Huwebes, Setyembre 13, 2012

LANGIT





Nakabibingi, nanunuot sa aking katinuan ang pigil na mga hikbi ni Ina sa kabilang silid. Hindi ako dalawin ng kapayapaan ng isip sa ganitong pagkakataon. Matagal na din nananahan sa akin ang ganitong damdamin. Walang pagbabago, tulad ng isang mundong nakapailalim sa kalawakan ng gabi, ang lamig, ang katahimikan, ang dilim ang bumubuo sa aking kamalayan. 


Unti unting sumasabog ang liwanag sa silangan, may bago na namang umaga. Subalit ang tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Aking kapatid na patpatin, babangong may tuyo pang laway. Sa kusina si Nanay na palaging may matalim na titig sa akin. Kasunod nito ang masasakit na salitang almusal ko tuwing umaga. Patungkol sa walanghiya ko daw na Ama.  Walang malinaw sa aking isipan. Nangangapa ng mga salitang magbibigay ng liwanag sa akin.  Ang damdamin kong ito'y tila isang tigang lupa na pinagkaitan ng ulan. 


Ang sikat ng araw ay nais sumambulat sa paligid, tila pinipigilan naman ng makapal na ulap, hinaharangan. May nais lamang na ipahiwatig, alam ko. Ibig makiramay sa kalungkutan ng daigdig, kalungkutang dulot ng mga hikbing iyon. Lilisan kami ni bunso patungong kakahuyan. Maghahanap ng maaring maitulong sa aming kabuhayan. Minsan nama’y sa may aplaya. Naghahakot ng mga isdang bibilhin ng hindi na makabuhat. Isinasabay na sa pagtampisaw sa dagat ang paglalaro.  Maalat subalit pait ang aking nalalasahan.


Ano nga ba ang ginawa ni Ama dahilan upang ako'y pagkaitan ng ngiting magmumula sa aking Ina? Sa halip, pananakit ng katawan at matatalim na pananalita ang pumupunit sa aking kalamnan. Habang ang luha ay kadenang walang patid na dumadaloy sa aking mga mata, gayun din naman ang luha ni Ina. Si bunso'y matamang nakatitig sa mga pangyayaring hindi pa dapat niya makita. 


Tanda ko pa noon, hindi mawala ang ngiti ni Ina sa akin. Gumigising ako tuwing umaga na sya ang kapiling. Palaging binabanggit na kahawig ko si Ama. Masaya si Ina na aking namamasdan. Subalit magmula noong lumisan si Ama sa hindi ko mawaring dahilan, nagbago ang lahat. Sumasalubong na ang ihip ng hangin. Palagian kong naririnig kay Ina, katulad ako ng walanghiya kong Ama. Suwail, iresponsable, walang kaluluwa.


Mapait ang katotohanan sa aking pakiwari. Taglay ni Ina ang galit sa daigdig. Ang pagkamuhi sa aking Ama na siyang nakadikit sa akin. Ito ang damdaming umaalipin sa kanya.  Unti unti nabibigyan ng kasagutan ang lahat... sana. Sa bawat araw na lumipas, walang pagbabago. May tuyong laway si bunso sa pagbangon. Larawan ng isang walang dunong at walang muwang sa mga pangyayari, subalit ganon pa man, alam kong nakatatak sa kanyang isipan ang lahat. Nakapangangamba. 


Katatapos lamang ng unos na iyon na sumabay sa dalamhating aking nararamdaman. Kasama ko si bunso na lumisan sa bahay upang gawin ang sa amin ay nakalaan na tungkulin. Tumingin si bunso sa kaitasan. Pilit umaalpas ang sikat ng araw sa likod ng mga ulap. Binibigyang kulay ang asul na kalawakan. 


"Sana sumikat ang araw upang makita ko ang langit." 


Munting tinig na namutawi sa bibig ni bunso habang nakatitig sa kalawakan. Natanong ko sa aking sarili. May taong nakarating na kaya sa langit? Alam ko na ang kasagutan. Ang tinatanaw ni bunso ay hindi langit. Ang kanyang nakikita ay hangganan lang ng kanyang pananaw. Parang tinig ni bunso, ang langit ay nasa tao , hindi nakikita, hindi nahahawakan.



38 komento:

  1. lagi na lang ako'ng napapahanga ng mga sulat mo. gaya nito'ng bago mo'ng akda. napakahusay mo talaga! sana mabigyan ako ng pagkakataon na makilala ka sa personal!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat sir bino.

      yaan mo, hindi maglalaon at makakasama din ako sa mga EB ng ibang mga kaibigang blogero.

      salamat po muli :)

      Burahin
  2. ang langit ay nasa tao , hindi nakikita, hindi nahahawakan.
    sakto!
    ngayon lang din ako npatambay dito

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat po sa inyong pagbisita sir, sana po ay muli ko kayong makita dito :)

      Burahin
  3. ang galing! lalo na yung last part!

    malalim talaga pinaghuhugutan niyo sir!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nasulat ko lamang sir habang akoy walang ginagawa :)

      salamat po :)

      Burahin
  4. wow. isa ka talaga sa pinaka magagaling na blogero ngayon.nice parekoy!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tulad mo sir, akoy humahanga sa angking mong husay :)

      maraming salamat po :)

      Burahin
  5. matalinhaga ang sang to at maganda....as i see it, u really r getting better each time sis...i would'nt be surprise if one day u turn out to be the best blogger..^^..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ay sis, nakakahiya naman ang iyong mga tinuran, tumaba ang aking puso eh. bumigat tuloy ako ng isang kilo. ^^

      sis, namiss kitang tunay :)

      Burahin
  6. "Ang tinatanaw ni bunso ay hindi langit. Ang kanyang nakikita ay hangganan lang ng kanyang pananaw."

    Ang lalim nito. Parang hindi maarok ng kanyang kawalang-malay... =)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ang langit ay nasa ating puso, ang ating tinatanaw sa kaitaasan ay hangganan lang ng ating balintataw :)

      maraming salamat sir. ito ung mga tipo kong sulatin. humahamon sa isipan.

      :)

      Burahin
  7. Mga Tugon
    1. ako'y kagagaling lamang sa iyong pahina.

      maraming salamat po, malalim man sana po ay inyong nagustuhan ^^

      Burahin
  8. wow puti kana!!!
    haaaiiissstt napapahanga mo talaga ako lagi....

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ayun iyah, ngayon lang ulit ikaw nakapasyal no hehe. musta?

      ako man ay humahanga sayo no, hindi mo lang alam hahaha :)

      magandang araw sayo :)

      Burahin
  9. ang kasiyahan sa buhay ay maituturing na ikaw ay nasa langit....pero kung pait at lungkot ang naghahari ay para kang nasa impiyerno....

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat sirt arvin.

      tama ang iyong tinuran :)

      Burahin
  10. wow grabeh! ang lalim. never read a blog like this,

    just me,
    www.phioxee.com
    http://phioxeeAwareness.blogspot.com

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ay ateng, nagpunta ako sa bahay mo at nagiwan ng bakas duon.

      maraming salamat po :)

      Burahin
    2. salamat po ;-) followed you. ano na next post mo ;-)

      Burahin
  11. Mga Tugon
    1. salamat po. welcome po pala sa blogworld. sanay marami pang kwento ang aking mabasa mula sa inyo :)

      Burahin
  12. very sad poem...but very good...:)


    xx!

    TumugonBurahin
  13. Mga Tugon
    1. hi maam myx. ang dami mong blog. pinalo ko po ung myxilog.

      salamat po sa pagtambay :)

      Burahin
  14. <-- speechless ... Ang galing mo pards..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ikaw man ay magaling din. tagahanga mo na nga ako eh..

      salamat sir

      Burahin
  15. isa kang alamat at inspirasyon, sana isang beses ay makapagsulat din ako ng isang matalinghagang sanaysay gaya nito..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakakataba naman ng puso.

      kaya mong sumulat, paganahin ang imahinasyon, balikan ang alaala. :)

      salamat po at magandang araw :)

      Burahin
  16. Maraming salamat sa pagbabasa ng lahok ko, sir. Dahil doon natumba 'yung katabi ko! Tapos nasuntok ang labi ko. Ang sakeeeet, sir! Haha. Saka dahil doon, nalaman ko ang site niyo. Napakaganda ng mga nakasulat! May bago nanaman akong susubaybayang mga sulatin! Mabuhay! Hihi

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat sir tado.

      nakakatuwa naman. ang aking hinahangaan ay tumambay din sito sa aking munting pahina :)

      salamat po mulit :)

      Burahin
  17. gusto ko yung istilo mo ngayon sir Banjo. Parang Tula. Maganda ang paghahambing.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sir joey. long time no hear. musta na po?

      Burahin
  18. daan ka din po sa blog ... gaganda ng post mo .. tatapusin ko lahat ito basahin .. isang tunay na malikhaing isip .. malalim ang mga titik, salitang yumayanig hanggang ngayon sa mangmang kong diwa .. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ayun ka ulit. ay ang laki ng aking ngiti dine eh :)

      salamat po ..

      kiss naman para sayo . :)

      Burahin
  19. aftermath ng adultery? ito na ang produktong suffering? kainaman... :)

    TumugonBurahin