Paloko ka, tuwing magtatagpo ang ating landas, hindi nawawala ang mga
tanong mong umuukilkil sa aking tenga. Ang kulit. Bakit mo ba ako natawag na
pulubi? Dahil ba sa aking itsura? Dahil ba wala akong pera? Dahil ba sa pagala
gala lang ako sa lansangan? Dahil ba sa kinakausap ko ang aking sarili habang
nakalahad ang kamay sa harap ng nagkakaripasang mga tao? Ha, mali, kinakati
tuloy akong isambulat ang iba't ibang ako. Ilalakbay ko ang diwang bulag o di
kaya ay may piring ng sinumang tumatanghod dito sa mga lugar na hindi pa nila
nararating.
Punta tayo sa kalunsuran, nandoon ako sa tabi ng isang tindahan ng
mamahaling pagkain, umaamot sa kusing na maaring bahagi lamang ng sukli ng
sinumang bumili. Sindikato ang turing sa akin ng iba? Walastik, iisipin ko pa
ba ang sindikatong iyan? Sindikatong kumakalam ang tiyan at umaasa sa baryang
ihuhulog sa lata ng sardinas na aking daladala. Iyon nga siguro ako. Pumupustura
din ako at umaangulo sa isang makipot na upuan na nalalambungan ng kumukutikutitap
na ilaw. Halos ipakita ko na ang aking kaluluwa maakit lamang ang espiritu mo. Titigan
mo ako at masisilayan mo ang ngiting magpapataas ng iyong temparatura. Wala
akong pakialam kung sumabog man ang mura kong ugat sa laki ng kagaguhang
gagawin mo sa akin kung ang kapalit naman nito ay ang pagkaing dadaan sa bibig
ng mga sa akin ay umaasa. Kapit sa patalim ika nga. Itunghay mo ang iyong paningin, nandoon din
kaya ako sa pinakamataas na gusaling iyon, nagtatrabaho. Nakakurbata at bitbit
ang maleta habang nakabuntot at hindi magkanda ugaga sa pagsunod sa bawat
kumpas ng kamay mula sa maputing mataas na lalakeng siyang aking amo. Ang iba
nga ay mestiso o kaya singkit pa. Meron ding sakang. Pero mababait ang mga
iyan, ang nagpapasahod sa talino at hirap na inilalaan ko para sa mas matatag
na pag-aari nila. Astig diba? Pero sana naisip ko na mas astig kung ako ang
pinaglilingkuran nila sa sariling akin.
Doon na nga lang sa probinsya, maayos ang pamumuhay ko doon. Sa tabi
ng ilog at naglalaguang gubat. Simpleng simple lamang. Sipag lamang ang aking
puhunan at meron na akong ihahain sa mesa. Negosyante din ako at likas sa akin
ang kabaitan, kita mo naman dinala ko dito sa probinsya ang aking negosyo. Tinulungan
ko ang ibang kagaya ko na magkaroon ng trabaho. Pabrika, Paultry, Piggery,
Laboratoryo at iba pa. At ang latak ng aking produkto ay sa ilog ang lagakan.
Ayos, sinong magrereklamo kundi iilan lamang. Subukan nilang banggain ako at tiyak
na may kalalagyan sila sa akin. Puputulin ko ang mga puno, yaman ko ito eh kaya
dapat kong pakinabangan. Anong patago o may pailalim na kasunduan? Hindi ah.
Alam ito ng kinauukulan dahil ako din mismo ang kunauukulan.
Nakapaglibot na din ako sa buong mundo. Iba't ibang kadahilanan ang
aking naging paglalakbay sa iba't ibang lupalop ng daigdig. Sikat ako eh.
Walang hindi nakakakilala sa akin. Ipinagmamalaki kong ako'y isang may
kayumangging lahi. Kilala ako sa larangan ng palakasan. Sa dami ng lahing aking
pinaluhod at pinabagsak ng aking kamao. Dangal ako ng aking lahi. Marami
pang dahilan kung bakit kilala ako sa
iba't ibang larangan, mas nangingibabaw ang aking katalinuhan na gusto ko
sanang magamit sa sarili kong bayan pero matindi din ang aking pangangailangan
na hindi naman kayang tugunan ng dapat sana sa akin ay nakikinabang. Mahirap
malayo sa piling ng mga kaanak subalit kailangan kong labanan ang kalungkutang
ito para lamang may maibigay na rangyang hindi ko makita sa sariling akin. Naghuhugas
ako ng puwet ng may puwet. Ipinaghahanda ko ng pagkain ang pamilyang hindi ko
naman kakilala pero sa akin ay kumukupkop. Nakabilad ang aking katawan sa
ilalim ng napakainit na araw, tumatagktak ang pawis at nakikihalubilo sa mga
taong hindi naliligo o naglilinis man lang ng katawan. Minsan pa nga hindi na
ako bumalik sa aking pinagmulan, pinilit kong yakapin ang kulturang hindi naman
taal sa akin. At dumating ang puntong ako'y mistulang dayuhan sa sarili kong
bayan. Marami pang ibang kadahilanan ang aking ginawang paglisan. Sa kabila ng
lahat ng ito, nasilayan mo ba sa akin ang kalungkutan? Likas akong masayahin at
diyan mas kilala ang aking lahi.
Pasyalan mo ako sa palasyo at mararamdaman mong hindi ako pulubi. Walang
amoy ng bulok na basura pero marami kang makikita na plastik. Pasyalan
mo ako sa aking upuan at masisilayan mo ang rangyang aking ipinagkait sa iba.
Iniluklok ako dito ng ating mga sarili kapalit ng mga pangakong aking
binitawan. O kung hindi man ay binago ko ang mga numero ng resulta gamit ang
eskwalang bakal na nakasubo sa bibig ng nagtatangkang sa akin ay pumigil na
makapaglingkod sa aking bayan. Ayaw mong maniwala? Sige na nga, na makapangurakot
sa kaban ng aking bayan. Madali naman akong lapitan kung ikaw ay aking
kamag-anak o di kaya ay aking kaibigan o di kaya kung ako ay mapapakinabangan
mula sa iyo. Pumasok ka sa aking opisina at mag-usap tayo.
Hindi na ako lalayo pa, samahan mo akong galugarin ang aking sarili.
Iyong sarili ko mismo. Oo, mahirap lamang ako na umaasa sa grasya ng aking mga
karatig. Hindi naman dapat ito nangyayari kung may sistema lamang na nasusunod
sa aking kinabibilangan. Mayaman naman talaga ako. Wala lamang ito sa tamang
paggamit ng aking yaman. Ito ay nasa kapakinabangan lamang ng may matatamis na
pananalita na s'yang ating pinagkatiwalaan. Oo, Pulubi ako sa tingin ng iba.
Pero sa kabila niito, meron akong cellphone, meron akong iphone, meron akong Tablet,
meron akong Laptop. Magpapahuli ba ako? Pulubi ba ako? Sa kahit na anong paraan
ay pinilit kong makaroon ako nito, sinong makapagsasabing ako ay isang dukha?
Kung tutuusin, mabubuhay ako ng wala ang mga ganitong aparato sa buhay ko. Pero
Unti unti nitong ginagawang maging parte na ng aking pagkatao na kapag nawala
parang katapusan na ng mundo. Ewan ko ba. Asitg kasi eh. Ayaw kong
magpahuli. Kumalam na ang sikmura pero nakakasabay naman ako sa uso. Baluktot na
katwiran.
Ang aking mga nasambit sa iyo ay kapilas lamang ng aking sarili. Tulad
mo at ng mga nagawa mong tama at mali, sadya man o hindi, ikaw din ay aking
bahagi. Bakit hindi mo subukang lumabas ng bahay habang lumuluha ang langit,
hindi naman bawal ang maligo sa ulan. Buksan mo ang nakapinid mong isipan,
paliparin ang diwang nakakubli sa karangyaan o kahirapan ng iyong buhay. Baka sakaling iyong marating ang aking mga
napuntahan. Hindi ang lugar kundi
ang katotohanan ng mga pangyayari. At doon iyong matagpuan ang kasagutan sa mga
hindi mo naman itinatanong subalit kumakatok sa iyong agam agam. Walang
katapusan ang ating paglalakbay. Hindi
natin natatanaw ang dulo ng daan. Marami pa tayong maaring patunguhan.
__________________________________________________________________________________
***Likhang lahok para sa kategoryang "Maikling Kwento"
![]() | ||||
SARANGGOLA BLOG AWARDS |
sa pakikipagtulungan ng:
![]() |
isang mahusay na akda mula sa iyo! may laban ito sa maikling kwento. mukhang kayo ni will ng melikesart ang magkakabangga :)
TumugonBurahinmaraming salamat sir bino. ang iyo mang akda ay may laban din.
Burahindi ko kilala si sir melikesart. mapuntahan nga. :)
good luck sa entry mo ser :)
TumugonBurahingoodluck dino po sa inyong entry :)
Burahin"Tulad mo at ng mga nagawa mong tama at mali, sadya man o hindi, ikaw din ay aking bahagi."
TumugonBurahinNatamaan din ako dito. Haha. Baka mabaliw ako pag walang selepono. Nagdudugo talaga ilong ko kahit tagalog ang gamit mo. Lol.
Goodluck sa entry mo ser!
sanay lang po sa ating wika. palibhasa eh laking probinsya at taal na kabitenyo kaya may kalaliman ang aking pananagalog.
Burahinsalamat po sa muli nyong pagbisita sir gord ^^
Hi Tambay,
TumugonBurahinnapakagandang kwento. tumatagos po sa puso't isipan.
best of luck!
hi animus. salamat naman at muli kita nakita.
Burahinhappy 3rd year blogsary ulet ^^
napakalupit mo talaga parekoy! mahirap kalabanin itong akda mo :)goodluck parekoy!
TumugonBurahinjayrulez
ikaw pala sir jay. salamat po. binasa ko ang iyong entry at ako'y namangha sa ganda ng iyong lugar. kwento pa lang yan ha. lalo akong mamamangha kung makakarating ako sa lugar mo..
Burahinmaraming salamat sir :)
its a good story .. all are well blend goodluck on this :)
TumugonBurahinsino ga kayo?
Burahinaba'y maraming salamat po :)
parang isang salamin na ang repleksiyon ay ang mga taong nagpapaalipin sa mundo ng komersiyalismo at materyalismo, istorya at lakbay ng iba't ibang uri ng pilipino.
TumugonBurahinmaganda ang materyal na ito sir! goodluck sa atin :)
maraming salamat sir limarx. pasok sa banga ang iyon punto. hanga talaga ako sa inyong malawak na kaisipan. idol kita sir :)
Burahinmarami pang iba't ibang uri ng ating lahi ang naglalakbay sa kung ano anong pangyayari na sumasalamin sa kanyang pagkatao.
maraming salamat po muli ^^
isang magandang akda ^^ tagos sa puso at isipan ang bawat salita.. Goodluck sa entry ^^
TumugonBurahinmaraming salamat po sa inyong pabisita at pagbasa ng aking munting lahok.
Burahinmakita po sana kitang muli dito :)
cheersss
nakikitambay ;-)
TumugonBurahingrabeh talaga ang pilipinas anoh. lalo na yung mga filipino. kasi naman wala na kasi mas magandang gawin kundi maging praktikal. ang hirap naman kasi maka realize ng lahat ng probleman sa lipunan tapos wala ka naman kasamang pumasan ng lahat ng realization. so better yet, chill nalng. babaw ko anoh?pero ganun talaga.
just me,
www.phioxee.com
http://phioxeeAwareness.blogspot.com
hi ma,am phioxee. salamat sa muling pagbisita.
Burahintama po ang inyong nabanggit. sistema na yata pero sana naman eh hindi :(
gandang araw po
ay tumatambay talaga ako dito. kasi naman, minsan lang ako makakahanap ng me content na blog.
Burahinmarami pa pong bloggers ang magagaling sumulat. :) makikita nyo po sa aking blogroll. puntahan nyo din :)
Burahinung sa inyo po man akoy humahanga. kaganda kasi eh :)
maganda ang pag kaka relpeksyon ng iyong kwento sa ibat ibang mukha ng pamumuhay nating mga pinoy. good luck po sa entry nyo :)
TumugonBurahinmarami pong salamat. maraming mukha ang buhay ng ating lahi. pero ganon pa man, may nagsusuot pa din ng maskara :(
Burahinyup may punto ka.. pero d ba ngat mas mahirap arukin ang tunay na mukha sa likod ng maskara, madalas ang mga nagssuoot ay nagtatago lang ng sakit na nadarama.. pero mas maigi nang ang maskarang suot ay gawa sa tinik ng rosas, nang d na tangkain pang masilayan ang tunay na mukha. mas maigi na ang ganun para walang nang iiyak na tala...
Burahinmay laman ang inyong nabanggit sa hulihan, di yata ay sumasalamin sa inyong karanasan.
Burahinkaraniwang nakamaskara ang ayaw magpakilala o may itinatagong ayaw makita ng iba. maraming dahilan. pero hangga't walang basehan o kung meron man, wala pa din sa atin ang karapatang humusga. pero ganun pa man, sa ating sarili at kung anong karansan o bagay na tumitimo sa ating isipan. malaya nating mabibigyan ng pakpak upang lumpidad sa kalawakan.
Iba't ibang mukha, estado sa buhay at manlalakbay.. bali-baligtarin man, gawing kumplikado o kahit mag-fill in the blanks pa, kilala kasi PINOY yan! Good luck po dito.
TumugonBurahinsabi nga daw, walang katulad ang pinoy. kahit saang bans pa tayo, makikilala at makikilala mo sila. :) parang ina sa anak. lukso ng dugo :)
Burahingandang araw po :)
Mula sa pulubi, sa prostitute, sa corporate slave, negosyante, OFW, pulitiko, hanggang sa mapareflect ako sa sarli ko... Ang galing. Totoo nga, hindi lang ang taong grasa at mga palaboy ang totoong pulubi. Lahat tayo namumulubi sa iba't-ibang levels. Sino na lang ang totoong mayaman?
TumugonBurahintama sir glentot. lahat ng inyong nasabi ay aking nabanggit sa kwento. abng galing nyo sir. :)
Burahinang totoong mayaman ay tayo pa rin. ikinukubli lang tayo ng kahirapan dahil sa sistemang umiiral sa atin. may sistema pero hindi nasusunod. nagiging makasarili tayong lahat dahil dito.
magandang araw po :)
napaka ganda .. mahusay .. nakakainspire magsulat ng magsulat .. :) bisita rin po kayo sa blog ko ..
TumugonBurahinhay ma,am galing ako sa inyong bahay. pumalo na din :)
Burahinmaraming salamat po sa pagbasa :) sana muli tayong magkita ^^
malayo pa ang ating lalakbayin patungo sa kung saan talaga tayo....good luck sa entry mong ito..
TumugonBurahinhindi pa natin natatanw ang dulo ng daan :)
Burahinmaraming salamat po sir arvin
salamat po ulit sa pagbisita sa blog ko ... :)
TumugonBurahinhay ma,am galing ako sa inyong bahay. pumalo na din :)
Burahinmaraming salamat po sa pagbasa :) sana muli tayong magkita ^^
inulit ko lamang po ung nasa taas :) kita ulit tayo :)
Lagi mong itinataas ang antas ng ating wika sa iyong sulatin Sir Banjo. Isa ito sa dahilan kung bakit masarap namnamin ang wikang Filipino. Kahalintulad ito ng ating barong tagalog, ng kutsilyo ng mga taga- Batangas, ng danggit ng mga taga- Cebu at durian ng mga taga- Davao.
TumugonBurahinSa paksang inihayag mo dito ay naging mas malalim ang paglalakbay bilang ibinigay na paksa ng timpalak ng SBA. Ito'y paglalakbay nating mga Pilipino ano mang antas ng pagkatao natin sa lipunan. Amusin o nag-aanyong Diyos man. Dalisay o nagaanyong puro lamang.
:)
Wikang filipino ang aking gamit dahil ito ay atin, hindi natin hiram, may kalayaan natin magagamit.
BurahinTulad mo sir jkul, itinataas mo din ang antas ng ating wika sa iyong sulatin. Ikaw ang aking idol :)
sana may entry ka sa SBA o kung hindi man, sumulat ka ng naayon sa kanilang tema. Gusto kong muling makabasa ng iyong akda.
hanep! isama pa natin ang paglalakbay ng ating supot na karapatan sa paglalahad ng nararamdaman. malayo pa ang ating lalakbayin. sana, sa dulo ng biyaheng ito, mapulot natin ang ating sarili na nakangiti.
TumugonBurahinmabuhay!
tuli na dati pa ang ating karapatan sa paglalahad ng ating damdamin. nagiging supot muli ito dahil sa pagpapatibay ng batas na siyang nagpalambot sa pagiging patigas nito at ng malaoy naging supot nga :)
Burahinmaraming salamat po sa inyong muling pagbisita :)
Ano't ano man sana hindi tayo magpatangay sa sistema. Sana matuto pa tayong tayuan ang ating mga sariling paniniwala. Gaya nga ng sinabi mo Marami pa tayong maaring patunguhan.
TumugonBurahinIsang magandang akda sir. Kudos :)
maraming salamat sir bagotilyo.
Burahintintanong ko tuloy sa aking sarili, ganon na ba talaga kalala ang pagkagutom nating mga pinoy at pati ang sariling sistema ay nilalamon. Ang hirap hagilapin ng kasagutan. Madami kasin :(
hanga ko sa iyong entry para sa SBA. panalo sir :)
hello, banjo... ang husay talaga ng imaination mo, kapatid. good luck sa iyong entry :)
TumugonBurahinhello ma,am, salamat po sa inyong pagbasa.
BurahinKelan po ang muli ninyong post :)
magandang araw po ^^
masiyadong malalim ata ang pag huhukay mo parekoy. very nice artiks!
TumugonBurahinsir, maraming salamat po.
Burahinlumalalim ang gabi pero hindi nahuhukay :) parang ganon ang ginawa kong pagpanday.
maraming salamat po muli ^^
This is the precise weblog for anybody who needs to seek out out about this topic. You notice so much its almost arduous to argue with you. You positively put a brand new spin on a subject that's been written about for years. Nice stuff, simply nice!
TumugonBurahinGod bless Dr.Okwuezeala for his marvelous work in my life, I was separate with my husband for the pass 3 year now and I wasn't satisfied i needed to get my husband back because the life of loneliness was so terrible for me and my 2 kids I searched about some possible spell caster that can bring back lover and i then come across Dr.Okwuezeala i saw a comment about Dr.Okwuezeala, how he bring lovers together with his spell caster I contacted him and he guided me. I asked for solutions, he started the remedy for my spell he ask for some information which i sent to him and also told some few things to do, after 48 hours my husband call me and start bagging me for forgiveness for all that happens i am so happy right now that we are back again as one family. If you are in the same situation right now and you don't know what to do or where to go, you can contact Dr.Okwuezeala today on dr.okwuezeala.temple@gmail.com
TumugonBurahinWhatsapp:- +2348123446245
he can help you out of that you situation.