
  15. adultery? hello, banjo... ikaw na ang mahusay humabi... :)

    TumugonBurahin
  16. parang nakakalungkot naman hahaha...ayoko minsan magbasa ng mga ganito, nice po..lalim minsan dapat may malawak kang pag iisip bago mo maintindihan ang lahat...

    TumugonBurahin